You are on page 1of 2

Ang bansa natin ay isa sa mga bansang may pinakamarami na dayalekto.

Sa mahigit na pitong libong pulo ay nasa apat na raang dayalekto ang


mayroon tayo. Ang mga ito ay ang mga pangunahing dahilan kung bakit
pinagsumikapan ng magigiting nating ninuno na magkaroon tayo ng isang
wikang pambansa at kung bakit ito nilinang at patuloy na nililinang
hanggang sa kasalukuyan.
Taong 1935 nang ang saligang batas ng pilipinas ay nagproklama na ang
kongreso ay gagawa ng hakbang upang mapaunlad at mapatibay ang
isang wikang pambansa na batay sa isang umiiral na katutubong wika.
Taong 1936 nang itinagubilin ni Pangulong Manuel L. Quezon sa isang
mensahe sa Asemblea Nasyonal sa paglikha ng isang surian ng wikang
pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo ng
Pilipinas.Pinagpatibay ng batasang pambansa ang batas komonwelt Blg.
184 na lumilikha ng isang surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang
mga kapangyarihan at tungkulin nito:
o Pag-aaral sa mga pangunahing wika ng kalahating milyong tao sa
pilipinas.
o Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga
pangunahing dayalekto
o Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino.
o Pagpili ng pinakamaunlad, pinakamayaman sa panitikan at wikang
ginagamit at tinatanggap ng pinakamaraning Pilipino na katutubong
wika na siyang batayan sa magiging wikang pambansa.
Ika 13 ng Enero, 1937 - Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga
kagawad na bubuo ng surian ng Wikang pambansa (Seksyon 1, Batas
komonwelt Blg. 184).
Ika 18 ng Hunyo, 1937- Pinagpatibay ang batas ng Komonwelt Blg. 333
na nagsususog sa ilang seksyon ng batas ng Komonwelt Blg. 184
Ika 9 ng Nobyembre, 1937- Nagbunga ang ginawang pag-aaral at
alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Bly. 184 ay napagpatibay ang
isang resolusyon na ang tagalog ang siyang halos lubos na nakakatugon
sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184.
Ika 30 ng Disyembre, 1937 Ipinahayag ni Pangulong Quezon na ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
o Mga dahilan kung bakit Tagalog ang napili:
Ang Tagalog ay magkahawig sa karamihang wikain sa bansa
Ang tagalog ay nagtataglay ng 11,000 (labing isang libo)
hiram na salita na matatagpuan din sa lahat ng halos na
talatinigan ng iba pang wikain sa Pilipinas
Mayaman ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalapi
at pagtatambal ay dumarami ang mga salita niyon.
Madaling matutunan ang tagalog.

Ika 1 ng Abril, 1940- Kautusang Tagatanggap Blg. 263- binigyang


pahintulot ang paglimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng
wikang pambansa.
Ika 19 ng abril, 1940- itinakda para simulan ang pagtuturo ng tagalog sa
lahat ng paaralang bayan o pribado sa bansa.
Ika 12 ng abril 1940- Sikyular Blg. 26 serye 1940 na nagsasaad na ang
pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at
paaralang normal.
Ikaw 7 ng hunyo 1940- Batas ng Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana sa
Pambansang wika ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

You might also like