You are on page 1of 3

Ikalawang Markahang Pasulit sa HEKASI V

Panuto: Pag-ugnayin ang nasa hanay A at B. Isulat sa sagutang papel ang bilang at ang titik na kaugnay nito.


1. Sapilitang paggawa.
2. Palatandaan ng pagkakaisa at pakikipagkakaibigan
3. Binubuo ng mayayamang may-ari ng lupain, mga
guro at mga pinuno
4. Ibang tawag sa kalakalang galyon
5. May kapangyarihang panghukuman.
6. Karapatang ipinagkaloob sa mga Espanyol na
mamahala sa mga pueblo at mangulekta ng buwis ng
buwis dito. Nakatulong ito sa pagpapatahimik ng
piling panahanan.
7. Simbolo ng pagiging alipin ng mga Pilipino
8. Pagtutustos ng pagkain sa mga barko at garrison ng
mga Espanyol.
9. Reaksyon ng mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal.
10. Panggitnang pangkat.



a. Sanduguan
b. Kalakalang Maynila-Acapulco
c. Tributo
d. Bandala
e. La Liga Filipina
f. Royal Audiencia
g. Ilustrado
h. Polo
i. Anomalya
j. Encomienda
k. Pag-aalsa
l. Principalia



Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang nakasaad sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel.
11. Bago pa dumating ang mga Espanyol, nakipag-ugnayan na ang mga Pilipino sa mga dayuhang negosyante.
12. Tanging ang Spain ang bansang naggalugad ng mga lupain sa Silangan.
13. Nakadaong nang walang pagtutol sa Cebu ang pangkat ni Legazpi.
14. Isa sa mga kapangyarihan ng gobernador-heneral ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng isang batas.
15. Lumalaganap ang katiwalian sa pamahalaang kolonyal nang umunlad ang kalakalang pandaigdig.
16. Kinatawan ng hari ng Spain sa kolonya ang enkomendero.
17. Marunong nang magbulsa ng halagang hindi naman nakalaan para sa kanila ang mga pinuno noong panahon pa
ng mga Espayol.
18. Kailangan sa pag-unlad ng bansa sa anumang panahon ang mabuting sistema ng transportasyon at komunikasyon.
19. Ang pakikipagkalakalan ng mga Muslim sa mga Espanyol ay humantong sa kanilang pagkatalo.
20. Walang nakikitang diskriminasyon sa pamahalaang mapang-api.

Panuto: Ibigay ang salitang tinutukoy ng bawat bilang. Pumili ng sagot sa mga salitang nasa loob ng kahon sa
ibaba.
21. Ang daluyang na nagpadali sa paglalakbay mula Europa patungong Pilipinas.
22. Pahayagang itinatag ni Marcelo H. del Pilar.
23. Mga paksang makabayan ang nilalaman ng pahayagang ito na itinatag ni Graciano Lopez Jaena.
24. Mga nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal.
25. Samahang itinatag ni Andres Bonifacio.
26. Samahang itinatag ni Dr. Jose rizal.
27. Nagsulong ng pansariling pangekonomiya ng Pilipinas.
28. Ibinabayad upang malibre sa polo.
29. Panimulang aklat ng katipunan.
30. Siya ang tinaguriang Utak ng Katipunan.

KKK Apolinario Mabini La Liga Filipina Jose Rizal
Suez Canal Emilio Jacinto La Solidaridad Cartilla
Diariong Tagalog Falla Jose Basco Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.
31. Bakit Katolisismo ang relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino?
a. Magaling magsermon ang pari.
b. Nangunguna ang relihiyong ito sa buong mundo.
c. Ligtas sa kasalanan ang kabilang ditto.

d. Minana natin ito sa mga Espanyol.
32. Alin ang pangyayaring hindi nakatulong sa pagkakaroon ng diwang makabayan?
a. Ang mga sinulat na nobela ni Jose Rizal.
b. Ang pagsapi ng mga ilustrado sa Kilusang Propaganda.
c. Ang pagkakataong makarating sa ating bansa ang mga dayuhan sa pagbubukas ng Suez Canal.
d. Ang pagkakamali ni Gobernador-Heneral Izquierdo sa pagbitay sa tatlong pari.
33. Paano nakakatulong ang mga bayani sa paglinang ng diwang makabayan?
a. Nakilala ang pinakamagiting na bayani.
b. Lalong nagkaroon ng pagmamahal sa bayan ang mga Pilipino.
c. Nakita ng mga bayani ang kahigitan ng pamumuhay sa Pilipinas kaysa ibang bansa.
d. Naging magkasundo ang pamahalaan at ang Simbahan sa lahat ng bagay.
34. Ang mga paring misyonero na dumating sa Pilipinas ay nangulekta ng buwis at bandala, lumahok sa kalakalang
galyon at nagtatag ng paaralan. Ano ang ipinapakita nito?
a. Makapangyarihan ang Simbahan
b. Makapangyarihan ang pamahalaan.
c. Masunurin ang mga tao sa mga misyonero.
d. May alitan ang pamahalaan at simbahan.
35. Alin sa mga kilusang nakatala ang may kaugnayan sa mga pari?
a. Propaganda b. La Liga Filipina c. Sekularisasyon d.Pilipinisasyon
36. Ito ang tawag sa tagapamahala ng mga lupain ng mga mamamayan at prayle.
a. Inquilino b. ilustrado c. principalia d. encomendero
37. Ito ay binubuo ng mga inapo ng mga datu, nagmamay-ari ng lupa, guro at pinuno ng bayan.
a. misyonero b. encomendero c. ilustrado d. principalia
38. Ito ang dahilan ng pagyaman ng mga ilustrado.
a. Pagkakaroon ng lupa b. pakikipagkalakalan c. pagdayo sa ibang bansa d. pag-aaral sa Spain
39. Ito ay hukumang tagasiyasat sa gobernador-heneral.
a. Ayutamiento b. residencia c. encomienda d. pamahalaang sentral
40. Namumuno sa mga lalawigang hindi pa napapayapa.
a. alcalde-mayor b. corregidor c. gobernadorcillo d. alcalde
Panuto: Ibigay ang tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon
41. Ang daluyan na nagpadali sa paglalakbay mula Europa patungong Pilipinas.
42. Ano ang naging hudyat ng himagsikan laban sa mga Espanyol?
43. Ano ang opisyal na pahayagan ng Katipunan?
44. Sino ang nagtatag ng katipunan?

45. Sino ang patnugot ng pahayagang Kalayaan?
46. Parusang iginawad sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos at Zamora.
47. Sino ang Ama ng Balagtasan?
48. Sino ang Ama ng Pagpipintang Pilipino?
49. Sino ang Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino at nagging patnugot din ng La Solidaridad?
50. Sa mga propagandista, sino ang gumamit ng bansag na Plaridel?
51-55. Ihambing ang pamahalaang lokal at pamahalaang sentral.
55-60. Ihambing ang paraan ng pakikipaglaban ng mga propagandista at katipunero.

You might also like