You are on page 1of 15

WIKA

Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan.


Nagagamit ito sa iba't - ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya,
pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at
namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng
nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago
kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito.
MGA KATANGIAN AT KALIKASAN NG WIKA:
1. Ang wika ay mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng
mga taong gumagamit nito.
2. Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang ipahayag ng tao
ang kanilang kaisipan, damdamin at pangangailangan.
3. Ang wika ay mga isinatinig na mga tunog. Maraming tunog sa paligid ngunit hindi
lahat ng tunog ay maituturing na wika. Ang mga tunog na maituturing na wika ay ang
mga tunog na isinatinig sa tulong ng iba't-ibang sangkap ng pagsasalita gaya ng dila,
ngalangala, babagtingang - tinig, atbp.
4. Ang wika ay pantao. May mga tunog ding isinatinig ng mga hayop gaya ng kahol ng
aso, unga ng kalabaw o tilaok ng manok, atbp. ngunit ang mga ito ay hindi wika. Ang
wika ay pantao at magagamit ito sa pagsasalin ng kultura at may sistemang tunog at
kahulugan.
5. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura. Nakabatay ang wika sa kultura ng
taong gumagamit ng wika. Sa pamamagitan ng wika nagkakaugnay ang tradisyon,
kaugalian, mithiin, at paniniwala ng mga tao.
6. Walang wikang nakatataas at mababang uri ng wika. Bawat wika ay may kanyakanyang katangian at kalikasan.
MGA KAANTASAN NG WIKA
Kolokyal / Pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang
pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay malayang pinagsasama ang
Ingles at Wikang Filipino.
* Kolokyalismong Karaniwan - Ginagamit na salita na may "Taglish"
* Kolokyalismong may Talino - Ginagamit sa loob ng Silid-Aralan / Paaralan

* Lalawiganin / Panlalawigan - Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o


pook.
* Pabalbal / Balbal - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao. ito ay nabuo
sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan. (Salitang Kalye)
* Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng Balarila at Retorika.

KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay ang pakikipagpalitan ng kuro-kuro, opinyon,
impormasyon o ideya sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
pagsasalita, pagsusulat, o sa pamamagitan ng senyas o signal.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
1. Intrapersonal - pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas
2. Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao
3. Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang
valedictory address
4. Pangmasa - panglahatan; halimbawa nito ay ang SONA
5. Pangorganisasyon - para sa mga grupo
6. Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura
7. Pangkaunlaran - buong mundo
MODELO NG KOMUNIKASYON
Modelo ng Komunikasyon ni Berlo
Ipinakikita ni Berlo ang mga mahahalagang elemento ng komunikasyon. Ang
mga elemento ay:
a. Pinagmumulan ng mensahe o Source
b. Mensahe o Message
c. Pinagdaraanan ng senyas o Channel
d. Tumatanggap ng mensahe o Receiver
Mapupuna natin na ang modelo ni Berlo ay maaring iangkop sa maraming

sitwasyong pangkomunikasyon, at hindi lamang sa komunikasyon pasalita.


Modelo ng Komunikasyon ni Aristotle
Ang mga elemento ng komunikasyon na binanggit ni Aristotle sa kanyang aklat
sa Retorika ay higit na angkop sa komunikasyon pasalita. Ang mga elemento nito ay:
a.) mananalita
b.) mensahe
c.) tagapakinig

Modelo ng Komunikasyon nina Shannon at Weaver


Ayon nina Shannon at Weaver, ang ingay ayn anumang nakakagambala sa
mabisang daloy ng komunikasyon. Sa modelong ito ipinakikita ang kaugnayan ng
ingay sa komunikasyon.
Modelo ng Komunikasyon ni Schramm
Si Wilbur Schramm ay isa sa mga unang gumawa ng modelong nagpakita sa
komunikasyon bilang dalawang patunguhan. Ang mga kalahok ay sabayang
nagpapadala at tumatanggap ng mensahe. Pinahahalagahan ng modelo ni Schramm
ang reaksiyon ay ipinahihiwatig kung ano ang interpretasyong ibinibigay sa mensahe
ng tumatanggap nito.
Ayon kay Schramm, upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang mga kalahok
sa komunikasyon, kailangang nagdadaop o mayroong pagkakatulad ang mga
nasasaklawan ng karanasan ng mga kalahok kahit man lang sa maliit na punto ng
kakayahan sa paggamit ng isang senyas na kumon.
Modelo ng Komunikasyon ni Dance
Ang kalikasang dinamiko ng komunikasyon ay higit na binibigyang-diin ni
Dance sa kanyang paikid anyong susong modelo ng komunikasyon. Ipinahihiwatig ng
modelo na ang komunikasyon ay isang proseso.
Modelo ng Komunikasyon ni Ruesch at Bateson
Binibigyang pansin nina Ruesch at Bateson ang kalikasan ng komunikasyon
batay sa konteksto ng pinangyayarihan nito. Ayon sa kanila, may apat ba antas ang

komunikasyon: intrapersonal, interpersonal, grupo at pangkultura. Sa bawat antas ay


may nagaganap na pagbibigay-halaga, pagpapadala at pagtanggap. Mayroong pagaangkop ayon sa antas ng nagaganap na komunikasyon.

MORPEMA
Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling
kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga salita kung
isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang
walang kahulugan sa sarili kaya hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay
maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita.
TATLONG URI NG MORPEMA
1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang panlapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa :
ilog, bahay, araw, lupa, bandila
2. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit tinatawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. Hindi sila makakatayo sa
kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang
magkaroon ng ganap na kahulugan.
Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri
din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.
Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis,

makahuli
Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot,
ginawa
Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin,
sulatan, sabihan, gabihin
Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay
nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan
3. Morpemang binubuo ng isang ponema - makikita sa mga sumusunod na
halimbawa : doktor - doktora, abogado - abogada

PONEMA
Sa wikang ginagamitan ng tinig, ang ponema ay ang pundamental at
teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan
kapag pinapalitan ang isang ponema nito.
DALAWANG URI NG PONEMA
1. Ponemang Malayang Nagpapalitan
Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nakapagpapalitan. Sa
pagkakataon malayang nagpapalitan ang ponema, nagiiba ang baybay ng salita ngunit
hindi ang kanilang mga kahulugan.
Halimbawa: sa kaso ng titik e at i sa mga salitang lalaki at babae. Iisa lamang
ang kahulugan ng lalake at lalaki; gayun din ang babae at babai. Malayang
nakapagpapalitan ang mga segmentong e at i sa mga salitang lalaki, lalake, babae, at
babai. Mga ponemang malayang nagpapalitan ang mga ito.

Karagdagang halimbawa: sa kaso ng d at r sa mga salitang mariin at madiin at


gayundin sa marumi at madumi. Mga ponemang malayang nagpapalitan ang d at r sa
salitang "marumi", "madumi", "mariin", at "madiin". at ang titik na "a" at "i" ay
malayang nagpapalitan din sa salitang dayalekto o diyalekto.
Mahalaga sa "pagpapadulas" ng mga salita at pagpapabilis ng komunikasyon
ang paggamit ng ponemang malayang nagpapalitan. Kadalasan ding ginagamit ang
ponemang malayang nagpapalitan upang mabigyang diin ang mga salitang nagiiba
ang tunog, depende sa lugar na pinaggagamitan. Sa iba't-ibang pulo o pook sa
Pilipinas, iba-iba ang mga dayalekto odiyalekto
2. Ponemang Suprasegmental
Mayroon apat na ponemang suprasegmental:

haba (length) - tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig

tono (pitch) - tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig

antala (juncture) - tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa


pagsasalita

diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig
na makakatulong sa pagunawa sa kahalagahan ng mga salita

PANGUNGUSAP
Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng
buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit
buo ang diwa.
May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung panaguri ay
nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang
simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa dikaraniwan ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na
nasa di karaniwang ayos.

Karaniwan - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.

Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Elsie.

Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.

Halimbawa: Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP


Payak
Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.
Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap
Ang mga bata sa kanal ay naglalaro
Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa:
Si Ding at Dang ay matalino sa matematika.
Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa:
Si Toto ay matulungin at madasalin.
Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa:
Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo
Halimbawa:
Umuulan!

Sunog!
Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng
mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).
Halimbawa:
Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang
ang karamihan ay gumagawa.
Hugnayan
Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na dimakapag-iisa.
Halimbawa:
Ang manggagawang ginantimpalaan dahil sa kanyang kasipagan sa
pagtatrabaho sa kompanya ay nanay ni Randy.
Langkapan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang
sugnay na hindi makapagiisa.
Halimbawa:
Tayong mga magkakagrupo ay kailangang magtulungan para mabilis nating
matapos ang ating gawain.
Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating
magtulungan upang tumatag ang ekonomiya.

MGA AYOS NG PANGUNGUSAP


Karaniwang Ayos
Ang panaguri ay nauuna sa simuno.
Halimbawa:

Mabilis magsampay ng damit si Nena.


Di-karaniwang Ayos
Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng
simuno sa pangungusap.
Halimbawa:
Si Nena ay mabilis na nagsampay ng damit.
MGA URI NG PANGUNGUSAP
Paturol
Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok
(.).
Halimbawa:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.
Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol.
Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.
Pautos
Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)
Halimbawa:
Dalhan mo ako ng pasalubong.
Anyo ng Pautos
Pautos na Pananggi
Pinangungunahan ng salitang "huwag".
Halimbawa:
Huwag kang lalabas ng bahay.
Pautos na Panag-ayon

Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa
anyong pawatas.
Halimbawa:
Ipaluto mo si Marissa ng tinola.

Patanong
Ito aynagsasaad ng isang katanungan.
Anyo ng Patanong
Patanong na masasagot ng OO o Hindi
Halimbawa:
Kumain ka na ba?
Pangungusap na Patanggi ang Tanong
Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?
Hindi ka ba kakain dito?
Gumagamit ng Panghalip na Pananong
Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:
at iba pa.
Halimbawa:
Ano ang iyong kinain kanina?
Alin ang pipiliin mo?
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
Halimbawa:
Siya ba ay pupunta rin?

ano,

alin,

sino,

saan

Tayo ba ay aalis na?


Tanong na may Karugtong o Pabuntot
Halimbawa:
Kumain ka na, hindi ba?
Dumaan ka na dito, hindi ba?

Pakiusap
Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.
Halimbawa:
Maaari po kayong umupo.
Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.
Maaari po ba akong lumabas bukas?
===Panamdam=== Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Hala!
Aba!
Ha!
Hoy!
Gising!
Naku!
Magnanakaw!
WOW
AY
Lagot!

http://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Pangungusap

APAT NA MAKRONG KASANAYAN

PAKIKINIG

Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na
pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang
napakinggan.

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng


impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at
magkaroon ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa,
pagtanda o paggunita sa narinig.

PAGSASALITA

Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,


paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap.
KAHALAGAHAHN NG PAGSASALITA
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa
kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at
istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

PAGBABASA

Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng


kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga
kaisipan.
Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw
at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga
di-inaasahang suliranin sa buhay.

KAHALAGAHAN SA PAGBABASA

Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin


Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga
salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan
sa kabatiran at krunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa
buhay.

PAGSUSULAT

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang
maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag
kung saan naiaayos ang ibat ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT
Mahalaga ang pagsulat dahil:
kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng
mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat,
pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng
aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo,
umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at
maramipang iba.

PARIRALA
Ang Parirala ay ang ay pinagsama-samang salita na walang simuno o panaguri. Walang buong diwa. Ito
ay tinatawag na Phrase sa wikang Ingles
APAT NA URI NG PARIRALA

Pariralang Pang-ukol
Ito ay binubuo ng pang-ukol at layon (pangngalan o panghalip)
Halimbawa:

sa Bacolod

para sa iyo

ukol sa droga

Pariralang Pawatas
Ito ay binubuo ng pantukoy at pawatas na pandiwa (may panlapi).
Halimbawa:

sa kasamahan

ang mga umalis

ng mga pumasok

Pariralang Pangngalang-diwa
Ito ay binubuo ng pantukoy at pangngalang-diwa (pag + salitang ugat)

Halimbawa:

sa pagdiskubre

ang pag-alis

ang pag-kain

Pariralang Panuring
Ito ay binubuo ng panuring at pangngalan.
Halimbawa:

malaking tirahan

matuling sasakyan

mabangong damiT

http://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Parirala

You might also like