You are on page 1of 2

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad

ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na


nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay
tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.

Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles ang Simuno) ang


bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng
kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan
ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Naglalaro si Crisanto ng bola. (gumanap ng kilos)
Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda (pinagtutuunan ng
diwang isinasaad ng pandiwa)
Si Melody ay kumakanta sa entablado ngayon.
Si Ana ay nagbabasa ng kanyang paburitong libro.
Si Aadriyan ay nagpapagupit ng kanyang buhok.
Panaguri
Ang Panaguri(Predicatesa wikang Ingles) ang bahagi ng
pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol
sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Ito ay maaaring:
panaguring pangngalan
panaguring panghalip
panaguring pang-uri
panaguring pandiwa
panaguring pang-abay

panaguring pawatas

You might also like