You are on page 1of 1

Ang sinumang employer o taong lalabag sa batas ayon sa binanggit sa itaas ay

pagmultatahin ng may maximum na isang daang libong piso (PI00,000.00) o tulad ng


halaga na tinukoy ng Kalihim ng Paggawa at Empleyo hanggang ang paglabag ay tumigil o
naitama.
Ang multang nakolekta ay gagamitin para sa operasyon sa kaligtasan sa trabaho at sa
kalusugan at pagsasanay sa kalusugan at edukasyon, at iba pang mga programang may
kaugnayan dito.
Ang sinumang employer o taong sinadya at kusang-loob na nilabag ang batas, ay mayroong
kaparusahan sa bawat pinsalang idinulot: ang multa ay hindi bababa sa isang daang libong
piso (P100,000.00) ngunit hindi hihigit sa dalawang daan limampu libong piso
(P250,000.00), o pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang (1) taon ngunit hindi hihigit sa
anim (6) na taon, o pareho, sa panghuhusga ng korte.
Ang sinumang employer o taong lumabag sa batas na naging resulta ay kamatayan ay
paparusahan, na may multang higit sa dalawang daan limampu libong piso (P250,000.00)
ngunit hindi na lalagpas sa limang daang libong piso (P500,000.00), o pagkabilanggo ng
hindi kukulang sa anim (6) na taon ngunit hindi higit sa labindalawang (12) taon, o pareho,
sa panghuhusga ng korte.
Kung ang paglabag ay ginawa ng isang korporasyon, trust o firm, partnership, o kapisanan,
ang kaparusahan ng pagkabilanggo ay dapat ipataw sa mga responsableng opisyales,
kabilang ang pangulo, bise-presidente, pinuno, ehekutibong opisyal, pangkalahatang
tagapamahala, tagapangasiwa ng direktor o kasosyo.
Ang sinumang tao na nahatulan sa ilalim ng batas na ito ay hindi karapat-dapat sa mga
benepisyo sa ilalim ng Probation Law.

You might also like