You are on page 1of 10

Proyekto

Sa
Filipino I
Ipinasa ni: Mary Rose U. Espinosa
1:30-4:30 pm Lunes

Ipinasa kay: G. Almer Molina


(Guro sa Filipino I)
“Baler”

Sa pangunguna ni Direktor Mark Meily


Mga Tauhan ng Baler:

 Anne Curtis - Eliza Reyes


 Jericho Rosales - Celso Ressurecion
 Phillip Salvador - Daniel reyes
 Baron Geisler - Capt. Enrique Fossi de las Morenas
 Bernard Palanca -Lt. Juan Alonzo Zayas
 Carlo Aquino -Gabriel reyes
 Nikki Bacolod -Luming
 DJ Durano -Pablo
 Joel Torre -Commandante Teodorico Luna Novicio
 Mark Bautista -Lope
 Michael de Mesa -Fr. Candido Gomez Carreno
 Leo Martinez -Col. Calixto Villacorte
 Mikel Campos -Flag Bearer
 Allen Dizon -Lt. Col. Simon Tecson
 Ryan Eigenman -2nd Lt. Saturnino Martin Cerezo
 Rio Locsin -Azon Reyes
 Jao Mapa –Mauro (Pilipino/Rebelde)
 Arvee Quizon -Diego (Pilipino/Rebelde)
 Andrew Shimmer -Lt. Jose Mota
 Pj Valerio -sundalong espanyol (Pilipino/Rebelde)
 Alvin Anson -Gregorio Catalan Valero
 William Herrera -Onofre Zialcita
 Joaquin Casado -Dr. Rogelio Vigil de Quinones
 Edward Perez -tagaluto
 Martin Joseph -tiga-hatid ng sulat
 Joo Godall -amerikanong Sundalo

Buod ng Pelikulang Baler :

Ang Baler ay nagsimula sa dalawang magkasintahan na sina Feliza at Celso. Sila ay


nagmamahalan ng patago sapagkat si Celso ay isang sundalong Espanyol at si Feliza ay isang
Pilipino. Sa panahong ito ay nasa loob ng pananakop ng Espanya ang Pilipinas at nagsimula
ang komplikadong pangyayari ng makipagsabwatan ang ama ni Feliza na si Daniel sa kampo
nina Collonel Villacorte pinagsama nila ang kanilang samahan.

Nang kanilang simulan ang paglusob ay nagulat ang mga Espanyol sapagkat wala silang alam
sa mangyayari. Sa sobrang lakas ng pwersa ng mga Pilipino ay kailangan pa nilang lumipat sa
simbahan at doon ay wala silang sapat na pagkain at inumin. Si Gabriel naman na kapatid ni
Feliza ay tumakas nang sila ay lumilikas upang di madamay sa darating na digmaan. Isang
beses habang sila ay nagmimisa sa sobrang gutom ay bumagsak na lamang bigla ang pare na
si padre Candido Gomez Carreno, Tuwing naghahatid o nagbibigay ang mga Pilipino ng
pagkain ay sinasalubong ito ng mga Espanyol gamit ang isang puting bandila at pagdating ng
gabi ay napag-utusan sina Lope at Celso na magtungo sa kuta ng mga Pilipino at doon ay
sinunog nila ang isang kubo upang mawala ang intension ng mga ito. Habang nagkakasunog
ay kinuha nila ang mga manok at iba pang pagkain. Nagkita si Feliza at Celso at doon ay hindi
nila napigilan ang mga sarili at sila ay nagyakap napansin sila ng ama ni Feliza na si Daniel
mabuti na lamang at mas nakuha ng sunog ang pansin ng ama nito.

Isang beses pa nga ay nagsagawa ng isang handaan ang mga Pilipino sa harap ng simbahan.
Sa pagbibigay ng pagkain ng mga Pilipino ay isang beses ay nagpresinta si Feliza na sya ang
mag-aabot nito, si Celso naman ang tatanggap. Dumaan ang maraming arw at nalaman ni
Celso na si Feliza pala ay pinagbubuntis ang kanilang anak. At dahil doon ay nagplano ang
ilang sundalong espanyol na tumakas, noong sila ay tatakas na ay biglang nagising ang
kanilang pinuno at bigla namang bumaliktad ang kanyang kasama at sinabing na siya ay
gustong tumakas. At dahil doon ay napagpasyahang hatulan ng kamatayan si Celso siya ay
pinahirapan at sa kalaunan ay binaril. Halos isang taon din ang nakalipas bago tuluyang
sumuko ang mga Espanyol Matapos sumuko ay agad na hinanap ni Feliza si Celso ngunit hindi
niya ito natanaw kaya siya tumakbo sa loob ng simbahan at doon niya nakita ang si Celso na
patay na.
“Jose Rizal”

Sa pangunguna ni Direktor Marilou Diaz- Abaya


Mga Tauhan ng pelikulang Jose Rizal:

Cesar Montano -Jose Rizal

Joel Torres- Crisostomo Ibarra/Simoun

Jaime Fabregas -Luis Taviel de Andrade

Gloria Diaz - Teodora Alonzo

Gardo Versoza - Andres Bonifacio

Monique Wilson - Maria Clara

Chin Chin Gutierrez - Josephine Bracken

Mickey Ferriols - Leonor Rivera

Pen Medina - Paciano

Peque Gallaga - Archbishop Bernardo Nozaleda

Bon Vibar - Ramon Blanco

Subas Herrero - Alcocer

Tony Mabesa - Camilo de Polavieja

Alexis Santaren - Olive

Tanya Gomez - Narcisa Rizal

Tess Dumpit - Maria Rizal

Irma Adlawan - Lucia Rizal (bilang Irma Adlawan-Marasigan)

Angie Castrence - Josefa Rizal

Rowena Basco - Trinidad

Kaye Marie June Congmon - Soledad

Ronnie Lazaro - Don Francisco Mercado

Dominic Guinto -Batang Rizal


Lugar ng Pinangyarihan:

Taytay; Quezon Province

Buod ng Pelikulang Rizal:

Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sapamamagitan ng kanyang mga


nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo ang naging hakbang sa pagtaas ng tabing
upang itambad ang nasalikod na mapanlilang na salita ng pamahalaan at simbahan. Sa nobela
sinagot ang mapanirang puring paratang sa mga Pilipino. Inilahad ang kawawang kalagayan
ng Pilipinas, ang kanilang daing.

Dahil sa mga nobela ni Rizal, nabuhay sa puso ng mga Pilipino ang kanilang galit sa
pamahalaan maghimagsik at makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mapanlinglang na
pamahalaan ng Espanya.

Sa kadahilanang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang


pasimuno ng rebelasyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para
paaminin na si Rizal ay may-kaugnayan sa nasabing rebelasyon.

Nobyembre 1896 nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon siya ay pilit na ipinaaamin
kung may kinalaman siya sa rebelasyon. Nagunita rin ni Rizal ang kanyang nakaraan, kung
paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martyr na GOMBURZA,
ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo ng tamang pagdarasal at ang kwento ng
batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng
kanyang ina ng dalawang taon dahil sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay
niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang nanang.
Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang
kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal,
ang naging abugado niya. Naikwento niya dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo
Tomas.

Sa Santo Tomas siya kumuha ng kursong medico. Sa paglagi niya rito, natutunan niyang hindi
lahat ng tao ay pantay-pantay. Labis ang diskriminasyon sa mga estudyanteng Pilipino rito.
Minsan noong nagpupulong silang mga kapwa estudyanteng Pilipino ay inaway sila ng mga
estudyanteng Español na ikinasugat ni Rizal. Ginamot ang sugat niya ng tatay ni Leonor
habang si Leonor naman, na kanyang pinsan at kasintahan, ay pinayapa ang galit na puso ni
Rizal.
Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga kinalaban ni Rizal. Ayon kay
Taviel, ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno, relihiyon, kastilang kawani ng
katarungan at karangalan ng Espanya. Kinatwiran ni Rizal na bilang isang manunulat, kalaban
niya ang lahat pati ang sarili niya. Lahat ng bagay na naisulat niya ay nakaugat sa
katotohanan, sa mga bagay na naisulat niya ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang
mga sarili, ang kanilang kasaysayan. Ikinulong nila, pinatay nila, hinukay sa libingan,
itinapon.. Ganyan ang ginawa ng mga Kastila sa karangalan at kasaysayan ng mga Pilipino.
Tulad ng ginawa na pagpapahukay at pagpapatapon sa ilog ni Padre Damaso sa bangkay ng
tatay ni Ibarra; pagkatapos niya itong tinanggap sa pamamahay nito at pakainin noong
nabubuhay pa siya ay ganito pa ang iginanti sa ama.

Ikalawa ay ang nais iparating ni Rizal sa Espanya. Hinihiling lamang ng mga Pilipino ay ang
pagkakapantay-pantay. Isang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon at
gawaing sibiko. Makilala ang Pilipino bilang kapantay ng kastila.

Ikatlo ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si Taviel bakit nagawang iwan ni Rizal si
Leonor? Anong layunin ang mas matimbang pa keysa pagmamahal sa kasintahan? Nagpunta
sa iba't ibang lugar sa buong mundo, sinong nagtutustos saiyo? Isang lihim na organisasyon?
Naalala ni Rizal bakit nga ba siya pumunta ng Europa. Pinapunta siya ng kanyang kuya
Paciano upang mag-aral doon ng medisina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay
matututo siya at malaya niyang maipamumukha ang baho ng pamahalaan ng mga kastila sa
Pilipinas. Malaya niyang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan.
Ngunit paano si Leonor? Nasabi nalang ni Pasyano "Ang sarili mo nalang ba ang iisipin mo?"

Pagbabalik-tanaw..

Taong 1884 nang makarating siya sa Unibersidad Central de Madrid. Dito ay nag-aral siya ng
medisina. Napatunayan niya na tama nga ang sinabi ng kanyang kuya Paciano na malayang
magpahayag rito ang mga Pilipino. Kung nais nilang tawaging hunghang ang mga pari ay
masasabi nila. Kung gusto nilang tawaging bobo ang gobyerno ay papalakpakan pa sila sa
kanilang katapangan. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda. Isang organisasyon na
naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga
Pilipino katulad ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce
at Manuel Hidalgo. Sapamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan,
naipaparating ng kilusan ang kanilang mga adhikain.

Habang sa Pilipinas, unti-unting ginigising ng Noli Me Tangere ni Rizal ang taong bayan, na
panahon na ng pag-aaklas tulad narin ng sinabi ni Elias kay Ibarra. Dahil dito, upang
hadlangan ang mga layunin ni Rizal, ipinagbawal at ipinasunog ng mga prayle ang lahat ng
kopya ng Noli Me Tangere. Ginamit pa nila ang relihiyong Katoliko upang kontrolin ang mga
Pilipino. Lalamunin nang apoy ang sinumang mapangahas, matakot na at magbalik loob na sa
simbahan.

Enero taong 1891 nang bumalik si Rizal sa Pilipinas. Nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan ng
maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikan ng La
Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La
Solidaridad ay dapat pambansa.

Pagbalik ni Rizal sa Pilipinas ay itinatag niya ang La Liga Filipina. Isang pansibikong samahan
ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi rito
ay si Domingo Franco, Jose Ramos, Ambrosio Salvador at Andres Bonifacio.

Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na


kumakalaban sa Espanya. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng
mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni Rizal sa PIlipinas ay ipinahuli na
siya at ipinatapon sa isang malayong lugar - sa Dapitan. Kapiling niya ay dagat. Animo'y isang
malawak na tinta para sa isang manunulat na wala nang maisulat. Palibhasa, ang layunin niya
ay layunin ng isang makata. Tulad ng mga alon, lumalapit, lumalayo. Kailanman ay hindi
maaangkin.. Sa kabila nito, nakilala naman niya rito si Josephine Bracken.

Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-
aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais parin ng mga prayle na siya ay mamatay.
Umabot pa sa pagpapalit sa Gobernador-heneral ng Pilipinas na si Blanco dahil siya ay naging
malapit kay Rizal.

Sa kasalukuyan..

Ang sumunod na pinag-usapan ni Rizal at Taviel ay ang nilalaman ng El Filibusterismo. Totoo


nga bang nag-iba na ang pananaw ni Rizal? Ang tanong ni Taviel. Na ayon narin kay Simoun
sa kanyang nobela: "Hindi na sapat ang reporma. Hindi na sapat ang edukasyon at mga
papel. Kailangan ay dugo". Hindi kaya ginamit niya lang ang kanyang mga nobela para
makapaghiganti? Dahil nawalan siya ng kasintahan, nawalan siya ng pamilya, ng profession?
Hindi kaya pinagtataksilan niya ang sarili niyang sining? Hindi niya nakikita ang katotohanan,
nakikita lang niya ang sarili nitong ambisyon?

Ika-26 ng Disyembre, 1896

Araw ng paglilitis ni Rizal. Ito na ang magbibigay liwanag nang tunay na ugat ng rebolusyon.
Sa panig ng manguusig, pinagbibintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa. At dahil din
sa mga isinulat niya tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at mga iba't ibang uri ng
sulatin na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at ng pamahalaang Espanya.
Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan.

Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat
patakbuhin ang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga
Pilipino. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon.
Sa katunayan, sa apat na taon na paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nag sulat ng mga
bagay na may koneksyon sa politika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan
upang ikonsulta at yayaing sumama si Rizal sa rebolusyon, Hindi niya binigay ang kanyang
basbas sa nasabing balak na pag-aalsa. Dahil hindi narin kailangan ng mga rebolusyonaryo
ito. At sa huli sa pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay
kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon.

Sa kasamaang palad ay minadali ang paglilitis at ang naging hatol kay Rizal ay kamatayan.
Ang paglilitis ay isa lang panloloko.

Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang nanang at mga kapatid. Binigay niya ang kanyang
huling kahilingan sa ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling tula - ang Mi
Ultimo Adios.

Ika-30 ng Disyembre, 1896

Araw ng kamatayan. Habang naglalakad patungo sa huling hantungan, naalala ni Rizal ang
buhay niya sa Ateneo. Ang simula ng masasaya niyang araw. Ang huling kahilingan ni Rizal ay
harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinagbigyan. Sa halip, hiniling na lang
ni Rizal na huwag nalang patamaan ang kanyang ulo. Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong
lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan nito noong ika-12
ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, nadeklarang Pambansang bayani si Rizal..

You might also like