You are on page 1of 4

ulin Felipe

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Julian Felipe

Kompositor ng Lupang Hinirang

Kapanganakan 28 Enero 1861


Kabite, Kabite
Kamatayan

2 Oktubre 1944
Maynila

Hanapbuhay

Kompositor

Kilala dahil sa Kompositor ng


Pambansang Awit
ng Pilipinas
Si Julian Felipe (28 Enero 1861 - 2 Oktubre 1944) ay
kinikilala bilang may-katha ng Lupang Hinirang ang

pambansang awit ngPilipinas na dating tinatawag na


"Marcha Nacional Magdalo".[1]

Biograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Ipinanganak si Julin Felipe sa Lungsod ng
Cavite, Cavite. Isang mahusay na guro ng
musika at kompositor, itinalaga siya ni Emilio
Aguinaldo bilang Direktor ng Pambansang
Banda ng Unang Republika ng Pilipinas.
Pumanaw siya sa Maynila.
Si Julian ay nag-aral sa isang pampublikong
paaralan sa Binondo, Maynila. Dito siya
natutong tumugtog ng piyano at kinalaunan ay
naging organista rin siya sa simbahan ng San
Pedro. Bukod sa pagtugtog ng piyano ay
nagkatha rin siya ng mga awiting gaya ngMateti
el Santesismo, Cintas y Flores at Amorita
Danga. Nagkamit siya ng karangalang diploma
bilang pagkilala sa kanyang kakayahan dahil sa
mga awiting ito.

Pansamantalang isinantabi ni Julian ang


musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng
kalayaan sa Kabite. Naaresto at nakulong siya
noong 2 Hunyo 1898 ngunit nakalaya rin
naman. Kinuha siya ni Heneral Aguinaldo bilang
isang piyanista at kompositor. Nang ihayag ang
Unang Republika ng Pilipinas noong 12 Hunyo
1898 sa balkohahe ng bahay ni Heneral
Aguinaldo sa Kawit, Kabite ay iwinagayway ang
watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng
martsang kinatha ni Julian Felipe. Dahil dito ay
hinirang siya ni Heneral Aguinaldo bilang
direktor ng Pambansang Banda ng Unang
Republika ng Pilipinas.
Sa larangan ng politika si Julian ay nanilbihan
bilang konsehal ng lungsod ng Kabite, Kabite
noong taong 1902. Siya ay binawian ng buhay
noong 2 Oktubre 1944.
Himagsikang Pilipino[baguhin | baguhin ang
batayan]
Nang pumutok ang himagsikang Pilipino,
sumali si Felipe sa mga kababayan niyang mga
Kabitenyo na lumaban sa mga Kastila. Nadakip
siya at ikinulong sa Fort San Felipe sa Cavite.

Nang pinalaya, sumali ulit siya sa pangkat ni


Emilio Aguinaldo. Sumulat siya ng mga
makabayang mga awitin na pumukaw sa
damdamin ng mga kababayan niya upang ituloy
ang paglaban sa mga Kastila.

You might also like