You are on page 1of 1

ARAW NG KRISTONG HARI

Petsa: Ika-20 ng Nobyembre 2016

Ebanghelyo: Lucas 23:35-43.

Paglalarawan:

Ang ebanghelyo ngayong ika-20 ng Nobyembre 2016 ay tungkol sa pagpako sa krus ni kristo at ang
pangungutya o panglalait sa kanya ng mga tao sa kanyang paligid noong ipinapako sya. Maraming oras na
tayo ay may ginagawa na iniuutos satin ng ating mga magulang, guro, kamaganak, at kung sino pang nasa
paligid na may inaasahan silang bagay na inaakala nilang gagawin mo dahil magaling ka, matalino ka at kung
ano ano pang bagay sa inaasahan nila para sayo. Tulad ng Diyos ako ay nahuhusgahan ng mga tao sa aking
paligid dahil inaasahan nila na ako ay makakagawa ng bagay na sa tingin nila ay aking magagawa pero hindi
pala. Ang Diyos ay nahusgaan dahil sinasabi nya noon na siya ang anak ng diyos at hari ng sangkatauhan
siya ay ipinako dahil ang alam ng tao ay ang hari ay iisa lamang at ito ang haring namumuno sa kanila. Hindi
naman ako kagaling pero may inaasahan ang iba na makakagawa ako ng mga bagay na inaasahan nila pero
hindi naman talaga mangyayari. Para saakin, ayoko na may inaasahan ka na maganda mula sa akin
dahilminsan di koi to nagagawa pero paano kaya kung nagawa ko ang inaasahan nila, sa tingin ko maaaring
tumaas pa ang kanilang inaasahan sakin. Pero paano kaya kung ang inaasahan ng mga tao noon kay hesus ay
mangyari? Siguro siya ay kikilalalanin ng ibang di naniniwala sa kanya at ngayon ay naitaguyod nya ang
buong mundong walang kasalanan at walang kadiliman. Pero naroroon parin ang takot sa kanya ngayong alam
naman natin ang kanyang kadakilaan, ang takot bilang hari ng sangkatauhan.

You might also like