You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino III

September 20, 2016


I.

Layunin
Sa pamamagitan ng talakayan at ibat ibang gawain, ang mga bata ay inaasahang:
a) Kilalanin ang mga uri ng pangngalang pambalana.
b) Nakapagbibigay halimbawa ng pangngalang pambalana ayon sa uri.
c) Nakikilahok sa talakayan ng masigasig.

II.

Paksang Aralin : Uri ng Pangngalang Pambalana


Sanggunian : Bagwis 3
Kagamitan : manila paper, show-me-board, white board marker

III.

Pamamaraan
Mga Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
1. Pagwawasto ng Takdang-aralin
2. Balik-aral

Mga Gawain ng Mag-aaral

3. Pagganyak
. Ano ang ginagawa ninyo bago
pumasok sa paaralan?
Ang guro ay magpapabasa ng
isang maikling kwento

Ang Sarap Talaga!


Ako si Ian. Ang tawag nila sa akin ay Ian
masipag. Sa umaga, pagkagising ko agad
kong inaayos ang aking higaan at mag-isa na
akong naglilinis ng aking katawan. Habang
naghihintay ako na maluto ang aming
almusal, tinutulungan ko si Kuya sa pagdilig
ng mga halaman sa aming hardin. Kapag si
Ate naman ay nakikita kong naglilinis sa loob
ng bahay, tinutulungan ko siya sa
pagpupunas ng mga upuan at mesa. Si Tatay
naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain ng
kanyang mga alagang manok.
Pagkatapos naming kumain ng almusal
ako lagi ang tagalinis ng mesa.
Matapos kong tulungan ang aking mga
pamilya, lalabas na ako n gaming munting
bahay upang makipaglaro sa aking mga
barkada. Ang sarap talaga kapag araw ng
sabado!

Ano ang ginagawa ni


Ian pagkagising?
Ano ang ginagawa
niya habang
naghihintay ng
almusal?
Paano niya
tinutulungan ang
kanyang Ate?
Ano ang ginagawa ni
Ian at ang kanyang
Tatay?
Saan pumupunta si
Ian pagkatapos
kumain ng agahan?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Base sa ating ginawa, ano ang Mga uri ng pangalang pambalana
pag-aaralan natin ngayon?
2. Pagtatalakay
Uri ng pangngalang pambalana:
Tahas o konkreto
-mga bagay na nahahawakan, nakikita,
nalalasahan, naririnig, at naaamoy.
Halimbawa: tao, hayop, pagkain, damit
Basal o di-konkreto
-mga bagay hindi na nahahawakan,
nakikita,
nalalasahan,
naririnig,
at
naaamoy.
Halimbawa:
kasamaan

kagandahan,

pag-asa,

Lansakan
-tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng
tao o bagay.
Halimbawa: hukbo, lahi, kumpol

C. Paglalahat
Anu-ano ang tatlong uri
pangngalang pambalana?

ng Tahas
Basal
Lansakan

Ano ang tahas?

Mga bagay na nahahawakan, nakikita,


nalalasahan, naririnig, at naaamoy.

Ano ang basal?

mga bagay hindi na


nakikita,
nalalasahan,
naaamoy.

Ano ang lansakan?

tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao


o bagay

D. Paglalapat
Ang klase ay mapapangkat sa
sampu.
Sila ay mabibigyan ng show me
board at white board marker.
Magkaroon ng paligsahan. Ang
mauunang magtataas ng board na
may tamang sagot ay mabibigyan
ng puntos
Isulat
kung
anung
uri
ng
pangngalang
pambalana(tahas,
basal,
lansakan)
ang
mga
sumusunod:
1. Gunting
2. Tinapay
3. Pagtitiyaga
4. Pagkakaibigan
5. Pasko
6. pulis
7. lahi
8. hukbo
9. kalendaryo
10. gutom

nahahawakan,
naririnig,
at

11. palengke
12. madla
13. cellphone
14. payong
15. kaklase

IV.

Pagtataya
A. Piliin ang mga pangalan na nagamit sa bawat pangungusap at isulat kung ito ay tahas,
lansakan, o basal.
1.
2.
3.
4.
5.

V.

Ang sanggol ay umiiyak.


Bumili si ate ng isang kumpol na rosas.
Masarap ulamin ang gulay.
Tagumpay ang kanyang nakamit sa pagiging masipag sa pag-aaral.
Ako ay lahing pilipino.

Takdang Aralin
Panuto: Sa inyong assignment notbuk, sumulat ng tig dadalawang halimbawa ng tahas, basal,
at lansakan at gamitin sa pangungusap.

You might also like