You are on page 1of 1

Name:________________________________

Date:___________

Nakasulat sa ibaba ang mga hakbang sa paggawa ng compost. Isaayos ang mga ito sa
tamang pagkakasunud-sunod.
a. Ulitin ang mga hakbang 2, 3, at 4 hanggang sa ang compost ay mga 1 metro o 5
talampakan ang taas. Maglubog ng mga tangkay ng kawayan sa paligid ng compost
upang makaikot ang hangin dito.
b. Pagpatung-patungin ang mga dayami (rice stalks) na may kapal na anim na pulgada sa
pinatag na lupa.
c. Pantay na ipatong ang mga dumi ng hayop sa ibabaw ng dayami na may kapal na
dalawang pulgada. Ang bahagyang dami ng urea o ammosul ay maaaring idagdag.
d. Gawing patag o siksikin ang lupang pang-compost na may sukat na dalawang metro
ang lapad at anim na metro ang haba. Maghukay ng kanal sa paligid nito upang mapigilan
ang tubig sa pagpasok dito.
e. Pagkatapos ng limang linggo, ibalik ang compost sa orihinal na ayos ng mga sangkap.
Iwanan ito ng apat pang linggo, at pagkatapos nito ay maaari nang gamitin ang compost
bilang pataba.
f. Takpan ito ng lupa na may kasamang mga abo ng kahoy na may kapal na isang
pulgada.
g. Pagkatapos ng tatlong linggo, alisin ang mga tangkay ng kawayan at isaayos ang
compost nang pataob.
h. Diligan ang compost ng tubig upang mapanatili itong mamasa-masa.

1. __________ 5. __________
2. __________ 6. __________
3. __________ 7. __________
4. __________ 8. __________

You might also like