You are on page 1of 2

IV. Panahon ng mga Hapon A. Prostitusyon Ang pagsakop ng military ng Hapon noong 1942 ay nagbunga ng napakaraming pangyayari.

Ang mga cabaret at mga bahay para sa prostitusyon ay nagsulpuan sa buong Manila, pati na sa mga pangunahing distrito ng mga Amerikano, tulad ng Ermita at Malate. Nagsilabasan din ang mga balitang tulad ng sex-starved Japanese soldiers on the loose intoxicated by wine and the heady victory of Japan. na nagtulak kay Mayor Jorge B. Vargas at ang kaniyang deputy na si Juan Nolasco, na bumuo ng isang komite upang malutasan ang problema. Humigit kumulang na isang milyong sundalo at sibilyan ang dumating sa mga sumunod na taon, at kahit na ang relasyon nila sa mga Pilipino ay hindi naman ganoon kasama hindi tulad ng mga naunang mananakop, marami pa rin ang kaso ng mga sekswal na kontak. Ang ekonomiya ng Japan ay sumira sa industriya ng asukal at nagdulot ng kakapusan sa bigas na nagtulak sa mga migrante na pumunta sa mga siyudad, kung saan ang ibang kababaihan ay sumapi sa mga maybahay at movie stars bilang mga sex workers. Karamihan ng mga Pilipina ay pwersahang ginawa ng mga sex slaves, o comfort women.
B. Comfort women

Ang salitang comfort women ay isang pamalit-tawag para sa mga kababaihang nagtatrabaho sa military, lalo na sa mga kababaihang pwersahang nilagay sa prostitusyon ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdaig. Ang mga batang kababaihan sa mga bansang napasailalim sa kamay ng mga Hapones ay pinaalis sa kanilang mga tahanan. Sa iba naman, mayroong alok na trabaho sa military ang mga

kababaihan. Ngunit nadokumentuhan na ang military ay mismong kumukuha sa mga kababaihan ng pwersahan.
C. STD Noong Panahon ng ng Hapones sa Pilipinas

Ang mga Hapones ay nagbigay ng mas malaking banta ng Sexually Transmitted Diseases kaysa sa mga Amerikano, sa kadahilanang higit na mas malaki ang kanilang bilang.

You might also like