Professional Documents
Culture Documents
Buod N El Filibusterismo
Buod N El Filibusterismo
Kabanata 1: Sa Kubyerta
sic itur ad astra
Ganito ang landas ng mga Bituin
Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero
patungong Laguna:
- Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang
kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan.
Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang
organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais
magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.
- Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa
ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao
sa kubyerta.
- Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda
siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang
ulo at tamad pa.
- Donya Victorina tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil
sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong
nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito
ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at
mayayabang na damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang
asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan
ng kanyang bagong kulot na buhok.
Mga Nasa Kubyerta:
Tatlong Fraile uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa
kanan
Don Custodio payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto
Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila
sapagkat siya ay nag-iisip
Simoun ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral.
Ang Pagtatalo:
Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang
proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad
ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.
Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing
mabuting lawa ditto sa Pilipinas,
Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay
ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang
ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng
lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.
Sumagot naman si Don Custodio sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa
proyektong iyan.
Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at
imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na
rin ng pagkain ang mga manggagawa
Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.
Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang
puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga
Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.
- Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila
kayang pigilin ang mga rebolusyon?
Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim
ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.
Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat
dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.
mga bata sa kolehiyo hindi upang matuto kundi upang matapos ang kurso. At kung maisaulo nila
ang mga aklat, wala nang maaari pang hingin kayat nakapapasa sa pagtatapos ng taon.
Sa pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwang kuwit, nagtamo siya ng marking
aprobado sa labis na pagkamangha ng mga tagasulit. Sa ikalawang taon niya, dahil nanalo ng
malaki ang manok ni Kapitan Tiago na ipinalaga sa kanya ay binigyan siya nito ng malaking
pabuya na agad naman niyang ibinili ng sapatos at sombrerong fieltro.
Nabago ng bahagya ang kanyang palad pagtuntong niya sa ikatlong taon; Naging gurop niya ang
isang dominikong masayahin, palabiro at mapagpatawa sa mga mag-aaral, may katamaran
sapagkat sa ilang kinalulugdang mga mag-aaral niya ipinauubaya ang mga aralin. Isang araw
napag tripan siya ng guro (sapagkat sa isip nito ay may pagka-kulangkulang si Basilio kayat
tinangka niyang patunayan ito as pamamagitan ng pagtatanong dito tungkol sa aralin). Ang
problema nga lang nasagot ito ni basilio nang walang pagkakamali kaya binansagan siyang loro
ng guro, at nagbigay pa ng patawa sa klase at nagtanong pa ulit kay Basilio upang patunayan na
maaliw nga sila. Mabuti na lamang at marunong na noon si Basilio ng Kastila kayat sumagot ito
na hayag ang hangaring hindi magpapaphalakhak sa kahit sino. Dahil dito, hindi na siya tinawag
pang muli.
Noong ikaapat na niyang taon, naipasa parin niya ang Latin kahit na natukso itong isuko na ang
pag-aaral May isang guro doon na itinuturing bilang pantas, dakilang makata, at may maunlad na
pagkukuro. Isang araw na kasamang namamasyal ang mga mag-aaral, napaaway ito sa ilang
kadete na humantong sa isang labo labo at hamunan. Sa pagkakataong ito, sinabi ng guro na ang
mga sasali sa sagupaan sa darating na linggo na iyon ay bibigyan niya ng mga matataas na
marka, at napatanggi si Basilio sa isa sa mga labanan na iyon. Dahil dito at sa kanyang
pagsisikap nagtamo siya ng grading sobresaliente na may kasama pang medalya noong taong din
yon. Sa nakitang ito, inudyukan siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal na nasa
tugatog ng katanyagan noon.
Tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa gitnan ng kasiyahan ng kanyang mga propesor,
ipinagmalaki sya ng mga ito at inanyayahan pang daanin sa isang pagsusulit si basilio ng mga
huradong Dominiko
Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito
bago ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipinas kaya naman pumayag
na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na nakakapagtistis na si basilio ng mga
bangkay kayat magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ng kanyang panabong na manok ( dugo
ng Intsik na namatay sa sipili).
Ipinagpatuloy ni Basilio ang kanyang pag-aaral at sa ikatlong taon ay nakapanggagamot na, kaya
naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis ng marangal at upang makapag-impok ng
kahit papaano. Huling taon na niya ngayon at dalawang buwan na lang ay magiging ganap na
doctor na siya. Pakakasalan niya si Juli at siya rin ang magbibigay ng speech sa kanyang
graduation
Kabanata 7: Simoun
Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo
at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman
nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na
humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda
nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata
nito at ang mapanglaw na mukha.
Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang
iba kundi ang alaherong si Simounnapagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si
Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya
si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong
itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang
ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga
balak.
History of Simoun:
Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang magukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan
alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa ibat ibang
part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya
upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya.
Kabanata 9: Ang mga Pilato
Naipatalo ang kaso ng asundo na isinampa ni Tales
Laging pinagdadasal ni Hermana Penchang si Juli at pinag nonobena
Lumuwas si Basilio ng Maynila para tubusin si Juli
Kabanata 10: Karangyaan at Karalitaan
-Hiniling ni Simoun na makituloy siya kina Tales upang doon maganap ang bentahan ng mga
alahas niya.
Kapitan Basilio, Sinang, Hermana Penchang mga bisita noong gabi na namimili sa samut
saring mga alahas na ipinapakita ni Simoun.
- Sumulat si Tales: Kinuha niya ang rebolber ni Simoun at ipinalit ang relikaryo ni Maria Clara
na ibinigay ni Basilio kay Juli. Sumali na ito sa mga tulisan at namundok
-Dumating ang mga guwardiya sibil at dahil wala si Tales (Telesforo Juan de Dios) si Tandang
Selo ang dinakip
Kinagabihan, natagpuang patay ang asenderong fraile at ang bagong kasama, basag ang bungo
at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman, natagpuang patay ang asawa ng kasama na ginilitan
ng leeg at may lupa rin sa bibig. Sa papel na tabi nito may pangalang Tales na isinulat sa dugo na
matatagpuan.
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa
kanyang bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong
sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket.
Sa bandang huli, dumating sina Macaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon
daw gagawin kayat hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.
Kabanata 22: Ang Palabas
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan
ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing
ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito
ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makakita.
Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit
dumating na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at
kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real
sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral.
Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay
Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang
pasaring kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa ayuntamiento. Si Macaraig ay
nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay
kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na
ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa
lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga pagbati sapagkat
nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doa Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw
lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas.
Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae
na sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na
taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine,
Grenicheux, Gaspard at Lily.
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad
nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal
ang hinihintay nilang cancan.
Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doa Victorina kay Juanito sapagkat ito raw
ay lalaking-lalaki at maginoo.
Kabanata 23: Isang Bangkay
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan
Tiyago na nooy lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung
bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang
ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi
niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng
hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng
ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling
naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio
Sa huli, ay nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing ito
raw ay ang tauhan ng Vice-Rector.
upang itaning kung dapat ba niya balutian ang kanyang basar dahil na rin nga sa tension sa
lipunan nila.
Nang magkaroon ng konting kaguluhan sa simbahan ay inakala ng mga tao na sumiklab na ang
rebolusyon na siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang lumalabas ng bahay sa gabi at
napakatahimik ng lugar.
Ipinakita rin dito ang pagkamatay ni Kaptian Tiago. Namatay siyang nakahawak sa bisig ng
Padre Irene, na nagulat at nakaladkad ang katawan ng namatay. Dito rin sinabi na nakapiit si
Tadeo at Isagani.
Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO
Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta
Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga
dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik
ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing.
Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya
sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa
rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating
suot.
Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang
mananalo. Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila nagnanais na
mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kap. Tiago.
Kabanata 30: JULI
Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay
binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si
Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio.
Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman
kamag-anak.
Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni
Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi
maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng
kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli
ngunit hind siya pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo,
Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at
kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa mga
tulisan)
Kabanata 31
Ang Mataas na Empleado
Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa
predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan
tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na
pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang
sinalakay ay isang kumbento o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani,
bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng
nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre
Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila.
Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas si Makaraig,
at si Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago nakaluwas ang amain nitong si Padre Florentino.
Ang tanging naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral na dapat ay may
maiwan sa isa sa mga nakulong upang maisalba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi
masabi ng iba na sobra-sobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay.
Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at
tiyakna walang maghahabol.
Binigyan ng katwiran ng Mataas na Empleado na si Basilio ay isang estudyante sa medisina,
pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa
piitan, patapos na din kasi ito sa kurso.
Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Empleado at Kapitan Heneral, kaya
dagdag dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinilit ng
mataas na empleado. Dahil ditto nagsisi ang Mataas na empleado sa pagtukoy kay Basilio at
naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan ng Kapitan Heneral.
Sinabi ng Mataas na empleado na si Basilio nga daw ang pinakainosente sa lahat, hindi nga ito
kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang nahuli lang sa kanya na
siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang mga librong
tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin
ng Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas nakakatakot.
Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng
hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Empleado na hindi
siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignidad, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin
niya ang tama. Na bago ang Espanya ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal,
mataas na prinsipyo at moralidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng
Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Empleado na kung malalaman man ng Espanya ang
pinaggagawa ng Kapitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang kakampihan dahil ito ang
tama at makatarungan.
Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Empleado kung kelan ang alis ng huling koreo sa
araw na yun, at napayuko na lang ang Mataas na Empleado. Nilisan n Mataas na Empleado ang
palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na pagdating ng araw na magdeklara
kayo ng independensiya, nagtaka ang kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na alalahanin ninyo
na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga
karapatan!.
Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa
susunod na Koreo.
Kabanata 32
Mga Bunga ng Paskin
Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o
mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa
kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang
dumating.
Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at
palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas
higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok.
Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak.
Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit
na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang
kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan.
Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang
himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi
pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa
itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang
lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun
ang aparador at kinuha ang isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote
bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun
ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya
pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng
pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang pagsabog.
Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang
kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio.
Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga
armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao.
Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil
magsusupling lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay
sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang
unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero
ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay
magtatagumpay.
Kabanata 34
Ang Kasal
Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero hindi
niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at
mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan ang
pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay
lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung
saan ito gaganapin, basta ang alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa
isa sa mga bahay sa kalye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha
ng mga ilang gamit. Marami siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye, at napansin niya
ang bahay na puno ito ng mga palamuti at mga nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya
napagtanto na ang pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay ni
Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na karwahe na sakay si Juanito Pelaez at isang babae na
nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez?
Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga,
naawa siya kay Isagani.
Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang
ay nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din.
Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng
poot ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan.
Nakita niya si Sinong na nagmamaneobra ng karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang bahay.
Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled
diumano sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat ng gamit sa
bahay ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng
mga santo pero pilit itong pinapalitan ni Don Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng kromo.
Nilalait ni Don Timoteo ang gawa ng mga Pilipino dahil higit na maganda ang mga bagay na yari
sa Europa.
Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang
uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.
Kabanata 35
Ang Pagdiriwang
Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan. Nagsidatingan ang mga
empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo, may nagkomento na tuwang-tuwang
daw nag matanda at para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na
nasisikip na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay hanggang
mamyang gabi at mapag-isa na ang dalawa. Napagod din si Don Timoteo sa kababati sa mga
taong dumalo at ito ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating na ang
matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari. May pumansin sa mga
kromong nilagay ni Don Timoteo, hindi daw ito nababagay at minamantsahan lamang ang mga
dingding ng bahay. Nagalit ang Don, at minungkahing nanggaling sa iyon sa Europa,
napakamahal, at walang mabibiling ganun sa Maynila. Natigil nalang si Don Timoteo nang
dumating ang Kapitan Heneral, nataranta siya kung ano ang gagawin, kung siya ba ang unang
kakamay o hihintayin niyang iabot ng Kapitan Heneral ang mga kamay nito sa kanya. Tinugtog
ang Marcha Real. Malungkot ang Kapitan Heneral sapagkat ito ay aalis na. Napaisip siya sa
pagpipilit ni Simoun na magtagal pa, pero sabi niya sa sarili na delikadesa muna bago ang lahat.
Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapasok sa
pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay.
Nakita niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang
magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dumating si Simoun na hawak ang
lampara, na sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral.
Naawa ulit si Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa
napakaaba ng kanyang bihis. Pinigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana,
pag pinagpilitan niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara na
hawak ni Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito ay nilagay sa
gitna ng mesa na pinsadya ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na napansin ng
mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang minuto lumabas si
Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong magagawa dahil
tapos na ang pagtaya o :Alea Jecta Est. Sa pagsakay niya sa karwahe ay sinabi niya na
bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon naisip ni Basilio ang kanyang kaligtasan, naglakadtakbo papalayo si Basilio sa bahay, nababangga ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal
siyang nabunggo kay Isagani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya ni
Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na si Paulita bukas. Sinabi ni Basilio
na may malaking sakuna ang darating, mamaya niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay
mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin ni Isagani ang tumuloy sa
pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo si Basilio. Matapos nun, at napaisip si
Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala sa isip niya ang pag-aalinlangan,
at selos, at tanging nasa isip niya ay ang maisalba ang buhay ng kanyang minamahal, si Paulita.
Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na Mane
thecel phares at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalang Juan Crisostomo
Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay
matagal ng patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don Custodio sa
mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak
na kubyertas, baka sila ay lalasunin sa pagkain.
Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang
magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon palabas ng
bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may magnanakaw
daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalian itong tumalon sa ilog.
KABANATA 36
MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB
SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari sa kasalan.
Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa.
Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito
ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura,
nagdagdag at nagkinis si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang
katotohanan lamang. Kinabukasan sa kanyang pgakamangha ay ibinalik sa kanya ang kanyang
lathala at hindi naimprinta sapagkat ayaw daw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit
anong balita ukol sa nangyari ng nakaraang gabi sa kasalan. Ito ay lubhang ikinalungkot ni Ben
Zayb at ayon sa kanya maihahantulad daw ito sa pagpatay sa isang anak na maganda at matapang
na dalaga! Ang gayong karaming paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa Diyos kung
kayat wala pang isang araw at mayroon na namang isang balita siyang tinanggap na pwedeng
isulat at malathala! Ang balita : Ang mga tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit sa
dalawang libong piso at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay nagkasira-sira ang
kamay sa paggamit ng isang silya bilang pananggol!. Ang itinala naman ni Ben Zayb ay
apatnapu o limampung tulisan sa paraang pataksil,l mga rebolber, itak, eskopeta, pistola, leong
nananandata, silya, mga tatal, sinugatan ang walang kaawa-awasampung libong piso.
Hindi pa nakontento si Ben Zayb sa narinig kung kayat pumunta sya sa pinangyarihan ng
krimen at doon ay napag-alaman na si Padre Camorra ay nasugatan lamang ng munti sa kamay at
isang bukol sa ulo, ang tulisan ay tatlo lamang at pawang itak ang ginamit, ang halagang
ninakaw ay limampung piso! Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay
isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay hindi
makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng mapansing nawawala nga si
Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia sibil.
v Makikita natin si Ben Zayb na isang walang kwentang tao at nagpapanggap na matalino subalit
hindi naman. Ipinapahiwatig dito ni Rizal ang kamangmanagan at pagbabalatkayo ng mga
Espanol noong panahon na iyon at dahil sa kanilang mabulaklak na pananalita ay napapaniwala
ang mga indio. At makikita din natin na sa kabanatang ito unang nalaman ng mga
maykapangyarihan na si Simoun ang ulo ng mga tulisan.
KABANATA 37
ANG HIWAGA
Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang ama ng tahanan
na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay kanyang asawang si Kapitana
Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang
tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang
pinakasentro sa mga tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat
ikinukwento niya ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng
lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong
pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog
sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang
Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si
Simoun na nagpapanggap na kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng
kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala
sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang
bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.
v Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa buong bayan
(gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa pagdating ni Ibarra sa Noli at
sa mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre Damaso). Makikita din natin dito na may
pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na walang inisip kundi ang kanilang kayamanan.
Dulot na din siguro ng kahirapan dati kung kayat sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng
kumakapit dito ang mga Pilipino.
KABANATA 38
KASAWIAN
Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si Tandang
Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa
ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan.
Makikita natin dito si Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na
nagpapahirap sa mga bihag nilang pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa
ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang
maabutan ng tubig. Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si
buhay si Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa dagat
Pasipiko.
v Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa
din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila.
At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang.
Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan
Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni
Ibarra na nagpanggap na si Simoun.