You are on page 1of 5

PAGSUSURING-BASA

SA
FIL 101

“KAPITAN SINO”
Isinulat ni Bob Ong

Ipinasa ni: Steffhanie M. Acuña Ipinasa kay: Ginang Edith Q. Yabut


 TAUHAN / KATANGIAN

Rogelio Manglicmot – Sya ang isang kakibang nilalang na pinangalanang kapitan sino dahil sa mga
kabayanihang ginawa nya sa bayan ng Pelaez.

Bok-Bok - Sya ay matalik na kaibigan at kababata ni Rogelio. Sya din ang unang nakaalam sa sikretong
kapangyarihan ni Rogelio.

Tessa / Teng – Sya ang bulag na kaibigan at kababata nila Bok-Bok at Rogelio, Teng ang tawag nila sakanya.
Nagkaron din ng lihim na pag tingin sakanya si Rogelio.

Mayor Suico / Alkalde Solomon Suico / Omeng - Sya ang namumuno sa bayan ng pelaez at ang totoong
mabalahibong halimaw na kumukuha ng mga tao para sa kalusugan ng kanyang anak.

Micheal - Sya ang anak ng Alkalde Solomon Suico na nakamana ng sakit ngunit mas malala pa.

Mang Ernesto - Sya ang tatay ni Rogelio na nag kasakit.

Aling Hasmin - Sya ang maalagang nanay ni Rogelio.

Mga tao sa bayan ng pelaez – Mga kapit bahay na laging nag chi-chismisan at nagpapayabangan.

 TAGPUAN

Bayan ng Pelaez

Dito nakatira si Rogelio Manglicmot/Kapitan Sino. Dito din sa bayan ng Pelaez siya naging bayani at dito mo
din makikita ang mga kapitbahay na walang sawang nagchichismisman at nagpapayabangan.

Electronics Repair Shop

Kilala din ito bilang Hasmin's Eatery. Dito natuklasan ni Rogelio na siya ay may taglay na kakaibang
kapangyarihan. Dito din sila nag pupulong nila Tessa at Bok-bok.

Plaza

Sa Plaza ginanap ang parangal para kay Kapitan Sino, Dito din siya inaresto dahil sa sise na siya ang pumatay
sa asawa ni Aling Chummy.

Lunas Hospital
Dito sa lumang abandonadong hospital naganap ang tunggalian ni Kapitan Sino, Mayor Sulco at Michael. Dito
rin namatay si Tessa at ang mag-amang Omeng at Michael.

 BUOD

Kasalukuyang nagkukumpuni ng sirang kagamitan si Rogelio ng dumaan si Bok-bok nakaraniwan naman


niyang ginagawa. Manghihiram sana si Bok-bok ng kariton ng biglang tumahimik ang kapaligiran dahil sa
brown-out. Laking gulat naman ni Bok-bok nang makitang gumagana pa din ang ilaw at soldering iron na
hawak ni Rogelio. Dito ay natuklasan ni Rogelio na tunay na may kakaiba siyang kakayahan na wala sa ibang
tao. Tuloy-tuloy naman ang pantitrip ni Bok-bok sa kanya at tinutusok tusok ng mga copper wire. Nang makita
nilang may kaguluhan sa labas ay sumaklolo kaagad si Rogelio at sinubukan ang bagong tuklas na
kapangyarihan. Nadampot niya ang salarin at isinabit sa tuktok ng lumang simbahan ng Pelaez. Pagbalik niya
sa shop niya sinabi ni bok-bok na kailangan niya ng costume upang mapalitan ang ala ninja na damit niya.
Dahil sa pagtulong ni Rogelio ng hindi pinapakilala ang sarili nya, pinangalanan sya ng mga tao sa bayan ng
pelaez na Kapitan Sino. Mabilis at nauuna pa siya rumesponde kaysa sa mga pulis. Kaya naman halos lahat ng
makikita sa Pelaez eh may pangalan ni Kapitan Sino. Isang gabi ay nagkasama si Tessa at Rogelio sa tuktok ng
lumang simbahan kung saan niya ibinitin ang unang nadakip niya. Dahil sa bulag nga si Tessa, inilalarawan
nalang ni Rogelio ang tanawin mula sa kinatatayuan nila. Mahaba-haba din ang kanilang usapan na humantong
sa muntikang pag-amin ng nararamdaman si Rogelio. Pagkauwi ni Rogelio ay pinilit niyang matulog sa kabila
ng ingay ng mga lasing sa tapat ng bahay nila. Karaniwan na ito para sa kanya, nang biglang magkagulo dahil
umatake diumano ang halimaw na gumagala sa bayan ng Pelaez. Agad niya itong sinundan at naabutan sa
lumang ospital ng Pelaez. Dito ay nagkasagupaan ang halimaw at si Kapitan Sino. Natalo niya ang halimaw na
Nakilala niyang si Mayor Suico. Ginagawa daw niya ang pagdukot sa mga tao dahil sa pangangailangan ng
kaniyang anak. Si Michael na isa ring may malahalimaw na sakit. Namatay ang dinukot na bata na si Tessa. At
ito’y sobrang dinamdam ni Rogelio. Sa tindi ng sama ng loob, napabayaan na ni Rogelio ang sarili. Ibinuhos
niyang lahat ang oras sa pagliligtas ng kapwa. Alam ito ng kaniyang ama na si Mang Ernesto kaya kinausap
niya ito, at nilinaw ni Mang Ernesto kay Rogelio ang kaniyang katauhan at responsibilidad. Nagkaroon ng
parangal ang Bise Alkalde para kay Kapitan Sino ngunit biglang nagkagulo dahil isa-isang nagsulputan ang
mga nagpapanggap na Kapitan Sino. Mayroong isang lalaki na naglabas ng Granada at natabig naman ito ni
Bok-bok. Dumating si Rogelio at iniligtas ang mga tao ngunit naakusahan siyang may pakana ng gulo kaya
ikinulong silang dalawa ni Bok-bok. Habang nasa kulungan sila ay nagkaroon ng matinding sakit ang mga tao
sa Pilipinas at tanging dugo lamang ni Rogelio ang lunas dito. Sa kagustuhan ng mga doktor na mapuksa ang
sakit ay napasobra ang pagkuha nila ng dugo kay Rogelio na naging sanhi ng pagkamatay nito. Dahil sa
kabayanihang nagawa ni Rogelio ay pinarangalan siya matapos ang kaniyang pagkamatay ngunit labis itong
ikinainis ng kaniyang matalik na kaibigan na si Bok-bok kaya sinuntok niya sa mukha ang Bise Alkalde at saka
umalis.
 TUNGGALIAN

-Ang pagkakaroon ng malahalimaw na sakit ni Mayor Suico at ng anak nito.

-Ang kapusukan ng mga tao sa bayan ng Pelaez.

-Ang unti-unting pag kawala ng mga tao sa bayan ng Pelaez.

-Nakulong sila Rogelio at Bok-Bok dahil sa maling Bintang.

 KASUKDULAN

-Ang pag tutuos nila kapitan sino at mayor suico.

-Ang pag kamatay ng minamahal na kababata ni Rogelio na si tessa.

- Ang pag kalat ng matinding sakit sa pilipinas kung saan tanging dugo lamang ni Rogelio ang maaaring
maging lunas.

-Ang pagkamatay ni Rogelio dahil sa sobrang pagkuha ng dugo ng mga doktor.


 MENSAHE O ARAL SA KWENTO

-Lahat ng tao, bata man o matanda, may kapangyarihan man o wala, ay mayroon pading limitasyon.

-Hindi nasusukat ang kabayanihan sa kung ano ang kaya mo, kundi sa kung ano na ang nagawa mo at hindi
dapat umaasa sa kapalit na maaaring maibigay sa isang mabuting gawa.

You might also like