Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Script2
Noli Me Tangere Script2
Padre Damaso: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!
(biglang natigil ang usapan)
Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si. . . .
Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat.
(nagpalakpakan, liban kay Ibarra)
Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set)
Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong
ama
na si Raphael Ibarra!
Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsa.y hindi ko naging
kaibigan ang iyong ama!
Tiago: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
(curtains on. . .palit ng set..habang nagpapalit ng set*offstage voice*)
Victorina: Argh wala ka bang mata?!
Tinyente: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok..
Victorina: Argh
(curtains off..ready na ang set: hapag kainan)
Tenyente: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?
Crisostomo Ibarra: Pitong taon po
Tenyente: Aaaahpitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!
Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?
Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung
bakit at
paano namatay ang aking ama.
Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat
na
mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga
dito
sa bayang ito!
Crisostomo Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang
Pilipinas
Crisostomo Ibarra: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya
dati pa
at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.
Kapitan Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong
gabi,
sinundo na siya ni Isabel.
Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat
asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.
(curtains onAng Erehe at Rebeldemusic on)
(curtains off)
TINYENTE: Seor Ibarra.
CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Seor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.
CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong
sabihin sa akin?
TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng
bilangguan.
CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo.y nagkakamali
lamang?
TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael
Ibarra,
siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.
CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?
TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor
ng
buwis. Nang siya.y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata
Flashback:
*offstage voice* TINYENTE: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel.
Pinagtatawanan
siya ng mga bata.
BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!
BATA 2: Hindi bat hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha!
KOLEKTOR: Tigilan nyo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Anong sabi nyo?
*offstage voice* TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang
bata
at ito.y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.
KOLEKTOR: Ikaw, ano.ng sabi mo?!
BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh-RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila!
Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito.y nawalan ng balanse.
RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.
*offstage voice* TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor.
Dahil
dito.y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano.
Dahil
sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.
*offstage voice* IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama
ko...
(curtains off)
(curtains on set: mabulaklak)
Kapitan Tiago: Clarita, sa palagay ko masmaganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi sa San
Diego
seserbisyo ang ninong mo na si Padre Damaso, inilipat na siya. Sige, maghanda ka na ng mga damit
at
magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan.
Tiya Isabel: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong
masisiyahan
siya doon, nandoon kasi si Ibarra.
Kapitan Tiago: Ah! Tama, nagpasya nga si Crisostomo dito!
SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng
kampanaAt ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo!
CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.
SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!
Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si
Basilio sa kapatid.
BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n.yo na po
Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito.y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila
si
Crispin at ito.y ikinaladkad pababa ng hagdan.
CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!
BASILIO: Crispin
Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid
ng
kampana.
End of Scene.
magdusa?
BASILIO: Inay
SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, hetoheto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko.
BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.
SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama.
BASILIO: Dumating si Itay?
SISA: Oo.
BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?
SISA: Basilio!
BASILIO: Patawad po, Inay.
Isinara ni Sisa ang pinto at siya.y napabuntong-hininga.
SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko?
End of Scene.
End of Scene.
ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Seor Ibarra. Balang araw, sa
panahong
kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo.
KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka!
End of Scene.
Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia
civil.
CONSOLACION: Mga guardia civil!
GUARDIA CIVIL: Bakit po Seora?
CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?
GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.
CONSOLACION: Dalhin n.yo siya rito.
GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Seora.
Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.
GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Seora.
CONSOLACION: Pakantahin n.yo siya.
GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!
At umawit naman si Sisa.
CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.
GUARDIA CIVIL: Opo, Seora.
Umalis ang mga guardia civil.
SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!
Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.
CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Aray!
Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.
ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!
CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na yan!
ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?
SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n.yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n.yo siya sa
tahanan ni Crisostomo Ibarra.
End of Scene.
CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano.ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan
ko
yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?
VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang
maganda!
Bumaba si Doa Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig
ang alperes.
CONSOLACION: Ano.ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo?
VICTORINA: Hindi kita uurungan!
Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan.
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!
ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae
TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.
CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!
Nagtungo ang mag-asawang de Espadaa sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na yon?!
TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?
VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay
Maria
Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!
End of Scene.
Elias: huwag kang mag-alala sa akin papatnubayan ako ng mga dasal mo.
Salome: ku.... kumusta na nga pala ang kasiyang dinaluhan mo.
Elias: ka kasiyahan?
Salome: oo ang kasayahan, ang piknik na pinuntahan mo. Ikuwento mo naman sa akin kung ano ang
nangyari.
Elias: wala nagkaroon lang ng maliit na salu-salo, nagkasiyan at nagkwentuhan.
Salome: bakit tila malungkot ka elias?
Elias: ha? Malungkot?
Salome: kinakabahan kaba na baka natunton ka nila? Wag mo munang isipin yun. Marami bang
dumalo?
Elias: marami marami.
Salome: may mga babae diba?
Elias: oo.. marami
Salome: sino-sino? Marami ba sila? Kinausap mo ba sila? Kinamayan?
Elias:hindi ko sila lahat nakausap, pero may isa don na kasintahan ng binatang galing sa Europa.
Salome: ano ang pangalan ng babaeng katipan niya?
Elias: maria clara, narinig mo na ang pangalan niya diba?
Salome: siya ang nagiisang anak na babae ni kapitan tiago?
Elias: oo siya nga
Salome: balita ko, maganda daw siya at may busilak na kalooban
Elias: ha? A.. e oo.. oo maganda nga siya.
Salome: marami bang binatang patakaw na sumulyap sa kanya?
Elias: hindi ko napansin. Te teka bakit ikay lumuluha Salome?
Salome: wala elias may naalala lang akong malungkot na pangyayari
Elias: sabihin mo Salome may bumabagabag ba sa iyong kalooban?
Salome: huwag mo akong alalahanin.
Elias: sige na sabihin mo na ang bumabagabag sa iyo. Kaibigan mo ko
Salome: hindi na ako magtatagal sa bahay na ito at lilisan na ako.
Elias: bakit kailangan mo pang lumayo Salome?
Salome: ito ang gagamitin kong pambayad sa mga pagkakautang ng aking ina at mahirap ding
mamuhay ng malayo sa mga mahal mo sa buhay. Sana akoy nauunawaan mo elias.
Elias: oo Salome naiintindihan ko. Baunin mo ang masasayang alaala nating dalawa.
Salome: oo elias.
Yayakapin ni Salome si elias. (sasarhan ang kurtina)
End of scene
Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at
agad na
umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.
End of Scene.
mo.
ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo.
Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.
ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?
IBARRA: Oo.
ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sariliililigaw ko sila.
IBARRA: Huwag Elias, labanan natin sila
ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.
Tumalon si Elias at sa tuwing siyay lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng
kanyang dugo ang ilog.
End of Scene.
DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?
End of Scene.