lungkot, Kiliti ng haplos sa diwang malikot, Kapag nababaghat ibig makalimot, Ang mga kamay mo ang siya kong gamot.
Luha'y nais mang pigilan
Takasan ang nasadlakan; Sarili'y di malilinlang. Sa Huling Silahis Inaabangan ko doon sa Kanluran, Ang huling silahis ng katag-arawan, Iginuguhit ko ang iyong pangalan, Sa pinong buhangin ng dalampasigan. Aking dinarama sa hanging habagat, Mga alaala ng halik mot yakap, Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap, Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap
Itong tsokolate na ubod ng tamis
Matamis na gaya ng mukha mot kutis, Tunay na hindi ko matitiis-tiis, Haplusin ang nasat laging ninanais! Ang abo sa noon g aba Krus na sagisag ng pagpapakahirap Ni Hesus na tubos ng sala ng lahat, Sa krus namatay ng napakasaklap, Bakit siya namang hinahaplos-palad? Krus na sagisag ng dusat siphayo, Ikakalat sa noo ng mga deboto, Magpaparoon at magpaparito, Palaspas, sinunog, nagka-abu-abo!