You are on page 1of 79

Book Report: Filipino 1

Ipinasa kay:
Mrs. Robelyn May Tiu-Rosales

Ipinasa nina:
Jane Sura
Jocel Galaura
Joebelyn Roselle Larisma
Jon Jefrey Ulep
Mary Joy Torreon
Princess Sarah Guibao
Reanna Jinnah Enumerables

May 13, 2016

Talaan Ng Mga Nilalaman


Kabanata I: Wika: Mga Panimulang Kaalaman
Wika, Katuturan at Katangian......................................................................
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika...........................................................
Kahalagahan ng Wika.................................................................................
Mga Tungkulin ng Wika...............................................................................
Antas ng Wika..............................................................................................
Barayti ng Wika............................................................................................
Kabanata II: Wikang Pambansa at Ortograpiya
Kasaysayan ng Pang-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas................
Ang Wikang Pambansa sa Saligang Batas.........................................
Ang Kalikasan ng Wikang Pambansa.................................................
Ang SWP

KWF............................................................................

Ang Wikang Opisyal............................................................................


Ang Wikang Pambansa sa Edukasyon...............................................
Ang Ortograpiya ..................................................................................
Pagdiriwang ng Buwan ng Wika..........................................................
Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino: Pahapyaw na Kasaysayan........
Mga Tuntunin sa Pagbaybay.....................................................................
Kabanata III: Kalikasan at Estruktura ng Wikang Filipino
Ponolohiya.................................................................................................

Mga Ponemang Segmental................................................................


Ponemang Suprasegmental...............................................................
Diptonggo...........................................................................................
Ponemang Malayang Nagpapalitan...................................................
Pares-Minimal.....................................................................................
Klaster.................................................................................................
Morpolohiya.............................................................................................
Kayarian ng Salita.............................................................................
Bahagi ng Pananalita........................................................................
Mga Salitang Pangnilalaman.............................................................
Mga Salitang Pangkayarian..............................................................
Mga Pagbabagong Morpoponemiko.................................................
Sintaksis..................................................................................................
Ayos ng Pangungusap.......................................................................
Mga Anyo ng Pangungusap...............................................................
Layon ng Pangungusap......................................................................
Kabanata IV: Diskurso at Komunikasyon
Diskurso, Depinisyon at Katangian...........................................................
Konteksto ng Diskurso...............................................................................

Mga Teorya Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay....................................


Komunikasyon: Depinisyon at Halaga.....................................................
Uri ng Katangian......................................................................................
Mga Modelo, Sangkap at Proseso..........................................................
Komunikasyong Berbal............................................................................
Komunikasyong Di-berbal.......................................................................
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon..................................
Kabanata V: Mga Makrong Kasanayang Pangwika
Pakikinig.....................................................................................................
Kahulugan at Kahalagahan....................................................................
Proseso at Antas ng Pakikinig................................................................
Mga Elementong Nakakaimpluwensya at mga Sagabal sa Pakikinig...
Mga Uri ng Tagapakinig..........................................................................
Paano Magiging Epektibong Tagapakinig..............................................
Pagsasalita.................................................................................................
Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita..
Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita.................................
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita........................................................
Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla.......................................
Propayl ng Epektibong Ispiker...............................................................
Pagbasa......................................................................................................

Kahulugan, Halaga at mga Hakbang..................................................


Mga Uri ng Pagbasa............................................................................
Ang Pormulang SM3B sa Pagbasa.....................................................
Pagsulat......................................................................................................
Kahulugan at Kalikasan......................................................................
Proseso ng Pagsulat..........................................................................
Pagtatalata..........................................................................................
Tatlong Konsern ng Mabisang Pagsulat.............................................
Kaisahan.........................................................................................
Kohirens..........................................................................................
Emphasis........................................................................................

Kabanata I: Wika: Mga Panimulang Kaalaman


A. Pamagat: Wika, Katuturan at Katangian
Buod:
Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na
ang ibig sabihin ay dila. Ang relasyon ng wika at dila ay patunay sa historical na
pagkaprominente ng sinasalitang wika. Pansinin ang iyong pagsasalita sa tuwing
pinipigilan mong gumalawa ng iyong dila o di kayay nasugata nito kaya naman
hindi ka makapagsalita ng maayos. Ayon kay Webster (1947), ang wika ay isang
sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat o
pasalitang simbolo.Ayon naman kay Hill, ang wika ay ang pinakapangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang kay Gleason
naman ay halos kaparehos lang kay Hill. Ayon sa kanya, ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog napinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo pangmagamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Samakatuwid, ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na magangkin o gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o sa
ispesipikong

pagkakataon

ng

nasabing

komplikadong

sistemang

pangkomunikasyon. Sa pangkalahatang konsepto, ang wika ay tumutukoy sa


kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto at
gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon.
Katangian ng Wika
Ang wika ay may ibat-ibang katangian ayon sa mga katuturang nabanggit.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa
tunog. Ang tawag sa makabuluhang mga tunog na ito ay ang Ponema.
Ang makaagham na pag-aaral sa ponema ay ang Ponolohiya. Kapag
ang mga ponemang ito ay pinagsama, makakabuo tayo ng maliit na yunit
ng salitana kung tawagin ay Morpema. Ang makaagham na pag-aaral sa
morpema ay tinatawag na Morpolohiya.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay matatawag ng
wika

sapagkat

hindi

lahat

ng

tunog

ay

may

kahulugan.

Ang

pinakamahalagang tunog na nililikha ng tao ay ang tunog na sinasalita.

Ang tunog na ito ay nagmumula sa hangin ng ating baga na dumadaan sa


lumilikha ng tunog o artikulador at mino-modify ng resonador.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Bakit lagi nating pinipili ang wikang
ating gagamitin? Simple lang, upang tayo ay maunawaan ng ating
kausap. Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang hindi
nauunawaan ng ating kausap at gayun din sa ating kausap, hindi niya
maaaring ipagpilitang gamitin ang wikang hindi natin batid. Samantala,
upang maging epektibo ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang
paggamit ng wika nang sagayon ay hindi tayo makapagsalita ng hindi
kaaya-aya sa ating kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo. Ayon kay Archibald A. Hill, just that sounds of
speech and their connection with entities of experience are passed on to
all members of that community. Ang isang taong walang ugnayan as
komunidad ay hindi matututong magsalita. Bawat indibiduwal ay
nakadedebelop din ng sariling pagkakakilanlan sa may sariling katangian,
kakayahan at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba.
5. Ang wika ay ginagamit. Kailangang patuloy tayong gumamit ng wika
dahil kapag ito ay mawala at tuluyan ng mamatay, wala na itong saysay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Nagkaiba-ibaang mga wika sa
daigdig dahil ito sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at
mgapangkat. Bawat bansa ay may iba-ibang kultura, ang mga kulturang
ito ay may kani-kaniyang mga wika. Tulad nalang ditto sa Pilipinas.
Maraming tayong mga pangkat at maysarili rin silang mga wika.
Halimbawa nito ay ang mga kababayan nating mga Muslim.
7. Ang wika ay nagbabago. Ang wika ay dinamiko. Paano nagbabago ang
wika? Maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo buhat ng
pagiging malikhain ng tao na maaaring makalikha ng mga bagong salita.
Pinakamahusay at akmang halimbawa ay ang salitang balbal at
pangkabataan. Samakatuwid, may mga bagong wika na nadaragdag sa
ating bokabularyo at may iba ring nawawala sa kadahilanang hindi na ito
ginagamit.

B. Pamagat: Mga Teorya ng Pinagmulan ng WIka


Buod:
Genesis 11:1-9
Ang Tore ng Babel
Sa simulay iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng
tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, nakarating sila sa isang
kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa
at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang
kanilang semento.
At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigidig, kaya
natigil ang pagtatayo ng lunsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat
dooy ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao, At mula roon, nagkawatak-watak ang mga
tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.

Ang wika ay sistema ng mga simbolo na may ilang lebel ng organisasyon na binubuo
ng ponetika (mga tunog), sintaks (ang grammar o balarila) at semantika (mga
kahulugan).
Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad
ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng lingguwistang si A.S. Diamond na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumanano ng kanyang puwersang pisikal.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay
may mga ritwal sa halos lahat ng Gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-

aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa


paliligo at pagluluto.
Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunay magsalita.
Teoryang Ding-dong. Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao,
ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay
sa paligid.
Teoryang Mama. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadaling
pantig ng pinakamahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata.
Teoryang Sing-song. Iminungkahi ng lingguwistang si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalasemosyonal.
Teoryang Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng lingguwistang si
Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.
Teoryang Coo Coo. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol.
Teoryang Yum Yum. Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ng teoryang ito ang
tunog at kilos ng pangangatawan.
Teoryang Babble Lucky. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga
walang kahulugang bulalas ng tao.
Teoryang Hocus Pocus. Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng
wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay
ng ating mga ninuno.

Teoryang Eureka! Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maari raw na
ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang
ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.

C. Pamagat: Kahalagahan ng Wika


Buod:
Ang wika ay may apat na pangunahing halaga sa tao. Ang mga iyon ay ang mga
sumusunod: Instrumento ng Komunikasyon, Nag-iingat at Nagpapalaganap ng
Kaalaaman, Nagbubuklod ng Bansa, at Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip.
Una ay Instrumento ng Komunikasyon. Sa pamamgaitan ng wika, ang tao ay
nakapagpapahayag ng kanya-kanyang saloobin at nagiging daan upang magkaroon ng
komunikasyon ang bawat tao. Ito ay may dalawang lebel. Una ay micro level kung saan
nagkakaunawaan ang dalawang tao sa pamamagitan ng wika ngunit maarin ding
maging bunga ng miskomunikasyon kung ang paggamit ng wika ay hindi epektibo. At
ang pangalawa ay macro-level kung saan ang bansa o alinmang malaking
organisasyon o grupo ay nagkakaintindihan.
Pangalawa ay Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Ito ay kung saan
ang wika ay nagiging daan upang maipalaganap ang kaalaman sa ibat-ibang uri ng
pagpapahayag ng kaisipan gaya ng pagsulat ng nobela at iniingatan ng wika ang mga
gawa ng ating mga ninuno noong unang panahon na ngayoy nananatili parin sa ating
diwa gaya ng tula ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang Sa aking mga Kababata.
Pangatlo ay Pagbubuklod ng Bansa. Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon
ng pagkakaisa ng bawat bansa at ang noong unay isang bansa na laganap ang
kaguluhan, himagsikan, at pananakop ngayoy isa ng bansa na payapa.
At ang pang-apat ay Lumilinang ng Pag-iisip. Sa pamamagitan ng pagbabasa at
panonood ng pelikula kung sa nagkukubli ang wika ay nalilinang ang ating kaisipan sa

paraan ng pagkakaroon ng imahinasyon at pagbibigay reaksyon sa bawat nabasa o


napanood.

D. Pamagat: MGA TUNGKULIN NG WIKA


Buod:
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa


pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang


pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya
madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang


matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o
senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang
bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang
pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o
tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan


tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan
,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan

at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na


makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin
sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga
sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.


halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.


halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.


halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto

4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.

halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.


halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey

7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.


halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan

E. Pamagat: ANTAS NG WIKA


Buod:
Ang wika ay nahahati sa ibat ibang kategorya ayon sa kaantasan nito, anong uri
ng tao siya at kung aling antas-lipunan siya nabibilang.
Mahahati ang antas na wika sa dalawang kategorya: Pormal at Impormal. Ang
Pormal ay ang mga salitang standard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
nakakarami lalo na ang mga nakapag-aral ng wika. May dalawang uri ang kategoryang
Pormal. Una, ang Pambansa, ito ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan. Pangalawa, ang Pampanitikan o Panretorika, ito ang mga
salitang ginagamit ng mga manunulat at ito rin ang salitag karaniwang matatayog,
malalim, makulay at masining.
Ang Impormal naman ay ang mga salitang ginagamit natin araw-araw sa
pakikipag-usap at pakikiagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. May tatlong uri
naman ito. Una, ang Lalawiganin, ito ay ginagamit sa mga partikular na pook or

lalawigan lamang. Pangalawa, ang Kolokyal, ito ay ang pagpapaikli ng isa,


dalawa o higit pang salita tulad ng sa iyo nagiging sayo. Pangatlo, ang Balbal,
ito ay ginagamit ng mga pangkat-pangkat na may mga sariling codes.
Halimbawa nito ay mga mura, mga salitang may kabastusan at mga salita ng
mga bakla.
May mga paraan o proseso kaya nabuo ang mga salitang balbal.
A. Paghango sa mga Salitang Katutubo/Lalawiganin
bayot (Cebuano) dako (Bisaya)
B. Panghihiram ng Wikang Banyaga. Ito ay maaaring nananatili o nagbabago ang
orihinal na kahulugan ng ga salita.
wheels (English)
tong (Chinese)
C. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salitang Tagalog
hiyas (gem virginity)
bola (ball lie)
D. Pagpapaikli/Reduksyon
wala
wa
Amerikano kano
E. Pagbabaligtad/Metatesis
a. Buong Salita.
kita atik
b. Papantig
taksi sitak
F. Paggamit ng Akronim
gg (galunggong)
pg (patay gutom)
G. Pagpapalit ng Pantig
asawa
jowa
bakla
jokla
H. Paghahalo ng Wika
ma-get
ma-take
I. Paggamit ng Bilang
29 (lanseta) 48 years (matagal)
J. Pagdaragdag
dako
dakota
malay
Malaysia
K. Kumbinasyon
a. Pagbabaligtad at Pagdaragdag
wala alaw alaws
b. Pagpapaikli at Pagdaragdag
gutom tom tom jones
c. Pagpapaikli at Pagbabaligtad
pantalon
talon lonta
d. Panghihiram at Pagpapaikli
original
orig

e. Panghihiram at Pagdaragdag
dead dedo
F. Pamagat: Barayti ng Wika
Buod:
Barayti ng wika- Ito ay isang koleksyon ng mga diyalekto o barayti. Nag-uugat ang mga
barayti ng wika sa tirahan, interes, Gawain,pinag-aaralan at iba pa.
May Dalawang dimension baryabiliti nito:
*Dimensyong Heograpikal
*Dimesnyong Sosyal
Dayalek- Ito ay wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook,
Malaki man o maliit. Ang mga dayalek ay makilala hindi lamang sa pagkakaron nitong
set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa estrakturang
pangungusap.
Sosyolek- Ang tawag sa barayting nabubu o batay sa dimensyong sosyal. Tinawag din
itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan.
Idyolek- Ito ay Indibidwal na paraan/istilong paggamit ng wika.
May iba pang barayting wika ito ay ang:
Pidgin- Ito ay tinatawag sa Ingles na nobodys native language. Nagkaroon nito kapag
ang tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay
nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Creole- Ito ay isang wika nauna naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
(nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nagangkin dito. Sumibol ito sa pamamagitan ng mga ispiker ng mga ibat ibang wika.
Konklusyon:

Wika tumutukoy sa kognitibong pakulti na nagbibigay kakayahan sa mga tao. Ang wika
ay may maraming katawagan tulad ng Ingles, Pranses, at iba pa. ito ay maaaring
nakabatay sa mga biswal na stimulus liban sa awditibong stimulus. Ang artipisyal na
likhang sistemang pang komunikasyon tulad ng paggamit sa computer program ay
tinatawag ding wika. Ang language ay nag mula sa salitang lingua na ang ibig sabihin
ay dila. Maraming mga teoryang pinaniniwalaan kung saan galing ang ating wika, tulad
ng teoryang Bow-wow, Teoryang Eureka at iba pa, karamihan sa mga ito ay may mga
kakatwang katawagan na inimbento nina Muller, Ramones, at Boeree. Napakahalaga
din ng ating wika kasi ito ang ating ginagamit upang makipag usap sa ibang tao. At ito
ang instrumento ng komunikasyon para maging epektibo ang paggamit natin ng wika at
para magkakaunawaan tayo sa isat isa, at ito ay mahalaga sa ating pang araw-araw na
buhay gaya ng ating pag trabaho, may ibat ibang mga tao ang ating matatagpuan dahil
ng ating trabaho para marami tayong mga kaibigan sa trabaho.

Kabanata II: Wikang Pambansa at Ortograpiya


Pamagat: Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas
Buod:
Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming diyalekto.
Tayo ay may pitong libong pulo at mahigit apat naraang diyalekto. Ang bawat rehiyon ay
may ibat-ibang wikain kaya tayo ay nagkaroon ng suliranin sa pagkakaisa at
pagbubuklod na naging dahilan sa matagal na pang-aalipin ng mga dayuhan. Kaya ang
magigiting nating mga ninuno ay nagsumikap na magkaroon tayo ng isang wikang
pambansa na ating patuloy na nililinang hanggang sa kasalukuyan. Ang kaunlaran ng
ating wikang pambansa ay masasalamin sa mga batas, kautusan at proklamasyon na
ipinanukala ng ibat-ibang tanggapan ng pamahalan na may kaugnayan sa wikang
bansa.
Pamagat: Ang Wikang Pambansa sa Saligang Batas
Buod:

Noong taong 1935 ay itinalaga ang Arikulo XIV, Seksyon 3. Pagdating ng taong
1973 ay itinalaga ang Artikulo XV, Seksyon 3. At noong taong 1972, si Pangulong
Marcos ay nag-atas sa Surian ng Wikang Pambansa at ito ay nakapaloob sa Artikulo
XV, Seksyon 3. At pagdating naman ng taong 1987 ay pinagtibay ang Bagong
Konstitusyon ng Pilipinas at itinalga ang Artikulo XIV, Seksyon 6 at 8.

Pamagat: ANG KALIKASAN NG WIKANG PAMBANSA


Buod:
1937 (Nobyembre 9) - Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas
Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang
resolusyon naroo'y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon
sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa Pangulo
ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng Wikang Pambansa.

1937 (Disyembre 30) - Bilang pag alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg.
184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng
Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog .

Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito'y nahahawig sa


maraming wikain sa bansa. Sa medaling salita'y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa
mga di-Tagalog dahil kahawi ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos: 59.6% sa
Kapampangan, 48.2 % sa Cebuano, 46.6 % sa Hiligaynon, 39.5 % sa Bicol, 31.3 % sa
Ilocano at sa iba pa .

Alinsunod pa sa mga taya, ang mga pangunahing wika natin (Cebuano, Hiligaynon ,
Samar, Leyte, Bicol, Ilocano, Pangasinan at Kapampangan) ay may aabot na siyam
hanggang sampung libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay
at kahulugan.

Bukod sa pagkakahawig sa maraming wikain sa Pilipinas, ang Tagalog na siyang


nagging batayan sa WikangPambansa ay nagtataglay ng humigit- kumulang na 5000
na salitang hiram sa Kastila, 1500 salitang hiram sa Ingles, 1500 sa Intsik at 3000 sa
Malay. Ang bilang ng mga salitang iyon sa mga wikang banyagang nabanggit ay
matatagpuan din sa lahat halos na talatinigan ng iba pang wikain sa Pilipinas.

Ayon din sa Surian ng Wikang Pambansa, mayaman daw ang Tagalog sapagkat sa
pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga salita niyon.
Napakadali ring pag-aralan ang Tagalog. Pinatutunayan ito ng karanasan na kahit hindi
pormal na pinag-aralan, maraming Pilipino ang natuto agad ng wikang Tagalog. Madali
nilang nauunawaan ang diwa, kahulugan at nilalaman ng mga Tagalog na pangungusap
sa pagsusubaybay sa takbo at agos ng mga pangungusap.

Hindi lamang mga Pilipino ang nagsasabi ng medaling matutuhan at maunawaan ang
Tagalog. Kahit ang mga nagsipandayuhan sa ating bansa nang mga unang panahon at
ngayon ay medaling nakauunawa't nakakapagsasalita ng Tagalog.

1959 (Agosto 13) - Pinalabas ng kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon


ang Kautusang Pangkagawaran Blg.7, na nagsasaad na kailanma't tutukuyin ang
Wikang Pambansaang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.

1996 - Ano ba ang pormal nadeskripsyon ng Filipino bilang WIKANG PAMBANSA ?


Sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang
deskripsyon ng Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng

iba't-ibang barayti ng wika para sa iba't-ibang saligang sosyal, at para sa mga


paksatalakayan at iskolarling pagpapahayag.

Pamagat: ANG SWP----->KWF


Buod:

1936 (Nobyembre 13) - Pinagtibay ng Batasang Pambansaang Batas Komonwelt Blg.


184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon.

1971 (Marso 16) - Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 304 nanapapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at
nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin.

1987 - Sa artikulo XIV, Sek.9 ng Konstitusyong 1987 ay ganito ang isinasaad: Dapat
magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba't-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay
at magtataguyod ng mga pananaliksiksa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. Ang komisyong ito ay tinatawag
ngayong Komisyon sa Wikang Filipino o KWF .

Pamagat: Ang Wikang Opisyal


Buod:
1940 (Hunyo 7) - Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana, bukod pa
sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
1968 (Agosto 6) Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos. Ito ay nag-aatas sa lahat ng sangay ng pamahalaan na

gamitin ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat ng opisyal na


komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
1987 Sa Artikulo XIV, Sek. 7 ng Konstitusyong 1987. Ukol daw sa layunin, ang
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon.
Dapat itaguyod, nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.
1988 (Agosto 25) Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon, at
korespondensya.
1989 (Setyembre 9) Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon,
Kultura, at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng
opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na naguutos na gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
Pamagat: Ang Wikang Pambansa sa Edukasyon
Buod:
1940 (Abril 1) Sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 binibigyang-pahintulot ang
pagpapalimbag ng isang Diksyonaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa.
1940 (Abril 12) Pagpapalabas ng pagtuturong pambayan. Pinalabas ni Kalihin
Jorge Bocobo ang pagtuturong pambayan. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay
sinimulan muna sa mataas at paaralang pormal.
1974 (Hunyo 19) Sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 25 nilagdaan ni Kalihim
Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang kautusang ito na nagtatadhana ng mga
panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilingguwal.

1978 (Hulyo 21) Sa Kautusang Pangministri Blg. 22. Nilagdaan ng Ministro ng


Edukasyon at Kultura na si Juan L. Manuel ang kautusang ito. Nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas.
1987 Sa Kautusan Bilang 52. Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ang
kautusang ito. Ito ay paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa
mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong
bilingguwal.
1996 Ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana na siyam (9) nay unit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon.
Pamagat: Ang Ortograpiya
Buod:
Noong 1987, nilagdaan ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa
pagbabaybay ng wikang Filipino. Upang maipabilis ang estandardisasyon at
intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang
2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at PatnubaysaI speling ng Wikang Filipino
noong 2001. Isinuspinde ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng
Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino sa okasyon ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong 2006. Ipinalabas naman ng Komisyon sa
Wikang Filipino noong 2009 ang Gabay sa Ortografiyang Filipino sa pamamagitan ng
kanilang Sangay ng Lingguwistika at tuluyan nang isinasantabi ang 2001 Revisyong
Alfabeto at 1987 Alpabeto.
Pamagat: Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
Buod:
Itinakda ni Pangulong Sergio Osmena noong 1946, sa pamamagitan ng Proklamasyon
Blg. 35 ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng
Abril sa kadahilanang maituon sa huling araw ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ang

kaarawan ni Francisco Balagtas na tinaguriang Ama ng Balagtasan. Noong ika-26 ng


Marso, nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nililipatan
ng panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika taon-taon simula ika-13 hanggang ika19 ng Agosto upang maituon sa huling araw ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ang
kaarawan ni Dating Pangulong Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang
Pambansa. Noon namang ika-29 ng Hulyo 1971, hinihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palutuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa, Agosto 13-19 sa pamamagitan ng Memorandum Sirkular Blg. 488. Agosto
12, 1986 nang nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19
na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa na napakahalagang papel sa
himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong
pamahalaan. Dumako tayo sa taong 1997 sa buwan ng Hunyo kung saan nilagdaan ni
Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda sa buwan ng Agosto
ay magiging Buwan ng Wikang Filipino.

Pamagat: Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino: Pahapyaw na Kasaysayan


Buod:
Ang kabanatang ito aynaglalaman ng sistema sa pag sulat ng Pilipino bago pa
dumating ang mga kastila ang sistemang pagsulat ng kanilang alpabeto ay tinatawag
nilang Alibata. Ito ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig. Nag lalaman
din ito ng ebolusyon kung paano nag iba ang sistemang pagsulat ng mga Pilipino.
Sa pagdating ng kastila napalitan ang lumang Alibata ng alpabetong romano. Tinuruan
ng mga kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong romano. Tinatawag ito na
Abecedario ngunit noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na
nakikilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa mga apat na titik na iyon. Binubuo ito
ng 20 na titik: 15 na katinig ar 5 na patinig. Dahil sa di-kasapatan ng dating Abakada
nagpagpasyahan ng lupon ng sanggunian na idag-dag ang sumusunod: C, CH, F, J, ,
LL, Q, RR, V, X, Z. hindi pa mang ganap na nalinaw ang mungkahi ng lupong
sanggunian , inilathala ng sanggunian na surian ng wikang pambansa ang tuntunin sa

ipinalabas ngkgawaran ng edukasyon at kultura noong hulyo 20, 1976 ang isang
memorandum. Bunga ng kalituhan ang dating abakada pa rin ang ginagamit ng taong
bayan hangang natanggap noong agosto 6, 1987 ang bagong alpabetikong Pilipino at
may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Pilipino.

Pamagat: MGA TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY


Buod:
Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino
Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung
paano sumusulat tayong Pilipino sa ating wikang pambansa.
1. Mga Grapema. Ito ay binubuo ng:
a. Letra. Ang serye ng letra ay tinatawag na alpabeto. Ang alpabetong
Filipino ay binubuo ng dalawamput walong (28) letra.
b. Hindi Letra.
paiwa (`), at pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog ()
tuldik na pahilis (`) na sumisimbolo sa diin o haba.
bantas, gaya ng tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), at gitling
(-).
2. Mga Tuntuning Panlahat sa Pagbaybay
a. Pasalitang Pagbaybay. Ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa
maayos na pagkakasunod-sunod nga mga letrang bumubuo sa isang
salita, pantig, akronim, daglat, inisyal, simbolong pang-agam, at iba pa.
Akronim.
ASEAN (Association of Southeast Asian Nation)
/ey-es-i-ey-

en/
ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) /ey-ar-em-em/
Daglat
Dra. (Doktora)
/kapital di-ar-ey/
Bb. (Binibini)
/kapital bi-bi/
Inisyal ng Tao
LKS (Lope K. Santos)
/el-key-as/
CPR (Carlos P. Romulo)
/si-pi-ar/
Inisyal ng Samahan
HCDC (Holy Cross of Davao College)
/eych-si-di-si/

KWF (Komisyon sa Wikang Filipino)


/key-dobolyu-ef/
Simbolong Pang-agham/Pangmatematika
lb. (pound)
/el-bi/
kg. (kilogram)
/key-ji/
b. Pasulat na Pagbaybay
Panatilihin ang orihinal na anyo ng ga salitang mula sa ibang

ktutubong wika sa Pilipinas.


butanding (Bicol) - sa halip ng whale shark
Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula s mga banyagang
wika, panatilihin ang orihinal nitong anyo.
pizza pie
bouquet

Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Espanyol, baybayin ito

ayon sa ABAKADA.
familia
pamilya
cheque
tseke
Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa pantig na e hindi ito
pinapalitan ang letang i. Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at

ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.


libre
libreng-libre
suwerte
suwerteng-suwerte
Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o hindi ito
pinapalitan ng letrang u. Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng

salitang-ugat.
bato
bato-bato
piso
piso-piso
Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na

nagtatapos sa e, ito ay nagiging i at ang o ay u.


atake
atakihin
salbahe
salbahihin
Makabuluhan ang tunog na e at o kapag inihahambing ann mga

hiram na salita sa mga katutubo o hiram na salita.


msa
misa
so
oso
3. Ang Panghihiram.
a. Tumbasan ng kasulukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o
banyaga.
rule tuntunin
b. Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa
Pilipinas at panatilihin ang orihinal na baybay.

imam (Tausug) tawag sa paring Muslim


c. Mga Salitang Hiram sa Espaol
Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA
telefono
telepono
Sa mga salitang hiram sa Espaol na may e, panatilihin ang e.
estudyate
hindi istudyante
Sa mga salitang hiram sa Espaol na may o, panatilihin ang .
opisina
hindi upisina
May mga salitang hiram sa Espaol

Konklusyon:
Ang ating bansa ay isa sa bansang may pinakamaraming diyalekto. May pitong libong
pulo ito at higit sa apat naraang ibat-ibang diyalekto o wikain ang ginagamit. Bawat
rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wikan. Ang pag-uunlad ng ating wikaing
pambansa ay dahil sa batas, kautusan, proklama at kautusan.
Ang wikang Pambansa sa Saligang Batas
Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad ng ating wika.
Sa artikulo XV, seksyon 3 ay sinasabi na Ang Saligang Batas ay dapat ipahayag sa
Ingles at Pilipino at isalin sa bawat diyalektong sinasalitang mahigit limampung libong
taong-bayan at sa Kastila at Arabik.
Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa o kumilos upang sa mapapaunlad at
pormal na adapsyon ng panglahat ng wikang Pambansana makilalang Pilipino.
Sek 6 ang wikang pambansa ay Pilipinas ay Filipino. Dapat natin mapaunlad ang ating
wika at pagyamanin at bilang wikang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek 8 Gamitin natin ang ating wika. May ibat-iba tayong rehiyon may ibat-iba rin
tayong linggwahe. Tagalog ang ginawang saligang wikang Pambansa sa dahilang itoy
nahahawig sa maraming wika sa ibang bansa. Hindi mahirapang Tagalog sa mga diTagalog dahil kahawig itong lahat ng wikang Pilipino.
Ang wikang Pambansa ay nagtatagtaglay ng humigit kumulang na 5,000 salitang hiram
sa kastila, 15,00sa Ingles, 1,500 sa Intsik, at 5,00 sa Malay.

Ang SWP-KWF Ito ay ang surian ng Wikang Pambansa na itinakda ng kapangyarihan


at tungkulin. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang
tagapagpaganap Blg.304 sa surian ng wikang pambansa at nililiwanag ang kanyang
mga kapangyarihan at tungkulin.
Sa artikulo XIV, Sek9. Dapat ay magtatag o magsasagawa ng pananaliksik upang ang
komisyon ng wikang pambansa ay mapapaunlad at mapagyamanin
Wikang Opisyal- Nilagdaan ng pangulong Corazon C. Aquino nanagtatagubilin sa lahat
ng departmento, kaganapan ahensya at kaparaanan nagagawa sila ng hakbang para
sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal. Pinagtibay ng batas komonwelt Blg.570,
na ang Pambansang wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas mula
Hulyo 4, 1940. Nilagdaan ng pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan
kung maaari ay gamitin ang Wikang Filipino sa Linggo ng wikang pambansa at sa lahat
ng komunikasyon at transakyon ng pamahalaan.
Ang Ortograpiya- (Ang dating surian ng wikang pambansa ay tinatawag na KWF
ngayon) Nilagdaan ni kalihim Lourdes R. Quisumbing Departmento ng Edukasyon at
Kultura ang alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng wikang Filipino. Sa okasyon ng
Buwan ng wika ipinaalam ng komisyon sa wikang Filipino ang pagsususpinde sa
Revisyonng Ortografiyang Filipino at pananaliksik, pag-aaral hanggat wala pang
nakitang iba ay nagsisilbing tuntunin. Ang patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
isinantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alfabeto, kung ano man ang ating
natutunan sa 1987 at 2001 ay hindi binago sa 2009 ay manatiling ipinatupad.
Kabanata III: Kalikasan at Estruktura ng Wikang Filipino

Pamagat: Ponolohiya o Palatunugan


Buod:
-

Ito ay nag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara ng


mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga
tunog na ito upang makabuo ng tunog na may kahulugan.

Pamagat: Ponemang Segmental


Buod:
-May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng nakakabuluhang tunog ang bawat wika.
Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin o
palitan ito. Halimbaway mag-iiba ang kahulugan ng salitang Baso kapag inalis ang /s/
ng /l/ itoy nagiging Balo. Samakatwid ang /s/ay makabuluhang tunog sa Filipino at
tinatawag itong Ponemang Segmental o Ponema.

Pamagat: Ponemang Suprasegmental


Buod:

Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng


tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.

Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.


Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago
ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing
/laMANG/ siya.
Hinto o Antala saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.

Halimbawa:

1.

Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa

kaibigan mo.)
2.

Hindi, si Cora ang may sala. (Ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.

3.

Magalis (puno ng galis)


mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)

Haba paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa


salita. Ginagamit ang ganitong notasyon/./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng
salita

Halimbawa:
a.

/asoh/ - usok
/a:soh/ - isanguri ng hayop

b.

/pitoh/ - bilangna 7
/pi:toh/ - silbato

May apat na principal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:

Malumay. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang


pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan.
Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
Mga Halimbawa:
Buhay malumay
dahon

kubo

baka

kulay

babae

apat

Malumi- Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Itoy
binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang
ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng

mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit
natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.

Mga halimbawa:
baro

lahi

pagsapi

bata

luha

mayumi tama

lupa

panlapi

Mabilis- Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa
huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang
binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na
inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

MgaHalimbawa:
Dilaw pito

kahon bulaklak

huli

sapin buwan rebolusyon

Maragsa. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy natulad ng mga
salitang binibigkas nang mabilis, subalit itoy may impit o pasarang tunog sa hulihan.
Tulad ng malumi, ito ay palagi ang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit ditto ang
tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

Mga Halimbawa:
Daga

wasto

pasa

tumula hindi

kumolo

humula

Pamagat: Diptonggo
Buod:
Diptonggo- Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang
malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa
dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kayat hindi na
maituturing na diptonggo. Ang iw, halimbawa, sa aliw ay diptonggo. Ngunit sa
aliwan ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang w ay napagitan

na sa dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa aliwan ay a-li-wan at hindi aliw-an.

Salita

Halimbawa

Ay

Bahay

Ey

Beywang

Iy

Biyaya

Oy

Tuloy

Uy

Kasuy

Aw

Sigaw

Iw

Sisiw

Pamagat: Ponemang Malayang Nagpapalitan


Buod:
Pares ng mga salita na katatagpuan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na
magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang
taglay ng mga salita.

Ayon sa talakay nina Santiago at Tiangco, ponema sa kategoryang ito ay maaaring


ipalit sa pusisyon ng ibang ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita.
Anila, ang malayang pagpapalitang ito ng mga ponema ay karaniwan nang nagaganap
sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/, gayundin sa /o/ at /u/.
Mga Halimbawa:
Politika =

Pulitika

Tutoo = Totoo
Bibi

= Bibe

Lalaki

= Lalake

Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/,


gayundin naman ang /o/ at /u/. Kaakibat nito, hindi nakaapekto ang pagpapalitang ito sa
pagbabago ng kahulugan ng mga salita. Subalit hindi lahat ng pagkakataon ay
malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema. Maari rin naman maging
pares minimal ang mga ito tulad ng mga sumusunod:
Mesa =

misa

Tela

Tila

Uso

Oso

Mula sa mga halimbawang ito, masasabing hindi malayang nagpapalitan ang


mga ponema rito sapagkat nagkokontrast ang mga ito sa magkatulad na kaligiran.

Pamagat: Pares-Minimal
Buod:

Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa


bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares
minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa
magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran pala:bala.
Nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang
kinalalagyan kapwa nasa pusisyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga
salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad ala at ala. Sa
ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala
ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang
salita. Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino
sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala,
nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang
dalawang magkahiwalay na ponema.

Halimbawa:
tela - tila

belo - bilo

butas - botas

mesa - misa

diles - riles

ewan - iwan

Pamagat: Klaster
Buod:
Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang salita.
Katulad ito sa kambal-katinig sa Tagalog (mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at
KATINIG). Subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol
lamang ang ikinokonsider na ganito (sa Tagalog). Walang kasing higit sa tatlong
magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog hindi tulad sa Filipino na posible
ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat.

Halimbawa:
kard

istrayp

blo-awt

tsart

apartment

braso

Pamagat: MORPOLOHIYA
Buod:

Ang morpolohiya ay ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang


yunit ng mgasalita. Ito ay pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng ibatibang morpema.
Ayon naman kina Ronda, et al. (2009), ang morpema ay itinuturing na pinakamaliit na
yunit ng isang salita na may ang king kahululugan. Ito ay maaaring panlapi o salitangugat.
May tatlong uri ang morpema sa wikang Filipino. Ito ay (a) morpemang ponema, (b)
morpemang salitang-ugat at (c) morpemang panlapi.

1. Morpemang Ponema /a\ at /o\. Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil
sa pagdagdag ng ponemang /a\ o kontradiksyon ng /o\ sa /a\, ang /a\ /o\ /o\ ay
itinuturing na ponema.
2. Morpemang salitang-ugat. Ito ay uri ng morpema ma walang panlapi.
3. Morpemang Panlapi. Ang mga panlapi ay mga morpemang may kahulugan
taglay sa kanyang sarili dahil sa nakaragdag ito sa kahulugan ng salitang-ugat.
Ito ang uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaaring
makapagpabago ng kahulugan ng salitang unit hindi nakakatayong mag-isaang
mga panlapi: Kailangang idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng
kahulugan.

Pamagat: Kayarian ng Salita


Buod:
Ang kayarian ng salita ay may apat na uri. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
payak, maylapi, inuulit, at tambalan. Ang salita ay payak kapag ito ay salitang-ugat
lamang, walang panlapi at walang katambal na salita. Ang salita naman ay maylapi
kapag ang salitang-ugat ay nakakabitan ng ibat-ibang panlapi na nakabubuo ng ibatibang salita na may kaniya-kaniyang kahulugan. Sunod naman ay inuulit, ito ay isang
paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang salitang-ugat. Ang pag-uulit ay
maaaring ganap, parsyal, o magkahalong parsyal at ganap. Ang pag-uulit ay ganap
kapag buong salita ang inuulit. Ito naman parsyal o di-ganap kapag ang bahagi lamang
ng salitang-ugat ang inuulit. At iton aman ay magkahalong parsyal at ganap kapag
nilalapian at inuulit nang buo ang salitang-ugat. At ang salita naman ay tambalan kapag
ang salita ay pagsasamang dalawang morpemang salitang-ugat. Ang tambalang salita
naman ay mayroon ring dalawang uri, ang tambalang ganap at tambalang di-ganap. Ito
ay di-ganap kapag ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay
hindi nawawala at ito naman ay ganap kapag ang dalawang salitang pinagtambal ay
nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsasama.

Pamagat: BAHAGI NG PANANALITA


Buod:
Ang mga salita/morpema sa Filipino ay mapapangkat sa dalawang kategorya.
1. Mga Salitang Pangnilalaman
Mga Nominal
Pangngalan
Panghalip
B Pandiwa
C Mga Mapanuring
Mga Pang-uri
Pang abay
2. Mga Salitang Pangkayarian

Mga Pang-ugnay

Pangatnig
Pang-angkop
Pang-ukol

B Mga Pananda

Pantukoy
Pangawing na ay

Pamagat: MGA SALITANG PANGNILALAMAN


Buod:

1. PANGNGALAN
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, lugar,
bagay, pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
nars
Felisa
aso
Luneta
kompyuter
binyag
kasalan
kapayapaan

Dalawang Uri ng Pangngalan

1. Pambalana (Common) - Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop,


lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
doctor
paaralan
bulaklak
pusa

2. Pantangi (Proper) - Ito ay tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, lugar,
bagay, pook, pangyayari at kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Dr. Santos
Don Alejandro Roces High School
Bantay
Araw ng Kalayaan

2. PANGHALIP
-Ang panghalip ay salitang pamalit sa pangngalan.

Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya,
kanya

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)

Malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire

Malapit sa kinakausap: iyanniyaayanhayandiyan

Malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon

3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)

Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)

Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

5. Panghalip na Pamanggit

Halimbawa: na, -ng

3.PANDIWA
-Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw
Mga halimbawa:

Pumunta ako sa tindahan

Binili ko ang tinapay

"Kumain" ako ng tinapay kaninang umaga

Pokus o tuon ng pandiwa


- ay ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay napanlapi ng pandiwa.

Tagaganap o Aktor
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "sino?"
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)

Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.

Si Anne ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

Layon
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
"ano?". Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles.
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)

Binili ni Jomelia ang bulaklak.

Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.

Ganapan o Lokatibo
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot
sa tanong na "saan?"
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)

Dinaraan ng tao angkalsada.

Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.

Tagatanggap o Benepaktibo
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "para kanino?"
(i- , -in , ipang- , ipag-)

Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

Pinakilala sa madla ang kampeon.

Gamit o Instrumental
Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?"
(ipang- ,maipang-)

Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat.

Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.

Sanhi o Kosatibo
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "bakit?"
(i- ,ika- , ikina-)

Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikita ng mag-anak.

Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang ipinagkasakit sa puso ni Tong.

Direksyunal o Direksiyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?"
(-an , -han , -in , -hin)

Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng kagamitan.

Pamagat: Mga Salitang Pangkayarian


Buod:
Mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
salita, o ng dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.
Pang-angkop ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Napagaganda at napadudulas nito ang pangungusap na pinaggagamitan.

na inaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig tulad ng b, k , p, at iba pa.

Halimbawa:
Malinis na barangay

tapat na pinuno

ng ginagamit ang ng kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa:
pinunong tapat

taong masunurin

g ay ikinakabit sa salitang nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:
bayang malaki

mamamayang responsible

Pang-ukol tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba


pang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para sa/kay, ukol sa/kay, tungkol
sa/kay, hinggil sa/kay, alinsunod sa/kay.

Ang problema sa trabaho ay suliranin pa rin hanggang ngayon.


Alinsunod sa batas ang pamumuhay nang tahimik ng lahat.

Pangatnig tawag sa kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o


sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.

Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na yunit


Ang mga ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa.

Halimbawa:
at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit

Pangatnig na nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit


Ang mga ito ay nag-uugnay ng dalwang salita o sugnay na hindi timbang.

Halimbawa:
kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung
gayon

C. Pamagat: Mga Pagbabagong Morpoponemiko


Buod:
Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anomang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito. Ang morpoponemikong
pagbabago ay may ibat-ibang uri, ito ay ang asimilasyon, pagpapalit ng ponema,
metatesis, pagkakaltas ng ponema, paglilipat-diin, at reduplikasyon. At tandaang
maaaring may dalawa o higit pang pagbabagong morpoponemiko ang magaganap sa
isang salita. Ang unang uri ay asimilasyon, sakop ng uring ito ang mga pagbabagong
nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod
nito. Ang asimilasyon ay may dalawang uri, ang asimilasyong ganap at di-ganap.
Pangalawang uri ng morpoponemikong pagbabago ay pagpapalit ng ponema, may mga
ponemang nababago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita at kung minsan ang
ganitong pagbabago ay nasasabayan ng paglilipat diin. Pangatlo ay metatesis,
kapagang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginigitlapian ng (-in-) ang /l/ o /y/
ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon. Pang-apat ay
pagkakaltas ng ponema, nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang
patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito. Panglima ay paglilipat-diin,
may mga salitang nagbabagong diin kapag nilalapian, maaaring malipat ng isa o
dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng isang pantig
patungo ng unahan ng salita. At ang pang-anim ay reduplikasyon, pag-uulit ng pantig ng
salita, ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin
pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.

D. Pamagat: Sintaksis
Buod:
Ayon kina Ampil, Breva at Mendoza(2010), mahalagang pag-aralan kung paano
pinag-uugnay ang mga morpema ng wika upang makabuo ng parirala o pangungusap.

Sintaksis ang tawag sa sangay na ito ng balarila na tumutukoy sa set ng mga tuntunin
na pumapatnubay kung pano maaaring pagsama-samahin ang mga morpema o salita
sa pagbuo ng parirala o pangungusap.
Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sangkap: panaguri at paksa.
Panaguri ang bahaging ngbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa;
samantalang ang Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap.

Pamagat: Ayos ng Pangungusap


Buod:
May dalawang ayos ng pangungusap: ang di-karaniwang ayos at karaniwang
ayos. Ang di-karaniwang ayos ay maaaring mauna ang paksa na sinusundan ng ay at
ng panaguri; samantala, ang karaniwang ayos naman ay nauuna ang panaguri sa
paksa at ginagamit ito sa pang-araw-araw na usapan at sa di-pormal na pakikipagusap.

Pamagat: Mga Anyo ng Pangungusap


Buod:
May apat na anyo ng pangungusap: payak na pangungusap, tambalang
pangungusap, hugnayang pangungusap at pangungusap na langkapan. Ang payak na
pangungusap ay nagbibigay ng isang kaisipan lamang na may payak na paksa at payak
na panaguri. Ang tambalang pangungusap ay nagbibigay ng dalawang malayang
kaisipang pinag-ugnay bilang isa. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang
sugnay na makapag-isa at isang sugnay na di-makapag-isa. Ang pangungusap na
langkapan naman ay binubuo ng pingsamang-dalawang sugnay na makapag-iisa at
isang sugnay na di-makapag-iisa.

Pamagat: Layon ng Pangungusap


Buod:
Sa aklat nina Ulit, et al. (2009), may tinutukoy na apat na uri ng pangungusap ayon sa
tungkulin: Paturol, pangungusap na nagpapahayag ng isang bagay o mga bagay na
ginagamitan ng tuldok. Patanong, pangungusap na humihingi ng impormasyon kaugnay
ng isang bagay at nagtatapos sa tandang pananong. Pautos, pangungusap na naguutos o nakikiusap na ginagamitan ng tuldok. Padamdam, pangungusap na nagsasaad
ng masidhing damdamin na nagtatapos sa tandang padamdam
Konklusyon
Sa kabanatang ito, natutunan naming ang ibat-ibang estruktura at kalikasan ng wikang
Filipino. Mas napalawak pa ang aming kaalaman ukol sa Ponolohiya at Morpolohiya.
Natutunan rin naming ang ibat-ibang Kayarian ng Salita halimbawa nito ay ang Payak,
Maylapi, Inuulit at Tambalan na mga salita, Mgasalitang Pangnilalaman tulad ng
Pangngalan na may dalawang klasipikasyon at iyon ay ang Pangngalang Pantangi at
Pangngalang Pambalana, Panghalip na may tatlong panauhan; ang Unang Panauhan
na ginagamitan ng ako, ko at mo, Ikalawang Panauhan na ginagamitan ng ikaw, ka at
tayo at Ikatlong Panauhan na ginagamitan ng siya, sila at kanila. Pandiwa na may ibatibang Pokus at Aspekto, Pang-uri na may dalawang uri at iyon ay ang Pang-uring
Panlarawan at Pang-uring Pamilang at Pang-abay na may ibat-ibang uri. Mga
Salitang Pangkayarian na may tatlong uri, ang Mga Pang-uugnay, Mga Pananda, at
Pangawig na ay. Uri ng Morponemikong Pagbabago halimbawa nito ay ang
Asimilasyon, Pagpapalit ng ponema, Metatesis, Pagkakaltas ng ponema, Paglilipat-diin,
at Reduplikasyon. Ang Ayos ng Pangungusap ay may dalawang ayos. Ito ay ang
Karaniwan at Di-karaniwang Ayos, Anyo ng pangungusap naman ay may apat na
anyo. Ito ay ang Payak na pangungusap, Tambalang Pangungusap, Hugnayang
Pangungusap at Pangungusap na Langkapan at ang panghuli ay ang Layon ng
Pangungusap. Mayroon itong apat na uri at ito ay ang Paturol, Patanong, Pautos at

Padmdam. Samakatuwid, napag-aralan naming sa kabanatang ito ang pagkilala,


pagsasa-ayos at pagbuo ng mga ibat-ibang salita at mga pangungusap.
Kabanata IV: Diskurso at Komunikasyon
A. Pamagat: DISKURSO, DEPINISYON AT KATANGIAN
Buod:
Ayon kay Webster (1974), ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na
komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Samakatuwid, masasabing ang diskurso
ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa at sinonimus ito
sa komunikasyon.
Ang diskursong pasulat at pasalita ay may maraming pagkakaibang unit
anomang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga participant ang
komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.
Ayon kay Noam Chomsky, ang komunikatib kompitens ay nag-iinbolb sa abilidad
ng ispiker upang piliin ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na
sitwasyong sosyal. Tinatawag rin itong Sosyolingguwitiks.
May dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo na tinukoy ni
Lyle Bachman. Ito ay ang Tekstwal kompitens o abilidad na sumulat nang may
kohisyon at organisasyon at ang iloksyunari kompitens o ang abilidad na
magamit ang wika sa ideation, manipulasyon, heuristik at imahinasyon.
Samantala, ang lingguwistik kompitens naman ay ang mental grammar ng isang
indibidwal o ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika.
Tintawag ito ng maraming lingguwista bilang payak na kompitens. Ayon naman
kay Bachman, tinawag niya itong gramatikal kompitens dahil para sakanya, ang
ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at bokabularyo ay nasasangkot sa di-konsyus
na kaalaman.

B. Pamagat: Konteksto ng Diskurso


Buod:
Konteksto ng Diskurso - Ito ay isang diskurso na maaaring interpersonal, panggrupo,
pang-organisasyon, pangmasa, interkultural, at pangkasarian.
Kontekstong Interpersonal usapan ng magkaibigan.

Konteksto ng Panggrupo pulong ng pamumunuan ng isang samahang pang magaaral.


Kontekstong Pang-organisasyon memorandum ng isang pangulo sa kanyang
kumpanya sa lahat ng empleyado.
Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante.
Kontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng ASEAN.
Kontekstong Pangkasarian usapang mag-asawa.

C. Pamagat: Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtatalakay


Buod:
Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang
teoryang ito ay maaaring susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o
komunikasyon at ito nakakatulong upang tayo ay maging koseptual at prediktibo. May
dalawang tanyag na teorya: ang speech act theory at ang ethnography of
communication.
Ang speech act theory ay isang teorya ng wika batay sa pangunahing premis na ang
wika ay isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon. Ayon
sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong lingguwistk ay hindi
simbolo, salita o pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglika ng mga simbolo,
salita o pangungusal sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.
Ang ethnigraphy of communication ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang
pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon ng isang
partikular na komunidad.

May iba pang teorya na itinalakay sa http://www.mcgraw-hill.com, ang mga teoryang ito
ay ang communication accomodation theory at ang teorya ng narrative paradigm.
Ang communication accomodation theory ay sinusuri ang mga motibasyon at
konsikwens ng mga pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng
komunikasyon. Samantala, ang narrative paradigm naman ay naglalarawan sa mga tao
bilang mga storytelling animals.

Pamagat: KOMUNIKASYON : DEPINISYON at HALAGA


Buod:
Ayon kay Webster ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Inilarawan naman nina Greene at
Petty,sa aklat nilang Developing Language Skills ang komunikasyon bilang isang
intensyunal o konsyus na paggamit ng anumang uri ng simbolo upang makapagpadala
ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
Samakatuwid, ang komunikasyon ay maaaring magamit para sa mabuti o masamang
layon. Kapag tinatangka sa komunikasyon ang tuklasin o ihayag ang
katotohanan,pagyamanin ang mga aspetong nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng
tao,ang komunikasyon ay mabuti. Ngunit kapag sinisira o binabaluktot ang katotohanan
sa komunikasyon, nililito o nililihis ang mga mamamayan sa kabutihan ang
komunikasyon ay masama. Ayon kina Gray at Wise kung ang tao ay walang metodo ng
komunikasyon, wala sa mga institusyong pantao industriya, relihiyon, gobyerno,
edukasyon - ang magiging posible.

Pamagat: Uri at Katangian ng Komunikasyon


Buod:

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay proseso ng pagpapadala at


pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na
maaring berbal o di-berbal. Nasaklaw ang dipinisyong ito. Sinasaklaw nito ang

ibat ibang uri g prosesong pangkomunikasyon.


a. Komunikasyong Intrapersonal. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alala, at pagdama, mga prosesong nagaganap
sa internal nating katauhan.
b. Komunikasyong Interpersonal. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o pagitan ng isang tao at maliit na
pangkat. Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang
nasa uring ito.
c. Komunikasyong Pampubliko. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap
sa pagitan ng isang malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang
nagtatalumpati

sa

harap

ng

mga

tagapakinig

ay

nakikipagtalastasang

pampubliko.
-

1. Ang komunikasyon ay isang proseso


Kinapalooban ng maraming proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng
pagpapadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangan isipin niya muna
kung ano ang mensaheng ipinadadala niya, paano niya iyong ipadadala, anuanong salita ang kanyang gagamitin, paano niya iyon isasaayos upang
maunawaan sa anong daluyan niya iyon padaanin at ano ang inaasahan niyang
reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe

2. Ang Proseso ng komunikasyon ay dinamik


Nagbabago ang komunikasyon batay sa panahon dahil marami ng mga bagong
salita

3. Ang komunikasyon ay komplikado


Nagiging komplikado ang komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga
sangkot ng komunikasyon sa isat isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi
laging pare-pareho kapag ang dalawang tao ay nag-uusap.

Halimbawa:

Persepsyon ng isa sakanyang sarili at ang kanyang kausap ay mayroon ding


persepsyon sa kanyang sarili.
4. Mensahe,
-

hindi

kahulugan,

ang

naipadala/natatanggap

sa

komunikasyon.
Kapag nagpadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita , maari
itong magkaroon ng ibat ibang kahulugan, paano ang pagpapakahulugan sa
mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito.

5. Hindi tayo maaring umiwas sa komunikasyon


Kahit hindi pa tayo magsalita , nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa. Hindi
man tayo magsalita, sa ating kilos/galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya
ay nakapagpadal tayo ng mensahe sa iba.

6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon


Ang mensaheng ito ay maaring mauri sa:
a. Mensaheng relasyon o mensaheng pang lingguwistika at,
b. Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal na nagpapahiwatig ng
iyong damdamin o pagtingin sa kausap.

Pamagat: Mga Modelo, Sangkap at Proseso


Buod:

Isa sa pinakamadaling paraan ng paglalarawan sa proseso at sangkap ng isang bagay


ay sa pamamagitan ng mga modelo representasyong biswal sa pagkat na gawan itong
simple ang isang komplikadong bagay, tulad ng komunikasyon.
Maraming awtor ang nag disenyong ibat-ibang modelong Komunikasyon. Bawat isang
modelo ay may kapakinabangan sa sino mang naglalayong maunawaan nang
ganapang komplikadong prosesong komunikasyon.

Modelo ni Schramm

Lawak ng Karanasan
Lawak ng Karanasan

Pinanggalingan

Tagatangga
p

Ipinahiwatig na Bawat taong sangkot sa isang sitwasyong pangkomunikasyon ay may


kani-kaniyang field of experience na maaring makaaapekto sa bias ng komunikasyon.

ModelongKontekstwal-Kultura
Sa Modelo naming ito, binigyang-diin ang konteksto at kultura bilang siyang mga sentral
na element sa siklikal na prosesong Komunikasyon.

Tinutukoy din dito kung ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pinanggalingan at
tagatanggap ng mensahe at kung paano nililimitahan o hinuhubog ng daluyan ang
mensahe.

Ipinahiwatig nila sa modelong ito na ang bias ng isang aktong pangkomunikasyon ay


naksalalay sa wastong kalkulasyon ng mga salik na nakaaapekto rito tulad ng
transmitter, channel, receiver, at noise.

a. Ang Nagpapadala ng Mensahe - ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong


pinagmumulan ng mensahe at sila din ang mga taong nag e-encode ng mensahe.
b. Ang mensahe nabanggit na sa nakalipas na pagtalakayan ang mensahe ay may
dalawang aspeto ito ay ang mensaheng pangnilalaman o panlingguwistika at ang
mensaheng relasyunal o mensaheng di berbal.
c. Angdaluyan/tsanel ng mensahe - may dalawang kategoryang mga daluyan ng
mensahe. Ang una ay ang daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Ang ikalawa naman ay ang daluyang
institusyunalang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegram at mga
kagamitang elektronomiko ay halimbawang daluyang institusyunal.
d. Ang tagatanggap ng mensahe siya ang magbibigay-pakahulugan sa
mensaheng kanyang natanggap at siya ang magde-decode.
e. Ang tugon o pidbak- ang pagbibigay ng tugon o pidbak ay isang mahalagang
paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
f. Mga potensyal na sagabal sa komunikasyon - ito ay tinatawag sa ingles na
communication noise o filter bawat prosesong komunikasyon ay maaring

magkaroon ng potensyal na sagabal. Ito ang mga bagay-bagay na maaring


makasagabal sa masabing komunikasyon o sa komunikasyon mismo. Ito ang
mauuri sa apat ang semantikong sagabal, pisikal na sagabal, pisyolohikal na
sagabal at ang sikolohikal na sagabal.
Ang mga semantikong sagabal ay matatagpuan sa salita o pangungusap

mismo.
Ang mga pisyolohikal na sagabal ay matatagpuan sa katawan ng nagpapadala
o tagatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o

pagsasalita.
Ang mga sikolohikal na sagabal ay ang mga biases, prejudices, pagkakaibaibang mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-ibang mga nakagawiang kultura na
maaaring magbungang misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.

G. Pamagat: Komunikasyong Berbal


Buod:

Komunikasyong Berbal Isang anyo ng paghahatid mensahe sa pamamagitan ng mga


salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay. Sangkot sa prosesong
ito ang pagsusulat, pagbabasa, pagsasalita, at pakikinig. Ayon kay Gerald (1960),
ginagamit ang berbal na komunikasyon sa mga sumusunod na ideya at bagay-bagay:
Kung sunod-sunod ang mga impormasyong dapat lutasin, higit na mabisa ang pandinig
kaysa biswal na metodo upang makagawa ng temporal na diskriminasyon Kung abala
sa isang gawain ang tagatanggap, ang kanyang pokus sa pakikinig ay nababawasan
Kung ang mensahe ay mahahalaga at payak, mas madali itong mauunawaan at
matatandaan kapag napakinggan o nabasa. Kapag mahalaga ang flexibiliti ng
transmisyon ng mensahe, epektibo ang paggamit ng tinig lalo na sa pagbibigay ng
infleksyon at emphasis. Kung maglalahad ng isang tiyak na usapin o isyu, ang paggamit
ng berbal na komunikasyon ay napakabisa. Kapag ang resepsyong biswal ay hindi
mabisa sa kadahilanang maiuugnay sa kondisyong pangkapaligiran, ang paggamit ng
komunikasyong berbal ay mas lalong kapaki-pakinabang. Paraan ng
Pagpapakahulugan o Interpretasyon ng mga Simbolikong Berbal

REFERENT - tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita. Tiyak na aksyon,


katangian ng mga aksyon, ugnayan ng bagay sa ibang bagay.

Comon Reference tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot


sa proseso ng komunikasyon.

KONTEKSTONG BERBAL - tawag sa kahulugan ng isang salita na matutukoy batay


sa ugnayan nito sa iba pang salita.

PARAAN NG PAGBIGKAS/MANNER OF UTTERANCE


- (Paralanguage) maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo.

H. Pamagat: KOMUNIKASYONG DI-BERBAL


Buod:
Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi lamang pasalita o pasulat. Madalas
gumagamit rin tayo ng di-berbal na anyo o di kayay kumbinasyon ng berbal at di-berbal
na anyo ng komunikasyon.
May ibat ibang anyo ng komunikasyong di-berbal:
Chronemics, ito ay ang pagpapahalaga sa oras. Proxemics, ito ay tungkol sa
espasyong inilalagay natun sa pagitan n gating sarili at ng ibang tao. Kinesics, ito ay
tungkol sa sinasabi na ating katawan na minsan mas higit pa sa mga tunog na
lumalabas sa ating bibig. Haptics, ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa
pagpapahatid ng mensahe. Iconics, ito ay tumutukoy sa mga simbolo o icons na ating
makikita sa paligid na nagbibigay mensahe. Colorics, ito ay tumutukoy sa mga kulay
na maaaring mapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Paralanguange, ito ay
tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Oculesics, ito y tumutukoy a
paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe. Objectics, ito ay ang paggamit ng mga

bagay sa paghahatid ng mensahe. Olfactorics, ito ay nakatuon sa pang-amoy. Pictics,


ito ay tumutukoy sa mga tunay nating damdamin at intensyon na makikita sa ating
mukha. Vocalics, ito ay ang paggamit ng tunog, liban sa pasalitang tunog.

I.Pamagat: Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon


Buod:
Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano isaayos ang wika.
Ayon sa kanya upang matiyak na mabisa ang wika dapat isaalang-alang ang mga
konsiderasyon. Ito ay ipinahayag niya sa akronim na SPEAKING.
Una ay S-setting, kinokosidera kung saan nag-uusap, ibig sabihin ang inyong
pag-uusap o paano kayo nag-uusap ay nauukol sa lugar na inyong kinaroroonan.
Pangalawa ay P-participants, kinokonsidera kung sino ang kauusap, ibig sabihin
babaguhin mo ang paraan ng pakikipag-usap depende kung sino ang kausap.
Pangatlo ay E-ends, kinokonsidera kung ano ang layunin ng pag-uusap, ibig sabihin
ay dapat isaalang-alang ang layunin ng pakikipag-usap. Pang-apat ay A-act
sequence, kinokonsidera kung paano ang takbo ng usapan, ibig sabihin dapat
bigyan pansin ang daloy ng pag-uusap kung ito ba ay may maayos na takbo o
nagkakaroon nang posibilidad na magkaroon ng resulta ng pag-aaway. Panglima ay
K-keys, kinokonsidera kung pormal o di-pormal ang usapan, ibig sabihin titingnan
mo kung ang layunin o paksang pinag-usapan ay pormal o di-pormal. Pang-anim ay
Instrumentalities, kinokonsidera kung ano ang midyum ng usapan, ibig sabihin ay
dapat isaalang-alang ang tsanel o daluyan ng komunikasyon ukol sa kung ano ang
layunin o gusto ipahayag sa kausap. Pang-apat ay N-norm, kinokonsidera kung ano
ang paksa ng usapan, ibig sabihin huwag kang makisali sa usapan kung wala kang
alam sa paksa at kung ang paksa ba ay eklusibo para sa iyo o dapat mong iwasan.
At pangwalo ay G-genre, kinokonsidera kung nagsasalaysay ba o nakikipagtalo at
iba pa pang mga genre, ibig sabihin kailangang alam ng isang tao kung ano ang
genre na ginagamit ng kanyang kausap nang sagayoy alam niya kung ano ang
genre na gagamitin sa pakikipag-usap sa kanyang kausap.

Maliban sa mga konsiderasyong natalakay may iba pang pangangailangan ang


tagapapadala o tagatanggap upang maging epektibong partisipant. Ang mga ito ay:
kailangan maunawaan nila ang prosesong komunikasyon, kailangang may
positibong persepsyon, marunong mag-enkowd at mag-dekowd ng mensahe, may
sapat na kaalaman at kasanayan sa paggamit at pagpapakahulugan ng mga
simbolong di-berbal sa pakikipagkomunikasyon, at kailangang mauunawan niya ang
mga batayang konsepto at simulain ng komunikasyon at kailangang alam niya kung
paano gamitin ang mga iyon sa particular na sitwasyon at sa ibat-ibang antas at uri
ng komunikasyon.

Konklusyon:
Diskurso at Komunikasyon
Ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon, isang pormal at sistematikong
eksaminasyon ng isabng paksa. May dalawang uri ng diskurso ito ay Komunikatib
Kompitens, at Lingguwistik Kompitens. Ang Komunikatib Kompitens ay
nangangailangan ng sensitibiti sa dayalek o rehistro at kaalaman sa mga kultura na
reperens. At Lingguwistik kompitens ito naman ang mental grammar ng isang
indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. May mga
teorya nmana ang diskurso, hindi ito naiibasa mga teorya ng Komunikasyon. Ang mga
teoryang ito ay maaaring susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o
komunikasyon, ito ay nakakatulong upang tayo ay maging konseptwal at prediktibo .
May dalawang pinakapopular na teorya ito ay speech act theory at ethnography of
communications. Ang speech act theory ay isang teoya ng wikang batay sa aklat na
How to do thing with Words ni J.L Austin, ito ay nakabatay sa pangunahing premis na
ang wika ay isang mode of action isang paraan na pagco-convey ng impormasyon. Ang
enthography of communication ito naman ay nauukolsa pag-aaral ng mga sitwasyong,
gamit, patern at tungkulin ng pagsalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang
pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang
partikular na komunidad. May mga uri at katangian ang komunikasyon ito naman ay

Komunikasyong Intrapersonal, Komunikasyong Interpersonal, at Komunikasyong


Pampubliko. Ang komunikasyong intrapersonal ito yung pag-iisip, pag-alala at
pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. At ang
komunikasyong interpersonal naman ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao. Ang komunikasyong pampubliko naman ay nagaganap sa pagitan ng isa
at malaking pangkat ng mga tao. Kaya dapat natin pag-aralan ang mga ito dahil
napakaimpotante nito sa ating pag-aaral, at magagamit din natin ito sa pag trabaho
natin .
Kabanata V: Mga Makrong Kasanayang Pangwika

PAKIKINIG
A. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
Malaki ang pagkakaiba ng hearing ang listening sa wikang Ingles. Ang hearing ay
limitado lamang sa pagtanggap ng pandinig sa mga tunog, samantalang ang listening
ay kinapapalooban din ng pagkilala sa mga tunog pag-alala sa narinig at pagbibigaykahulugan o pag-iinterpret sa tunog na narinig. Sa wikang Filipino, walang magkaibang
katawagang ipinanunumbas sa hearing at listening. Pakinig lamang ang itinutumbas
natin sa dalawa. Magkagayon man, sa kabanatang ito, ang katawagang pakikinig na
talakayin ay iyong katumbnas ng listening.
Pakikinig kung gayon, ay isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na
kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Hindi lamang tainga ang
gumagana sa pakikinig, agad na ipinadadala ng mga auditory nerves ang signal ng
tunog na iyon sa ating utak. Lalapatan ng ating utak ang signal na iyon ng kahulugan o
interpretasyon at kanya iyong tatandaan o aalalahanin. Sa madaling salita, ang
pakikinig ay kumbinasyon ng pandinig, ng pagpapakahulugan at ng pag-alala.
Bunga ng malawakang paggamit ng telepono, radio, telebisyon, public address system
at maging ng pagtangkilik sa mga pelikula, lalong naging napakahalaga ng pakikinig sa

sangkatauhan. Sa silid-aralan at sa araw-araw na buhay, nakatutulong nang Malaki ang


epektibong pakikinig upang ang isang tao ay matuto at mabuhay nang matiwasay.
B. PROSESO AT ANTAS NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang komplikadong proseso. Sa kabanatang ito ay tatalakayin
ang prosesong ito sa payak na paraan. Ang proseso ng pakikinig ay nahahati sa ibatt
ibang yugto ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ito.
Ang unang yugto ay ang resepsyon o pagdinig sa tunog. Ang resepsyon o pagdinig
sa tunog ay maipipikit mo ang iyong mga mata ngunit hindi mo maisasara ang iyong
tainga. Lagi itong bukas sa mga tunog nanagsisilbing stimuli. Ang mga wave stimuli na
iyon ay nagdaraan sa auditory nerves patungo sa utak.
Ang ikalawang yugto ay ang rekognisyon o pagkilala sa tunog. Ito ay ang kahit
naririnig pa lamang natin ang tunog, gumagana ang ating isip. Maaring iniuugnay agad
natin ang tunog sa mga tao sa bagay-bagay. Kinikilala natin ang tunog hindi lamang
bilang mga ingay, kundi bilang mga reyalidad.
Ang ikatlong yugto ay ang pagbibigay-kahulugan sa tunog na naririnig at pakilala.
Ang yugtong ito ay nakabatay sa dalawang naunang yugto at kung gayoy mahigpit na
nauugnay sa dalawa. Ang pagbibigay-kahulugan sa tunog ay higit na diskriminatibong
yugto. Halimbawa, kapag narinig ng isang ina ang isang uha at nakilala niyang iyoy
mula sa kanyang sanggol na nasa silid, maaari siyangmataranta o hindi sa pagpunta sa
silid ng bata. Tatantyahin pa kasi niya kung ano ang kahulugan ng uhang iyon.
Nagugutom kaya ang bata? Nasaktan? Natakot? Sa paraang pag-uha ng bata,sa lakas
niyon, sa timbre ng uha o maging sa himig ng uha ay maaari niyang mahaka ang
kahulugan ng uha ng kanyang sanggol.

Ang mga palatandaan o pantulong na ito ay tinatawag na metakomunikasyon. Ito ay


maaaring matagpuan sa lakas, himig, tagingting, bilis, pagbagal, ikli at pagkakasunodsunod ng mga tunog.
May mga dalubwika na nagsasabing ang proseso ng pakikinig ay kinapapalooban din
ng yugtong pagpokus ng atensyon sa tunog na naririnig, pagtanda sa tunog na narinig
at pagtugon sa tunog na narinig.
Ang pakikinig ay mayroon ding mga antas o lebel.
1. Appreciative na Pakikinig- Gamitin ito sa pakikinig upang maaliw. Halimbawa
nito ang pakikinig ng mga awit sa radyo o konsyerto.
2. Pakikinig na Diskriminatori- Kritikal na pakikinig. Ginagamit ito para sa
organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan.
3. Mapanuring Pakikinig- Ebalweytib o selektib ang pakikinig na ito. Mahalaga rito
ang konsentrasyon sa napakinggan.
4. Implayd na Pakikinig- Sa antas, na ito, tinutuklas ng isang tagapakinig ang mga
mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig.
5. Internal na Pakikinig- Pakikinig ito sa sarili. Ang pinagtuunan ng pansin na lebel
na ito ay ang mga pribadong kaisipan indibidwal na pilit niyang inuunawa at
sinusuri sa antas na ito.
C. MGA

ELEMENTONG

NAKAIIMPLUWENSIYA

AT

MGA

SAGABAL

SA

PAKIKINIG
Upang maging isang epektibong tagapakinig o kung nais nating maging epektibo an
gating tagapakinig, kailangan nating isaalang-alang ang ilang elementong
nakaiimpluwensiy sa proseso ng pakikinig. Ang maingat at matalinong pagsasaalangalang sa mga ito ay karaniwang humahantong sa epektibong komunikasyon. Ano-ano
ang mga elementong ito? Paano ang mga itoy nakaiimpluwensiya sa pakikinig?

a. Oras- Sadyang may oras na ang ating pandinig ay handing handang making,
ngunit may oras ding kulang iyon sa kahandaan o di kayay ganap na walang
kahandaan. Paano kung isang hatinggabi ay nakikipag-usap ka sa kapatid mong
inaantok na? Maipopokus pa kaya niya ang kanyang atensyon sa iyo? Tawagan
mo ang kaibigan mo sa medaling-araw at ibilin mo ang mga kinakailangan
niyang dalhin sa inyong klase? Madadala kaya niya ang lahat ng iyon?
b. Channel- Madalas, ang daluyan ng tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig.
Kapag ikay nakikipag-usap sa telepono o radyo, nagiging malabo ang
pagkakarinig mo sa mga ilang salita minsan, hindi ba? Ang pakikipag-usap nang
harapan ay hindi katulad ng pakikipag-usap sa cellular phone. Ikaw, paano mo
magagawang malinaw ang pagkarinig sa iyong mensahe ng iyong kausap a)
nang harapan, b) nang malayuan c) nang malapitan, d) sa telepono, e) sa radyo,
f) sa cellphone at g) kung gagamit ka ng mikropono?
c. Edad- Ibat iba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng bawat tao. Isang
batayan ng pagkakaiba-iba ng antas ng kanilang kasanayan ay ang edad.
Mahina pa ang kakayahan ng mga bata sa pagbibigay-kahulugan ng narinig
samantalang karaniwang humihina na ang pandinig ng mga matatanda. Kung
gayon, maingat ka sa pagpili ng salitang gagamitin at kailangang bagalan mo
nang kaunti ang iyong pananalita. Madalas naman ay kinakailangan mong
lakasan at bagalan ang pagsasalita kung nais mong maging malinaw ang
pagdinig ng isang matanda sa iyong mensahe.
d. Kasarian- Paanong ang kasarian ay nakaiimpluwensiya sa proseso ng
pakikinig? May mga tao kasing higit na nakikinig sa babae kung paanong may
iba naming lalaki. Kung ano ang preperensya nila, malamang na higit na
magiging epektibo ang pakikinig nila kung ang nagsasalita ay ang kasariang higit
nilang preffered. Kapag babae ang nagsasalita ay nagiging mapalabok siya
e. Kultura- Hindi mahihiwalay ang kultura sa pakikinig, Sa pagbibigay kahulugan
sa mga tunog na naririnig, ang isang tao ay lagging naiimpluwensiyahan ng
kulturang kanyang kinamihasnan at kinalakhan. Halimbawa, ang maingay na

pagnguya ng isang kostumer sa isang restawran, maaari niyang ipalagay iyong


kabastusan o kawalan ng modo ng kostumer. Ngunit para sa Intsik na may-ari ng
restawran, ipinapalagay niya ang ingay sa pagnguya ng kanyang kostumer
bilang pagpapahalaga sa sarap ng nakahaing pagkain.
f. Konsepto sa Sarili- Ang konsepto sa sarili ng ibat ibang tao ay maaari-ring
makaimpluwensiya sa proseso ng komunikasyon. Iba-iba ang konsepto sa sarili
ng bawat tao.
May mga salik din na maaaring magsilbing mga sagabal sa pakikinig.
1. Mga Suliraning Eksternal- Nakapaloob ditto ang mga distraksyong awral
tulad ng ingay na likha ng bel, makina o lakas ng usapan. Ang mga problema
sa pasilidad tulad ng komportableng upuan, at ng labis na mainit o malamig
na temperature.
2. Mga Suliraning Mental- Ilang halimbawa nito ay ang preokupasyon o pagiisip ng ibang bagay tulad ng mga problema o pangangarap nang gising.
3. Iba pang mga Tanging Salik- May iba pang ispesyal na salik na maaaring
maging sagabal sa pakikinig. Ilan sa mga ito ay ang labis na pagiging
mahirap o komplikado ng isang konsepto, o labis na kadalian niyon na
maaaring kawalan ng interes ng tagapakinig, lubos na magkasalungat na
opinyon ng nagsasalita at tagapakinig at distraksyong biswal tulad ng
mannerisms at ang anyo ng nagsasalita.
D. MGA URI NG TAGAPAKINIG
A. Eager Beaver- Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango
habang may nagsasalita sa kanyang harapan. Ngunit kung naiintindihan niya
ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
B. Sleeper- Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng
silid. Wala siyang tunay na intensyong making.

C. Tiger- Siya ang tagapakinig na laging magreak sa ano mang sasabihin ng


nagsasalita. Lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang
sabawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
D. Bewildered- Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa
naririnig. Kapansin- pansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anong
pagtataka.
E. Frowner- Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Hindi lubos ang kanyang pakikinig

kundi isang pagkukunwari

lamang.
F. Relaxed- Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paanoy kitang kita sa kanya
ang kawalan ng interes sa pakikinig.
G. Busy Bee- Isa siya sa pinakaayawang tagapakinig sa ano mang pangkat. Hindi
lamang siya hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi, pagbabasa ng libro o magasin.
H. Two-earned Listener- Siya ang pinakaepektibong tagapakinig. Nakinig siya
gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak
E. PAANO MAGIGING EPEKTIBONG TAGAPAKINIG
Lahat ng tao ay kailangang mapakinggan, kung paanong lahat din ng tao ay kailangang
makapagpahayag ng sarili. Ito ay isang gawain, isang kasanayang nalilinang .
Kailangang linangin ng bawat tao ang kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat
ay magkaroon ng epektibong komunikasyon. Ngunit paano ito maisasakatuparan?
Naritoang ilang mungkahi.
a. Pakinggan hindi lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan.
Kailangan ipokus natin ang ating atensyon sa kabuuan ng mensahe na ating
naririnig. Isang epektibong tagapakinig kasi ay sensitibo hindi lamang sa mga
salita kundi maging sa mga metamensaheng kanyang naririnig at nakikita.

b. Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe. Sa pamamagitan ng


iyong mga reaksyon habang nakikinig, maaaring maging komportable o dikomportable ang iyong kausap. Kapag siyay hindi komportable, mahihirapan
siyang ipahayag ang kanyang mensahe. Samakatuwid, kailangang tulungan mo
siyang maging malaya sa pagpapahayag nang maging malinaw ang mensaheng
iyong matatanggap.
c. Ipagpaliban hanggat maari ang iyong mga paghuhusga. Lahat ng tao ay may
kanya-kanyang pag-uugali. Mayroon din siyang mga biases at prejudices.
d. Kontrolin ang mga tugong emosyal sa naririnig. May mga salitang
nakapagpapaalab ng ating damdamin. Ang isang salita ay maaaring maging
sanhi ng ating galit, pagdududa o takot. Kapag hindi natin nakontrol, ito maaaring
kontrolin n gating damdamin ang aing kakayahan g makinig. Kasunod nito ang
baluktot na pag-iisip at pangangatwiran.
e. Pagtuunan ang mensahe. Ang isang atleta ay maaaring mapagod sa gitna ng
paglalaro ngunit napipilit pa rin niya ang kanyang sarili na ipagpatuloy ang
paglalaro sa kabila ng pagod at pananakit ng katawan. Maaari siyang mapagod
sa pakikinig ngunit magagawa niyang hikayatin o di kayay pilitin ang kanyang
sarili.
f. Pagtuunan din ng pansin ang estraktura ng mensahe. Kung kaya mo nang
ituon ang iyong pansin sa mensahe, magagawa mo pang linangin ang iyong
kasanayan sa pakikinig sa pamamagitan naman ng pagtutuon ng pansin sa
estraktura ng mensahe. May mga tao kasing nahihirapang alalahanin ang mga
datos na kanilang narining kung kayat dumarating ang sandaling kapag pilit na
inaalala na nila ang kanilang narinig. Higit na magiging madali ang pag-alala sa
mga datos kung papansinin din natin ang mensahe sa pamamgitan ng patern o
pag-uugnay.

g. Patapusin ang kausap. Isa sa pinakamalaking sagabal sa epektibong


komunikasyon ay ang tendensiya nating tapusin ang usap nang mas maaga
kaysa sa kinakailangan. Kung sa gitna ng pagsasalita ng isang tao ay
magsasalita rin tayo, malamang na mapahinto siya sa pagsasalita at hindi na
matapos ang kanyang sinasabi.
PAGSASALITA
A. Pamagat:

KAHALAGAHAN

NG

PAGLINANG

NG

KASANAYAN

SA

MABISANG PAGSASALITA
Buod:
Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng maraming tao ay higit na
madaling nakakakuha ng respeto sa ibang tao. Samakatuwid, ang isang taong
kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng ibang
tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan.
Ang mga pangunahing pinunong nagtanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may
isang katangiang ipinakatulad sa isatisa. Lahat silay may mataas na antas ng
kakayahang magpahayag ng ideya na kanilang naging kasangkapan upang
umakit ng mga tagahanga at tagasunod. Ngunit ang kasanayang ang
nagpatanyag at nagpaunlad sa kanilang lahat ay isang kasanayang maaaring
linangin ng sinomang indibidwal sa kanyang sarili.
Halimbawa nalang ay ang dating pangulo ng Estados Unidos na si Abraham
Lincoln. Hindi

sya galing sa isang marangyang pamilya at hindi rin siya

nagkaroon ng pormal na edukasyon. Ngunit siya ay may determinasyon na


linangin ang kanyang kakayahang makapagsalita sa harap ng publiko.
Naipamalas niya ang kakayahang ito sa pamamagitan ng pagmamasid at
pakikinig sa mga taong nagsasalita hanggang siya ay nawili.
Samantala, si Franklin Delano Roosevelt, dating ring pangulo ng EstadosUnidos
ay ipinanganak na hindi marunong mambigkas ng salita. Ngunit nilinang niya ito
at sa tuwing may nagaganap na talumpati ay binibigyan niya ng matamang
atensyon ang pagpa-praktis hanggang sa mabigkas niya ng tama ang mga
salita. Isa rin si John F. Kennedy sa mga susi ng tagumpay. Tinalo niya si Nixon
sa pamamagitan ng debate sa nasabing halalan.

Si Demosthenes ay ipinanganak nauutal-utal. Ngunit tinuruan niya ang kaniyang


sarili na makapagsalita ng matuwid sa pamamagitan ng pagnguya ng buhangin,
pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon at dalampasigan at pagsusubo ng
maliliit na bato.
B. MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PANANALITA
Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa participant nito.
Kung gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong
proseso ng komunikasyon.
a. Kaalaman. You cannot say what you dont know. Kung gayon, upang maging
isang epektibong tagapagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman hinggil
sa ibat-ibang bagay. Hindi naman maaaring magsalita sa harapan ng
mgapangkat ng tao ng wala ang alam dahil wala lamang saysay ang iyong
sasabihin at mawawalan ng interes ang iyong mga tagapakinig.
b. Kasanayan. Ang pagsasalita ay isang kasanayang maaaring linangin.
Samakatuwid, hindi ka maaaring magsalita sa harapan ng maraming tao ka
pa wala kang kasanayan. Dahil maaaring ikaw ay kabahan at ma-mental
block lamang. Kung kayay mahalagang may kasanayan ka bago ka
magsalita sa harap ng maraming tao.
c. Tiwala sa Sarili. Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang
nagiging kimi o hindi palakibo. Madalas rin silang kabado lalo nasa harap ng
maraming tao. Mahirap makaakit, makakumbinsi at makahikayat ng tao ang
taong walang tiwala sa sarili.

C. MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA


a. Tinig. Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Kaakibat ng
tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na pataas at mayroon
ding pababa. Ang himig ay kailangang iniaangkop sa sitwasyon at damdamin
o mensaheng ipinapahayag ng isang nagsasalita.

b. Bigkas. Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring magbunga ng


ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo pat ang wika natin ay may
napakaraming mga homonimo o mga salitang pareho ang baybay, ngunit
magkaibang kahulugan at pagbigkas.
c. Tindig. Kinakailangang may tikas, ika nga, mula ulo hanggang paa. Dahil
hindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung syay parang
nanghihina o kung syay mukhang sakitin. Kailangan din niyang maging
kalugod-lugod

sa

kanilang

paningin

upang

siyay

maging

higit

na

mapanghikayat.
d. Kumpas. Importante rin sa pagsasalita ang kumpas ng kamay dahil kung
wala ito, ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot. Kailangan maging
natural din ang pagkumpas. Dapat iwasan ang pagiging mekanikal ng mga
ito. Hindi rin magandang tignan ang sobra, kulang at alanganin na
pagkumpas.
e. Kilos. Ang ibang bahagi ng katawhan ay maaari ring gumalaw. Ang pagkilos
ay maaaring makatulong o makasira sa isang pagsasalita tulad nalang ng
pagkilos ng mata, balikat at ulo. Kung magiging labis naming malikot ang
isang nagsasalita, halimbawa kung siyay paroot parito sa paglakad,
malamang na mahilo ang kaniyang kausap o ang madlang tagapakinig niya.
D. Pamagat: Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla
Buod:
Lahat tayo ay may kinakatakutan, ito ay nakadepende sa atin kung paano
haharapin at lalabanan gaya ng ang minsang sinabi ng dating pangulong Amerika na si
Franklin D. Roosevelt, walang dapat katakutan kundi ang takot mismo.
Mayroon tayong tinatawag na xenophobia o stage fright kung saan ang isang tao
ay takot sa pagsasalita sa harap ng madla. May mga manipestasyon upang masabing
ikaw ay may stage fright. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: panginginig ng

kamay, pangangatog ng tuhod, kawalang ng ganang kumain, pananakit ng tiyan, dipagkatulog, pananakitngulo, pagkalimot ng sasabihin, paninigas ng pagkakatayo,
kawalan ng panuunan ng paningin, biglang pagbilis ng pulso, at mataas na presyon ng
dugo. Ang ilan naming dahilan ng stage fright ay ang mga sumusunod: a. takot sa
malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig, b. di kaaya-ayang karanasan sa
pagsasalita sa harap ng madla, c. kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita
sa harap ng madla, d. damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal
tulad ng katabaan, kapayatan, di kaaya-ayang mukha o kulay o di magandang
postyur ,e. kakulangan o kawalan ng kagandahan, at f. kakulangan o kawalan ng
pamilyaridad sa lugar o okasyon. At mayroon naming ilang mungkahi upang
mabawasan ang stage fright. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: a. magkaroon ng
positibong atityud, b. magtiwala sa iyong sarili, c. tanggapin mo ang iyong sarili, d.
magkaroon ng marubdob na pagnanasa ng maging mahusay na tagapagsalita, e.
harapin mo ang takot, huwag mong takasan, f. magpraktis ka nang magpraktis, g.
isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hind imapanghusga, h.
magbihis nang naaayon sa okasyon, i. mag-imbak ng maraming kaalaman, j. dumating
nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa madlang tagapakinig, at k.
magdasal.

E. Pamagat: Propayl ng Epektibong Ispiker


Buod:
Ang isang tagapagsalita ay may mga katangian na dapat taglayin upang siya ay
masabing epektibo na tagapagsalita. Ilan dito ay ang mga sumusunod: a. ang isang
epektibong tagapagsalita ay responsible ;b. magiliw siyang magsalita at kawili-wiling
pakinggan; c. may malawak siyang kaalaman hinggil sa paksang kanyang tinalakay; d.
siya ay palabasa; e. siya ay palaisip; f. mayroon siyang mayamang koleksyon ng mga
ideya at babasahin; g. may interes siya sa paksang kanyang tinatalakay; h. siya ay
obhetibo; i. mayroon siyang sense of humor; j. gumagamit siya ng mga angkop na
salita; k. nirerespeto niya ang pagkakaiba-iba ng kanyang mga tagapakinig; l. sapat at

angkop ang lakas ng kanyang tinig; m. malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita;
n. gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at kilos; . Hindi niya iniinsulto o
sinasaktan ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig; ng. maingat siya sa paggawa
ng mga kongklusyon, paratang at kilos; o. maypanuunan siyang paningin sa kanyang
mga tagapakinig; p. angkop ang kanyang kasuotan sa okasyon;q. pinaniniwalaan at
isinasabuhay niya ang kanyang sinasabi;r. wala siyang mga nakadidistrak na
mannerisms; s. mainam ang kanyang tindig o postyur; t. maayos at lohikal ang kanyang
presentasyon mula simula, gitna, hanggang wakas;u. iniiwasan niya ang labis na
mapalabok na pananalita; v. binibigyan niya ng diin ang mga mahahalagang konsepto o
kaisipan; w. alam niya kung kalian tatapusin ang pagsasalita; x. iniiwasan niya ang
magyabang o himig-pagyayabang; y. mayaman ang kanyang bokabularyo; at z. taglay
niya ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad at karakter.
3. Pagbasa
A. Pamagat: Kahulugan, Halaga, at mgaHakbang
Buod:
Isa samgamakrongkasanayangpangwika ay angpagbasa. Ito ay pagkilala at pagkuha ng
mgaideya at kaisipansamgasagisagnanakalimbag. At bunga ng knowledge explosion
naginglalong mas mahalagaangpagbabasasasangkatauhan. Ilansamgahalaga ng pagbabasa
ay angmgasumusunod: a.nakakapagdulotito ng kasiyahan at nakakalunassapagkabagot,
b.pangunahinitongkasangkapansapagtuklas ng kaalamansaibatibanglarangan ng buhay,
c.gumaganapito ng mahalagangtungkulinsaating pang-araw-arawnabuhay,
d.nalalakbaynatinangmgalugarnahindinararating, nakikilalaangmgataongyumaona o
hindinanakikita, e.naiimpluwensiyahannitoangatingsaloobin at palagayhinggilsaibatibangbagay
at tao, at f.nakatutulongitosapaglutas ng atingmgasuliranin at sapagtaas ng kalidad ng buhay ng
tao. At angpagbabasa ay may sinusunodnakronolohikalnahakbang, ito ay angmgasumusunod:
a.persepsyon o pagkilalasamganakalimbagnasimbolo; b.pagunawasakaisipangnakapaloobsamganakalimbagnasimbolo; c.reaksyon o paghahatol ng
kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstongbinasa; atd.asimilasyon/integrasyon ng
binasangtekstosamgakaranasan ng mambabasa.

Pamagat: Mga Uri ng Pagbasa

Buod:

Ang pagbasa ay kadalasang ginagawa ng bawat indibidwal na naayoon sa kanyakanyang layunin. Maaring maganda o hindi ang mga layuning ito. Gayundin, nababatay
ito sa iba't-ibang istilo ng pagbasa.

Pamagat: Uri ng Pagbasa Ayon sa Layunin


Buod:

Iskiming, Iskaning, Kaswal, Matiim naPagbasa


Previewing Pagbasang, Pang-impormasyon, Pagtatala, Di gaanong seryoso ang
pagbasa tulad na lamang kung nagpapalipas ng oras, nagpapatuyo ng buhok habang
nagbabasa at iba pa. Ang uring ito ay hindi agad nagtutuon ng pansin sa kabuuan ng
teksto. Tinutunguhan muna ang mga sumusunod:
Pamagat at mga kaugnay na paksang nakapaloob sa teksto.
Pagsulyap sa una, gitna at huling bahagi ng teksto.
Kung mayroong introduksyon, buod, larawang grap at tsart ang hinahanap sa teksto.
Pagsulyap sa talaan ng nilalaman ng teksto. Higit na maingat na pagbasa. Ang mga
impormasyong nakalap ay karaniwang ginagamit sa sulating teknikal. Pagbasa na
hinahanap ang lahat ng mahahalagang impormasyon na kinakailangan ng mambabasa.
Higit na binibigyang-pansin ang dati nang kaalaman upang maiugnay sa bagong
pangangailangan. Ginagawa habang nagbabasa ang pagtatala sa mga mahahalahang
detalye na kinakailangan ng mambabasa. Stabilo naman ang gamit ng iba upang
medaling Makita ang mga mahahalagang bahagi na dapat tandaan upang maging
madali sa muling pagbasa. Pasaklaw na pagbasa upang makuha ang pangkalahatang
ideya tungo sa pagpapasiya kung alin ang tekstong gagamitin o bibilhin. Uri ng pagbasa
na ang hinahanap sa teksto ay ang pangunahing salita o keywords o pamagat lamang.
Hindi binibigyang pansin ang ibang mga kaugnay na detalye. Muling Pagbasa, Pag-uulit
ng pagbasa upang higit/lubos na maunawaan ang teksto. Sa muling pagbasa,
maiiwasan ang mga muling konsepto sa isipan na nabuo sa unang pagbasa.

Pamagat: ANG PORMULANG SM3B SA PAGBASA


Buod:
S = SURVEY
M = MAGTANONG
B1 = PAGBASA
B2 = BALIK-BASA
B3 = BUOD
SURVEY
Binubuo ng 3 gawain:
1.) Balik-gunita sa ating nalalaman kaugnay ng paksang babasahin.
2.) Pagkilala sa mensaheng ibig ipahatid ng awtor.
3.) Pagpapasya sa layunin natin sa pagbasa.
MAGTANONG
Magtanong ng mga nais mong malaman sa teksto.
Mahalaga ang mga tanong na sino, saan, ano, kailan, paano at bakit.
B1 = PAGBASA
Simula ng basahin ang teksto pagkatapos na mapili ang pamamaraang angkop sa
layunin mo, masaklaw man o masinsinang pagbasa. Sagutin ang tanong na ginawa at
nais sagutan.
B2 = BALIK-BASA

Basahin muli ang teksto upang matiyak kung nakuha ang mga kasagutan. Tignan kung
walang nakaligtaan.
Ang pagbalik-basa ay nakakatulong upang mahasa ang iyong pantanda o memorya.
B3 = BUOD
Ayusin ang mga ideyang napili upang magamit sa maayos na pag-uulat.
Ito ay katiyakan na naunawaan ang binasa. Nakatutulong ditto ang paggawa ng mga
balangkas.

Pamagat: Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat


Buod:
Ang pagsulat ay sinasabing may dinaraan ang proseso bago ito mabuo at maipahatid
ang mensahe sa kanyang mambabasa. May ibat-ibang pagpapakahulugan din sa
salitang pagsulat at narito ang ilang depinisyon nito:
Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag nagamit ang
mga letra ng alfabeto.
Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng
papel para katawanin ang mga tunog at ang mga salita ng isang wika.
Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may
layuning makabuo ng mga salita.
Nasasakop din ng pagsusulat ang lahat ng natutuhang kaalaman na nakapaloob mula
sa nabasa at sa narinig. Kailangan ditto ang pagsasanay upang malinang nang husto
ang kasanayan sa pagsusulat.
Bago magawa ito, mahalaga na magkaroon kamuna ng kaalaman sa ibat-ibang
pananaw sa proseso ng pagsusulat. Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat

Ayon kay R.T. KELLOGG (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang
pampag-iisp na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na
simbolo ng pagisip.

Halos ganito rin ang depinisyon ni GILHOOLY (1982, p.1), at sinabi niya na sa pag-iisip
bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay bumubuo, gumagamit at nagbabago ng
panloob na simbolikong modelo.

Sinabi pa ni KELLOGG na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. Ang pagaaral ng pagsulat ay may bentahe kaysa sa pag-aaral ng paglutas ng mga problema,
pagbuo ng pagpapasya at Gawain sa pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang
mayamang produkto na ginagawa ng mga manunulat.
Binanggit pa ni KELLOGG na may ilang argument sa pag-aaral ng pagsulat;

Una, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisp. Ang
pag-iisip ng mabuti ay maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat nang
maganda subalit tiyak nalilitaw pa rin ang kinakailangang kondisyon.

Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip. Sa pagsulat ng isang paksa
natututong mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa.

Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng


tungkulin sa lahat ng gawaing pampag-iisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pag-iisip
ay ang pagsisikap o pagpupunyagi.

May mga sumunod pang modelong kognitibo at ang PINAKAMAKABULUHAN ay ang


modelo nina BEREITER at SCARDAMALIA (1987). Nagbigay sila ng dalawang
panukala sa pagbuo ng pagsulat.
Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat lamang ang
nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay,
At ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay
mailipat ang nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat.
Nagkaroon din ng problema rito kung paano maipapakita ang proseso ng pagsulat at
kung kalian nagsisimulang magsulat ang manunulat.
Pamagat: Proseso ng Pagsulat
Buod:
Ang proseso ng pagsulat ang mahahati sa ibat ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay
ang mga sumusunod: prewriting, ang unang burador, revising at editing.

Prewriting Lahat ng pagpaplanonb aktibi, pangangalap ng impormasyon, pag-iisip ng


mga ideya, pagtukoy ng estratehiya ng pagsulat at pag-oorganisa ng mga materyales
bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.

Ang Unang Burador Matapos mong maorganisa ang iypng mga ideya at madebelop
iyong balangkas, handa ka na sa ikalawang yugto ng pagsulat. Sa yugtong ito, ang
iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na
maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano kinakailangan.

Revising Sa yugtong ito ay ang proseso ng pagbasang muli sa burador nang


makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring
magbawas o magdagdag ng ideya ang manunulat. Maari rin niyang palitan ang
pahayag na sa palagay niyay kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.

Editing Sa yugtong ito ay ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili


ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas.

C. Pamagat: Pagtatalata
Buod:
Ang talata ay isang pangungusal o grupo ng mga pangungusap na inorganisa upang
makadebelop ng isang ideya hinggil sa isang paksa bilang bahagi ng isang
komposisyon o upang magsilbing pinakakomposisyon mismo.
Upang maging epektibo ang isang talataan, kailangang taglayin nito ang mga
sumusunod na katangian: kaisahan, kohirens at empasis.
Ang kaisahan ay nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng isang
talata.
Ang kohirens ay tumutukoy sa pagkaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang
talataan.
Ang empasis ay tumutukoy sa pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa bahagi ng
komposisyong nangangailangan niyon.

Konklusyon:

Mga Makrong Kasanayang Pangwika ay may apat na makrong kasanayang pangwika,


Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat. Itong mga makrong kasanayang pangwika,
ay napakahalaga sa atin dahil ito ang ginagamit natin sa pan araw-araw na kabuhayan.
Dahil din dito nakatulong ito sa paglaki natinsa pag-aaral at sa pagtrabaho natin, kasi
kapag wala itong apat na makrong kasanayang pangwika paano natin maiintindihan
ang mga sinasabi ng guro, paano natin masabi ang nararamdaman natin, kaya dapat
natin pag-aralan ang itong apat na marong kasanayang pangwika kasi ito ang
instrumento ng pagiging masipag na mag-aaral at pagiging maspipag na trabahante.
Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na
madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. Samakatuwid, ang isang taong kulang
ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao ang
kanyang halaga at natatanging katauhan. Ang pagbasa naman ay pagkuha ng mga
ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Isa ito sa mga makrong ksanayang
pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa lahat. May dalawang uri ng pagbasa ito ang
skimming at scanning. Ang skimming o pinaranaang pagbasa ang pinakamabilis sa
pagbasa na nakakaya ng isang tao. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o magasin, sa
pagtingin sa mga kabanata ng aklat bago ito basahin nang tuluyan, sa paghahanap ng
tamang artikulo sa pananaliksik, pagkuha ng pangkalahatang impresyon sa nilalaman
at iba pa. Ang scanning naman ay ang paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa
isang pahina. Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaaring tahimik o pasalita . Mata
lamang ang ginagamit sa tahimik na pagbasa at walang tunog na maririnig. Sa
pagsasalitang pagbasa, gumagamit din ng bibig, bukod ssa mga mata kaya may tunog
at pagsalita. Hindi kailan man maitatanggi ang kahalagahan ng papel na ginampanan
ng pagsulat sa lipunang ating ginagalawan. Ang mga inuudyok ng damdamin at ng naguumalpas nating kaisipan ay hindi sa lahat ng pagkakataon maipapahayag sa paraang
pasalita.

You might also like