You are on page 1of 1

Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao.

Ito ay binubuo ng
mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng
kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa
ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa
mabuting panlasa.
Mga Uri ng Tula
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan,
guniguni, pangarap at ibat-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay
maikli at payak.
Uri ng Tulang Liriko
1

Awit Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,


kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
2 Soneto Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang
nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa
likas na pagkatao.
3 Oda Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng
mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa
bawat taludtod.
4 Elehiya Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
5 Dalit Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa
buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga
bayani sa pakikidigma.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a.

Epiko Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa


mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga
pangyayari at maituturing na kababalaghan.
b. Awit at kurido Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran
ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde
at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga
awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari
sa araw-araw na buhay.
3. Tulang Patnigan (joustic poetry) Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
4. Tulang Pantanghalan o Padula Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito
ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.

You might also like