You are on page 1of 6

PAGGAWA NG ABONONG

ORGANIKO

Layunin:

Nakagagawa ng abonong organiko


Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa
ng abonong organiko
Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa
ng abonong organiko

Alamin Natin:

Ang abonong organiko ay magagawa sa pamamagitan ng


paggawa ng compost. Dito ay masistemang binubulok ang mga
basurang tulad ng balat ng gulay o prutas, dahon ng halaman at
mga dumi ng mga hayop na maaaring gawing abono. Ito ay
nagpapataba at nagpapaganda sa uri o kalidad ng lupang
pagtataniman.

Linangin Natin:
Paggawa ng Abonong Organiko sa Pamamagitan ng
Compost Pit
Dan: Tata Kardo, ano po ang ginagawa ninyo?
Tata Kardo: gumagawa ako ng Compost Pit para sa abonong
organiko na gagamitin ko sa aking mga pananim.
Dan: Paano po iyan?
Tata Kardo: O, sige manood ka at ipapakita ko sa iyo.

21
Pamamaraan sa paggawa ng Compost Pit:
1. Humanap ng medyo mataas na lugar at hukayin
ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim.

2. Ilagay sa loob ng hukay ang mga basurang


nabubulok tulad ng pinutol na damo, dahon at
balat ng gulay at prutas.

Basura

3. Patungan ito ng dumi ng mga hayop tulad ng


manok, baboy o baka.

Dumi ng
hayop

22
4. Sabugan ito ng abo at patungan ng lupa.

Abo at
lupa

5. Ulit-ulitin ang ganitong pagkakasunud-sunod


hanggang mapuno ang hukay.

Dan: Ah, ganon po pala. Maraming salamat po Tata Kardo.


Mahirap po pala gumawa ng compost pit. E, paano po kung
walang sapat na lugar na maaaring gawan ng hukay, maaari
pa rin po bang makagawa ng abono?

Tata Kardo: Aba, oo. Maari kang makagawa sa


pamamagitan ng basket composting. Isang paraan din ito ng
pagbubulok ng basura na sa halip na hukay ay sisdlan ang
gagamitin mo.

Pamamaraan sa paggawa ng Basket Compost:

1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na


sapat ang laki o haba. May isang metro ang
lalim.

23
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-
patong na tuyong dahon, dayami,
pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga
hayop at lupa tulad din ng compost pit
hanggang mapuno ang lalagyan.

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng


pasingawang kawayan upang mabulok agad
ang basura.

24
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng
bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste.

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at


haluin ang laman ng sisidlan para magsama
ang lupa at ang nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.

Dan: Halos magkapareho po pala ang pamamaraan,


magkaiba lang po ng pinaglagyan ng compost. Ang galing po
Tata Kardo. Maraming salamat po. Marami po akong
natutunan.

Tata Kardo: Walang anuman, Dan.

Gawin Natin:
Pangkatang paggawa ng abonong organiko.

25
Pag-aralan ang pamantayan sa paggawa.
- Ihanda ang mga materyales na gagamitin.
- Mag-ingat sa paggamit ng materyales lalong-lao na sa
matutulis na kagamitan upang hindi masugatan o
makasugat.
- Iligpit ang mga kasangkapan pagkatapos gamitin.
- Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng Gawain.

Pagyamanin Natin:

Anong kabutihan ang naidudulot ng paggamit ng abonong


organiko?
Mahalaga bang sundin ang mga hakbang sa paggawa ng
abonong organiko? Bakit?

26

You might also like