You are on page 1of 10

Mga Epiko Sa Pilipinas

Ipinasa ni : Shiena Mae Cabague Ipinasa kay :

BIAG NI LAM - ANG


Sina Don Juan t Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lamang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga antng-anting na makapag-bibigay-lakas sa kamiya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa sy kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nanagmatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na

nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang igalp, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid s ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urinng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, untiunting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.

Magandang Aral:
Bawat tao ay nagmamahal at handang gawin lahat para sa pag ibig ..

Magagandang Aral Biag ni Lam-ang


Dahil sa pagmamahal handing ibuwis ang kanilang buhay para masunod ang kaugalian at sa tindi ng kanilang pagmamahalan nalagpasan nila ang mga pag subok sa buhay .

Bidasari
Walang imposible kung may pananalig tayo sa maykapal kahit gaano ito katagal kung may paniniwala itoy ating makakamtan .

Hudhod
Sa buhay ng tao di dapat tayo magtanim ng galit sa kapwa. Bagkus pairalin natin ang pagmamahal ,pag uunawaan ,pag bibigayan upang mabuhay tayong matiwasay .

Ibalon
Ang pag ibig ay ang pinaka magandang biyaya bigay sa ating Maykapal. Kaya kung itoy ating ipadama sa kapwa tao lahat tayo makakamtan ang kaligayahan .

Indarapatra at Sulayman
Magtutulugan tayo lahat ng pagsubok o suliranin sa lipunan ay ating malalagpasan lalo na kung may tiwala ,pagmamahal at paggalang sa kapwa lahat n gating minimithi ay ating makakamtan .

Indaratpatra and Sulayman


Ito'y salaysay ukol kay emperador Indarapatra ng Kahariang Mantapuli. Siya'y matalino, mabait at matapang. May sibat siyang matapos ihagis sa kaaway ay bumabalik sa kanya. Nang may nanalot na mga dambuhalang halimaw sa Mindanaw ay isa-isa niya itong napatay. Humingi ng tulong si Emperador Indarapatra kay Prinsipe Sulayman na iligtas nito ang Kaharian sa apat na salot: si Kurita, hayop na maraming paa at isang kainan lamang niya ang limang tao; si Tarabusaw, mukhang tao na nangangain ng tao; si Pha, ang ibong dahil sa kanyang laki'y nakapagpapadilim ng bundok at ang halimaw na si Kurayan, isa ring ibong may Pitong ulo. Tinanggap ni Sulayman ang tungkulin. Naglagay si Indarapatra ng halaman sa durungawan at kapag nalanta ito ang ibig sabihin ay nasawi ang prinsipe. Isa-isang napatay ang mga halimaw, ngunit nang maligtas niya ang pakpak ng huling halimaw ay nadaganan siya nito at siya'y namatay. Nalanta ang halaman at nabatid ni Indarapatra ang nangyari kay Prinsipe Sulayman. Pinuntahan niya ito at dumalangin nang taimtim sa Bathala. Nabuhay na muli ang bayani. Isang magandang dalaga sa mga nailigtas ni Sulayman ang nakabihag ng kanyang puso.

Magandang Aral:
Matuto tayong gawin o sundin ang inatasang tungkulin sa atin .Tulad sa kwento, binuwis ni Prinsipe Sulayman ang kanyang buhay para lang maisakatuparan ang inatas na tungkulin ni Emperador Indarapatra .

Tuwaang, ang bayani ng Kuaman


Ang Tuwaang ay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ring libangan tuwing may libing, kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa saganing ani, o sa isang matagumpay na pangangaso. Ang bawat awit ng epiko ng Tuwaang ay ipinakikilala ng mang-aawit gamit ang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit; at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. Mayroong higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon, dalawang kanta pa lamang ang nailalathala. Ito ay ang Mangovayt Buhong na Langit (The Maiden of the Buhong Sky) at Midsakop Tabpopawoy (Tuwaang Attends a Wedding). Sa unang awit, iniligtas ni Tuwaang ang isang dilag mula sa kanyang dambuhalang manliligaw, isang lalaki mula sa Pangumanon. Gamit ang laway ni Tuwaang, napabuhay niyang muli ang mga taong pinatay ng higante. Dinala ni Tuwaang ang dilag sa kanyang bayan at doon, ay may nakasagupa na naman siyang isang katunggali. Pagkatapos, si Tuwaang at ang kanyang mamamayan ay sumakay sa isang bangka patungo sa langit. Sa ikalawang awit, si Tuwaang ay dumalo sa isang kasalan, para lamang maging kabiyak ng babaeng ikakasal, matapos na mabigong magbigay ang lalaki mula sa Sakadna ng kabayaran para sa kasal. Natalo ni Tuwaang ang lalaki at pagkatapos ay dinala niya ang babae sa Kuaman kung saan siya ay naghari magpakailanman

Magandang Aral:
Napaka imposible ng kwento pero bilib ako kay Tuwaang dahil matapang niyang hinarap ang kanyang mga kalaban. Siya ay magandang halimbawa.

Buod ng Bidasari

Note: Ang Bidasari ay isang epiko na sikat sa mga Muslim, ngunit hindi ito orihinal na kanila Ito ay nagmula sa mga Malay Sa Kembayat, masaya ang lahat sa balitang nagdadalantao ang sultana, nang biglang sumalakay si Garuda, isang higanteng ibon na salot sa kaharian. Dahil sa takot at pagkakagulo, napahiwalay ang sultan at sultana sa mag tao at inabutan ng panganganak ang sultana sa tabing-ilog. Sa pagmamadali, naiwan nila ang sanggol sa isang bangka. Di naglaon ay napulot ni Diyuhara ang sanggol at ini-uwi niya ito sa Indarapura. Pinangalanan niya ang sanggol na Bidasari at lumaki siya bilang isang magandang dalaga sa pagmamahal nila. Samantala, ang selosang sultana ng Indarapura na si Lila Sari ay alalangalala na iwan siya ng asawa niyang si sultan Mongindra. Inutusan niya ang mga kawal niya na maghanap ng babaeng mas maganda sakanya. Ang kinuha ng mga kawal ay si Bidasari na sumama sa pag-aakala na gagawin siyang dama ng sultana. Pinakulong ng sultana si Bidasari, at sa tuwing wala ang sultan ay pinahihirapan niya ito. Sa sobrang paghihirap, sinabi na ni Bidasari kay Lila Sari na kung nais niyang mamatay na siya, kunin niya ang gintong isda sa hardin ni Diyuhara, isuot ito bilang kuwintas sa umaga at ibalik sa tubig sa gabi. Ginawa ito ni Lila Sari at hinayaan na niyang umuwi si Bidasari. Kapag suot ni Lila Sari ang isda, namamatay si Bidasari at binuburol sa isang palasyong pinatayo ni Diyuhara para sakanya. Kapag binalik naman ni Lila Sari ang isda sa tubig, nabubuhay ulit si Bidasari.

Hindi nagtagal, natuklasan ito ni sultan Mongindra nang mapadpad siya sa kinalalagyan ni Bidasari habang siyay nangangaso. Binalikan niya ito muli ng sumunod na araw at naabutan niya ang pagbangon ni Bidasari nang gumabi na. Ipinagtapat ni Bidasari ang lahat ng nangyari at dahil dito, at pati na din sa labis na pagkabighani sa kagandahan ni Bidasari, pinakasalan siya ng sultan at siyang pinaupo sa tabi ng trono. Lumipas ang maraming taon at ang isang anak na lalaki ni Diyahara (na akala ni Bidasari ay tunay niyang kapatid) ay nagtungo sa Kembayat. Nakilala niya si Sinapati na napuna niyang kamukhang-kamuka ni Bidasari. Si Sinapati ay pinasama ng ama niya sa Indarapura para alamin kung si Bidasari na nga ang nawawala niyang kapatid. Doon, ipinagtapat ni Diyuhara kung saan talaga niya nakuha si Bidasari at nakumpirma na nila na si Bidasari ay kapatid nga ni sinapati at isa siyang tunay na prinsesa sa Kembayat.

Magandang Aral: Matutong tumanggap sa katotohanan. Tulad ni Bidasari ,hindi niya alam na tunay na prinsesa pala siya ng Kembayat, pero tinanggap pa rin niya kung sino siya

BUOD ng Ibalon (Epiko ng Bikol)

Si Baltog ay anak ni Haring Handiong na pinamumunuan ang Samar. Si Baltog ay isang mandirigmang manlalakbay na binaybay ang Samar hanggang makarating siyang Ibalon, matapos ang Gunaw o ang malaking baha. Doon nakasalamuha niya ang mga buwayang nagliliparan pati na rin ang mga higanteng baboy ramo. Siya ay isang malakas at makisig na mandirigma kung kayat walang tumagal na nilalang sa kanya. Lahat sila ay agad niyang napatay. Subalit mayroong katangi-tanging halimaw doon na hindi niya masupil. Ito ay ang ahas na may mukha ng babae na nagngangalang Oriol. Hindi niya ito mapasuko kung kayat humingi siya ng tulong sa kanyang ama. Kahit na dalawa na silang lumaban dito hindi pa rin nila ito magawang matalo. Sa kabutihang palad, si Oriol ay nakisanib puwersa sa mag-ama at sinugpo lahat ng masasamang elemento. Nang masiguro ni Baltog na ligtas ng lipatan ang Ibalon ay pinalipat niya ang kaniang kaharian. Nagsilikas ang mga nasasakupan nila at namuno sa Bikol.
(Ang epikong ito ay nasabing sinasalaysay ng isang manlalakbay na si Kadugnong. Ito rin daw ang kwento nang pagkakatuklas sa Bikol.)

Magandang Aral:
Mas maganda kung sama-sama ,nagkakaisa at nagtutulungan. Katulad sa kwento ,nakipag sanib pwersa ang mag amang Baltog kay Oriol. Mas nagapi nila lahat ng masamang elemento dahil nagkaisa sila ...

You might also like