Professional Documents
Culture Documents
Salawikain Asdat Kahulugan PDF
Salawikain Asdat Kahulugan PDF
Kahulugan: Hindi ka dapat mag-aksaya ng oras sa mapipili ng gusto dahil pag naubos ang
oras wala na ang mga bagay na gusto mo.
BUGTONG
- ay isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang
pinoy, at ng mga nakakatanda. It ay may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan.
1. Bugtong: Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Bugtong: Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako.
Sagot: langka
3. Bugtong: Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Bugtong: Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Bugtong: Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Bugtong: Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Bugtong: Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Bugtong: Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
11. Bugtong: Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
12. Bugtong: Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
13. Bugtong: Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. Bugtong: May bintana ngunit walang bubungan,
may pinto ngunit walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Bugtong: Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Bugtong: Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Bugtong: Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Bugtong: Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
19. Bugtong: Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
20. Bugtong: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
PABULA
- ay isang maiksing kuwentong kathang-isip na kinatha nuong unang panahon. Eto ay ginagampanan ng mga hayop na
nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangang
ituwid o baguhin dahil sa pagiging hindi mabuti o makatarungan.
Kabayo at ng Mangangalakal
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.
Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang
nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa
Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa
palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:
"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.
Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal
sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.
"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay
magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit
laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.
Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
isang lahi." Ang kuneho deeming kanyang assertion na lang imposible,assented sa mungkahi, at
kanilang napagkasunduan na ang lobo ay dapat pumili ngmga kurso, at ayusin ang mga layunin. Sa araw na takda
sa mga lahi nila nagsimula na magkasama. Ang pagong hindi kailanman para sa isang sandali tumigil, ngunit angnagpunta sa sa
isang mabagal ngunit tumatag makipagsabayan tuwid sa katapusan ngkurso. Ang Hare, nagtitiwala sa kanyang katutubong katulina
mga lahi, at nakahiga sa tabi ng daan, nahulog nahihimbing. Sa hulingnakakagising up, at paglipat bilang mabilis hangga't siya ay
maaaring, nakita niya angpagong ay naabot na ang layunin, at noon ay matiwasay dozing pagkatapos ng kanyangnakakapagod
na.
Kapag ang uwak ay nakuha ang tinik, at hiningi ang ipinangako sa pagbabayad, ang lobo, grinning at paggiling ang mga
ngipin, exclaimed:
"Bakit, ikaw ay tiyak na isang sapat na gaganti, sa may na pinahihintulutan upang maglabas ng iyong ulo sa kaligtasan mula
sa bibig at pangil ng isang lobo. " Sa paghahatid ng mga masama, walang
nilaga, at nagpapasalamat kung kamakatakas pinsala para sa iyong panganganak.
ALAMAT
- ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagaybagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.
Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng
binata ay Paz sig! Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa
pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang Pasig o Ilog Pasig.
Alamat ng Rosas
Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang Rosa, na balita sa kanyang
angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang
kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.
Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga
nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay
di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at itoy nagtangkang agawin si Rosa at dinala
ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon diy siyay naging bangkay. Sa takot ni
Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon
upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang
halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil
sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si
Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin
lamang ng sinuman.
Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya
nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa
paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod.
Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,ay sa Bundok ng
Anuyao. Nais magluto ni Wigansubalit walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na
nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy
ang bundok. Siyay tinanggap ni
Bugan ng buong kasiyahan.
Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sa
bundok ng Anuyao. Sapagkat napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang
magpatuloy ang buhay, silay nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang itoy nag-isang dibdib,
pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.
Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay
sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, Kilala kitang mabuting
tao.Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung sususndin moa ang aking mga tagubilin,
kakasihan ka ng mga Diyoses. Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?
Ang Dakilang Diyos ay sumagot, Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng caaoaraw at gabi ng
tatlong araw na sinkad upang akoy ipagbunyi. Kung akoy msiyahan, uunlad ang inyong tribo.
Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribno ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahanda
hangagng sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay
nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya ni
Kabunian. Siyay nagsalita, Mabuti anak. Akoy nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka ito
ang aking gantimpala. Kitay bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagiy inbagar.
Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay
dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ngiyong taniman. Ang malapot na putik at
ang batonngbuhay na yaon, tuloy turo sa duminding, ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang
aking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon.
Salamat po, Diyos ko, ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo
ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian.
Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong
Ipugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayoy ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang taniman
ng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya.
Alamat ng Palay
Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungangkahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa
parang. Sila ay maligaya roon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao
ay nalungkot.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Silay pagod na pagod at gutom na gutom. Silay
nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay
makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Silay nagpunta sa yungib. Dito ay
napakarami pala ang engkantada. Silay may reyna. Silay nagsaya noon, nag-awitan, at
nagsayaw.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay
punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.
Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Silay pinainom ng
puting alak at silay at nagging matalino.
Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, Kayoy bibigyan ko ng butyl. Itoy
itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay
mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga.
Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang
inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo.
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.
Alamat ng Kawayan
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo.
Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag
nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag
nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya
pagkat tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan
niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan.
Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga.
Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas.
Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at
pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman
si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang paguusapan.
Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni
Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwangtuwa si Kawayan.
Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang
makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng
maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang
binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan
sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.
Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa
pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.
Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang
mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na
napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang
makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na
sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagkat makikitid ang mga
dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga
dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng
nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni
Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga
Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng
Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng lubhang ikinagalak ni Kawayan.
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni at
mapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni
Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga sa
anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat
mamugad sa puso nino man.
Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.
Alamat ng Lansones
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang
gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga
tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang
magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng
mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones.
Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakantakanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipagusap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.
Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan
niya ang mga tao para lumapit. Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari
na ninyong kainin. Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones.
Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.
Kumain na kayo. At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga
ang bakas ng kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones.
Alamat ng Kasoy
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang
buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang
magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada
ang lahat ng hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni
ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang
kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang
Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang
Papaya.
Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging
ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.
Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero
hindi naman nakikita ang katuwaan.
Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.
Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?
Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop
at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa
pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo,
mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob
ng prutas na ito.
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na
pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.
Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan
ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng
mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa
pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng
bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw.
Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang
kumulog at kumidlat.
Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit
ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang
Buto.
GaGanito pala sa labas. MaMamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng
kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. AAyoko na sa labas.
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay
pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito. Iyan ang Alamat ng
Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
SAWIKAIN
o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang
gamit at hindi tuwiran ang kahulugan.
1.
2. Kakaning-itik
Kahulugan: walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
3.
Luha ng buwaya
9. Pagputi ng uwak
Kahulugan: walang maaasahan, walang kahihinatnan
11. Pusong-bakal
Kahulugan: hindi marunong magpatawad
13. Alilang-kanin
Kahulugan: utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
14. Balitang-kutsero
Kahulugan: balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
15. Balik-harap
Kahulugan: mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
20. Takaw-tulog
Kahulugan:mahilig matulog
Pinagsama-samang
Gawain
Proyekto sa Filipino II
(Salawikain,Sawikain,Bugtong,Pabula At
Alamat)
Ipinasa Ni:
Ipinasa Kay:
Maam Lacanilao