You are on page 1of 1

MARCH 19, 2012 DATE

NR # 2683B
REF. NO.

Anti-carnapping law mas palalakasin


Nagpanukala ang isang mambabatas na palawigin ang sakop ng Anti-Carnapping Act 1972 at isama ang identity transfer sa ipagbabawal at kaparusahan. Nais ni Rep. Jeci Lapus (3rd District, Tarlac), ang may akda ng House Bill no. 5931 na amiyendahan ang Republic Act 6539 na ayon sa kanya ay maraming butas dahil madaling nakakalusot ang mga carnappers na palaganapin ang kanilang gawaing krimen at magbenta ng nakaw na sasakyan. Walang batas na nagbabawal sa paggamit ng revival, re-registration ng chasis number, engine number at plate number ng motor vehicles, legally declared a total wreck ng insurance companies at law enforcement agencies, into another body o unit of vehicles of the same class, model o classification, carnapped na sasakyang ibinebenta, paliwanag ni Lapus. Ang HB 5931, identity-transfer ay isang gawang maglipat ng engine number, chassis number, body tag number, plate number at iba pang pagkakakilanlan sa tatak ng sasakyan na ideneklarang total wreck o kukumpunihin ng car insurance companies at law enforcement agencies, at i-register sa parehong katawan ng vehicle unit, sa katulad na classification, type, make o model. (30) eag

You might also like