You are on page 1of 4

Ang kwento ay tungkol sa paghubog ng isang bayani para sa mga ifugaw.

Ang hinirang na bayani ay isang batang matalino sa academya. Dahil sa


angking galling ay nabigyang pagkakataong makapag-aral ng elementarya,
secondarya, hanggang sa pagkolehiyo nito sa Maynila, sa Kursong Medisina.
Naging matagumpay ito sa pag-aaral ngunit napilitang bumalik sa
pinanggalingangng lugar. Namatay ang kanyang ama dahil sa engkwentro ng
dalawang tribo. Bilang inaasahang tagapagmana sa naiwang trono ng ama,
ito narin ang nagging dalawa sa pinakamalaki pagsubok nito sa kanyang
pagiging bayani. Ang mga pagsubok na ito ay ang dalawang puwersa na kung
alin ba ang mananaig, ang responsibilidad sa tribo o ang nakakaakit na
opurtunidad sa labas. Naging isa rin sa mga problema nito ang pagibig na
lalong nagpahirap sa kanya. Ngunit sa huli ay napagtagumpayan naman nya
ito.

Ang istorya ay ikinuwento sa pamamaraaang muderno. Na kung saan mas


mapapansin ang mas maraming bagay kung ikukumpara sa kwentong
pasulat. Katulad na lang ng pagkakaroon nito ng tema, mga itsura, at laman
na tinataglay nito sa kabuuan. Ang tatlong bumubuo ng produksyon ay nayari
dahil sa kaalaman ng manggagawa na maikumpara sa kaalaman ng mga
manonood bilang tagatanggap.

Tungkol sa tema, sa pagpapakita sa klase ng pamumuhay ng mga Igurot ng


Bingget, ay kapansin-pansing kaiba sa pamumuhay ditto sa syudad. Sila ay
naiba sa paniniwala bilang ugat, kaya kaiba rin pagdating sa gawi at resulta
mula rito. Ito ay ang katangian ng paniniwalang ispiritual, sa labis na pag-asa
mula rito. Masasabing ang kanilang buhay ay nakadipende na sa Bathala na
panginoon ang katumbas sa karamihan. Ang ganitong klase ng paniniwala ay
napakabihira para sa mga modernong tao ng syudad na maari ring
ipagpalagay na hindi tanggap.

Bilang pagkundeta nga mga nabanggit sa itaas, ay sa paraang ipinakita na ito


ang naging problema ng lalaking hihiranging bayani ng tribo. Ang kaalamang
natamo nito sa siyudad ay hindi akma o salungat sa paniniwala ng kanyang
pinagmulan. Isang halimbawa na rito ay ang paggamit ng mga medisinang
pang-siyudad para sa mga may sakit na para naman sa tribong paniniwala ay
ang pagkakaroon at paggaling ng may sakit ay nakadepende sa mga anito.
Sa usaping biswal na itsura ng palabas, ipinakikita ang mga kaganapan ng
kwento sa aktwal na lugar at mga kagamitan ng mga tribong Igurot. Ginamitan
din ito ng mga artista bilang tagganap na mapapansing kaiba sa aktwal na
itsura ng isang igurot. Ang mga gumanap ay may kalakihan at may
katangkaran na sa halip ay pandak at maliit kung ihahambing sa katotohanan.

Sa aking palagay na kabuuang mensahe ng pelikula ay ang ipakita kung


papaano hinuhubog ang bayani ng isang tribo. Na sa aking palagay ay
nagging pantastiko at may kahirapang tulad sa reyalidad ng tribo. Para sa
aking palagay ay mas nagging kapanipaniwala ito, kung nilapatan ng
sitwasyong natural na pinagdaanan ng isang hihiranging bayani. Ang
sitwasyong ginamit ay masasabing lubhang napakapambihira sapagkat kung
ipapalagay ay siya ang kauna-unahang bayaning igurot na nakapag-aral at
nabigyang pagkakataong problimahin ang tradisyon o ang maginhawang
hated ng mudernisasyon.

Ang tatlong pinaka importanteng bahagi ng pelikula sa buhay ni Rizal ay


tema, anyo at mensahe.

Ito ay may temang paggamit sa istilong auto biographical. Mula sa pagkabata


nito sa Laguna bilang Moy, tumuloy sa paglaki nito at makapag-aral sa
Maynila, hanggang sa ibang bansa at ang pakikipaglaban sa mga kastila.
Ipinakita na si Rizal ay namuhay ng kaiba sa karaniwang Pilipino mong mga
panahong iyon. May magandang buhay, may pinag-aralan o masasabing
kabilang sa mga ilustrado. 

Bilang mga taong nakapaligid kay Rizal, naipakilala rin ang mga tauhan bilang
ina, ama at mga kapatid. Ang kanyang ina na ipinalagay na huwaran at may
pinag-aralan. Ang ama nito ay ipinalagay na hindi nagkulang sa
responsibilidad at magaling na negosyante kaya’t nakapagpatayo ng bahay
na bato. Ang kanyang kapatid na lalaki na nagparaya para makapag-aral si
Jose Rizal sa Europa. Ipinalagay din ang kabaitan ng mga kapatid nitong
babae na sumusulat kay JR habang ito ay nag-aaral sa Europa.

Sumapit sa pinakamatinding problema ang pamilya ni Rizal dahil sa


panghihimasok ng mga Kastila. Nakulong ang ina dahil sa maling paratang at
dumagdag pa ang pagkaimbargo ng kanilang lupa na parang inalisan narin
sila ng kabuhayan. Masasabing ito ang mga pinaka malaking dahilan para
personal na umalma si JR laban sa mga kastila. Hanggang sa umuwi ito at
nakulong sa Dapitan at hinatulan ng kamatayan.

Ang buong kaanyuan ng palabas ay ihinango sa makalumang nagagawa ng


isang video camera. Ang tingin kong intension sa naturang estilo ay ang
magmukhang makatotohanan ang pagpapakita ng sinaunang panahon. Yaon
ay maaring maging halimbawa ng isang “miss conception”, sapagkat ang
kulay ng mundo noong unang panahon ay hindi limitado. Naging limitado
lamang pagdating sa sinematograpiya dahil sa kababaan ng teknolohiya,
kasabay nito ay ang pagpapakita ng reyalidad sa pamamagitan ng ganoong
klaseng teknolohiya. Ang nabanggit sa isa sa mga dahilan kung bakit may
mga palabas na limitado ang kulay. Hindi sapat ang ganoong klaseng istilo sa
pagpapakita ng reyalidad sapagkat hindi pa naiimbento ang “videocamera” sa
panahon ni JR. Isang magandang halimbawa ng matagumpay na pagpapakita
ng nakaraan ay ang pelikulang “Pearl Harbour”. Makulay ngunit, mapapansin
ang kalumaan sa kapaligiran, kasuotan at gamit.

Ang mensahe ng palabas ay ang ibahagi ang nagging buhay ni Jose Rizal.
Bilang isang manonood ay pinagmukhang lamang na huwaran at mabuti si JR
sa tingin ko ay hindi sapat sa kabuuan ni Jose P. Rizal.

Ang ikatlong palabas ay maibabahagi rin sa tatlong parte. Ito ay ang sarili
nitong tema, anyo at mensahe. 

Ang tema nito ay ang pagpapakita rin ng buhay ni JR, ngunit sa ibang paraan.
Mas binigyang pagpapahalaga ang mga taong nakapaligid kay JR. Ang
kanyang ina, mga kapatid na babae, ang nagging kwestyonable nitong
asawa, at pati narin ang mga pare. Binuo ang palabas sa pangtastikong
pamamaraan na ipinalagay ang kakayahan ng dalawang lalaki sa
kasalukuyang panahon na makabalik sa panahon ni JR.

Ito ay may anyong pagsasanib ng dalawang klase ng sinematograpiya,


makulay at ang isa ay malilimita sa kulay kayumanggi. Mas, nagging epektibo
naman ito kung ikukumpara sa naunang palabas, ngunit kung isasaisip ang
nabanggit na “miss conception” ay maaaring hindi nagging lubusan ang
epekto nito sa akin bilang tagatanggap.

Ang mensahe ng palabas ay ang makilala si JR sa ibang perspektibo. Ito ay


sa pamamaraang pagbibigay pahayag ng mga taong napalapit sa kanya. Ang
tanong ko lamang bilang tagatanggap ng ediya ay, hindi nagging sapat ang
pagtukoy sa kabuuan ni JR sa kabila ng dami ng mga naisulat nito, ano
nalang kaya kung kikilalanin si JR sa pahayag lamang ng taong nakapaligid
na wala halos na naisulat tungkol dito.

Sa huli, ang mga palabas na ito ay hindi nagging sapat sa pakilala kay JR sa
kani-kanilang istilo ang mga ito ay nagsilbing bahagi lamang para sa kabuuan.

You might also like