You are on page 1of 10

Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and

magandang pagsasalita at pagsulat.


Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na
pagpapahayag.
Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat.
Ano ang ipinapahayag sa pakikipag-usap?

Kapag nakikipag-usap nang harapan o kayay sa telepono, nagpapahayag tayo ng pasalita.

Pagpapahayag upang ihayag ang damdamin at kaisipan.

Sino-sino ang nakikipag-usap?


Mahalaga ang pakikipagtalastasan sa buhay ng tao, sa kanyang buhay pulitika an sa kanyang
hanap buhay.

Kailangang mag-usap ng pamilya para sa maayos nitong pagkilos

Sa kapitbahay, para kamustahin

Sa tindera, upang makatawad kapag namamalengke

Sa drayber, upang pumara at magpahatid sa pook na pupuntahan.

Anu-ano at bakit nagiging malabo sa pagtalastasan?

Nagiging malabo ang pakikipagtalastasan kung di maayos ang pagkakabuo sa diwa ng


pagpapahayag o kayay ang kakulangan sa kaalaman sa retorika ng pagpapahayag.

Kung hindi magkaintindihan ang dalawang nag-uusap.

Ang pakikipagtalastasan any bahagi ng lipunan upang maipahayag ang iyong:


1. Naisin
2. Maunawaan
3. Magkaisa
Kailan mabisa ang isang pahayag?

1. nauunawaan
2. malinaw
Tatlong bagay/elemento na dapat isaalang-alang upang magkaroon o matamo ang
kalinawan sa pahayag.
1. diwang ipinahayag mensahe (a) tiyak (b) sinaliksik (c)magdagdag ng kaalaman
2. kasanayan sa pagbuo ng pahayag
3. tamang pagpili ng mga salita
Ayon kay Sebastian, ang retorika ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan
ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita.
Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga
salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.

Ito ay galing sa salitang rhetor (Salitang Griyego) na nangangahulugang guro o mahusay


na oradr/mananalumpati

Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong


pagsasalita o pagsulat.

Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at
wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng
manunulat ang kanyang layunin.

Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan

Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang
impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito
mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay
ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng
retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.

Retorika: Bilang isang sining


Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa
ating isipan, damadamin at mambabasa.
Isang Kooperatibong sining
Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at
tagapakinig sa iisan ideya.

Isang pantaong sining

Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao
ang retorika ay isa ring siniong at pantao.

Isang Temporal na sining

Ito ay nababatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwhae ngayon at


hindi bukas o kahapon.

Isang limitadong sining

Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil
maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.

Isang may kabiguang sining

Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga
tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan.

Isang nagsusupling na sining

Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng
isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.
Saklaw ng retorika
1. Lipunan
2. pilosopiya
3. wika
4. iba pang larangan
5. sining
Gampanin ng Retorika

Nagbibigay daan sa komunikasyon

Ang sayusay[pananangguni'y kailangan] o retorika[1] ay isang uri ng sining ng paggamit ng wika o isang
pag-aaral tungkol sa kaalaman sa mga salita o lenguwahe. Ginagamit ang retorika ng isang tao
upang mapasunod at magkaintindihan ang dalawang magkausap, upang maipakita ng bawat isa
ang kanilang kagalingan sa pakikipagtalastasan.

Ayon impormasyon sa ibat-ibang aklat[pananangguni'y kailangan], isang mahalagang kaalaman ng


pagpapahayag ng ang retorika kung saan tinutukoy kung maganda o kaakit-akit na pagsusulat at
pagsasalita ng isang tao. Maaaring isa itong kahusayan ng nilalang sa pagpili ng mga salitang
nais niyang iparating. Mula ang salitang "retorika" sa salitang Latin na rhetor,
nangangahulugang guro o mahusay na mananalumpati. Susi sa mabisang pagpapahayag ng
nauukol na kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat ang retorika at isa ring pag-aaral
upang makabuo ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng pili at wastong pangungusap na
may maangkop na layunin.
Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling. Ilan sa
mga gampanin nito ang pagbibigay daan sa komunikasyon, pag-aabala, pagpapalawak ng
pananaw, pagbibigay ngalan, at pagbibigay kapangyarihan.

Morpolohiya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang
pinakamaliit na yunit ng tunog na na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng
pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong
kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o
metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.

[baguhin] Kayarian ng salita


May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:
1. payak - salitang-ugat
2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi
3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong
kahulugan
[baguhin] Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito
1. Taingang-kawali- taong nagbibingi-bingihan
2. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o
organisasyon

3. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap


4. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
5. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
7. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
8. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
10. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensyon, takaw-pansin, agaw-eksena
11. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
12. Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
13. Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
14. Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
15. Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
16. Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
17. Balat-sibuyas - maramdamin
18. Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
19. Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
20. Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng
tubig
21. Hanap-buhay - trabahong kailangan ng mga tao.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia


sa pagpapalawig nito
Ang Ponolohiya o Phonology (mula sa salitang Griyego: , phn, "tunog, boses") ay
sangay ng lingguwistika (linguistics) na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang

wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit
ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan (i.e. morpema o
morphemes, salita).

[baguhin] Phonetics at Phonology


Ang batayang yunit ng tunong na pinag-aaralan sa Phonology at Phonetics ay ang ponema (o
phoneme). Ito ay ang pinakamaliit nay unit ng tunog sa wika. Ang Phonetics ay ang pag-aaral ng
mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika. Samakatwid, ang ito ay
ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang ginagamit sa wika, at kung
paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng wika. Samantala, ang
Phonology naman ay ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang wika upang
makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita, ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng
imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog ng
lahat ng wika, at ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang
pagkukumpara ng mga set ng tunog ng ibat ibang-wika.

[baguhin] Morphophonemics o Morpoponemiko


Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito.
Mga uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Filipino:

Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensya ng ponemang


kasunod nito.
o Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema

Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbait, mang +


batas = mambabatas

o Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat.

Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot =


panakot

Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y
pinapalitan ng ponemang "r".
o Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong

Metatesis =-pagpapalit ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay


ang mga ponemang (l, y, o)

o Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap

Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.


o Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan, labahan = labhan, dalahin =
dalhin

Paglilipat-diin = kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago


kapag ito'y nilalapitan.
o Halimbawa: laro + an = laruan, dugo + an = duguan

Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga


ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng
tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog
(prolonging/lengthening)
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. May
dalawang uri ng ponema: 1 segmental at suprasegmental.
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig
at patinig.
a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan
ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat
ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil
napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating
bigkas nito ay malumi o maragsa.
b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa
ponemang katinig
Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit
c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.
d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/,
gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang
kahulugan ng salita.
Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake

noon - nuon
e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay
na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng
magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa - mass
Ponolohiya (Phonology) - Tatlong Salik sa Pagsasalita
(Three factors in Speaking)
1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na
hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling)
2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga
babagtingang pantinig (Vocal)
3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang
bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador
(modifies the sound. The mouth and nasal passageway are
considered as resonators.)
Ponolohiya ng Filipino
PONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog.
Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang
patinig
"katinig means consonant and patinig means vowel"
Mga katinig:
Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M
Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T
Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S
Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng,
WPasutsot (sounds produced by exhaling) - H
Mga Patinig:
A, E, I, O, U
Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng
malapatinig na w at y.
Halimbawa (Example):
aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy.
Halimbawang salita (Example word):
bahaw, bahay, okoy, baliw
Morpolohiya (Morphology) - pag-aaral ng mga morpema
ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang

makabuo ng salita.
Morpema - pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaaring salitang ugat o
panlapi.
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko (Types of
Morphophonemic Change)
1. Asimilasyon (Assimilation) - pagbabagong nagaganap
sa huling posisyon dahil sa impluwensiya ng kasunod na
ponema. Kung ang ponemang pang ay ikinakabit sa
salitang-ugat na nagsisimula sa b, p ang n ay nagiging m.
Halimbawa:
pang + balabal = pambalabal
pang + panitikan = pampanitikan
pang + kuha = panguha
pang + tabas = pantabas
2.M eta sis - ang salitang ugat na nagsisimula sa L, O, Y pag
nilagyan ng panliping (in) ay nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
in + layo = nilayo
in + yakap = niyakap
3. Pagpapalit ng ponema - kapag ang ponema ay nasa
unahan ng salitang (d) ito ay karaniwang napapalitan ng
ponemang (r) kapag ang huling ponema ng unlapi ay patinig.
Halimbawa:
ma + damot = maramot
ma + dungis = marungis
4.Pagl ili pat- dii n - ang mga salita ay nagbabago ng diin
kapag nilalapian.
Halimbawa:
basa + hin = basahin
laro + an = laruan
5. Pagkakaltas ng ponema - nagaganap kung ang huling
ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kapag
nilalagyan ng hulapi.
Halimbawa:
takip + an = takipan - takpan
sara + han = sarahan - sarhan

You might also like