Professional Documents
Culture Documents
Pagbabalik Sa Pilipinas Paglalakbay Sa Hapon Hongkong at Macao
Pagbabalik Sa Pilipinas Paglalakbay Sa Hapon Hongkong at Macao
Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Hulyo 3, 1887 - lumulan si Rizal sa barkong Djemnah ang barkong kanyang sinakyan noong siya ay
magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.
Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong patungong Maynila
Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila. (Pagdating sa Maynila)
Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa
kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.
Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli Me
Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba.
Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere;
a. Jose de Salamanca
b. Luis M. de Pando
c. Fernando Vida
d. Vicente Barrantes- kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa
pahayagang La Espana Moderna.
Tagapagtanggol ng Noli
Pamamaalam sa Calamba
a. Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan.
b. Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang
bansa.
Isang tula para sa Lipa
Bago lisanin ni Rizal ang Calamba noong 1888, isang kaibigang taga lipa ang humiling sakanya ng
isang tula para sa pag gunita sa pagiging Villa (Lungsod) ng bayan ng Lipa.naging Lungsod ito sa bias ng
Batas Becera noong 1888. Malugod na pinagbigyan ni Rizal ang kahilingan at isinulat ang tulang Himno
Al Trabajo(himno sa pag-gawa) bilang parangal sa masisipag na mamamayan ng Lipa.
MGA LAYUNIN
1. Maitala ang ikalawang paglalakbay ni Rizal at ang mga dahilan sa kanyang muling pag-alis
2. Maipamalas ang kakayahang matalas na obserbahin ang paligid
3. Maisulat ang epekto ng ikalawang paglalakbay ni Rizal
4. Matularan si Rizal sa mga katangian na kanyang ipinakita sa pakikisalamuha at pago-obserba niya sa
ibang tao
1. Ang mga problema at hinaing na nakalap ni Rizal sa mga taga-Calamba ukol sa asyenda ng mga
Dominikano sa Calamba ay nagdulot ng kapahamakan para sa kaligtasan ng kanyang pamilya at mga
kaibigan. Tinulungan niya ang mga taga- Calamba para sa imbestigasyon ni Gobernador-Heneral Terrero
ukol sa mga asyenda ng mga prayle.
2. Mas madaling kalabanin ang mga kaaway ni Rizal kung siyay wala sa Pilipinas kung saan
nanganganib ang kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Mas maigi din niyang maisusulong ang mga
reporma para sa Pilipinas kung siya ay nagsusulat sa ibang bansa. Mahihinuhang sa Calamba sinimulan ni
Rizal ang ideya sa pagsulat ng ikalawa niyang nobela, El Filibusterismo.
Pebrero 1888 : Umalis si Rizal sa Pilipinas patungong Hong Kong dala dala ang PhP5000 na kinita niya
sa panggagamot (nakilalala siyang Doktor Uliman). Pagkatapos ng 5 araw na paglalakbay, nakarating si
Rizal sa Hong Kong at nakitahan sa bahay ni Jose Maria Basa. Si Jose Maria Basa ayon kay Rizal ay
isang progresibo, parang republikano, may pagkamapaghinala. Siya rin ang tinuturing na matwang dili,
doyen sa Asya ng mga Pilipino sa labas ng bansa, na dating abugado at tanging tinapon noong 1872 na
nakatakas paHongkong at umunlad sa negosyo. Bukod kay Jose Maria Basa, nakilala din ni Rizal sa
Hong Kong si Balbino Mauricio na isang filibustero na itinakwil ng sariling pamilya sa Pilipinas.
Itinuring ang mga filibustero na parang mga ketongin ng Edad Medya, nakagigiyagis ng takot na
nagpapamanhid sa anumang awa o pagkatao. Bagaman sawi si Mauricio ay marangal at wala itong angal
kayat napagtanto ni Rizal na si Mauricio ay Kaawa-awang taong karapatdapat sa mas mabuting
kapalaran.
1. Ang ordeng Dominikano ang pinakamayamang relihiyosong orden sa Hong Kong. Nagmamayari ang
mga Dominikano ng mahigit 700 paupahang bahay at maraming shares sa mga dayuhang bangko.
Nakakapaglagak ito ng milyon-milyon sa mga bangko.
2. Maraming libingan para sa ibat ibang relihiyon : para sa Protestante, Katoliko at Muslim.
Pinakamaganda ang mga libingan ng mga Protestante dahil sa angking kalinisan at kaayusan.
Pinakamagarbo at pinakamahal ang mga libingan ng mga Katoliko dahil sa mga musuleo. Pinakapayak at
simple ang libingan ng mga Muslim na mayroong isang maliit na mosque at mga lapidang may sulat ng
Arabic.
Sakay ng barkong Kui Kiang ay nagpunta ng Macao si Rizal kasama si Jose Maria Basa, Jose Sainz de
Veranda(ang hinihinalang espiya na padala ng Gobernador-Heneral) at ilang Portuges. Sa Macao ay
nanirahan sila sa bahay ni Don Juan Francisco Lecaroz, ang huling delegado ng mga Pilipino sa Spanish
Cortes. Namasyal sa Macao si Rizal at pinagtuunang pansin ang Botanical Garden sa Macao at ang
Grotto ni Camoens, ang pambansang manunula ng Portugal. Bago matapos ang Pebrero ay naglayag si
Rizal patungong Hapon lulan ng barkong Oceanic.
Rizal sa Hapon
Sa huling araw ng Pebrero dumating si Rizal sa Yokohama. Tumuloy siya sa Grand Hotel. Inimbita
siyang sa Spanish Legation mamalagi. Pinag-aralan ni Rizal ang mga gawi at tradisyon ng mga Hapones,
ang kanilang wika, ang kanilang mga teatro at kalakalan. Pagsapit ng Marso ay namasyal din siya sa
Tokyo kung saan namalagi siya sa Tokyo Hotel. Sa liham niya kay Blumentritt ay makikita ang paghanga
ni Rizal sa katapatan, kagalangan, kalinisan at kasipagan ng mga Hapones. Bukod dito ay napuna din niya
ang:
Ngunit ipinahayag din ni Rizal ang kanyang pagkamuhi sa paggamit ng jinrikisha o rickshaw,
isang popular na transportasyon sa Hapon na hila ng isang tao.
Sa Legacion na namalagi si Rizal sa Tokyo sa paghikayat ng puno nito na si Juan Perez
Caballero. Naging magkaibigan ang dalawa dahil ayon kay Rizal si Caballero ay isang magaling
na diplomat na nakarating na sa ibat ibang lugar at mahusay na manunulat. Isang buwan
namalagi si Rizal sa Hapon at doon natutunan niya ang paggamit at pagsulat sa wikang Hapon.
Natuto si Rizal ng katakana (Japanese script), kabuki (Japanese drama) at judo (Japanese
martial arts).
Sa liham ni Rizal sa kanyang pamilya ay nahinuha ni Rizal na sa di malayong hinaharap ay mas
magiging malapit ang bansang Hapon at Pilipinas. Ilang buwang namalagi si Rizal sa Hapon at
sa kalagitnaan ng Abril ay umalis si Rizal ng Yokohama patungong San Francisco lulan ng
barkong Belgic. Dito niya nakilala at naging kaibigan si Tetcho Suehiro, isang manunulat na
Hapon na dalawang beses ng nakulong dahil sa mga sinulat laban sa pamahalaang Hapon.
Nakasama niya si Rizal sa paglalakbay sa Estados Unidos hanggang sa London.