You are on page 1of 4

ANG COMMISSION ON AUDIT

Ang

pondo ng pamahalaan ay nagmula sa lukbutan ng taumbayan kaya tinitiyak ng maayos ang paggugol dito. Ang pananagutang ito ay inilagay ng saligang batas sa kamay ng Komisyon sa Awdit o Pagsusuri.
komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at dalawang Komisyoner ng mga inianak na mamamayan ng Pilipinas, may 35 taong gulang, mga certified public accountant o mga miyembro ng

Ang

Philippine Bar, may karanasan sa kanilang propesyon ng hindi kukulangin sa sampung taon at hindi naging kandidato sa halalan kagyat bago sila hirangin. Hinihirang sila ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang. Manunungkulan sila ng pitong taon at di na muling mahihirang pa.
Tinitiyak ng komisyon na ang pondo ay ginagamit kung saan nakalaan atong gamitin alinsunod sa itinatadhana ng batas.

Gumagawa

sila ng mga tutunin at patakaran na dapat sundin ng lahat ng mga tanggapan sa paggugol ng kanikanilang pondo. Tinitiyak din ng komisyon na mapananagutan ng mga tanggapan at mga opisyal ng pamahalaan ang mga pondong nakalaan sa kanila. Upang maisagawa ito, nagtatalaga ang komisyon ng mga awditor na magsusuri sa mga ulat pinansiyal ng bawat tanggapan.

You might also like