Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Technically Final
Noli Me Tangere Technically Final
Sa kapanahunan ng kadiliman,
marami ang nagdurusa, marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo,
naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas,
malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan,
huwag niyo akong salingin.
(curtains on. . .palit ng set)
SCENE 1
TIYA ISABEL: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat,
salamat sa inyong pagdating. (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko,
nasaan ka na!(audience ang parang kausap)
(may mababasag na pinggan: sound effect)
TIYA ISABEL: Hesusmaryosep!Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na
para bang nagmamadali)
(Padre Damaso, pagala-gala)
PADRE DAMASO: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego,
ngayoy inilipat ako sa isang bayan; napakawalang asal na mga Indio!(walang
kausap, nagsasalita habang pagala-gala)
(napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. . .Si
Padre Sibyla ay nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan
ng dalawa)
LALAKING KULAY MAIS ANG BUHOK: Padre, isang Indio din ang may-ari ng
bahay na ito!
PADRE DAMASO: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga
Indio, at makasalanan pa!Hindi marunong magkumpisal tsk, walang pagbabago sa
kalagayan ng bayan!
PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan niyo si kapitan. . .
PADRE DAMASO: HMP!Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siyay hindi isang
Indio. Inuulit ko, wala nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio!
Lalaking kulay mais ang buhok: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang
hindi mo matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang
si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph. . .
(sumabad si Padre Damaso)
PADRE DAMASO: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa
aking paningin!
(biglang natigil ang usapan)
TIYA ISABEL: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama
niyang si. . . .
IBARRA: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong
lahat.
(nagpalakpakan, liban kay Ibarra)
KAPITAN TIAGO: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set)
IBARRA: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng
aking yumaong ama na si Raphael Ibarra!
PADRE DAMASO: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni
minsay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama!
(curtains on)
SCENE 2
TIAGO: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
(curtains on parin. . .palit ng set..habang nagpapalit ng set*offstage voice*)
VICTORINA: Argh wala ka bang mata?!
TINYENTE: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong
buhok..
VICTORINA: Argh
(curtains off..ready na ang set: hapag kainan)
TENYENTE: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?
CRISOSTOMO IBARRA: Pitong taon po
TENYENTE: Aaaahpitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!
CRISOSTOMO IBARRA: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
PADRE DAMASO: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?
CRISOSTOMO IBARRA: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan
at malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama.
PADRE DAMASO: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang
ito? Alam nating lahat na mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay
ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito sa bayang ito!
CRISOSTOMO IBARRA: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan,
mayaman itong bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya!
PADRE DAMASO: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong!
Walang asal, sinasagot pa ang reperensya, parang matalinong magsalita!
TENYENTE: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating pari, ganyan na yan
dati pa at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.
KAPITAN TIAGO: Aba, iho, kararating mo lamang dito, at saka, dadating din si
Maria Clara ngayong gabi, sinundo na siya ni Isabel.
CRISOSTOMO IBARRA: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit,
marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.
(curtains on)
SCENE 3
(curtains off)
TINYENTE: Seor Ibarra.
CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Seor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong
ama.
CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama.
Maaari ba ninyong sabihin sa akin?
TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong
ama sa loob ng bilangguan.
CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayoy
nagkakamali lamang?
Tinyente: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa
bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre
Damaso.
CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po
siya nakulong?
TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na
naging kolektor ng buwis. Nang siyay nangongolekta, minsan siyang
napagkatuwaan ng mga bata
(flashback: aalis si Ibarra at tinyente..the same set magiging araw lang)
Flashback:
*offstage voice* TINYENTE: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at
papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata.
BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!
BATA 2: HINDI BAT HINDI SIYA MARUNONG MAGSULAT? PARA SAAN KAYA ANG
LAPIS NIYANG DALA? HA HA HA!
KOLEKTOR: Tigilan nyo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Anong sabi
nyo?
*offstage voice* TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng
baston ang isang bata at itoy natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.
KOLEKTOR: Ikaw, anong sabi mo?!
BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh-RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila!
Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at itoy nawalan ng balanse.
RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.
*offstage voice* TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay
namatay ang kolektor. Dahil ditoy hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya
ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya,
nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.
*offstage voice* IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang
dahilan... Ama ko...
(curtains on..gabi ulit)
(Set: Nakaupo si Ibarra nakatingin sa langit..gabi)
(curtains off)
NARRATOR: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang
ama niyay pinagbintangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi
ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais niyang ipagpatuloy ang mga
magagandang pangarap ng kanyang ama.
MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.
TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila!
ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Seor Ibarra. Balang
araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo.
KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka!
End of Scene.
SCENE 9
Ang Panghugos
Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng
bahay paaralan na itatayo ni Ibarra.
GOBERNADOR: Seor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng
bato.
IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador.
Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada.
IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka.
Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at itoy
namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.
IBARRA: Anong ibig-- Elias?
ELIAS: Mag-iingat kayo, Seor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo.
Saka ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat.
Tumakbo palayo si elias.
IBARRA: SandaliAnong nangyari sa taong ito?
TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan!
GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak.
IBARRA: Kung ganon, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya.
TAUHAN: Paumanhin Seor Ibarra, ngunit hindi bat pinagtangkaan niya ang inyong
buhay?
IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang
matanggap? Pinapatawad ko na siya.
KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra!
End of Scene.
SCENE 10
Ang Pananghalian
Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang
mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban
kay Ibarra.
IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan?
MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko.
Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura.
DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na
ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, abay akalain
mong sino kung umasta!
MARIA CLARA: Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.
IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.
DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit
hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan
IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!
DAMASO: ...tama lamang na siyay pinarusahan na mamatay sa kulungan at-Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni
Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.
IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit wag na wag ninyong
babastusin ang alaala ng aking ama!
KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.
IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano nyo nasabing siyay alagad ng Diyos? Ang taong
ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang
pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang
gawain ng isang alagad ng Diyos?
MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusapalang-alang man lamang sa akin, wag mong
saktan si Padre Damaso.
Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso.
IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita nyo na kung may
dugo ba talagang dumadaloy sa mga ugat ng taong iyan!
Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara.
End of Scene.
SCENE 11
Si Donya Consolacion at Sisa
Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga
guardia civil.
CONSOLACION: Mga guardia civil!
GUARDIA CIVIL: Bakit po Seora?
CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?
GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.
CONSOLACION: Dalhin nyo siya rito.
GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Seora.
Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.
GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Seora.
CONSOLACION: Pakantahin nyo siya.
GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!
At umawit naman si Sisa.
CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.
GUARDIA CIVIL: Opo, Seora.
Umalis ang mga guardia civil.
CONSOLACION: Hoy Baliw!
SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!
CONSOLACION: Sumayaw ka!
SISA: Sumayaw?
End of Scene.
SCENE 14
Ang Pagdakip kay Ibarra
Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
ELIAS: Tao po! Tao po!
IBARRA: Elias!
ELIAS: Seor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na
ito.
IBARRA: Anong ibig mong sabihin?
ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno
nito.
IBARRA: Ngunit sino ang?
ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Seor.
IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?
ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito.
Magtungo kayo kahit saaniyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong
mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong
ibang paraan.
IBARRA: Maraming salamat, kaibigan.
Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi
ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa
labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla
namang may kumalabog sa pinto.
IBARRA: Sino yan?
SARHENTO: Kamiy mga alagad ng batas!
IBARRA: Bakit po
SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin!
Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila.
NARRATOR: Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis.
Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.
End of Scene.
SCENE 15
Tugisan sa Lawa
NARRATOR: Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan
Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay
Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang
si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan
ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang
paparating.
MARIA CLARA: Crisostomo?
IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.
MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.
IBARRA: Hindi masama ang loob ko sayo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan
ko nang lumayo sayo...sa lugar na ito...
MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, magaalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong
IBARRA: Nalaman kong ano?
MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre
Damaso...
IBARRA: Paano
MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang
iibigin ko, Crisostomo.
IBARRA: Paalam, Maria Clara...
Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.
IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?
ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Seor.
IBARRA: At pagkatapos?
ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.
IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang
magkapatid?
ELIAS: Para saan pa?
IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya
at sa lahat ng tulong mo.
ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo.
Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.
ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?
IBARRA: Oo.
ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sariliililigaw ko sila.
IBARRA: Huwag Elias, labanan natin sila
ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.
Tumalon si Elias at sa tuwing siyay lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok.
Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog.
End of Scene.
SCENE 16
Ang Paliwanag ng Pari
Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo.
MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko...
DAMASO: Anong nangyari sayo, anak ko?
MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo?
DAMASO: Anong ibig mong sabihin
MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko...
DAMASO: Ngunit
MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si
Alfonsoat hindi ako magpapakasal sa kanya.
DAMASO: Ngunit
MARIA CLARA: Kung itutuloy nyo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa
magpapakamatay ako!
De Pedro-Sepulturero 2
Ardales-Basilio
Gabriel-Bata 1
Blanco-Pedro
Galano-Elias
Gonzales-Alfonso
Aguasin-Narrator
Hernandez-Crispin
Bobier-Maria Clara
Iguchi-Padre Salvi
Chua-Iday
Diego-Sinang
Galera-Victorina
Morales-Imbentor
Gaupo-Gobernador
Olayer-Kapitan Tiago
Lacson-Andeng
Reyes-Padre Damaso
Leongson-Kababaihan
Tejedo-Padre Sibyla
Llanto-Tiya Isabel
Mariano-Kababaihan
Nacion-Sisa
Panis-Victoria
Pielago-Kababaihan
Quiboy-Kababaihan
Sarrosa-Consolasyon
Verinio-Bata 2
Villapol-Tenyente