You are on page 1of 1

GAYUMA

Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang
makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma.
Ang panggayuma ay ay kadalasang inihahalo sa inumin ng gagayumahin. Ito raw ay magiging
mas mabisa kung lubos ang paniniwala ng nanggagayuma sa kapangyarihan nito.
Taong eksperto sa paggayuma:
Ang mga taong sinasabing eksperto sa paggagayuma ay kadalasang naghahalo ng sangkap na
maaring isama sa inumin ng taong gagayumahin. Ang mga negosyante ng gayuma ay sinasabing
mas may nakakaalam sa paggawa ng gayuma tulad ng tamang sukat, dami o dalas ng pag-inom
ng naturang timpla na ia-ayon sa bigat ng hangarin ng nagpapagayuma. Ang mga naglalako
naman ay nagbibigay nag alternatibong preskripsyon na malimit ay may isinusulat sa isang papel
na may kakaibang mga simbolo. Ito ay itinuturing na mas nakapagbibigay ng epekto at abilidad
na matupad ang paggagayuma.
Paraan ng Paggamit:
Ang paggamit ng gayuma ayon sa mga naniniwala dito ay ang huling pamamaraan upang mapaibig nila ang taong ninanais nilang makasama tulad ng naunsiyaming panliligaw, pag-ibig na
hindi ginantihan o di kaya ay lihim na pagmamahal. Habang ito isinasagawa, may mga orasyong
Latin ang ibinubulong ng manggagayuma ayon sa itinuturo ng naglalako. Ang dalas ng
pagsambit ng orasyon ay nakaka-apekto sa pagtupad ng gayuma.
Sangkap:
Mula sa pinaniniwalaan ng ninuno, ang sangkap ng gayuma ay karaniwang galing sa likas at
organikong materyales. Ang mga sangkap ay mula sa iba't-ibang bagay mula sa halamang-damo,
ugat ng halaman at bahagi ng hayop at insekto, hanggang sa mamahaling bato, korales, at maliliit
na sanga.
Iba pang Pang-akit:
Ilan sa layon ng gayuma ay pagkakabalikan ang dalawang taong nagmamahalan, mang-agaw ng
isang taong may iba ng mahal o di kaya ay tapusin ang isang relasyon. Ngunit ang ganitong mga
klase ng orasyon ay ginagawa lamang ng mas may karanasan na caster. Maliban sa paggamit ng
potion at orasyon, ang iba ay gumagamit din ng maliliit na pulang supot na may lamang batong
maliit, buhok, buto o di kaya ay bulabod. Kapag ito daw ay isinuot, magiging mas kaakit-akit at
kahalina-halina ang taong magsusuot nito
Source: https://web.facebook.com/karunungannalihim/posts/147911262039998?_rdr

You might also like