You are on page 1of 11

MGA DAHILAN NG PATULOY NA PAGBABA NG PASSING RATE NG MGA NAGTAPOS NG KURSONG NURSING SA FAR EASTERN UNIVERSITY MULA 2005

- 2007 --------------------------------------------------------------Isang Mungkahing Pananaliksik na ipinasa kay Bb. Juvy Irene O. Alforte Far Eastern University --------------------------------------------------------------Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga kakailanganin sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa Ibat Ibang Disiplina Seksyon A07K15 --------------------------------------------------------------Nina: Calvo, Hannah Rogine C. Camacho, Ma. Cristina A. Cruz, Don Rupert H. Gueria, Camilo T. Marso 5, 2008

PAGKILALA Taos pusong nagpapahatid ng pasasalamat ang mananaliksik sa mga sumusunod: Sa Poong Maykapal, na siyang nagbigay lakas, tiwala at talino sa amin upang maisakatuparan ang pagkasulat nitong aming mungkahing pananaliksik. Kay Dr. Lourdes Q. Concepcion, Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino ng Far Eastern University, sa kanyang walang sawang pagbibigay kaalaman upang mabuo ng maayos ang pag-aaral na ito. Kay Bb. Juvy Irene O. Alforte, sa kanyang pagsisikap na ibahagi ang lahat ng kanyang kaalaman at sa kanyang walang sawang pagtulong upang maayos naming maisagawa ang pananaliksik na ito. Sa aming pamilya, na siyang nagsisilbing inspirasyon at nagbibigay lakas maging ano mang pagsubok ang dumating sa aming buhay. Tumatanaw po kami ng malaking utang na loob. Maraming-maraming Salamat.

MGA NILALAMAN PAHINA Pahina ng Titulo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i Pagkilala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .ii Mga Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii TSAPTER 1 INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 Layunin ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ..2 Pagpapahayag ng Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .3 Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . 3 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 Depinisyon ng Termino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 TSAPTER 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Mga Kaugnay na Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ..7 Mga Kaugnay na Pag-aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 TSAPTER 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL Disenyo ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9 Mga Kalahok sa Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .9 TALASANGGUNIAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10 TALATANUNGAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .12 CURRICULUM VITAE . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .15

TSAPTER 1 INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral Ayon sa Article IV ng Philippine Nursing Law o Republic Act No. 9173, ang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Nursing ay dapat na sumailalim sa isang Licensure Exam bago siya matawag na isang Registered Nurse ng bansang Pilipinas. Sa madaling salita, ito lamang ang makapagsasabi kung sila ay magiging isang tunay na Nurse o hindi. Ayon kay Dr. Remigia Nathanielsz, Chairwoman ng Department of Nursing Practice ng Philippine Nurses Association, at sa batas na ipinatupad ng Board of Nursing ng Philippine Regulation Commission o PRC, ang Board Examination ay isinasagawa ng pamahalaan ng Pilipinas upang makuha ng isang mag-aaral ng kursong Nursing ang isang Registered Nurse na status at upang kanyang legal na maisagawa ang mga trabaho ng isang propesyunal na Nurse. Ayon sa kasaysayan, ang Far Eastern University ay isa sa mga top performing nursing schools sa Pilipinas pagdating sa Nursing Licensure Examinations. Dahil dito, hindi na kataka-taka na bawat taon ay nakakukuha ang FEU ng mataas na puwesto sa listahan ng mga pumapasa sa nasabing pagsusulit. Base sa artikulong isinulat nina Irene Annamae Babon at Danielle Calderon noong October 2006 sa FEU Advocate na siyang opisyal na Student Publication ng Far Eastern University, ang FEU ang nakakuha ng ikapitong puwesto sa June 2006 Nursing Licensure Examinations, ngunit ang passing rate na dati ay 88% noong 2005 ay bumaba sa 75%. Ayon kay Dr. Glenda S. Arquiza, Associate Dean ng Institute of Nursing ng Far Eastern University, malaki ang naging epekto ng bilang ng mga mag-aaral na kumuha ng Licensure Examinations noong June 2006 sa pagbaba ng passing rate, dahil ang ibang Nursing Graduates ay napabilang sa mga kukuha ng retake sa sumunod na taon. Si Dr. Annabelle Borromeo, Dean ng Institute of Nursing ng Far Eastern University, ang siyang nanguna sa pagsasagawa ng screening sa mga faculty members ng nasabing Institute. Ayon sa kanya, ang Institute of Nursing ng FEU ay patuloy na nagpaplano upang mas higit na mahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral sa kursong Nursing. Ang kanilang naging unang hakbang ay ang pagpapagawa ng centralized computers, dagdag na projectors, microphones, at speakers na ilalagay sa ibat ibang Nursing Rooms. Sumunod dito ay ang pagpapagawa ng pinakakauna-unahang Virtual Laboratory sa buong Pilipinas at ito ay itinayo sa loob ng FEU Nursing Building. Ngunit ayon sa resulta na inilabas ng Philippine Professional Regulation Commission hinggil sa passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University Manila sa kursong Nursing sa naganap Nursing Licensure Examinations, ang dating 75% na passing rate noong December 2006 ay bumaba sa 62% noong June 2007. Nitong nakaraang June 2007 Nursing Licensure Examinations, ang Far Eastern University Manila ang nagpadala ng pinakamaraming bilang ng examinees na 2,424. Ito ay ang pinagsamang bilang ng mga kukuha ng pagsusulit sa unang pagkakataon at ng mga retakers. Ang ibig sabihin nito ay 1,153 lamang na mga Nursing Graduates ang nakapasa mula sa orihinal na 2,424 na bilang ng mga Licensure Examinations. Kung pagbabatayan ang mga nasabing ulat at pahayag ay masasabi bilang konklusyon na bawat taon ay patuloy na bumababa ang bilang ng mga mag-aaral ng kursong Nursing sa Far Eastern University na pumapasa sa Nursing Board Examinations. Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na gisingin ang kamalayan ng mga mag-aaral ng Far Eastern University Manila sa kursong Nursing hinggil sa bumababang passing rate ng mga FEU Nursing Graduates sa Nursing Licensure Examinations. Layunin rin nito na kumbinsihin ang mga mag-aaral ng kursong Nursing sa FEU na pagibayuhin ang kanilang pag-aaral sa nasabing kurso upang mas lalong dumami ang bilang ng mga FEU Nursing Graduates na pumapasa sa Licensure Examinations. Pagpapahayag ng Suliranin Sinisikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1. 2. 3. Anu-ano ang mga dahilan ng patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam? Anu-ano ang mga pagkakaiba ng pagtuturo ng Nursing sa Far Eastern University sa ibang unibersidad na nagtuturo ng Nursing? Sino ba ang dapat sisihin sa patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam?

Kahalagahan ng pag-aaral Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang motibasyon upang kanilang mas lalong pag-ibayuhin ang pagsisikap sa kanilang pag-aaral maging ito man ay sa kursong Nursing o hindi. Para sa mga magulang, inaasahang ang pag-aaral na ito ay maging daan upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, na siya ring mga mag-aaral, hinggil sa lalong lumalalang isyu ng pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng FEU sa Nursing Board Exam. Para sa mga propesor, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang dahilan upang mas lalo pa nilang pataasin ang antas at kalidad ng kanilang pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral. Para sa pamunuan ng Far Eastern University, inaasahang ang pag-aaral na ito ay magsilbing daan upang kanilang simulan ang paggawa ng higit na epektibong hakbang tungo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa kursong Nursing. Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito ay mapukaw ang kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang mga ginagawa at gagawin pang pag-aaral tungkol sa pagbaba ng passing rate ng mga magaaral ng FEU sa Nursing Board Exam. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga dahilan ng patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam. Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga Nursing Graduates mula 2005 hanggang 2007. Depinisyon ng Termino Philippine Nursing Law. Ito ay ang kalipunan ng mga batas na dapat sundin ng mga Nurse ng bansang Pilipinas. Kurso. Isang programa o palatuntunan ng pag-aaral na maaaring tapusin ng isang mag-aaral sa loob ng maikli o mahabang panahon.

Nurse. Isang taong nagtatrabaho upang tulungan ang mga doctor sa pag-aalaga ng mga maysakit. Registered Nurse. Ang tawag sa isang mag-aaral na nakapagtapos ng kursong Nursing at nakapasa sa Nursing Licensure Examinations. Philippine Nurses Association. Isang samahan na binubuo ng mga Registered o legal na Nurses ng bansang Pilipinas. Board of Nursing. Isang lupon na binubuo ng mga taong maykatungkulan sa larangan ng panggagamot na siyang nagpapatupad ng mga batas na dapat sundin ng isang Nurse. Philippine Regulation Commission. Ang sangay ng pamahalaan na binubuo ng mga taong sadyang pinili upang magpatupad ng mga batas. Far Eastern University. Isang prominenteng pamantasan sa buong Pilipinas na matatagpuan sa Nicanor Reyes St. Sampaloc, Manila. FEU Advocate. Ang opisyal na pahayagan o lathalaan ng mga mag-aaral ng Far Eastern University. Student Publication. Ang tawag sa mga nakalimbag na aklat, peryodiko o lathalaan, at pahayagan na ginawa ng mga mag-aaral bunga ng kanilang malikhaing pag-iisip. Dean. Isang opisyal na siyang namamahala sa mga guro at mag-aaral sa isang kolehiyo o paaralan. Associate Dean. Isang opisyal na pumapangalawa sa Dean na siyang namamahala sa mga guro at magaaral sa isang kolehiyo o paaralan. Institute of Nursing. Isang paaralan o organisasyon na itinayo upang magsagawa ng mga espesyal na pagaaral sa larangan ng Nursing. Virtual Laboratory. Ito ay isang uri ng laboratoryo na kontrolado ng isang kompyuter. Passing Rate. Ang porsiyento o bahagdan ng mga pumapasa sa isang pagsusulit. Nursing Board Examinations. Ito ay isang uri ng pagsusulit na ibinibigay sa mga mag-aaral na nagtapos sa kursong Nursing bago sila matawag na isang rehistrado o legal na Nurse.

TSAPTER 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura Ayon kay Halstead (2007), sa kanyang aklat na pinamagatang NURSE EDUCATOR COMPETENCIES, nararapat na magsagawa ng mga analisis ang mga paaralan o unibersidad sa mga pag-aaral na may kinalaman sa nararapat na kalidad ng pagtuturo at mga estratehiyang dapat gamitin ng mga propesor at iba pang uri ng trainers o educators sa pagtuturo ng Nursing. Ayon sa kanya, malaki ang maitutulong ng isang evidence-based, student-

centered, at interactive na pagtuturo sa mga mag-aaral ng kursong Nursing dahil malaking bahagi ng mga katanungan sa isang Nursing Licensure Examinations ay nakatuon sa aplikasyon ng kanilang mga pinag-aralan. Ayon naman kay Ironside (2007), sa kanyang aklat na pinamagatang On Revolutions and Revolutionaries: 25 Years of Reform and Innovation in Nursing, nararapat na nakatuon ang pansin ng mga paaralan o unibersidad sa patuloy na pagsasagawa ng mga epektibong reporma o inobasyon upang mabago at mas mapaunlad ang uri ng edukasyon sa kursong Nursing. Isa sa mga halimbawa ng mga nasabing reporma ay ang paggamit ng mga educators ng kongkretong ebidensya sa kanilang pagtuturo. Makikita naman sa aklat na isinulat ng National League for Nursing (2006) na pinamagatang A Guide to State-Approved Schools of Nursing RN, 2006, Fifty-Eighth Edition ang mga pangalan ng mga pamantasan o paaralan na aprubado ng kani-kanilang mga rehiyon at bansa pagdating sa pagtuturo ng Nursing. Ang mga nasabing paaralan ay garantisadong nagbibigay ng mga edukasyunal na programa na naghahanda sa mga estudyante ng kursong Nursing sa Nursing Licensure Examinations.

Mga Kaugnay na Pag-aaral Sa pag-aaral ni Laoingco (2002), 21st Century Trends in Nursing: Aligning Nursing Education with the Future, nakatuon ang kanyang pag-aaral sa mga dahilan ng pagbaba ng passing rate sa board exam ng mga Pilipinong Nursing Graduates. Ayon sa kanya, mas mainam kung gagawa ng mga pagbabago sa Nursing Curriculum ang mga pamantasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraang bunga ng makabagong panahon upang mas lalong mapalawak, mapaunlad, at mapataas ang kalidad ng edukasyon pagdating sa kursong Nursing. Sinusuportahan naman ito ng kasalukuyang pag-aaral na nakatuon din sa mga dahilan ng pagbaba ng passing rate sa board exam ng mga Nursing Graduates ng Far Eastern University.

TSAPTER 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Naglalahad ang tsapter na ito ng mga pamamaraan at instrumentong gagamitin sa paglilikom at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito. Disenyo ng Pananaliksik Ang paglalarawang pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral na ito. Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinaka-angkop na paraan upang matuklasan ang mga katotohanan na magiging batayan ng interpretasyon sa pagkakatulad o pagkakaiba, pag-uuri-uri at pagbibigay halaga sa mga nabanggit na talatanungan. Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong gagamitin sa paglikom ng mga datos. Magkakaroon din ng pormal na pakikipanayam ang mga mananaliksik sa mga respondent tungkol sa kanilang mga pananaw hinggil sa patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam. Mga Kalahok sa Pag-aaral

Tinangka ng mananaliksik na ilahok ang isang daang (100) bahagdan ng mga estudyante na kukuha at kumukuha na kursong Nursing sa Associate in Health and Science Education Department at sa Institute of Nursing sa FEU.

TALASANGGUNIAN A. MGA AKLAT Halstead, Judith A., DNS, RN, ANEF, Editor. September 2007. NURSE EDUCATOR COMPETENCIES: Creating an Evidence-Based Practice for Nurse Educators Ironside, Pamela M., Ph. D., RN, Editor. September 2007. On Revolutions and Revolutionaries: 25 Years of Reform and Innovation in Nursing Education The National League for Nursing. 2006. A Guide to State-Approved Schools of Nursing RN, 2006, FiftyEighth Edition B. NEWS PAPER Manila Bulletin. List of December Nursing Board Passers. February 5, 2008 Philippine Daily Inquirer. Poor Quality Nursing School Blamed. February 24, 2008 Philippine Daily Inquirer. Commission on Audit Tells CHED: Shut Subpar Nursing Schools. February 24, 2008

C. MGA DI NALATHALANG TESIS AT DISERTASYON Laoingco, Jose Reinhard. October 15, 2002. 21st Century Trends in Nursing: Aligning Nursing Education with the Future. Saint Louis University

D. PANAYAM O INTERBYU Dr. Glenda S. Arquiza Associate Dean Institute of Nursing Far Eastern University October 14, 2006 Dr. Annabelle Borromeo Dean Institute of Nursing Far Eastern University October 14, 2006 D. INTERNET

http://www.nln.org/publications/booksandhomographs/index.html http://philippinenurses.blogspot.com/2007/2009/learn-signs.html http://www.alibris.com http://www.dole.gov.ph/new/details.asp http://hdl.handle.net/123456789/201

TALATANUNGAN

I. Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng ekis ( X ) ang loob ng kahon batay sa iyong palagay. Lubos na Di Di Walang Masasabi Lubos na Sang-ayon

Tanong 1. Sapat ba ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng FEU sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Nursing? 2. Kaunti lang ba ang bilang ng mga mag-aaral sa kursong Nursing ng FEU na masipag mag-aral kaya bumababa ang passing rate ng FEU sa Nursing Board Exam? 3. Sapat na ba ang pagkakaroon ng isang Battery Exam upang ganap na masala ang mga mag-aaral na karapat-dapat kumuha ng kursong Nursing at tiyak na papasa sa board exam? 4. Sapat ba ang mga pasilidad ng FEU upang makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kursong Nursing? 5. Malaki ba ang naging epekto ng bilang ng mga Nursing Graduates ng FEU na retakers sa pagbaba ng passing rate ng FEU sa Nursing Board Exam?

Sang-ayon Sang-ayon

Sang-ayon

II. Bilugan ang titik ng napiling kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang iyong masasabi kung ikukumpara ang mga pasilidad ng FEU pagdating sa kursong Nursing sa ibang unibersidad na nagtuturo rin ng Nursing? a. Ito ay mas kumpleto at nasa panahon. b. Ito ay kulang at nahuhuli sa panahon. c. Ito ay kumpleto ngunit may kalumaan na at nahuhuli sa panahon.

2. Kung istilo ng pagtuturo ang pagbabatayan, ano ang pagkakaiba ng mga trainers at mga propesor ng FEU Institute of Nursing sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad? a. Ang mga trainers at mga propesor ng FEU ay mas student-centered, mas interaktibo, at mas advanced ang pagtuturo kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad. b. Nahuhuli sa panahon ang istilo ng pagtuturo ng mga trainers at mga propesor ng FEU kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad. c. Hindi masyadong mahigpit o strikto ang mga trainers at mga propesor ng FEU kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad. 3. Mas mahigpit ba ang FEU pagdating sa pag-aaral ng mga estudyante ng kursong Nursing kumpara sa ibang unibersidad na nagtuturo ng Nursing? a. OO b. HINDI c. MEDYO

III. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng ekis ( X ) ang loob ng kahon batay sa iyong palagay o opinyon. Lubos na Di 1. Sa FEU nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng passing rate ng mga Nursing Graduates sa Board Exam. 2. Sa mga mag-aaral nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng passing rate sa Nursing Board Exam. 3. Nakasalalay sa Board of Nursing, na siyang nagbibigay ng mga katanungan, ang pagtaas o pagbaba ng passing rate sa Nursing Board Exam ng mga Nursing Graduates. CURRICULUM VITAE Di Walang Masasabi Lubos na Sang-ayon

Sang-ayon Sang-ayon

Sang-ayon

PANGALAN: Hannah Rogine C. Calvo KAPANGANAKAN: Abril 12, 1991 BAYANG SINILANGAN: Bacoor, Cavite Philippines KATAYUAN SA BUHAY: Dalaga EDUKASYON Elementarya: Amazing Grace Academy Sekondarya: Saint Michaels Institute Tersarya: Far Eastern University Manila CURRICULUM VITAE PANGALAN: Ma. Cristina A. Camacho KAPANGANAKAN: Oktubre 17, 1990 BAYANG SINILANGAN: Virac, Catanduanes - Philippines KATAYUAN SA BUHAY: Dalaga

EDUKASYON Elementarya: JMA Elementary School Sekondarya: Catanduanes National High School Tersarya: Far Eastern University - Manila

CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Don Rupert H. Cruz KAPANGANAKAN: Setyembre 3, 1988 BAYANG SINILANGAN: Sta. Mesa, Taguig City - Philippines KATAYUAN SA BUHAY: Binata EDUKASYON Elementarya: Taguig Elementary School Sekondarya: Colegio De Sta. Ana Tersarya: Far Eastern University - Manila

CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Camilo T. Gueria, Jr. KAPANGANAKAN: Hunyo 10, 1990 BAYANG SINILANGAN: Bulacan, Bulacan - Philippines KATAYUAN SA BUHAY: Binata EDUKASYON Elementarya: Marciano C. Rivera Elementary School Sekondarya: Balagtas National High School Tersarya: Far Eastern University - Manila

**

http://www.scribd.com/doc/22839994/Thesis-Filipino-2 http://www.scribd.com/theyan/d/13624747-Thesistagalog-Social-Networking-THEYAN http://ivaughnnn.blogspot.com/

You might also like