You are on page 1of 2

Ikalimang Tagpo:

Sundalo2: Limang buenas na kayo. Kami ay walang buenas pa lamang.


Sundalo 1: Hari na kayo.
Sundalo 2: At ang rebisino? Kaya pala hindi ninyo maalis ang kaharian.
Sundalo 1: Huy, nagdaraya ka, kanina ay palyado ka na kopas.
Sundalo2: Bisitahin ang basa.
Ikaanim na Tagpo:
Sarhento: Kabo Meneses, ang Kapitan natin ay palaging malungkot.
Kabo: Oo nga sarhento, parang may iniisip na malalim.
Sarhento: Pero, di mob a nakikitat kapag laban ay nagagalak nat wari ibig nang sumayaw.
Kabo: Oo nga, siya talaga ay may pusong bayani.
Sarhento: Talagang matapang.
(2nd scene)
Heneral: Kapitan Tenyong, wala nang nalalabing tahanan ang kaaway kundi iyang nasa dakong kaliwa na
nasasapling nang huling burol.
Tenyong: Samakatuwid po, kung magahis natin ang destakamentong iyan ay malilisan na natin itong
kaparangan?
Heneral: Oo Tenyong. (gets paper in pocket) Tawagin mo po ang Sarhento, at ipabasa ang nilalaman ditto.
Tenyong: Sarhento, tipunin ang mga kawal at basahin mo itong talata ayon kay heneral.
Sarhento: Makinig kayong lahat at sisimulan ko ang pagbasa ng mga bagong tagubilin ng ating pinuno.
Ikapitong tagpo
Teniente: May isa pong taga-bayang gustong makipagusap kay kapitan
Heneral: papasukin mo (enter lucas)
Lucas: Magandang araw po
Tenyong: Lucas, mabutit naparito ka
Lucas: Ay kapitan tenyong, akala ko hindi ko na kayo makikita. Matagal na po akong naghahanap ngunit wala
pong nakapagturo sakin. Nakakatakot po kapitan ang hirap ng dinaanan ko bago makasapit sa iyo.
Tenyong: At bakit?
Lucas: Nagkalamog-lamog po ang katawan ko
Tenyong: Anong nangyari sayo? Nahulog kaba sa kamay ng kaaway?
Lucas: Kaaway at hindi kaaway po ang bumugbog sa akin
Tenyong: Hindi ko mawatasan, ipaliwanag mo.
Lucas: Nung ako poy lumabas ng bayan ay may nakabunggo akong mga taliba, sinigawan nila ako ng cambibe
at nakita kong may mga sundalong kastila. Kaya sinagot ko ng ubos tuwa nang espana. Ngunit sila ay
naglabasan at akoy binugbog ng katakot-takot. Sila pala ay tunay na sundalo ng kastila ngunit lg umipat na sa
kapwa tagalog.
Tenyong: Eh di sanay nagpakilala ka.
Lucas: Yun nga po ang aking ginawa Tumuloy ako ng lakad. Ngunit may nakasalubong akong mga nakasuot na
katipunan. At akoy sinigawan ng sino ka? . Pa ibat iba po ang kanilang pananamit at anyo at sumagot naman
ako ng katipunan. At ayun, hinampasan nila ako ng baril bigla-bigla at palo pong walang awa ang ibinigay
sakin.
Tenyong: Bakit naman?
Lucas: Hindi pala sila tunay na katipunan
Tenyong: Eh ano sila?
Lucas: Makabebe po. Na nagsuot bilang katipunan. Kaya ang ginawa ko kapag may nagtanong sa akin kung
sino ako, tatanungin ko muna sila kung sila ay kastila ba o katipunan. At dinagdagan ko ng akoy hindi
makapaniwala sa iyong pananamit
Tenyong: Mabuti. Ngunit ako baa ng sadya mo?
Lucas: Opo, may dala akong sulat.
Tenyong: Kaninong sulat to?
Lucas: Sa tala po sa ibabaw ay marahil makikilala mon a
Tenyong: Kay Julia. Ano kaya ang nangyari?
(2nd scene)
Heneral: Kapitan nakatanggap ka yata ng masamang balita?

You might also like