You are on page 1of 3

ANG KUTSERO

Si Mang Turing ay kutsero sa isang liblib na baryo sa Quezon. Isang araw ay naging labis na
abala siya dahil sa dami ng inihatid ng kanyang karitela. Sobrang layo ng huli niyang pasahero at
maghahatinggabi na nang sinimulang niyang umuwi. Mabuti na lamang ay bilog ang buwan at
walang kaula-ulap ang kalangitan kaya hindi siya nahirapang makita ang daan. Bagamat pagod
na pagod na siya at ang kanyang kabayo ay natutuwa si Mang Turing dahil malaki ang kanyang
kinita nung araw na iyon.

Matapos tumawid sa isang makitid na tulay ay naaninag niya sa gilid ng daan ang isang itim na
hayop na tila kakaiba ang pagkakatayo. Lalo pa siyang nagulat nang pahintuin ng nasabing
hayop ang karitela. Nakita ni Mang Turing na ang hayop ay isang itim na aso at ito ay nakatayo
na animo ay tao!

Sa labis na pagkabigla ay hindi nakapagsalita ang kutsero. Parang tao namang umakyat ang aso
sa karitela at naupo sa likuran ni Mang Turing.

Mamang Kutsero, pakihatid nga po ako sa sementeryo, wika ng aso.

Hindi makapaniwala si Mang Turing at kahit labis ang pagkatulala ay nakuha niyang ihatid sa
sementeryo ang kakaibang .

Dito na lang po, Mamang Kutsero, sabi ng asong itim. At bago pa ito bumaba, Eto po ang
bayad ko.

Wala pa sa wastong pag-iisip na sinundan ng tingin ng kutsero ang asong bumaba hanggang sa
ito ay maglaho na sa kanyang paningin. Nakatigil pa rin ang karitela sa harapan ng sementeryo
nang mahimasmasan ang kutsero.

Nakakakilabot!!! Aso?!?! Nagsasalita?!?! tanong ni Mang Turing sa sarili.

Nilingon siya ng kanyang kabayo.

Hoy, Turing, kanina pa ako kinikilabutan, ha? Pag hindi pa tayo umalis dito, sisipain na kita
diyan! sagot ng kabayo.

BALETE DRIVE

Si Susan ay isang maganda, matalino, at matagumpay na Account Executive sa isang malaking advertising
company sa Ortigas. Bandang alas-nuwebe ng gabi, lulan ng kanyang magarang sasakyan, nagmamaneho si
Susan sa kahabaan ng Gilmore Avenue. Katatapos pa lang niyang maisara ang isang mahalaga at malaking
business deal.

Patungo si Susan sa kanilang tanggapan sa may Ortigas Avenue. Gabi na, subalit kinakailangan niyang
bumalik sa opisina. Sa kalayuan, namataan niya ang mabigat na traffic sa intersection. Umiwas ang dalaga
at kinabig ang manibela patungong Balete Drive. Madilim ang kalsada at ang tanging liwanag ay
nagmumula lamang sa kanyang sasakyan. Ipinasya ni Susan na magmadali.

Tinawagan niya sa cellphone ang kanyang boss, Sir, Ill be a bit late Yeah, heavy traffic e Yup, I got
the contract Ill be there in

Huli na nang mapansin ni Susan ang pagtawid ng isang batang babae'ng may dalang bilao sa harap ng
kanyang sasakyan. Nabundol niya ito at tumilapon.

Huminto si Susan at lumabas ng sasakyan upang siyasatin ang bata. Hindi na kumikilos ang kawawang
paslit. Nalito si Susan, lalo pa nang makita niyang duguan ang ulo ng batang ngayoy nakahandusay sa
gilid ng daan. Luminga-linga siya sa paligid. Napuna niyang walang tao. Samakatuwid, walang nakakita sa
mga pangyayari.Nagmadaling bumalik sa kanyang sasakyan si Susan at mabilis siyang tumakas.

Sa kanyang pag-uwi ay balisang-balisa si Susan. Kaya minabuti niyang balikan ang Balete Drive.
Maghahatinggabi na nang siyay huminto sa pinangyarihan ng sakuna. Lumabas siya ng sasakyan at
nilapitan ang lugar na alam niyang kinalalagyan ng batang nabundol niya kanina. Nagtaka siya. Dahil
malinis ang kalsada na parang walang naganap na aksidente.

Sa pagtalikod ni Susan upang bumalik sa kanyang sasakyan ay biglang bumulaga sa kanyang harapan ang
isang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok nito at tila maputla ang kutis ng mukha. Napasigaw si Susan at
halos natabig ang bilaong dala-dala ng kaharap. Nagsalita ang babeng nakaputi. Mababa at malamig ang
boses nito at marahan ang pananalita.Ale, puto po. Pakyawin niyo na, wika ng kaharap, Kanina pa pong
umaga kami naglalako ng anak ko. Kahit nagtataka si Susan sa biglaang paglitaw ng babae ay minabuti
niyang kumilos nang di-kahina-hinala. A, e s-s-sige. Papakyawin ko na. Oo, bibilhin ko lahat. nalilito
niyang sagot. Nakangiting tumitig kay Susan ang babaeng nakaputi, Maraming salamat po, ale. S-S-S-
Sabi mo... kasama mo ang anak mo? N-N-N-Nasaan siya? kabadong tanong ni Susan. Bigla na lang pong
nawala. Dito po siya nagawi kaninang alas-nuwebe. malungkot na ungol ng babae. Kinilabutan ang dalaga
at pinagpawisan sa gitna ng kalamigan! Kailangang makaalis na siya. Ah ano sige! Ibalot mo nang
lahat yung tinda mo, balisang sinabi ni Susan habang nagmamadaling dumukot ng pera sa kanyang bag.
Etong 500 pesos, abot niya sa kaharap, "Keep the change." Nang maibulsa ng babaeng nakaputi ang
salapi ay dahan-dahan nitong binuksan ang takip ng dalang bilao. Sa liwanag ng kanyang sasakyan sa gitna
ng Balete Drive ay lumantad kay Susan ang kahindik-hindik na katotohanan! At ang nakabibinging
karimlan ay binasag ng isang malagim na pagtili ng dalaga!

Hindi puto

Hindi puto ang laman ng bilao kundi

BIBINGKA!

putek...

You might also like