You are on page 1of 6

Upang pagusapan ang mga dapat malaman ng kapwa Pilipino nasa ating Bayan.

Upang magkaroon ng
sariling pagiisip at pagmamalasakit sa Bayan ang KARAMIHAN, kailangan nating gamitin ang wika ng
KARAMIHAN. ....."Ang hindi nagmamahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda" - Jose Rizal

12/07/2005

Rizal` s Letter to Father Pastells

Eugene Hessel

Isa sa mahalagang mapansin upang maunawaan ang pananaw ni Rizal sa relihiyon ay ang kanyang
pakikipag-ugnayan kay Padre Pablo Pastells S.J., na dating guro nito sa Ateneo de Manila. Ang pag-
uugnayan ng dalawa ay tumagal ng mahigit na pitong buwan, na nasimulan nang si Rizal ay nasa Dapitan
na. Ang unang sulat, may petsang Setyembre 1, 1892, ay sinulat ni Padre Pastells para kay Padre Obach
sa Dapitan.

Lumalabas na nakiusap si Padre Pastells kay Padre Obach upang sabihin kay Rizal na tumigil sa pagiging
hibang sa pamamagitan ng paghiling na makita ang kanyang mga gawain sa pamamagitan ng prism ng
sarili niyang paghuhusga at pagpapahalaga sa sarili. Umaasa si Padre Pastells na susundin ni Rizal ang
kanyang mga payo. Ngunit hindi ito nangyari. Dahil dito ang debate sa teolohiya ay nagsimula kung saan
maingat na isinaad ni Rizal ang ilan sa kanyang mga teolohikal na posisyon.

Ang sulatan na ito ay sadyang importante dahil sa mga detalyado at mayroong sistema na diskusyon na
pinasok ni Rizal. Isa ring kadahilanan kung bakit ito importante ay sa pagkatawan nito sa mga
pinakabago at samakatuwid ay ang mga pinakamature na pagpapahayag ng teolohikal na mga pananaw
ni Rizal.

Sa mga pagsusulatan ay ipinapakita ni Rizal na may genuine personal affection siya para sa kanyang
dating guro, ngunit kasama rin ang pagtanggi na si Padre Pastells o ang simbahan ay may espesyal o higit
na access sa katotohanan kumpara sa kanya. Ang simbahan, ayon kay Rizal, ay hindi nagtataglay ng hindi
nagkakamaling paghuhusga sa mga usaping tungkol sa paniniwala.

Ang kalikasan ng awtoridad ng simbahan sa ilang mga sulat isinaad ni Rizal ang kanyang panaaw sa
kalikasan ng awtoridad ng simbahan. Sinabi niya na ang lahat ng relihiyon ay sinasabing hawak nila ang
katotohanan. Ngunit sa kanilang pagkukunwari maaari silang ihambing sa mga estudyante ng pagpinta
na sinusubukang mag-reproduce ng parehong estatwa.

Ang mga kalalabasan ay magkakaiba sapagkat ang punto de vista ay magkakaiba. Dahil walang sinuman
ang talagang makapaghuhusga sa mga pinaniniwalaang relihiyon ng isa hanggang hindi nito talagang
nararanasan o hindi nito nalalagay ang kanyang sarili sa katayuan o sa katulad na pananaw ng isa. Ang
absolute na katotohanan ay imposible sa relihiyon at moralidad.

Ang Katwiran bilang gabay

Binigyan ng espesyal na emphasis ni Rizal ang karapatan ng pribadong paghuhusga sa lahat ng bagay.
Ang diyos na mismo ang nagbigay ng sariling kaisipan sa lahat ng tao. Ang kaisipan ay katulad ng liwanag
na ibinibigay sa tao para gabayan siya sa landas ng buhay. Sa katwiran, sinabi ni Rizal na “matatag kong
pinaniniwalaang may tagapaglikhang nageexist.”

Maaaring magkamali ang katwiran ngunit ang katwiran mismo ang maaaring makapagtama ng sarili
nitong pagkakamali. Maaaring makita ng isang tao ang mga bagay na may kinalaman sa kalikasan ng
Diyos sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanyang mga nilikha, ngunit hindi talaga maaaring malaman
ng sinuman ang kalaliman ng being ng Diyos.

Ang konsensya ang nagbibigay ng katwiran, nagbibigay sa isang tao ng insight tungo sa ninanais ng Diyos
para sa tao. Kahit na mahina ang pangangatwiran, pagdating sa mga bagay tungkol sa kaalaman sa
relihiyon, kailangan nating tanggapin ang paggabay nito sapagkat nagsasalita ang Diyos sa atin sa
pamamagitan ng kalikasan, hindi dahil sa mga supernatural na rebelasyon.

Ang rebelasyon ayon kay Padre Pastells

Hindi naman sumang-ayon si Padre Pastells sa mga pananaw ni Rizal na nabanggit sa taas. Sinasabi
niyang ang sensya at ang pananampalataya ay dalawang magkaibang kaaalaman na magkaiba ang
kaayusan (order) na pinababayaan tayo na magconduct ng pagkamit ng parehong katotohanan sa
magkaibang paraan. Hindi sapat ang natural na teolohiya. Kailangan din natin na magamit o gamitin ang
katotohanan ng rebelasyon na dumadating sa mga tao sa pamamagitan ng simbahang katoliko.

Sinabi pa niya na hindi tayo nakukuntento sa pag-aaral ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha
at sa loob ng sinapupunan ng ating konsensya, nakakarinig tayo ng may irrevocable (invioble) na
paniniwala, na nanggagaling sa infalliable na mga labi ng Simbahang Katoliko, ang boses ng Diyos, na
nagsasalita ng kaagad sa mga tao sa pamamagitan ng medium na rebelasyon.

Ani pa niya, ang Diyos bilang First Cause, ay nagtataglay lahat ng virtue ng sangkatauhan. Samakatuwid,
kung kaya ng tao na magkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa, magagawa rin ito ng Diyos sa mas
perpekto at pinakamadaling paraan. Anong manner ang pinakamabuti para makipagkomunikasyon ang
Diyos kundi sa pamamagitan ng rebelasyon.

Ang rebelasyon ayon kay Rizal at ang konsensya

Hindi tinanggap ni Rizal ang sinasabing rebelasyon ni Padre Pastells. Ang pinaniniwalaan niya ay ang
nabubuhay na rebelasyon ng kalikasan na pumapaligid sa atin kahit na saan. Sa powerful, incessant,
incorruptible, clear, distinct and universal na boses katulad ng sa isa kung saan umaapaw ang lahat ng
ito. Sa rebelasyon na nagsasalita sa atin at kumakalat sa ating pagkatao mula kapanganakan hanggang
kamatayan.

Sa pagsasabi na ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng kalikasan na iniinterpret ng


katwiran, hindi isinantabi ni Rizal ang karagdagang testimonya ng konsensya.

Ang konsensya ay hindi lang tinukoy ni Rizal bilang ang testimonya ng kalikasan at existence ng Diyos
kundi tinukoy rin ito bilang medium ng Diyos sa pagbubunyag ng kanyang will sa atin. Hindi itinatanggi ni
Rizal na may mga precepts ng absolute necessity at usefulness na hindi maliwanag na ipinapahayag ng
kalikasan, ngunit inilagay ito ng Diyos sa puso ng mga tao, sa kanyang konsensya, ang pinakatemplo ng
Diyos. Dahil dito, mas pinupuri ni Rizal ang mabuti at provident na Diyos na ito.

Ang Diyos na siyang nagbigay ng lahat ng ating kinakailangan upang iligtas ang ating mga sarili at siyang
ipinagpapatuloy na buksan sa atin ang libro ng kanyang rebelasyon kasama ang kanyang pari na walang
humpay ang pagsasalita sa atin sa pamamagitan ng boses ng konsensya.

Ang Diyos na ating nalalaman na nag-e-exist at siyang lumikha ng tao na may kabuluhan ay
kinakailangan na nagbigay sa tao ng natural na paraan ng pag-alam at pagpapatupad ng kabuluhan na
ito. Dahil nilikha niya ang tao sa mabuting kadahilanan at wala nang gagandang gabay pa para malaman
ito kundi ang konsensya. Ang konsensya na naghuhusga ng mga akto. Magiging inconsistent ang Diyos
kung hindi niya bibigyan ng gabay ang tao upang malaman ang kanyang kadahilanan.
Ang doktrina ng simbahan

Ang pundasyon ng simbahan ay nasa puso ng mga tao, sa imahinasyon ng multitude, sa attachment ng
mga kababaihan hindi nasa pope, kay Pedro o kay Kristo mismo na ayon sa orthodox ang mga pangaral
ang siyang naging pundasyon ng simbahang Romano Katoliko.

Hindi rin maaari na amg literally interpreted na bibiliya ang maaaring pumalit sa infalliable na simbahan,
dahil sinabi ni Rizal na ang bibiliya ay maraming kontradiksyon, ang mga kontradiksyon sa mga
genealogy nito sa mga Gospels at ang fact na si Kristo ay sinabing gumawa ng isang himala sa isang kasal
sa Canaan kahit na sinabi rin niya na hindi pa dumadating ang kanyang oras.

Kalikasan ng Diyos at ang relasyon niya sa mundo

Nirerefer ni Rizal na ang Diyos ang siyang tagapaglikha, ang first cause, na itinutulak sa atin ng
resonableng pagtingin sa mundo. Sinasabi rin ni Rizal na ang Diyos ay walang hangganang matalino,
perpekto at mabuti, dagdag pa niya, siya ang pagmamahal, glory, eternity at providence. Pero ang mga
attributes ng Diyos ay kumakatawan sa mga pananaw ng tao na nagkakamali. Ang Diyos sa kanyang
esensya ay di malalaman kailanman.

Tinitingnan din ni Rizal ang Diyos hindi lang bilang ang Manlilikha kundi isa ring providential ruler.
Mayroong pangkalahatang plano kung saan ang lahat ng buhay kasama ang mga effort ng tao ay
sumasakto. Ito ay bilang sagot kay Padre Pastells na nagpakita ng panghihinayang na hindi nagdevote si
Rizal sa mas mabuting cause. Sumagot si Rizal na naniniwala siya na ang cause niya ay ang mas
madagdagan ang kanyang talento upang makapagbigay siya ng mas mabuting serbisyo. Dagdag pa niya
“ngunit siyang nagordain sa akin ay alam ang hawak ng hinaharap.

Hindi siya makagagawa ng kahit anong pagkakamali sa kanyang mga akto. Alam niyang masyado kung
para saan ang kahit na pinakamaliit na bagay.” Sa totoo lang, ang kasaysayan ng tao ay talagang nasa
ayos na, ang sangkatauhan ay kailangang gumalaw steadily forward sa kanyang nakatalagang goal. Ang
progreso ng sangkatauhan ay maaaring maobserbahan at ito ay siyang maaari nating gawing basehan
para sa ating paniniwala at pagtitiwala sa Diyos.

Nilinaw ni Rizal na hindi niya tinatanggap ang kahit na anong anyo ng himala, kasama na ang himala ni
Kristo, dahil nararamdaman niya na kung ang Dyos ay isang mabuting tagapamahala hindi niya kailangan
isuspend ang kanyang mga laws upang sa gayon ay makapamahala ng mabuti Ang Diyos ay hindi
babaguhin ang mga natural na pangyayari para lamang dinggin ang mga panalangin ng tao.

Mataas na pagtingin sa kakayahan ng tao

Kay Rizal ang tao ay ang obra maestro ng mga nilikha, perpekto sa loob ng kanyang sphere. Para sa
kanyang gabay binigyan siya ng Diyos ng lampara ng pangangatwiran. Pero ang pinakamagandang pag-
aari niya ay ang kanyang ‘pagmamahal sa sarili (pagpapahalaga sa sarili), kung gagabayan ng tao ang
kanyang sarili gamit ang liwanag na ibinigay ng Diyos, maliligtas sila, pero hindi sinabi ni Rizal kung ang
salvation ay lumalampas dito sa mundo. Mag-aakala ang isa na sa mga sulat ni Rizal, iniisip niya ang
salvation, ang paggawa ng makabubuti para sa sarili na may pananaw ng pagsasakatuparan ng pwesto
ng isa sa pagsulong ng humanidad. Para kay Rizal ang ibig sabihin nito ay ang devotion sa welfare ng
bansa.

Lumalabas na ang pinakapunto na gusto niyang liwanagin ay ang pagkakaroon ng tao ng katwiran para
magamit sa kanyang pamumuhay ng kanyang buhay at hindi na kailangan ng panlabas na tulong galing
sa authoritarian sources.

Si Hesus

Sa isang paragraph lamang nabanggit ni Rizal si Hesus at para sa kanya si Hesus ay isang tao lamang.
Nagtanong siya, “sino ang namatay sa krus? Iyon ba ay ang tao o ang Diyos? Kung iyon ay ang Diyos,
hindi ko maintindihan kung bakit ang Diyos, na alam ang kanyang misyon, ay maaaring mamatay. At
hindi ko rin maintindihan kung bakit masasabi niya ang kanyang mga nasabi dahil ang mga katagang iyon
ay ng sa isang tao lamang. Iyon ay iyak ng isang tao na may faith sa hustisya at kabutihan ng kanyang
cause. Para sa akin, ang Kristong tao ay mas mahigit kaysa sa Kristong Diyos.

Para kay Rizal ang mga teachings ni Hesus ay hindi totoo dahil sila ay itinuro nito sa halip sila ay totoo
sapagkat sila ay reasonable at sumasakto ng mabuti kung ano ang sinasabi ng ating konsensya. Higit sa
lahat, isinasabuhay sila ni Hesus kahit ano pa man ang kapalit.

Pananaw na protestante

Itinatanggi ni Rizal na mayroon siyang pananaw na protestante. Taliwas sa sinasabi ni Padre Pastells na
siya raw ay nagkaroon ng liberal at protestante na mga pananaw habang siya ay nasa Aleman. Inaadmit
naman ni Rizal na siya ay naimpluwensyahan ng kalayaan, kasipagan at magandang gobyerno doon lalo
na kung ikukumpara ito sa kondisyon ng kanyang sariling bansa pero itinatanggi niya na nag-absorb siya
ng pananaw na protestante.

Pero nagmamanifest si Rizal ng pagkakaunawa ng ilang aspeto ng Protestantism. Una sa lahat, si Rizal ay
pumapayag na mamuhay kasama, malayang makiassociate, at makipagtalastasan tungkol sa mga
katanungan sa relihiyon sa isang may ibang faith.

Pagsusuri

Dalawang bagay ang sa tingin ko ang nakaapekto sa pag-iisip at pananaw ni Rizal sa relihiyon. Ang una ay
ang mga nangyari sa kanya o ang mga nangyari sa bansa dahil sa pananakop ng Espanya, ang paghahari-
harian ng mga prayle. Ang pangalawa naman ay ang pakikipagtalakayan niya sa mga pari at sa ibang tao
na may ibang paniniwala habang siya ay nasa Aleman.

You might also like