You are on page 1of 4

BALAGTASAN

Ang balagtasan ay hinango sa pangalan ni Francisco Balagtas ( Fancisco Baltazar y dela Cruz na tinagurian ding "Kiko" )na isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme). Isa itong uri ng pagtatalo ng dalwang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Isa itong pagtatalo sa patulang pamamaraan. Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal: -dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw -isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae)

Bata at Pamalo
LAKANDIWA Magandang gabi po, bati kong magiliw sa nangatitipon ngayong panauhin Paksa: Na ang batang minamahal natiy dapat ba o hindi dapat na paluin? Katanungan itong nais bigyang-linaw, kaya ngayong gabi ay may Balagtasan; ang mga makatang ditoy napipisan, sa ngalang pagtulay inaanyayahan.

LAKANDIWA Mga manunulang kawal ni Balagtas, ang paanyaya koy inyong tinatanggap; yamang sa pagtulay gustong magpasiklab, kaya sa tanghalay halinat bumigkas.

mga paralumang ganday pambihira, ngunit may kampilan sa isipat diwa. Kayat dalwang panig ang magtatagisan sa napapanahon nating Balagtasan; magulang at anak ditong napipisan, magsigising kayot pulutin ang aral. Sa naritong madlay unang ihahatid, panig ng Di-Dapat na ngayoy titindig; Fely, tulain mo ang iyong matuwid na sa batay subyang ang palong malupit; (ang hiling ko naman madlang nakikinig, palakpakan ninyong sa kabay pamatid.)

(Lalapit sa tanghalan ang magtatalong mga makata.)

HINDI DAPAT (Pagpupugay) Ako ay si Fely, mga kababayan, tubo sa Banaba, San Mateo, Rizal; bagaman at dukha ang mga magulang, hataw ng pamaloy di ko naranasan.

HINDI DAPAT (Panawagan) Paanyaya ninyo, bunying lakandiwa, ay tinutugon ko nang bukal sa diwa; nais kong ihayag at ipaunawang akoy tumututol paluin ang bata.

HINDI DAPAT (Unang Tindig) Ayaw kong ang batay saktan at paluin, iyang pamamaloy tinik sa damdamin; batang sinasaktay nagmamatampuhin, nagiging rebeldet mahinanakitin. Hangad kong ang batay lumaking magalang sa mga kapatid at mga magulang; sa halip paluiy ating pangaralan ng gawang mabutit kagandahangasal.

DAPAT (Pagpupugay) Kung tawagin nila akoy si Estela, Taga-nayong-Arab ng Pidigan, Abra; minulan kong angkan ay nakikilala, dahil sa pamalo na pandisiplina.

DAPAT (Panawagan) Aming Lakandiwang kapita-pitagan, sumasagot akong handa sa tulaan; ang batang suwail sa mga magulang, dapat na paluit nang maging magalang.

Lakandiwa

Binibiro tayo ng Inang tadhana na ang magtataloy kapuwa diwata;

Latay ng pamalo ay bakas ng galit na ibinubungay lumbay at panangis; marahas na palo ay hampas ng langit sa musmos na puso at mura pang isip. Hangal na magulang ang di mahahabag sa giliw na bunsong luhay pumapatak; kung sa isang sabiy di sumunod agad, yakapin ang bunsot akayin sa sipag. Sa aking palagay ay hindi pamalo ang makagagaling sa paslit na puso; kinakailangay lambing at pagsamo na di magbabawang dakilang pagsuyo. Katotong Estela, hiling koy baguhin ang panukala mong ang batay paluin; pamaloy itapon, at ating isiping pag-ibig sa anak ang tanging pansupil.

ang masuyong anak sa mga magulang; tila anghel silang mapananaligan sa magandang kilos at pamimitagan. Dapat ang pamalo sa batang suwail at ayaw makinig sa sabing magaling; kung sa pagsigaw mo ay sumisigaw rin, kunin ang latigot iyong hagupitin. Magulang sa mundoy may pananagutang ituwid ang anak sa buktot na asal; ang hindi makuha sa santong dasalan ay dapat kuhanin sa santong paspasan. Tamad kang magulang at wala kang buto kung di mo mahubog ang mga anak mo; isang kahihiyat batik ay sa iyo ng anak mong lisyang pasanin ng mundo! Katalo, palad mong dapat ikagalak, kung sa iyong angkay walang naging liyas; kung kapalaran mong may sutil na anak, hahambalusin mo ng palong malakas

Nagturing ang aking bunying kamakata, nang ang panig niyay ating maunawa; dapat daw paluiy suwail na bata, kawawa nay lalong gagawing kawawa! Mag-isip ka muna kung ang batay pilyo, bago mo lapatan ng iyong latigo; kapag kaharap kay maamong kordero, dapwat maghuhudas pagkatalikod mo. Kung sa angkan namin ay may mga anak na kung sa balatong ay masamang liyas; silay parang tupang naligaw ng landas na dapat hanapin ng matang may habag. At sa paghahanap kung matatagpuan, silay yayakaping buong pagmamahal; nangangako kaming silay di sasaktan ng pamalong lagim ang kahihinatnan. Ang pananagutay taglay na parati ng mga magulang sa anak na kasi; ngunit patawarit ayaw kong sumali sa santong paspasang iyong sinasabi. Matanong nga kita, Estelang katoto, kung ang anak mo bay mapabasagulo gugulpihin mo bat ikakalaboso, kung may katarungat siyay may prinsipyo.

LAKANDIWA Unang pagkatindig ni Fely ng Rizal, ibig nang gipitin ang kanyang kalaban; ngunit si Estelay aking nalalamang hagkis ng katalo ay kayang ilagan. Kaya sa pagtindig, Estelay tugtugin, nota ng tula mong may gandat taginting; kudyaping antigoy iyong kalabitin, sa Dapat Mamaloy lagutin ang bagting; (madlang manonood, ang akin pong hiling ay palakpak ninyong sa pusoy pangaliw.)

LAKANDIWA Pipigilin ko po munang mamagitan, nang di maabala ang pagsasagutan; akong lakandiway papagitna lamang kung talagang akoy kinakailangan. Ngayoy ikaw Fely ang muling bibigkas ng katuwiran mong pamaloy di tumpak; palo ni Estelay pag di mo nasalag ay masasawi kat talunang lalabas; (pagtindig ng ating makatang marilag, salubunging muli ninyo ng palakpak.)

DAPAT (Ikalawang Tindig) Kung sa basag-ulo, bunso koy masangkot ang puno at duloy titingnan kong lubos; kung ang katarungay kanyang sinusunod, parurusahan ko ang dapat managot. Sa himig ng iyong mga paghahayag,

Dapat (unang tindig) Ang panig koy akin munang lilinawing di lahat ng bata ay dapat paluin; sa ulirang batat tubong masunurin, ang paloy taliwas sa usapan natin. Biyaya at lugod sa isang tahanan

HINDI DAPAT (Ikalawang tindig)

ang tinuturol moy alibughang anak; nang maglayas siyat maligaw ng landas, matapos magsisi, ang amay nagalak. Nawalay na tupay mahal din ng pastol, parabulang batid natin hanggang ngayon; ang kawan sa mundo ng bagong panahon, sa tulong ng tungkod ay itinataboy. Hampas ng tadhanang masakit matanggap, kung kaurali mo ay palalong anak; sa pagpapalayaw ay nag-asal tunggak, likong pagmamahal, ayon kay Balagtas. Kung nangangaral ka sa anak mong tuso, aral moy ubos na . ayaw pang magbago; kung di natatakot sa iyong latigo, baka mo ibili ng BMW!

minahal; pagkapariwara sa gawang mahalay ay isinisisi sa mga magulang.

ay baka umandar ang yantokMindoro. Habang tumatagal, tila nag-iinit itong Balagtasang tagisan ng isip; Fely, ito ngayon ang huli mong tindig, tula moy itodo sa pagmamatuwid; (upang sa pagtulay ganahat lumawig, palakpakan, bayan, ang ipaulinig.)

HINDI DAPAT Ang mga magulang ay sinisisi nga sa maling paraan ng pag-aaruga; dahil sa pamalo ang batay tulala, at sa dakong huliy naging alibugha.

HINDI DAPAT (Ikatlot huling tindig) Naririto akong napauunawa sa mga magulang ng kawawang bata; salbahe mang bunsoy di dapat lumuha nang dahil sa palong hagkis ng tadhana. Mga anak natiy ayaw kong sumunod sa atin, sapagkat sa pamaloy takot; ibig koy paggalang na tapat sa loob na katahimikan ang inihahandog. Sa isang mag-anak kung may palot sigaw ay di maghahari ang kapayapaan; ang batang lumaki sa latigot suklam, nagiging balakid sa katiwasayan. Sa pamamahalay hindi ko rin gusto ang pamamaraang may poot at gulo; hataw ng pamalo sa batay ayaw ko, mistulang diktador at emperyalismo! At sa pamayanay aking hinihiling na sa pagdarasal ang bata palakhin; hindi sa pamalong parusang matalim at tinik sa pusong sakdal hirap bathin. Mga panauhin, aking pakiusap, limiing mabuti ang panig kong hawak; wala sa pamalo ang magandang bukas, nasasa pag-ibig na walang pagkupas.

DAPAT Naging alibugha nang dahil sa layaw, sa kapuwa tao ay walang pitagan; hindi pinapansin ang tatay at nanay, labis na kalingat sa latigoy kulang. HINDI DAPAT Sa latigoy kulang, pagkat ang latigo ay wala nang bisa sa panahong ito; DAPAT

HINDI DAPAT Ang BMW hindi kailangan, ang makabubutiy pag-ibig na tunay; luma mong pamaloy iyong kalimutan, nang ang iyong bunsoy maging kaibigan. Kung walang pamaloy wala nang luluha na ipagsisimpi ng musmos na diwa; sa ating panahoy daming mga bata, dahil sa pamalo, napapariwara. sa panahong itong taoy bagamundo ay di papansinin ang kabaitan mo. HINDI DAPAT Sa kabaitan koy bubuti ang anak, DAPAT bubuti kung siyay takot sa panghampas; HINDI DAPAT DAPAT Napapariwara? Hindi mo ba batid, ang laki sa layaw ay may samang hatid; sa drogat sa alak daming nabubulid, dalagitang anak mamalayay buntis. Kawawang magulang ng batang naligaw, likong pagkahabag sa bunsong panghampas ay lagim na nakasisindak DAPAT sindak sa palo koy aral na matatag. LAKANDIWA Mga binibini, hintay muna kayo, nagsa-asot pusa itong pagtatalo; sa kahinahunay kung di matutoto

LAKANDIWA Tumalon sa pugad ang inahing manok, tila nangangantyaw matapos

mangitlog; salatin, Estela, ang pakpak mong soot, ang huli mong putak ay iyong ihandog; (sa kanyang pagputak upang di mangatog palakpakang muli ang ating isoob.)

Kayong nalilimpiy hihingan kong tulong ng palakpak ninyo sa gawangpaghatol; itong aking kamay kung saan ipatong, pumalakpak lamang ang sumasangayon.

DAPAT (Ikatlot huling tindig) Mga kababayan, minsan pang limiing ang mabuting batay di dapat paluin; sapagkat ang bata ay alay sa atin ng Dakilang Diyos upang kalingain. Hindi ko rin hangad na magdalanggalit sa balighong anak at halang na isip; sa pamamatnubay, matapat kong nais, ang bukas ng bunsoy may ngingiting langit. Ang batay paslit pa at ang niloloob sa tama at maliy di gaanong talos; kung di aakayit gagabayang lubos, maliligaw siyang sa bait ay kapos. Subalit may batang may sariling tigas na sa maling gawa ay nagmamataas; kung sa panunuyoy hindi maitumpak, lunas ay pamalong may aral na tatak. Iyang pamamaloy huwag lalahukan ng maling simbuyo ng galit at suklam; bata may masaling ng bigat ng kamay, pamatnubay itot di kaparusahan. Sa mga magulang ay paalaala, supilin ang anak nang tamat mabunga; lapastangang batay bigyang-disiplina sa ating pamalong panturot pag-asa! LAKANDIWA Kapos ang isip kot umid yaring dila sa pangangatwiran ng dalwang makata; tilamsik ng isip at kislap ng diway mahirap arukit hindi ko mahaka. LAKANDIWA Aling palakpakan ang lalong matunog, sinong nagtagumpay na makatang bantog? anuman ang ngayoy inyong niloloob, pagdating ng bahay, lubusin ang sagot. Maraming salamat bayang nakikinig sa mga sandaling tayoy nagkaniig; mga kataga kong gayak nang umalis, payagang sa Wikang Sariliy magtindig!

You might also like