Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Noli Me Tangere
Buod NG Noli Me Tangere
Si Juan Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa.
Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang
pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina
Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao sa
lipunan. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang
binata ngunit itoy hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang
may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara, isang napakangandang binibini at larawan ng dalagang
Pilipina. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang
binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang
gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang
basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa
Europa.
Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia
Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa
bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero,
gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang
paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang magaaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang
nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang
ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya,
nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay
nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa
bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng
tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para
sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng
bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa
halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra
kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang itoy inihuhugos ay hindi si
Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni
Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang
alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat