You are on page 1of 3

Ang Elepante At Ang

Mga Bulag
POSTED ONMAY 9, 2015MAIKLING KWENTO
Minsan isang hapong mainit ang araw,
May anim na bulag, sa zoo namasyal,
Nagkasundo silang doon ay dumalaw
Upang elepante ay makapanayam.

Iyang unang bulag, siyang nagpasiya;


Diyos po, hintay! Hindi ko madipa,

Palagay ko parang dingding siya,


Kagyat na sinabing kasabay ay tawa.
Ikalawang bulag ay siyang lumapit,
Hindi sinasadya sa pangil kumapit:
Bilog at makinis, totoong matulis,
Pihong sibat ito! ang pagmamatuwid,
Ang ikatlong bulag, sumunod, humipo;
Ang nahipoy tuhod, tulad daw ng puno:
Puno ng kahoy, tunay, hindi biro!
Magpustahan tayo upang magkasundo.
Ikaapat na bulag, kaipalay lumapit,
Ang nahipoy nguso, madulas, pilipit:
Alam ko na, ahas! ang siyang sinambit,
Ang pagkakasabi ay dalawang ulit.
Ang sumunod namay ikalimang bulag,
Ang nahipoy taynga, sinabi kaagad:
Ito ay pamaypay, aking tinitiyak,
Kasabay ang ngiting sa labi bumukad.
Katapusang bulag, sa huli napabanda,
Kaya itong buntot ang nahipo niya:

Lubid! Walang sala! pagkarakay badya,


Walang alinlangat tila nagyabang pa.
Ang anim na bulag ay nangagsiuwi,
Tuloy ang taltalan at di mapagwari
Kung sino ang tama, kung sino ang mali,
Pagpalain ng Dyos ang anim na sawi!

You might also like