You are on page 1of 2

Saging

Jhowel Cabanayan II-B


Submitted by:

Mrs. G. Cabardo
Submitted to

Alamat ng Saging
Noong unang panahon, may isang kaharian ng
luntiang mga bukid, malinaw na mga batis at asul na mga

Alamat burol sa Lanao. Pinamumunuan ito ng isang maganda,


mabait at napakarunong na prinsesa kaya ginagawa ng
kanyang nasasakupan ang lahat upang mapaligaya siya.

ng “Pasaganain natin ang ani sa ating mga bukirin,” wika ng


mga lalaki.
“Sa gayon, maliligayahan ang ating reyna.” Pinaniwalaan siya ng mangingibig at matuling
“Panatilihin nating malinis ang ating mga kabahayanan at umuwi sa kanyang bayan. Tinipon niya ang
maayos ang
ating mga tahanan,” wika naman ng mga kababaihan. pinakamahuhusay niyang mga sundalo at nagbalik sa
“Sa gayon, kaharian ng reyna.
ikararangal tayong lahat ng ating reyna.”
“Maging masunurin at magpakabait tayo,” sabi ng mga
kabataan. “Sa
gayon, palagi tayong mamahalin ng ating mga magulang at
ng reyna.”

At ginawa nilang lahat ang kanilang ipinangako.


Sinunog ng mga kalalakihan ang kanilang mga sabungan at
sugalan at gumawa sa mga bukid sa buong maghapon.
Pinanatiling malinis at makintab ng mga babae ang
kanilang tahanan. Nagpakabait nang husto ang mga
kabataan kaya itinapon nang lahat ng mga magulang ang
kanilang pamalong patpat, samantalang itinurong mabuti
ng mga guro ang mga araling nararapat ituro sa mga mag-
aaral.

Lumipas ang mga taon at patuloy ang reyna sa pamumuno


nang nag-
iisa.

Ngunit may isang taong hindi nasisiyahan sa


kaharian. Isa siyang masamang pinsan ng reyna. Nais
niyang siya ang mamuno sa kaharian at nag-isip ng
maraming masasamang bagay upang maagaw ang trono ng
reyna.Marami pang taon ang nagdaan. Nag-iisang
pinamumunuan ng reyna

ang kaharian. Napakaraming mangingibig mula sa ibang


mga bansa, mga hari at prinsipe ang nagmamakaawa sa
kanyang pag-ibig, ngunit sinagot sila ng reyna ng: “Kapag
tinanggap ko ang isa sa inyo, magagalit ang iba.
Magkakaroon ng digmaan. Mamabutihin ko pang
manatiling walang asawa at maging payapa ang aking
kaharian kaysa mag-asawa at maging dahilan ng
kaguluhan.”

Samantala, lihim na may pag-ibig ang masamang


pinsan ng reyna sa isa sa kanyang mga mangingibig.
Nagbalak siya at binulungan niya ito: “Bakit ka
nagsasayang ng oras? Mahal ka ng pinsan kong reyna.
Hindi lamang niya matanggap ang iyong pag-ibig sapagkat
maglulunsad ng digmaan ang iba niyang mangingibig.
Dalhin mo rito ang iyong mga kawal at ipapatay mo ang
iyong mga karibal at ang mga guwardya ng reyna. Pasukin
mo ang lungsod, at magiging iyo ang reyna at ang kanyang
kaharian.”

You might also like