You are on page 1of 4

Wisdom International School for Hugher Education Studies (WISHES) Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon

Pangalan:______________________________________________

Petsa: _____________

Score: _______

I. Tama o Mali A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang isinasaad ng pangungusap ay TAMA, at malungkot na mukha naman kung MALI. ______ 1. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo ______ 2. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang mga grassland tulad ng mga steppe at prairie. ______ 3. Nasa bahaging Hilgang Asya ang matatayog na sistema ng kabundukan tulad ng Himalayas at Hindu Kush. ______ 4. Yangtze River ay isa sa mga anyong tubig na matatagpuan sa China. ______ 5. Tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo bagamat ipinagbabawal ng pamahalaan. ______ 6. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaring matukoy and lokasyon nito sa mapa. ______ 7. Ang mga longitude ay distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng ekwador. ______ 8. Ang lupain ng Asya ay umaabot mula sa Arctic hanggang lampas ng ekwador. ______ 9. Tinatawag na habgat ang hanging mula sa hilagang- silangan ng Asya. ______ 10. Sa Timog Asya, ang mga hanging tropical at equatorial ang siyang nararanasan. B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot: A. Kung ang parehong pangungusap ay TAMA; B. Kung ang parehong pangungusap ay MALI; C. Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawa ay MALI; at D. Kuna ang unang pangungusap ay MALI at ang ikalawa ay TAMA. ______ 11. Isa sa nangungunang pangalan sa larangan ng pananaliksik tungkol sa pinanggalingan ng mga tao ay si Charles Darwin. Bago isulat ni Charles Darwin ang Origin of the Species, mayroon ng mga naunang siyentipiko na naglabas ng magkakatulad na teorya na ang tao ay hindi basta sumulpot sa daigdig na mukha ng tao. ______ 12. Ramapithecus ang tawag sa specie ng pinakamaliit sa tao na may taas na 1.1 metro, maiksing mukha, malaking panga, ngiping hawig sa kasalukuyang tao, my butas sa gitnang bahagi ng noo at maaring tuminding ng tuwid. Ang Australopithecus naman ay mapanga, halos walang noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo sa paglalakad, iba-iba ang kagamitan at gumagamit ng apoy, iba-iba ang tirahan. ______ 13. Sa panahong Mesolithic naging ganap na ang tao dahil sa kanyang kultura, nakakalakad na siya ng tuwid, nagagamit na niya ng mabuti ang kanyang mga kamay, at lumaki na ang bolyum ng kanyang utak. Sa huling yugto nito, nagtagumpay ang sinaunang taong wakasan ang kanyang tuwirang pagdepende sa kalikasan dahil natutuhan na niya ang pagtatanim. ______ 14. Ang ginto at pilak ang naging malawakang gamit ng mga Hitties sa Asya Minor bilang sandata sa mga digmaan laban sa ibang pangkat.

Ang Panahon ng Metal ay nahahati sa ibat ignag yugt, batay sa uri ng metal na malawakang ginamit ng mgatao bilang kagamitan, sandata, at palamuti. ______ 15. Sa Timog Kanlurang Asya unang natutunan ang pagtatanim ng halamang ugat tulad ng gabi at palay Sa pagpapaamo ng mga hayop at pagsasaka naging determinado ang mga sinaunang tao na makipagharap sa panibagong kapaligiran nito. ______ 16. Ang mga lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay kilala sa pangalang Mesopotamia na nangangahulugang " lupain sa pagitan ng dalawang ilog". Ilang pamayanang neolitiko na lumitaw sa rehiyon sa labas ng mesopotamia ay ang Jericho sa Israel, Catal Huyuk at Hacilar nasa Anatolia at ilang pamayanan sa kabundukan ng Zagros nasa hangganan ng Mesopotamia-Persia. ______ 17. Ang mga Ziggurat o templo ay tahanan ng mga diyos ng mga Aryan. Ayon sa mga matandang paniniwalang Sumerian, ang karagatan ay siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo. ______ 18. Isa sa mga pinakamahalagang ambag ng mga Sumerian sa sistema ng pagsulat ay ang Cuneiform. Ang mga ebidensya ng pagsulat ay mga selyo na may Pictogram upang kilalanin ang mga paninda. ______ 19. May limang lungsod ng Shang ang nahukay na ng mga arkeologo. Ang pinakaimportanteng nahukay sa mga sementeryo ng Shang ay ang iba't ibang buto na ginamit sa mga ritwal. ______ 20. Bandang 2700 B.C.E nabuo ang ilang lungsod sa indus dito limang lungsod ang nahukay dalawa sa pinakaimportanteng Lungsod ay ang Harappa at Mohenjo Daro umabot ang populasyon sa dalawa sa 40, 000 katao. Katulad sa sumer kulang rin sa mga likas na yaman ang Indus tulad ng metal, kahoy, at mga semi precious stone. II. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang Vietnam ay isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Kung ikaw ay nasa Pilipinas saang direksyon ito a. Hilagang kanluran c. Hilagang Kanluran b. Timog Silangan d. Timog kanluran 2. Ang Mongolia ay isa sa mga sakop ng Silangang Asya.Saan ito matatagpuan? a. Sa silangang bahagi ng Tsina c. Sa pagitan ng Tsina at Siberia b. Sa kanlurang bahagi ng Rusya d. Sa Hilagang bahagi ng Arctic Ocean 3. Ang China ang nangunguna sa produksyon ng ______ sa buong daigdig? a. tubo c. abaka b. palay d. tabako 4. Ano ang pangunahing yaman-mineral ng Timog-Kanlurang Asya a. Langis at Petrolyo c. Phosphate rock b. tingga at bakal d. Ginto at Tanso 5. Ano ang kahalagahan ng pagkakatatag ng Haribon Foundation? a. naparami ang uri ng ibon sa bansa c. nakikilala ang kahalagahan ng yamang-lupa

b. napangalagaan ang kabundukan na mga ibon sa bansa

d. napangalagaan ang mga endangered species

6. Alin sa mga bansa sa Asya ang may pinakamataas na literacy rate? a. Japan c. Singapore b. China d. South Korea 7. Ang suliraning ito sa lupa ay nararananas sa rehiyong tuyo o bahagyang tuyo. a. polusyon c. salinization b. siltation d. Desertification 8. Alin ang karaniwang dahilan ng pandarayuhan o migrasyon ng mga Asyano? a. pagkatakot sa kalamidad c. para makapagliwaiw b. Magkaroon ng trabaho,malaking d. kawalan ng katahimikan sa panirahan kita at maginhawang buhay 9. Ano ang negatibong epekto ng labis na populasyon? a. ang pagkakaroon ng polusyon c. kakulangan sa suplay ng langis at likas na yaman b. magiging masikip ang tirahan d. lahat ng nabanggit 10. Alin sa mga ito ang dahilan ng pagbaha sa Bangladesh, Pilipinas at Indonesia? a. Ang mabilis na paglaki ng populasyon c. Ang matinding pagkakalbo ng kagubatan b. Ang pagbukas ng dam sa India at Nepal d. Ang pagtatayo ng Watershed 11. Mula sa salitang Ruso na ibig sabihin ay malaking kagubatan. a. Tundra c.taiga b. steppe d. rainforest 12. Ang laki ng populasyon ng Asya ay di lamang sa dami ng tao maaring ilarawan, maari ring ipakita ito sa aspeto batay sa mga sumusunod maliban lamang sa isa: a. bilis ng paglaki ng populasyon b. sa pagbabago ng ekonomiya ng bansa c. antas ng urbanisasyon c. bahagdan ng marunong bumasa at sumulat 13. Ano ang naging implikasyon ng kakulangan sa suplay ng tubig sa bulubunduking kapaligiran ng Iran? a. Natigil ang ani ng bigas c. Nagpahirap lalo sa hanapbuhay ng mga Iranian b. naging mabagal ang pag-uugnayan d. naging dahilan upang mangibang bansa 14. Makikita sa Rehiyong eto ang gang mga disyerto at steppe na nasa gitnang bahagi ng Asya. a. Hilagang Asya c. Kanlurang Asya b. Silangan Asya d. Timog Asya 15. Isang anyong lupa na halos nakausli sa karagatan at napapaligiran ng tubig. Ang halimbawa nito ay ang Arabian Peninsula na matatagpuan sa Saudi Arabia. a. Pulo c. Tangway b. Lambak d. Kapuluan

III. Punan ng angkop na salita ang sumusunod na tanong at piliin sa loob na kahon ang wastong sagot. Mt. Everest Yamang- tao Topograpiya Sonang temperatura Himalayas Sonang frigid Myanmar Sonang tropical Malysia Klima Heograpiya Likas Yaman Bangladesh Klimang Kontinental Uzbekistan Mt. Fuji Kontinente Kultura Etnolinggwistiko Disyerto Moonsoon

_________1. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo. _________2. Itinuturing na sagradong bundok ng mga Hapones dahilan sa ito ay isa sa mga Shinto shrines ng Japan _________3. Pinakamainit na sona na kinabibilangan ng mga rehiyong nasa mababang latitud _________4. Tumutukoy sa karaniwang lagay ng atmospera sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon. _________5. Nakararanas ng pinakamalamig na temperatura kung saan ang rehiyon ay gaanong naaabot ng sinag ng araw. _________6. Yaman ng isang bansa na pinagkukunan ng mga naninirahan dito. _________7. Ang pangkat ng tao sa isang lugar ayon sa kultura. _________8. Isa sa pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa buong daigdig. _________9. bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat. _________10. Wikang nauunawaan at ginagamit ng pinakamaraming tao sa isang lugar. _________11. Bilang ng tao sa isang takdang lugar at panahon. _________12. Sentro ng pagawaan ng lata sa daigdig. _________13. Tawag sa sistema ng pamumuhay ng isang tao o pangkat. _________14. Makikita sa mga kagubatan nito ang pinakaamraming puno ng teak sa buong mundo.. _________15. Katangian nito ang malaking pagbabago at agwat ng temperatura taun-taon. IV. Punan at suriin ang nilalaman ng tsart. Bansa Pakistan South Korea Kuwait Singapore Turkmenistan Nepal Japan Jordan Laos Siberia 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Kabisera 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20. Yamang Mineral 21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. 30. Produkto

~~~~~ katapusan

ng pagsusulit ~~~~~
Inihanda ni Miss Jana B. Lomala AP 2nd yr Instructor

You might also like