You are on page 1of 14

Book Report in Filipino

CANAL DELA REINA


ni Liwayway A. Arceo
I.Tema
Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetongSosyo-ekonomikal at
Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay nakalagayan ng isang lipunan at
ang pag-uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon. Sa patuloy na pagiisang kahig, isang tuka ngkaramihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong
paunlarin hindi lang angkanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang
sarili. Sa nobela,mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita
sa mismongkabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora
Tentayang may kaya sa buhay kung kayat siya ang nilalapitan ng lahat
ngnaninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes natulungan
niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes angmga umuutang.
Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mgakatiwalian at bayaran sa mga
opisyal.Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas na kabutihan ay palaging
tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isa pang aral naipinararating
ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisaay nakukuha nila ang
gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mgaganitong tao. Kaya naman sa buhay
palaging ang kabutihan pa rin angnaghahari.
II. Simula
A. Mga Tauhan
Pamilyang de los Angeles
Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa atunawaan para sa isat isa. Masasabing
isa silang halimbawa ng maayos athalos perpektong pamilya.
1. Salvador-ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.Tahimik lang ito
at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsanlamang ito magsalita, talagang
may kabuluhan at may lalim naman ito.Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga
desisyon ni Caridad lalo natkung sa tingin niyay itoy tama at para sa
ikabubuti ng asawa.
2. Caridad- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malakiang
pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyangmga anak na si
Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibayna loob. Hindi siya
agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyangkinakaharap.
3. Leni-panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtaposito ng
medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang
Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot.
Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa angnakakuha ng unang pwesto sa
Medical Board Exam

4. Junior- huling miyembro ng pamilya. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong


Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais niJunior ay ang
kumuha ng abogasya ngunit tinutulan ito ng kanyang mgamagulang. Mahilig si
Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak
si Junior at laging sinusunod angkanyang mga magulang Pamilyang Marcial- Ang
pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Walakasi silang maayos na komunikasyon.
Hindi pinakikinggan ni NyoraTentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na
pinasusunod ito sakanyang mga nais kahit na ayaw naman nito.

5. Victor- ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sakanyang ina.


Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.
6. Gracia-asawang hinwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan nginang si Nyora
Tentay
7. Gerry- anak ni Victor at Gracia
B. Tagpuan
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng
mga iskuwater, at si Nyora Tentay angnagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na
ito ay simbolo ng mga lunggating bawat isa, lalo na ng mga mahihirap.
Ipinapakita rin nito na hindilamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging
simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal
dela Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nadirito. Maraming
pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng
nobela.
C. Suliranin
Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili angkanyang lupa,
di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na siOsyong. Dahil sa
mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ngalitan sa pagitan ng dalawa

III. Gitna
A. Saglit na Kasiglahan
Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung
kayat siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upangumutang dahil sa
kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga itoay tinatapalan pa niya ng
malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rindito ang kahirapan dahil
mayroong mga katiwalian at bayaran sa mgaopisyal.
B. Tunggalian
Nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni NyoraTentay mula
sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi
naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ngdalawa.

C. Kasukdulan
Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat aynagdiwang
dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos atmapayapang
paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya atsi Leni at Gerry
naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ng bagong buhay at mga
pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina.
IV. Wakas
A.Kakalasan
Nagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang araw ay maydumating na
napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang pagkakatangay sa baha
ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasamarito si Nyora Tentay. Sa di
inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyangde los Angeles ang mga papeles ni
Nyora Tentay sa pamamagitan ni Inggangunit pinili pa rin itong isauli ng
pamilya dahil nais nilang maging patas.

B. Katapusan
Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentayna masama
ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang
lupa sa tunay na nagmamay-ari.

V. Mensahe
Maraming makikitang isyung-panlipunan sa nobela. Hanggangsa ngayon ay
nagaganap pa rin ito sa ibat ibang panig ng ating bansa. Maliitman o matataas
na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga
mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy tuloy ang ekonomiya at hindi
nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ngating bansa.Makikita rito na ang
tao ay maaaring magbago para sa ikabubutinito. Hindi lahat ay isinilang na
masama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi
mananaig ang kasamaan sa kabutihan.

Filipino Movie Review: Inang Yaya


I wasn't really a Maricel Soriano fan. Of course, all my friends know that I am a
certified Sharonian. So when my friends told me that Maricel's new movie -- "Inang
Yaya" was very good, I had my doubts. If it's not a Sharon Cuneta movie, how can it
be really good? After seeing the movie, my respect for Maricel Soriano soared. And
not just for her but ultimately, respect for the Filipino Movie Industry. I was very
impressed and saw that there is still hope for the movie industry in the Philippines.
Of course there is still the typical Joey De Leon, Dolphy and Ai Ai Delas Alas
slapstick, nonsensical movie. Plus all the skin flicks with no plot or story whatsoever.
But with "Inang Yaya," I was both moved and immersed back into my Filipino roots.
Indeed, the movie is very moving. It represents what is really happening nowadays in
Filipino families. How parents raise their children speaking the English language.
Parents leaving their children in the care of other people so they could both be
career oriented and support their grandiose life. Not that Im saying that something is
wrong with that, in fact, I am pro working moms. My mom is one of them. But she
made sure that we understood that she is working for us, her children. And there is
no doubt in my mind that she raised us very well. It is just sad to see how the child is
sometimes more drawn to her nanny than her own mom.

Maricels character, is trapped with the reality of caring for her own child, and giving
the same love and attention to her alaga. She did a great portrayal of being an Ina
and a Yaya as well.
The movie also reflects the need of people to make a choice given circumstances. It
is really touching to see how the two young girls struggled to share the love and care
of the woman whom they both love. For the Filipino values it contain, great
cinematography and good script, I say watch it...its sure is worth your time!

Editorial
Tanggalin ang pork barrel
DEAR EDITOR

Ang bilang na dumalo sa Million People March sa Luneta noong Lunes ay sapat na para mangamba
ang mga kasangkot sa Priority Development Assistance Fund scam na mas kilala bilang pork barrel
scam. Talaga namang nakapagtaas ng dugo ang ginawa ng mga kasangkot na ito.
Biruin nyo, tayo na nagbaba-yad ng buwis para sa kapakanan ng sambayanan ay nilulustay lamang pala
nila. Imbes na mapunta sa mga proyekto ng bayan ay doon pala napupunta sa kanilang mga sariling
bulsa. Kaya pala tuwing eleksyon marami ang nagpapatayan na maihalal sila. Yun pala malaki nga
naman ang mananakaw nila sa kaban ng bayan.
Pabor ako sa ginawa ni President Aquino. Nagkaroon nang mahigpit na gabay ukol sa pagpapatupad ng
pork barrel. Palagay ko sa gabay na ito ay mahihirapan na silang magnakaw. Kaya lang, talagang likas
sa ating mga Pinoy na makakagawa pa rin ng paraan ang mga nais magnakaw sa kaban ng bayan.
Kaya tanggalin na lamang ang pork barrel. Malaki ang maibabalik sa kaban ng bayan kapag tinanggal
ang pork barrel.

NAKITA ng pamahalaang Aquino ang bumuhos na tao sa Luneta noong Lunes. Hindi umabot ng isang
milyon pero nadama ang sentimyento sa nabulgar na P10-billion pork barrel scam. Nadama ang galit at
hiniling na ibasurang tuluyan ang pork barrel. Hindi lang sa Luneta nagsagawa ng protesta laban sa pork
barrel kundi sa maraming lugar sa bansa. Bumaha ang maraming baboy sa Luneta bilang pagkondena
sa pondong kinurakot. Lahat ay iisa ang hiling: Alisin ang pork barrel at parusahan ang sangkot sa pork
barrel scam.

Sabi naman ng Malacaang, wala raw sasantuhin sa isasagawang imbestigasyon sa pork barrel scam.
Nang ihayag ni President Aquino noong Biyernes na bubuwagin na ang Priority Development Assistance
Fund (PDAF) sinabi rin niyang magsasagawa ng imbestigasyon sa mga sangkot sa nabulgar na
anomalya.
Bagamat nadismaya ang marami sa inihayag na bubuwagin na ang PDAF, iyon naman pala ay para lang
pakalmahin ang galit na kalooban ng mamamayan at para mapigilan ang Million People March sa Luneta.
Kahit sinabing bubuwagin ang PDAF, naroroon pa rin ang pork barrel at babaguhin lang ang sistema.
Hindi na sa pamamagitan ng NGOs at kung anu-ano pang mga organisasyon. Sa madaling salita, iooverhaul ang sistema. Wala nang hahawak na negosyaneng tulad ni Janet Lim Napoles na umanoy
gumawa ng pekeng NGOs para makakuha ng pondo sa mga mambabatas.
Limang senador at mahigit 20 kongresista ang umanoy sangkot sa misuse ng PDAF. Habang marami
ang nagugutom at nangangailangan ng tulong, maraming mambabatas ang ibinubulsa lamang ang
pondo. May nakalaang P200 milyong pondo para sa mga senador at P70 milyon sa mga kongresista.
Natapos ang protesta sa Luneta laban sa pork barrel. Pero hindi iyon ang huli. Maaaring magtipon muli
ang mga mamamayan kung walang matutupad sa sinabi ni Aquino na may mananagot sa pork barrel
scam. Makikiramdam ang mamamayan. At maaaring mas marami ang magagalit kung walang
mangyayari sa pangako ng Presidente. Mas mabagsik ang ikalawang unos ng mga tao.

Napoles sumuko kay PNoy


MANILA, Philippines - Sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III nitong Miyerkules ng gabi ang
itinuturong utak sa P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.
Inihayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ganap na 9:37 ng gabi sumuko si Napoles.
Ayon kay Lacierda, agad na ipinasa ng Pangulo si Napoles kina Interior and Local Government Secretary
Mar Roxas at National Police chief Director-General Alan Purisima.
Iniutos ng Makati Regional Trial Court ang pag-aresto kay Napoles kaugnay ng kasong serious illegal
detention na isinampa laban sa kanya ng kanyang dating empleyado na si Benhur Luy, itinuturing na isa
sa mga whistleblower ng pork barrel scam na kinasasangkutan ng maraming mambabatas.
Nitong umaga lamang ng Miyerkules ay itinaas ng Pangulong Aquino ang pabuya sa ikaaaresto ni
Napoles sa P10 milyon.
Naglabas na rin ang Department of Justice ng "wanted" posters para sa agarang ikadarakip ng
negosyante.
Feature
Ano ang mga kadhilanan ng kahirapan sa mundo?
Ang Mga Kaugalian Ng Mga Kabataan Ngayong Henerasyon.

Kaugalian Ng Mga Pilipino


Live Search Nais ng mga Pilipino ang Malusog na Puso Magkaroon ng Malusog na Pamumuhay-Ibigay
ang Makikita ninyo sa talaan ng pagkain ang kaugalian tungkol sa pagkain. Special
appreciation to Nais ng mga Pilipino ang Malusog na Puso Magkaroon ng Malusog na BABASAHIN 1
(Text 1) Magkaibang-magkaiba ang kaugalian ng mga mananakop na Amerikano sa kaugalian ng mga
nasakop na Pilipino kung kaya kinailangan nilang gumawa ng mga pag-aaral Welcome to the
Filipino UCCLLT Project- Tuloy Po Kayo Sa Filipino Ang mga salawikain o kawikaang Pilipino ay
mabuting hanguan ng impormasyon all of eminems video hinggil sa matatandang kaugalian,
paniniwala, asal, at gawi. Filipino proverbs Tagalog Proverbs Ang pagbibigay ng pasalubong ay

isang kaugalian ng mga Pilipino. Ang pasalubong ay isang alaala na ibinibigay ng isang
nanggaling sa paglalakbay sa kanyang Reading and Writing Activity agad-agad ang sinabi ng
gobyerno paanoy sagad na sagad ang ginawang pagtataas ng mga ang kanilang nalalaman.
Kapag nawala na ang isyu, balik na sa masamang kaugalian. Pilipino Star Ngayon - Articles - Maipagyayabang ko bilang isang Pilipino ang mga likas nating kaugalian tulad ng pagiging
magalang, masunurin at mapagmahal sa ating mga magulang.
Yabang Pinoy - ipag yabang na ikaw ay Pilipino! Nakabuo ang mga Pilipino ng isang kabangyaman ng mga pananaw, paniniwala, kaalaman at kaugalian kaugnay ang kalangitan at ng mga
penomena rito. CSSP Thesis/Dissertation Abstracts Dante L. Ambrosio (Ph.D. in melissa doug
wooden puzzles Ako ay si Jedong at ngayon, tuturuan ko kayo ng mga kaugalian ng mga Pilipino.
Ang paggalang at ugali ng mga Pilipino. Gawa ni Jedidiah Duarte Diche LARC's DMA: Filipino:
Tradition Instrumento ng Pagkakaisa at Pagkakaunawaan na tatampukan ng pangangalap at
pagtatalakay ng mga kaugalian ng Pilipino. Kalakip din ang paghahanda at paggawa ng sulatin
na Department of Education of the Philippines - DepEd mga kwentong dvd hip hop police Pinoy
at pilyong... [continues

Elementarya ng Linabuan Norte kumubra ng 6 na ginto sa athletics


LNES I

Batang Pinoy mindanao leg Davao kumubra ng 2-gold sa athletics


TAGUM--Iniwan ni Jomar Angga ang mga katunggali sa dalawang lap para hirangin bilang kaunaunahang gold medalist sa 2013 Batang Pinoy Mindanao qualifying leg na nagbukas kahapon sa Davao
del Norte Sports and Tourism Center dito.
Naorasan ang 13-anyos tubong Davao City ng 19 minuto at 35.6 segundo para iwanan ang kakamping si
Edrian Bentulan (19:54) at John Rey Ulanday ng Koronadal City (20:04.7).
Bumagal sila at ito ang nakita kong pagkakataon para iwan sila, wika ni Angga, na isang second year
mag-aaral sa Davao City National High School.
Isa pang Davao City bet na si Fernando Jison Jr. ay nanalo sa boys high jump para iparamdam ng delegasyon ang kahandaan na magdomina sa athletics.
Nalagpasan ng 511 na si Jison ang 1.70 bar para talunin sina Louie Restauro ng General Santos City
(1.50m) at Joel Torralba Jr. ng Davao City (1.30m).
Si Christien Joy Jorban ng Gensan ang lumabas na kauna-unahang gold medalist sa kababaihan nang
dominahin ang girls long jump sa 4.76m marka.

Ang kakamping si Jessica Jane Cora (4.39m) ang naghatid ng pilak habang ang bronze ay kinuha ni
Pauline Paquierda ng South Cotabato (4.31m).
Hindi naman nasayang ang mga panatiko ng host province dahil nanalo rin ng ginto ang panlaban na si
Asher Chem Sab sa boys shotput nang maihagis ang aparato sa 10.49-metro distansya habang si Friences Diane Balbaguio ng Koronadal ang kampeon sa girls 2000m walk sa 14:38.2 tiyempo.
Nasa 2,100 atleta mula sa 81 LGUs ang sumali sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports
Commission (PSC) para sa mga 15-anyos pababa upang magkaroon ang mga ito ng pagkakataon na
maipakita ang talento sa palakasan.

Buwan ng Wika 2013

TAGISAN NG TALINO
Agosto 30, 2013

Unang Gantimpala
iginawad kay

_______________________________
sa kategoryang
____________________________________

VILLA ROSE G. DELFIN


CONSTANTINO
Pampaaralang Koordineytor

MARJORIE B.
Principal III

Buwan ng Wika 2013

TAGISAN NG TALINO
Agosto 30, 2013

Pangalawang Gantimpala
iginawad kay

_______________________________
sa kategoryang
____________________________________

VILLA ROSE G. DELFIN


CONSTANTINO
Pampaaralang Koordineytor

MARJORIE B.
Principal III

Buwan ng Wika 2013

TAGISAN NG TALINO
Agosto 30, 2013

Ikatlong Gantimpala
iginawad kay

_______________________________
sa kategoryang
____________________________________

VILLA ROSE G. DELFIN


CONSTANTINO
Pampaaralang Koordineytor

MARJORIE B.
Principal III

Buwan ng Wika 2013

TAGISAN NG TALINO
Agosto 30, 2013

Sertipikasyon ng Partisipasyon
iginawad kay

_______________________________
sa kategoryang
____________________________________

VILLA ROSE G. DELFIN


CONSTANTINO
Pampaaralang Koordineytor

MARJORIE B.
Principal III

You might also like