Professional Documents
Culture Documents
Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga
pasahero patungong Laguna:
- Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito,
marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapitakapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na
hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit
hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan
nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.
- Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at
indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at
mga mahahalagang tao sa kubyerta.
- Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat,
bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng
bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa.
- Donya Victorina tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang
Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na
lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99
porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin
ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya
sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio
de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang
bagong kulot na buhok.
Mga Nasa Kubyerta:
Tatlong Fraile uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na
pumunta sila sa kanan
Don Custodio payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto
Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang
Maynila sapagkat siya ay nag-iisip
Simoun ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan
Heneral.
Ang Pagtatalo:
Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at
sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy
sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang
daw ito sa tibay at mapanganib.
Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala
kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas,
Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema
nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na
magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan
ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang
pagtubo ng mga balaho.
Sumagot naman si Don Custodio sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking
pera diyan sa proyektong iyan.
Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay
magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang
apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa
Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng
panukala.
Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto
nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng
Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa
Roma.
- Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung
hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon?
Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na
suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.
Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don
Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.
saserdote ito. Sa gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang
kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang
kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at dahil dito ay inilubog
niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa
kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan
niya ang kanyang parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si
Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang
naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila.
ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong umpisa
walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon,
isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang
umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagamat
hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na 20 o 30
piso.
* Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa
siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat
pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang nagpupuno dito galing sa kanyang
sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na tumutol si
Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa
niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.
* sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado.
Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag
ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng
limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang
lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana
Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.
Sinong ang kutsero ni Basilio na kinulata ng mga guwardiya SIbil sapagkat naiwan
niya ang kanyang sedula.
Mga Santo sa Prusisyon:
Matusalem
Gaspar, Baltazar, Melchor
San Jose
Birheng nakasuot ng Divina Pastora
Kabanata 6: Basilio
Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman,
makalipas ang kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may
nakatindig na tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at walang hugis
na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito
sapagkat sa tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang banal para
kay Basilio ang puntod ng kanyang ina.
13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding
pagdaralita. Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan
nila. Hibang at tigib sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na
Kabanata 7: Simoun
isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong
ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio
ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.
History of Simoun:
Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas
upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal
na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na
sistema, naglagalag si Simoun sa ibat ibang part eng mundo upang magpayaman
at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang
sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya.
Kabanata 9: Ang mga Pilato
Naipatalo ang kaso ng asundo na isinampa ni Tales
Laging pinagdadasal ni Hermana Penchang si Juli at pinag nonobena
Lumuwas si Basilio ng Maynila para tubusin si Juli
Kabanata 10: Karangyaan at Karalitaan
-Hiniling ni Simoun na makituloy siya kina Tales upang doon maganap ang bentahan
ng mga alahas niya.
Kapitan Basilio, Sinang, Hermana Penchang mga bisita noong gabi na namimili sa
samut saring mga alahas na ipinapakita ni Simoun.
- Sumulat si Tales: Kinuha niya ang rebolber ni Simoun at ipinalit ang relikaryo ni
Maria Clara na ibinigay ni Basilio kay Juli. Sumali na ito sa mga tulisan at namundok
-Dumating ang mga guwardiya sibil at dahil wala si Tales (Telesforo Juan de Dios) si
Tandang Selo ang dinakip
Kinagabihan, natagpuang patay ang asenderong fraile at ang bagong kasama,
basag ang bungo at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman, natagpuang patay
ang asawa ng kasama na ginilitan ng leeg at may lupa rin sa bibig. Sa papel na tabi
nito may pangalang Tales na isinulat sa dugo na matatagpuan.
Kabanata 11: Los Banos
-Nangangaso ang Kapitan Heneral ngunit wala namang dumaraang hayop kaya sa
huli ay napilitan itong bumalik sa bahay upang makapag pahinga at gumawa ng
trabaho.
-naglalaro sila ng baraha, sina Padre Irene, Padre Sybila at ang kapitan heneral,
-Nagpakita si Imuthis (na nakaharap kay Padre Salvi) na isinilang daw sa panahon
ng Amasis at pinatay sa panahon ng pananakop ng mga Persas. ( similar ang
kwento kay Ibarra kaya naman nasindak si Padre Salvi at nahibang sa takot.
Kinabukasan umalis na ng bansa si Mr Leeds patungong Hong Kong
Kabanata 19: Ang Mitsa
-Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay Placido at nagmamaka awa na bumalik ito
sa unibersidad.
- Yung dating Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura
-Sinabi na ni Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok
ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa rebolusyon.
Kabanata 20: Ang Ponente
-Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo kilalang Buena Tinta
( Mapagkakatiwalaan ang sasabihin)
- Kilala sa mga ideya nito: tulad na lamang ng panukala nito sa Maynila na gumamit
na ilawang de gaas kapalit ng ilawang langis ng niyog. Dahil dito, namatay ang
industriya ng niyog at kung may kumita man, isang konsehal lamang ito.
Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila
Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga
dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat
mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ang
isang dulang Pranses na pinamagatang Les Cloches de Corneville. Ika-pito at
kalahati pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kayat pati si Padre Salvi ay wala na rin
daw makuha. Sa entrada general ay may mahabang pila ng mga tao na
nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may mga
bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang
kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at batian.
Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si
Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao.
Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad ang
isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at kulot
sa dulo na wariy buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang
kulay-kape at pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong
hongo de arte. Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit
nabubuhay na tila isang pulubi.
Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki.
Mainam daw siyang kabaligtaran ni Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong
sombrero de copa, nakadamit ngt lebitang maluwang at napakahaba ngunit ang
kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng marinero,
may balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat. Nabubuhay siya sa
pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at pagbabalita ng mga palabas.
Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga
hindi pari, sa pamumuno ni Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo
raw ay nagnanais ring makakita ng mga naggagandahang babae sa pagtatanghal.
Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga opisyal ng hukbo at
pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga
taong nakadalaw na sa Paris, mga lalaking wala pang katipan at yaong mga
nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses.
Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang Pranses. Makikita rin dito
si Ben-Zayb na nangangatal sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa
kanyang pagbabasa ng salitang Pranses.
Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro.
Nakita niya rito ang isang pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito
ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula na
sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang ang hudyat ay isang
putok ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang.
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang
pagpapasikat sa kanyang bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya
halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya
makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina
Macaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kayat
hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.
Kabanata 22: Ang Palabas
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga
bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang
Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na
maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may
pagnanasa lamang na makakita.
Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng
umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay
nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito
ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral.
Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang
gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don
Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una
sa ayuntamiento. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila
may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang
upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay
ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa
lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga
pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doa Victorina at
Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan
sapagkat magsisimula na ang palabas.
Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang
napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette,
isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa
sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily.
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga
kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay
nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan.
Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doa Victorina kay Juanito
sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at maginoo.
Kabanata 23: Isang Bangkay
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay
Kapitan Tiyago na nooy lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang
damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat
sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman
kung patuloy niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat
na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si
Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si
Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na
hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa
kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit
matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay
tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit
sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa
pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis.
Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn,
bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang
kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda
ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng
kamunduhan.
Kabanata 24: Mga Pangarap
Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa
Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at
Paulita Gomez.
Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos
kay Juanito at si Paulita ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang
Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap. Dito,
nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isat isa.
Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na
maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doa
Kabanata 31
Ang Mataas na Empleado
Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri
at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang
ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang
tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon
lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o
isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan
lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog
sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni
Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila.
Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas
si Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago nakaluwas ang amain
nitong si Padre Florentino. Ang tanging naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan
ng Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa mga nakulong upang
maisalba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobrasobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay.
Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang
lubos na, at tiyakna walang maghahabol.
Binigyan ng katwiran ng Mataas na Empleado na si Basilio ay isang estudyante sa
medisina, pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral
pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi ito sa kurso.
Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Empleado at Kapitan
Heneral, kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio
dahil ito ay ipinilit ng mataas na empleado. Dahil ditto nagsisi ang Mataas na
empleado sa pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong
didiinan ng Kapitan Heneral.
Sinabi ng Mataas na empleado na si Basilio nga daw ang pinakainosente sa lahat,
hindi nga ito kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang
nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga
bawal na libro. Ang mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga
polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw
itong magandang ehemplo at mas nakakatakot.
Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na
nangako ng hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng
Mataas na Empleado na hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignidad,
ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang Espanya ay
tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo at
moralidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng Espanya.
Tinukoy din ng Mataas na Empleado na kung malalaman man ng Espanya ang
pinaggagawa ng Kapitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang kakampihan
dahil ito ang tama at makatarungan.
Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Empleado kung kelan ang alis ng huling
koreo sa araw na yun, at napayuko na lang ang Mataas na Empleado. Nilisan n
Mataas na Empleado ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na
pagdating ng araw na magdeklara kayo ng independensiya, nagtaka ang kutsero
sa sinabi nito, at tinuloy niya na alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya
ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga karapatan!.
Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pagalis, sakay sa susunod na Koreo.
Kabanata 32
Mga Bunga ng Paskin
Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang
bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa
unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen
at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa
kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at
pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez
naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig
ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre
Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang
tribunal sa kanyang mga talumpati.
Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay
namalagi pa rin sa piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at
yun pa rin ang mga itinatanong iba-ibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging
bumibisita sa kanya ay si Sinong, binalita nito sa kanya ang tungkol sa nangyari kay
Juli.
Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na gagawin ni Simoun.
Ito diumano ay dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang nagpalago
sa kanyang kayaman. Kuro-kuro sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral
na manatili pa at humingi ng palugit sa hari, pero hindi siya pinapakinggan ng
Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita si Simoun at malimit na itong
makisalamuha at usap sa mga tao.
Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil
sa walang sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang
pagdiriwang. Napabalita na din ang magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si
Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang nagsasabi na napakaswerte ni Don Timoteo,
una ay nakabili daw ito ng bahay na mura, pangalawa ay nabenta niya ang kanyang
mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si Simoun, at ang
panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera.
Nang maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya
na diba daw si Isagani ang kasintahan ni Paulita, bakit biglang kay Juanito ito
magpapakasal?Naisip niya na naging praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya
pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa, masaya, pilyo, anak ng mayamang
negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani na isang
probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng linta, nanggaling sa
napag-aalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at sayawan
na siyang gustong-gusto ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at
ihinambing sa teorya ni Darwin na pinili ng babae ang lalaking higit na nababagay
sa kanya at marunong makibagay kung saan namumuhay.
Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang
tanging napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi
pinaalam ang dahilan. Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales.
Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga
tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral
at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga maybahay
ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don
Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang.
Kabanata 33
Ang Huling Katwiran
Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na
siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil
natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil
wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang
binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating.
Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa
pagitan ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung
Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi,
gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa
sindak.
Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang
gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang
niya diumano kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa
pagsiklab ng himagsikan.
Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy
ang himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon
sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si
Simoun ang mamahala sa itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni
Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio
sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang bote.
Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote bigla itong napaurong at
sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa
plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa.
Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan
ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa
naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang
kanyang tulong kasi buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba
siyang misyon na ibibigay kay Basilio.
Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga
nakatagong mga armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay
ng mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng
kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag
na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa
ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng
KABANATA 37
ANG HIWAGA
Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang
ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay
kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina
Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na
si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga
tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya
ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat
ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sakosakong pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang
nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga
bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang
may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na
kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng kinauukulan.
Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala
sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa
pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.
v Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa
buong bayan (gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa
pagdating ni Ibarra sa Noli at sa mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre
Damaso). Makikita din natin dito na may pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba
na walang inisip kundi ang kanilang kayamanan. Dulot na din siguro ng kahirapan
dati kung kayat sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng kumakapit dito ang mga
Pilipino.
KABANATA 38
KASAWIAN
Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si
Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng
Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si
Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si Tano/Carolino at kasama
pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga bihag nilang
pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw
ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng
tubig. Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si
Mautang sa paghahagupit sa mga bilanggo kapag natutumba at di na makayanang
maglakad. Sinabi ni Carolino na maawa ito sapagkat tao din naman ang mga
bilanggong iyon at katulad din nila, subalit hindi sya pinakinggan ni Mautang. Sa
hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang
paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok, namatay si
Mautang at iba pa nitong kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang nakita
sa itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay Carolino na ito ay barilin sapagkat tulisan
din iyon. At ginawa nga ni Carolino. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang
mga tulisang nagkamatay din at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang
hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo.
Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at
imik.
v Makikita natin dito ang irony ng buhay nila Tandang Selo, Kabesang Tales at Tano.
Sila ay nagkahiwa-hiwalay ng landas sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila
kagustuhan! Dahil sa paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay
nawalan sila ng kabuhayan at nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan silang
maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At si Tano ay nagdurusa sa kanyang
trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang ito huling binanggit si Kabesang Tales
at Carolino at sila ay nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang klarong
paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
KABANATA 39
ANG PAGTATAPOS
Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang
amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si
Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na
kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung
kayat hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan
nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na
nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o
patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay
nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng
kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng
mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang
pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito.
Samantala, hindi alam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun,
patatakasin ba ito o ano, kung kayat sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at
nagulat siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam.
Umalis ang pari at pagbalik ay napansing nahihirapan si Simoun kung kayat
kanyang tinanong at sinabi nito na Opo, konti lang pongunit sa loob ng ilang
sandali ay matatapos na din ang paghihirap ko! At nalaman ni Padre Florentino na
uminom pala ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa
mahuli ng buhay ninuman. Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat
niya kay Padre Florentino ang lahat ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na
nagbagong anyo upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Pdre Florentino
ang kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang
paraan na pinili ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang
makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas.
Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay si Simoun at itinapon na ni
Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa dagat Pasipiko.
Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit
pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa
mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng
buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng
kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din
natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra
na nagpanggap na si Simoun.