You are on page 1of 8

Nena at Neneng

Valeriano Hernandez at Pea


Matalik na magkaibagan si Nena at Neneng kapwa mannahi ang knailang
hanapbuhay. Nagkaroon ng kasintahan ang dalawang dalga. Unang nagging
kasintahan ni Nena si Miguel ngunit di nagtagal ang pagsibol ng kanilang relasyon
sa kadahalianan tutol ang ate ni Nena. Kaya nanligaw si Miguel kay Chayong
kasintahan naman ng pinsan si Narciso o Sochong. . Ginahasa at ang puriy inilugso.
Si Miguel ay sugapa sa sugal , bukod sa singungaling at nabilanggo dahil sa
kasamaan hanggang mabulok saka namatay sa bilibid. Nagkaanak si Chayong at si
Narciso ang naging ninong. Isang araw na dinalaw ni Narciso ang inaanak,
nakabangga niya si Neneng na maghahatid ng tahi para kay Chayong.
Ito ang simula ng pagkakilala ng dalawa na humantong sa pagiging
magkasintahan. Si Nena ay umuwi sa kanilang nayon dahilan ng pagkamatay ng
kaniulang amain. Dito niya nikta muli ang kababatang si Deogracias, nagkaibigan
sila at di nagtagal ay nagpakasal. Ininmbitahan ni Nena ang magkasintahang
Neneng at Narciso. Sa kasalan, ditto nakita ni Isko si Neneg na sa unang tingin pa
lang ay sumibol ang pag-ibig ni Isko para kay Neneng, na agad naming tinutulan ni
Neneng dahil mayroon siyang kasintahan.
Nagpakasal sina Neneng at Narciso. Hindi pa rin tumugil sa panunuyo si Isko,
lumuluwas pa rin siya sa Maynial para ligawan si Neneg na taliwas sa kaalaman ni
Narciso. Dahil sa isang liham ni Isko para kay Neneng n anabas ni Narciso, at
minsang umuwi si Narciso sa tahanan nila nakita niyang tumalon mula sa bintana si
Isko. Dahil sa pagkaselosoy humahangga sa kawalan ng bait. Inakala ni Narciso na
nagtataksil sa kanya si Neneg kaya nilayasan niya ang asawa.
Dianamdam ni Neneng ang pag-iwan ng asawa. Umuwi siya kina Nena , at sa
likod ng pag aliw ng kaibigan, nagkasakit si Neneng at tuluyang namatay.
Si Narciso ay di mapalagay kaya bumalik siya sa kanilang tahanan. Ngunit
huli na ang lahat, nabatid na yumao na si Neneg dahil sa pagkasipayo sa pag-ibig.
Nang malaman niya mula kay Nena na patay na ang asawa at mabasa ang liham ni
Neneng na nagpapaliwanag na wala itong kasalanan sa bintang nito sa kanya.
Nagmamadaling nanaog ng bahay si Narciso upang magtungo sa libingan ni Neneng
para humingi ng tawad , sa kanyang pagmamadali nadulas siya sa hagdan at sa
pagkakahulog tumama ang kanyang ulo sa bato upang maging sanhi ng kanyang
pagkamatay.

Lunsod, nayon at dagat-dagatan


N.V. M. Gonzales
Mula sa lungsod, lumuwas sa nayaon si Antonio at sa kanyang paglalakbay
sakay ng karitelay naaninag niya ang kagandahan ng nayon at namumulaklak na
mga puno ng mangga sa tabing-daan, matatabang kalabaw na nagsisipanginain sa
mag bukiring hindi pa inaararo at sa mga lalaki at babaing nagisisgawa sa kanilang
mga itikan. Sa dagat-dagatan ay kinasasalaminana ng arw na papalubog. Sa
kanyang pagmamasid nadama niya ang lalang ng kalikasan.
Takipsilim na nag dumating si Antonio sa bahay ni Nena na agad naming
tinanggap ng mga magulang ni Nena, si G. Gomez o tatang. Sinundan ng kanilang
paghahapunan. Sa pagkukuwentuhan nila sa beranda, nalibang sila palibhasay
napakaraming tanong ni tatang. Napag usapan nila ang paglalakbay ni Antonio
galling sa lungsod, di naglaon napag usapan nila ang pagkakaiba ng paninirahan sa
lungsod at nayon. Nahimigan ni Antonio si Nena na taking taka dahil sa pagsasalita
ng kanyang ama. Si G. Gomez ay paiba iba ng isip patungko, sa pagluwas sa
siyudad, na agad sinundan ng matang nag aalab na kalian man hindi malilimutan
ang pook na kanyang nilakhan. Ang pagkakaroon ng itikan at palayan sa pook nay
un, s tagpong iyon sila ay natahimik sa winika ng matanda. Na agad pinag-usapan
ng magkasintahan. Inialok ni Nena na siya ang kakausap sa kanyang mga magulang
patungkol sa pakay ni Antonio. Na agad naming tinanggihan ni Antonio dail sa
kanyang pangambang nadarama.
Hindi makatulog ng gabing iyon si Antonio, malalim ang kanyang iniisip. Alam
niyang iniibig siya ni Nena at siyay nagtungo roon upang magtapat sa kanyang
mag magulang. Sa kanyang pag- iisip nalaman niya ang lahat ng dahilan kung bakit
hindi napapanahon ngayon ang pag-aasawa na nagsasabi na kailangan niyang ito
ngayon o lailanman ay huwag na. Na lulutas sa kanya kung may pagtitiwala sia sa
kanyang sarili o wala. Kung natutumpak ang katandaan o kabataan.
Maaga pa lanag, naulanigan niyang may nanaog sa may halamanan. Saka
niya nagunita ang dagat-dagatan. At ang gunitaing iyoy biglang nagging isang
bagay na walang katututran. Kung ihahambing sa halimbawa, itinatanghal kung
sino, upang Makita ng kaniyang sarling mga mata sa halamanan sa ibaba. Iniliban
nila ni Nena ang pagpunta sa dagat-dagatan upang masabi ang mahalang pakay.

Lupang tinubuan
Narciso g. reyes
Narinig niya ang pag usad ng tren naiwan sa likuran nina Danding ang takip
silim ng tutuban, at silay napaginta sa malayang hangin at sa luwang ng umaga.
Huminga ng malalim ang kaniyang Tiya Juanan na nagpagising sa kamalayan ni
Danding. Napawi tila ulap sa isip niya ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang
pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig, upang dumalaw sa namatay na kamag-anak
ang kanyang Tata Inong. Nakadam ng lungkot si Danding bagamat hindi niya nakita
kailanman ang namatay na tiyuhin.
Sa Malawig, ipinanganak ang kanyang ama, doon lumaki at nagka isip at
nadama niya ang pag usbong sa kanyang puso ang isang pambihirang pananabik.
Pagdating sa Malawig sari-saring pakilala, kumustahan na kanyang malalapit at
malalayong kamag-anak. Sa isang banda nakadama ng pasasalamat si Danding na
sarat ang kaniyang ilong, kundi hindi ay pulpol na marahil siya ngayon. Napako sa
kanila ang pansin ng lahat. Isang manipis na dingding na sawali ang tanging
nakapaginta sa bulwagan at sa pinakaloob na bahay na siyang kinabuburulan ng
patay. Sa pagpasok ni Danding ay nag iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa
kaniyang pandinig ang alingawngaw sa labas at dumampi sa kanyang puso ang
katahimikan ng kamatayan. Nabakas niya ang bahagyang pagkakawangis sa
kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. Pumuta sia ng bukid sa
may likuran ng bahay. Hindi kalayuan ay natanaw niya si Lolo Tasyo . Madami siyang
nalaman tungkol sa kanyang ama ang pagkakaparis nila sa pagsasalita at ang
nagging buhay kabataan ng kanyang ama.
Handa na ang hukay, nasa gild ng simbahan ang libingan bagay na
nagpagunita kay Danading ng sumpa ng Dioys.Wala ng nalalabi kundi paghuhulog
at pagtatabon ng kabaong.Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang ngunit sa
kaniyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangigilid ang luha sa kanyang mga
mata. Balisa at nagsisikip ang dibdib sa damdamin nadarama. Si Danding ay
lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.
Ang kapayapaan ng bukid, unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at
ligamgam at natiwasay ang pagod niyang katawan, sa kapirasong lupa dito

isinilang ang ama niya. Napanatag ang kanyang puso sa sandaling iyon at tila
hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan.
Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na. Kagat na ang dilim sa lahat ng dako, wlang
buwan at may kadiliman ang langit. Nababanaag pa niya sa kalayuan ang paglikha
ng tula ng kanyang ama at aandap-andap na bituing naging saksi sa unang pag-ibig
nito.

Uhaw ang tigang na lupa


Liwayway a. arceo
Ilang araw na niyang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal niya.
Bilugang mukha, malapad na noo, hati sa kaliwang buhok, singkit na mga mata,,
hawas na mukha niya, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at manipis na labi
na kay Ina. Ang kaniyang ina ay hindi palakibo. Bihira siyang magalit at
nagkakagayon ay maikli ang kaniyang oananlita. Ito rin ang katumbas ng kiyang
mariing huwag kung mayroo siyang ipingbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan
kung tag-araw. Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw.
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaluluwang idinudulot ng isang amang
nagsasalaysay ukol sa mga kapre at nuno at ukol sa magagandang ada at prinsesa,
ng isang nagmamasid at nakangiting ina, ng isang pulutong ng nakikinig ng
magaganda at masaganang dula. Ngunit sa halip niyon ay minamalas ko si ama sa
kanyang pagsusulat, sa kanyang pagmamakinilya, sa knyang pagbabasa. Si ina ay
isang magandang tanawin kung manunulsi ng mga punit na damit, natutughan ko
ang isang kapana-panabik na kuwento ngunit ang pananabik na itoy napapawi.
Sakali mang hindi ngkakagalit si Ina at si Ama, o magkagalit man ay sadyang hindi
pinamamalay sa akin, hinahanap ko rin ang masiliw na palitan ng titig ng mga
biruan.
Ilang taon na ang nakakaraan ng minsang may ibinalik na maliit na aklat ang
aming tagapaglaba. Nukaha niya mula sa lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay
ko kay ina at ito raw ay talaarawan ni ama. Kinabukasan nabakas ko sa mga mata ni
ina ang mga luha at di niya pagkibo. Lalo siyang naging malungkot sa aking
paningin. Lasing na lasing si ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si ama ngunit,
kakaiba ang kalasingan niya ngayon gabi. Hinilamusan siya ni ina ng maligagam na
tsaa. Isang panyolitong basa na malamig na tubigang itinali ko sa ulo ni ama. Wala

siyang tutol sa aking ginawa. Kinulob ko siya sa makapal na kumot matapos inumin
niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi. Nakangiti si ama
habang ginagawa ko iyon nawika niya mangagamot pala ang aking dalaga.
Ilang araw na nakaratay si ama at nawika ng manggagamot gagawin niya
ang lahat ng kanyang makakaya. Ipinalinis ni ama ang kanyang hapag ng kanyang
silid, sa pang ilalim na kahon ng kanyang hapag nagbigay ng pansin ang isang
kahitang pelus na rosas at isang salansan ng liham. Ang larawan sa kahitang pelus
ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro,may
maninipis na labi sa likod niyon ay nasusulat sa maliit at bilugang titik sa bughaw na
tinta. Sapagkat akoy nakalimot. Nakadama ako ng pagkapoot at sa mga
sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit sa kay ama.
Hiningi ni ama ang panulat sa aklatan at aniyay isang dalubhasang kamay
ang uukit non sa itim na marmol, na lailanmay hindi ko aangkining likha ng aking
mga daliri. Kinatatakutan ko ang pagkawala ng diwa ni ama. Si ina ay patuloy sa
kanyang pagluha kung walang maaring makakita sa kanya. Nasa mga mata man
niya ang ilaw ng pagkabigo. Natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang
kaluluwa.

ISANG DIPANG LANGIT


AMADO V. HERNANDEZ
Sa kanyang pagkakapiIt sa kulungan, mababanaag sa kanyang mga mata
ang pighati at malupit na buhay. Ikinulong sa kasalanang hindi naman niya pag-aari.
Pagbabayad na walang naming siyang inutang. Pagkakataong nasayang sa
kasalanan hindi naman niya ginawa.Isang kulungan na magiging tahanan, malupit
na bato bakal, buwayang bantay. Isang lugar sa mundong itinuring niyang buhay na
patay. Mga tanong sa kaniyang mga salita na bingi sa katotohan. Hanggang kalian
siya magtitiis sa lugar na walang hanggan kundi ang kamatayan.Kay talim ng mga
mapanuring mata na kung tumingin ay sandata ng kidlat . Mga hiyaw na mga
kapwa bilanggo na kulambong sa luksa na wari nagtatago sa lungga ng hustisiya.
Gustong maaning ang pag-asa mula sa Bathala. Nagtatanong nasaan ang
maykapa alam niya di natutulog ang Diyos at pantay ang hustisiya pagdating sa
kanya. Hindi habang buhay ang mga api ay api salat naman sa kahirapan
madamarama rin ang kaginhawaan sa kanyang kugar sapagkat sa kniyay pantaypantay.
Humihingi ng bukas na liwanag mula sa sandipang langit, na walang pighati
at pagdurusa. Sisikatan ng pag-asa sa kanyang napipintong paglaya. Mula sa
paglaya naaaninag ang tagumpay. Dilim man ang pinagdaan laging sa liwanag ang
dulo ng dilim.

WALANG SUGAT
SEVERINO REYES
Kuwento ng pag-ibig ni Julia para kay Tenyong. Na nagpapamalas sa
panunuyo at tuksuhan ng dalawang nag iibigan. Sumisimbolo sa pag-ibig na tulak
mong kabigin bibigay rin.Noon panahon ng mga Frayle pinahihirapan ang mga
Pilipino, mahigpit na ipinagbabawal ang aklat na filibusterismo o kaya ay miyembro
ng Mason. Pagaaklas ang turing ng mga fryale sa ganitong gawain. Kaya isa sa
naakusaha nito ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.
Sa pagkukunwari ng mga frayle, nilinlang nila ang mga dalaw ng mga
bilanggo, isa na rito ang ina ni Tenyong. Pinaniwala nila ang mga Pilipino na
nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunt kabaligtaran ang nagyayari.
Pinagmamalupitan nila ang mga bilanggo at pinahihirapan. Bagay na nalaman ng
ina ni Tneyong. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni Putin (ina) ang
nangyari at hinimatay. Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Upang
maibalik ang kalayaan sa pagkakabihag ng tatlong taon sa kamay ng mga frayle
ang minamahal nilang inang bayan. Sinugod ng mga katipunero ang estacion
Guiguinto.

Pinagkakasundo ng ina (Juana) ni Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na
anak ni Tadeo. Na mahigpit na tinututulan ni Julia. Kaya gumawa siya ng paraan
para malaman ni Tenyong ang nais ng kaniyang ina. Inutusan niya si Lucas na
ipagsabi kay Tneyong na ipinagkakasundo siya kay Miguel, at naitkda na ang
kanilang petsa ng kasal.
Maging man ang taumbayan ay nakisentimyento sa mga kolonisador, kundi
mga paring Pilipino tulad ni Pari Teban. Upang mailigtas sa kamay ng mga frayle
sumasakop s inang bayan. Ang pagkakasundo ng bawat Pilipino laban sa mga
dayuhan. Ipinaglalaban ang karapatan ng bawat at ang pagiging malaya n gating
bayan.
Bago makapunta si Lucas sa lugar ni Tenyong. Pinagmalupitan siya ng
dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya, ang taksil ng bayan, ang Makabebe
(Macabebe Scouts) at ng mga katipunero.
Ikinalungkot ni Tneyong ang natanggap niyang balita mula kay Lucas. Labis
na nasaktan si Tenyong nang malaman niyang ikakasal na si Julia. Kaya gumawa ng
para hindi matuloy ang kasala. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila sa bayan.
Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari,
ikinasal sila.Sila rin sa huli, nasukat man ang kanilang pagmamahalan sa isat isa
hindi naman sugatan ang kanilang pag-iibigan.

TANIKALANG GINTO
JUAN ABAD
Si Liwanag na may edad na 16 taong gulang ay umiibig kay KUlayaw isang
binatang mahinhin na 18 taong gulang. Na mahigpit na tinututulan ni Maimbot ang
tiyuhin ni Liwanag. Isang mabagsik at magaspang na pag uugali. Panginoon ni
Nagtapon, binatang magaslaw at kapatid sa ina ni KUlayaw, sunod sunuran sa
gusto ng kaniyang panginoon. Ang kanilang ina ay si DAlita, na maramdamin. Si
Manunulo, dukhang mangingilaw ng palaka na may katamtamang gulang. Bat
(Diosa), kumakatawan sa katwiran. Si Diwa kumakalarawan ng pananalig. Kaluluwa
ni Dalita ang demonyo at Kamatayan.
Dahil sa kalupitan ni Maimbot nagtanan si Liwanag at KUlayaw. Na agad
naman ipinahanap ni Maimbot kay Nag-tapon. Nagkunwari si Nag-tapon sa kaniyang

kapatid na si KUlayaw, upang mahanap sila ni Maimbot. Napatay si KUlayaw sa


kadahilanan pinagkanulo siya ni Nag-tapon. Labis na ikisama ng loob ni KUlyaw ang
pangyayaring iyon, na hindi niya matanggap na iiwanan niya ang mahal niyang si
Liwanag at kataksila ng kaniyang kapatid. Na kabailgtaran naman sa nadaramang
tagumpay ni Maimbot.
Sa likod ng nasabing bahay ay may loobang sagana sa pananim at sa mga
itoy natatangi ang isang punong balite na nakaupo sa bato na nalilihim sa biglang
tanaw nang nagmamalas madilim na gabi, tahimik at walang makabubulahaw kundi
ang dagundong ng kulog at kislap ng kidlat na manaka-nakay siyang nakarangalo.
Huling tanyag ang kalahatan dumaragsa ang Demonyo at magsususngbong
si Nag-tapos, si maimbot ay inaakalang kakalitin ni kamatayan ang kaluluway
lalabs may dalang sagisag mg bulaklak at puputungan si KUlayaw, pagkatapos ng
kanyang talumpati. Si Maimbot at sina Liwanag ay pasa himpapawid.

You might also like