You are on page 1of 3

c 

 


cc   

ccc   

    nasa 1980¶s

  Bayan ng Pelaez

c  

   


1.Rogelio Manglicmot: kakaibang nilalang na tinawag na Kapitan sino

2. Bok-bok: makulit na kaibigan ni Rogelio.

3. Tessa: bulag na kaibigan nina Rogelio at Bok-bok

   


1. Mayor Suico: May malahalimaw na sakit

2. Ang mga tao sa bayan ng Pelaez

  

Kasalukuyang nagkukumpuni ng sirang kagamitan si Rogelio ng dumaan si Bok-bok na


karaniwan naman niyang ginagawa. Manghihiram sana si Bok-bok ng kariton ng biglang
tumahimik ang kapaligiran dahil sa brown-out. Laking gulat naman ni Bok-bok nang makita na
gumagana pa din ang ilaw at soldering iron na hawak ni Rogelio.

Dito ay natuklasan ni Rogelio na tunay na may kakaiba siyang kakayahan na wala sa


ibang tao. Tuloy-tuloy naman ang pantitrip ni Bok-bok sa kanya at tinutusok tusok ng mga
copper wire. Nang makita na may kaguluhan sa labas ay sumaklolo si Rogelio at sinubukan ang
bagong tuklas na kapangyarihan. Nadampot niya ang salarin at isinabit sa tuktok ng luman
simbahan ng Pelaez. Pagbalik niya sa shop niya ay sinabi ni bok-bok na kailangan niyang
costume upang mapalitan ang ala ninja na damit niya.

Nakilala si Rogelio bilang Kapitan Sino. Dahil sa wala nga siyang maitawag sa sarili at
nakakatawa namang pakinggan ang super strenght sa kanya. Mabilis at nauuna pa siya
rumesponde kaysa sa mga pulis. Kaya naman halos lahat ng makikita sa Pelaez eh may
panggalan ni Kapitan Sino.

Isang gabi ay nagkasama sila ni Tessa at Rogelio sa tuktok ng lumang simbahan kung
saan niya ibinitin ang unang nadakip niya. Dahil sa bulag nga si Tessa, inilalarawan na lang ni
Rogelio ang tanawin mula sa kinatatayuan nila. Mahaba haba din ang kanilang usapan na
humantong sa muntikang pag-amin ng nararamdaman si Rogelio.

Pagkauwi ni Rogelio ay pinilit niyang matulog sa kabila ng ingay ng mga lasing sa tapat
ng bahay nila. Karaniwan na ito para sa kanya, nang biglang magkagulo dahil umatake diumano
ang halimaw na gumagala sa bayan ng Pelaez. Agad niya itong sinundan at naabutan sa lumang
ospital ng Pelaez.

Dito ay nagkasagupaaan ang halimaw at si Kapitan Sino. Natalo niya ang halimaw na
nakilala niyang si Mayor Suico. Ginagawa daw niya ang pagdukot dahil sa pangangailangan ng
kanyang anak. Si Michael na isa ring may malahalimaw na sakit. Namatay si ang dinukot na bata
na si Tessa. At ito¶y dinamdam ni Rogelio.

Sa tindi ng sama ng loob, napabayaan na ni Rogelio ang sarili. Ibinuhos niyang lahat ang
oras sa pagliligtas ng kapwa. Alam ito ng kanyang ama na si Mang Ernesto kaya kinausap niya
ito. Dito ay nilinaw ni Mang Ernesto ang katauhan at responsibilidad ni Rogelio.

Nagkaroon ng parangal ang Bise Alkaled para kay Kapitan Sino nang biglang magkagulo
dahil isa isang nagsulputan ang mga impostor na Kapitan Sino. May isang lalaking naglabas ng
granada at natabig naman ni Bok-bok. Dumating si Rogelio at iniligtas ang mga tao ngunit
naakusahang may pakana ng gulo kaya ikinulong kasama ni Bok-bok.

Habang nasa kulungan ay inatake naman ng matinding sakit ang Pilipinas at tanging dugo
lamangni Rogelio ang lunas. Sa kagustihan ng mga doktor na masugpo ang sakit ay sumobra ang
nakuhang dugo kay Rogelio na dahilan ng pagkamatay nito.

Dahil sa kabayanihang nagawa ni Rogelio ay pinarangalan siya matapos ang kanyang


pagkamatay.

c 


   



Ang pagkakaroon ng malahalimaw na sakit ni Mayor Suico at ng anak nito. At


ang kapusukan ng tao sa bayan ng Pelaez

 
   
 

Masasabi ko na tao laban sa lipunan. Dahil mababasa sa kwento ang pag-asa na


lamang ng mga tao sa bayan ng Pelaez sa kakaibang tao na katulad ni Rogelio.

   

Ang masinsinang paguusap nila ni mang Ernesto at Rogelio. Dito mababasa ang
pinaka madamdaming parte ng kwento. 

   

Ang pagdating ng matinding sakit sa Pilipinas kung saan dugo lamang ni Rogelio
ang maaring lunas

  

Namatay si Rogelio at pinarangalan ng bise alkalde ngunit ikinainis naman ng


matalik na kaibigan ni Rogelio na si Bok-bok. Sinuntok niya ng malakas sa mukha ang
bise alkalde saka umalis at bumalik sa dating shop ni Rogelio.

cc !    

Lahat ng tao, may kapangyarihan man mo wala, ay may limitasyon. Hindi


nasusukat ang kabayanihan sa kung ano ang kaya mo kundi kung ano na ang nagawa mo.
At hindi dapat umasa sa kapalit na maaring maibigay sa mabuting nagawa

ccc "  #

Maganda ang pagkasulat sa kwento. Malalim ngunit nakatutuwang basahin.


Kakaibang istilo ng pagsusulat ang ginamit ng may-akda dahilan para madaling madala
ng mambabasa at makuha ang gustong ipahayag ng manunulat.

You might also like