You are on page 1of 4

AKO BA IKAW?

Ang nobelang Noli Me Tangere ni Gat Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda ay
nagtataglay ng mga karakter na makikilala sa totong buhay. Mga tao na importante at tumatak sa
buhay n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Hindi lamang ang Noli Me Tangere ang
mayroon nito, pati na rin ang isa pa niyang sikat na nobela na pinamagatang El Filibusterismo.

Para sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, minsan ay nabanggit na sa aming diskusyon sa


Filipino 9 ng aming guro na si Ginoong Robin Angelo Taruc na ang karakter ng nobelang ito na
nagngangalang Crisostomo Ibarra ay si Rizal sa totoong buhay. Kung iyong aalalahanin, si
Crisostomo Ibarra ay nagpunta sa Europa upang mapagaralan ang kultura ng mga bansa dito. Ang
nag-udyok sa kanya na isagawa ang bagay na ito ay ang kanyang ama na si Don Rafael Ibarra.
Samantalang sa totoong buhay, si Jose Rizal din ay nagtungo sa Europa para sa parehong
kadahilanan, ang alamin at aralin ang mga kultura ng mga bansa sa nasabing kontinente. Ang
ipinagkaiba lamang nito, sa totoong buhay, si Paciano, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Rizal
ang nag-udyok sakanya upang tumuloy sa Europa upang maisakatuparan ang nais nito na
magkaroon ng kaalaman ang kanyang kapatid tungkol sa kultura ng mga bansang napabibilang sa
Europa.

Isa din sa mahahalagang karakter ng nobela si Elias, na kilala ng mga tao sa bayan sa ngalan
na Ang Piloto. Katulad lamang ni Crisostomo Ibarra, siya rin ay si Rizal sa mundong ito. Nagtataglay
din ang karakter na ito ng mga katangian na makikita kay Gat Jose Rizal. Ngunit sa kabilang dako,
iba ang pagkatao ni Elias sa pagkatao ni Crisostomo Ibarra. Si Elias ay isang ulilang tulisan, siya ang
matapang at palaban na bersyon ni Jose Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere. Bilang isang
ulila, Si Elias ay naghahangad ng hustisya para sa kanyang angkan na nawala sa hindi magandang
paraan sa pamamagitan sa hindi pagtanggap at paglaban sa mga gawain ng mga Kastila na siyang
dahilan sa sinapit ng kangyang angkan. Sa totoong buhay naman, si Rizal ay mayroon din naman
ipinaglalaban, ang hustisya na para sa mga Pilipino na pinahihirapan ng mga mananakop sa kanilang
sariling bansa. Ginusto niyang labanan ang mga pagmamaltrato at pangaalipusta ng mga Kastila sa
mga Pilipino sa isang tahimik na paraan na syang nagbunga ng mga nobelang Nolo Me Tangere at
El Filibusterismo. Hindi lamang ito, dahil sa pagasam ng hustisya para sa kanyang mga kapwa
Pilipino, sa kanya din nagmula ang ideya ng pagsiklab ng Katipunan.

Ngunit, sa lahat ng mga karakter ng mga nobela ni Jose Rizal, silang dalawa lamang ba ang
nagrerepresenta kay Dr. Jose Rizal? Mayroong isang pagkakataon sa aming diskusyon sa ilan sa
mga kabanata ng Noli Me Tangere na nabanggit ng isa sa aking kamag-aral na mayroong
posibilidad na si Crispin ay isa pang representasyon ng pagkatao ni Rizal bukod sa mga karakter ni
Crisostomo Ibarra at Elias. Pero ano kaya ang nagdala sakanya sa ganitong konklusyon? Sino nga
ba si Crispin?

Sino ba si Crispin sa Noli Me Tangere? Si Crispin ay nagmula sa isang pamilya na


pinangungunahan ni Sisa at ni Pedro. Siya ang kanilang bunsong anak at ang kanyang
nakatatandang kapatid ay si Basilio. Siya ay pitong taong gulang samantalang ang kanyang kuya na
si Basilio ay sampung taong gulang. Si Crispin ay isa sa mga sakristan sa kumbento ng bayan ng
San Diego, na pinangungunahan ni Reverendo Padre Bernardo Salvi. Si Crispin ay payat at
nagsusuot ng mga punit-punit na mga damit, marahil sa kahirapan na dinaranas. Siya ay ang
paboritong anak ng kanyan ina na si Sisa dahil siya ay likas na magiliwin. Bilang paglalarawan
sakanya sa kanaynag karakter sa nobelang Noli Me Tangere, siya ay natatakot sa masamang
pagtrato sakanya ng mga Kastila sa kanilang panahon pati na rin sa nmga pambibintang na
ipinararatang sa kanya. Ang tinutukoy na pambibintang dito ay ang pagbintang kay Crispin ng
sacristan mayor sa kumbento na siya raw ang nagnakaw ng nawawalng onsa.

Ang mga karakter ng nobelang Noli Me Tangere ay may katumbas na tunay na tao sa buhay ni
Rizal. Si Don Juan Crisostomo Ibarra at Ang piloto, si Elias ay ang karakter na tinataglay ng isang Dr.
Jose Rizal sa tunay na buhay. Ngunit mayroong mga pangyayari sa nasabing nobela na
nagpapahiwatig na ang karakter ni Crispin ay tinataglay din ng naturang bayani ng ating bansa, ni Dr.
Jose Rizal.

Isang araw, sa aming diskusyon sa Filipino 9 tungkol sa mga kabanata ng Noli Me Tangere ay
nabanggit ng aking kaklase na mayroong posibilidad na ang karakter ni Crispin sa naturang nobela
ay isa pang pagpapakita ng mga katangian ni Rizal. Ininalaysay niya sa klase na ang pagkamahilig
ng musmos na si Crispin sa mga bugtong ay isa ring katangian ng pambansang bayani. Inidagdag
niya ba dito na nabanggit sa sa nobela na ang paboritong pagkain ni Crispin ay tawilis, na isang uri
ng tuyo, samantalang ang paboritong almusal naman ni Rizal ay sardinas secas na mas kilala bilang
tuyo. Ang layunin ko sa pagsasagawa ng tesis na ako ay upang malaman kung totoo at tama nga ba
ang posibilidad na ang karakter ni Crispin sa Noli Me Tangere ay nirerepresenta rin ang katauhan ng
awtor ng nobela na si Jose Rizal sa pamamagitan ng mga matitibay na ebidensya. Mga ebidensya na
maaaring magpatunay na tama ang posibilidad na nabanggit o di kaya naman ay mga ebidensya na
maaaring ipakita na mayroong ibang taong pinagbasehan si Rizal para sa karakter ni Crispin at na
ang kanilang mga pagkakapareho sa kanilang ilang mga katangiang taglay ay ay purong nagkataon
lamang.

Ayon sa salin ni Dayag, A. (2014) ng Noli Me Tangere sa kanyang librong Pinagyamang Pluma
9 Aklat 2 at sa salin din ni Guzman, D. et al. (1950) ng nasabing nobela sa kanilang libro na
pinamagatang Noli Me Tangere, sa Kabanata 16 ng nobela ay nabanggit na si Sisa ay naghahanda
ng hapunan para sa kanyang dalawang anaak, na sila Crispin at Basilio. Isa sa mga hinanda niyang
ulam sa hapunan na iyo ay ang tawilis na isang uri ng tuyo na siyang paborito sa lahat ng
kanynag bunso na si Crispin. Samantala, mula sa akda ni Ocampo, A. (2000) sa kanyang librong
Rizal Without the Overcoat, isang araw ay mayroon di umano na kumonsulta sakanya at tinanong
siya kung nalalaman niya ba ang kinakain ni Rizal tuwing agahan. Dahil daw sa katanungan na iyon,
nakuryoso din siya kung ano nga ba ang kinakain ng isang Jose Rizal sa tuwing siya ay nagaagahan.
Pagkauwi niya ng araw na iyon, nagbasa agad siya ng mga gawa ni Rizal upang manghagilap ng
kasagutan sa katanungang kanyang nakuha ng umagang yaon. Sa kanyang pananaliksik, nadiskubre
niya na ang gusting agahan ng bayani ay isang tasa ng mainit na tsokolate, isang sandok ng kanin at
sardinas secas, may kilala ngayon sa tawag na tuyo. Mula sa mga nakasaad sa mga librong
nabanggit, sinasabi na ang paboritong almusal ni Jose Rizal ay tuyo, na siya naming pagkakapareho
nila ng karakter ng kanyang nobela na si Crispin. Base sa aming mga nakaraang diskusyon, laging
tuyo umano ang kanyang kinakain sa kanyang agahan ng siya ay dinukot ng mga kastila at nakulong.
Kung papansinin, sa ikalabing-anim kabanata ng Noli Me Tangere, na pinamagatang Si Sisa,
nabanngit sa unahang bahagi nito na ang nanay ng magkapatid na Crispin at Basilio, na si Sisa ay
naghanda ng masasarap na pagkain para sa pagbabalik ng kanyang dalawang anak mula sa
kumbento. Isa sa kanyang mga inihanda ay ang tawilis. Ang tawilis ay isang uri ng isdang tuyo na
siyang sinasabing paboritong pagkain ng bunsong si Crispin.

Sa pananaliksik ni Anciano, D. (2010) sa kanyang website na Noli Me Tangere Deciphered ay


kanyang binigyang pansin na si Crispin ay mahilig sa mga bugtong - isang uri ng pagtatanong na
ginagamitan ng simbolikal na pananalita. Sa ganito, ang sinumang nagtatanong ng isang bugtong ay
kailangan na maging mahusay sa paggamit ng simbolismo sa hanay ng kaniyang gagamiting
pananalita at ang sinuman na magtatangka na sagutin ang isang bugtong ay kinakailangan ng
matalas na kaisipan sa paggayat ng simbolismo upang Makita ang tunay na kasagutan sa bugtong.
Tulag ng nasabing hilig ni Crispin, si Jose rizal din ay mahilig sa mga bugtong at sa pagalagay ng
talinghaga sa kanyang mga binabanggit. Ang paggamit ng mga bugtong ang magpapatunay na ang
mga nilalamang mensahe ni Rizal sa mga hanay ng salita sa Nole Me Tangere ay isang bugtong na
kailangang pag-isipan ng kaniyang mga mambabasa. Sa kanyang eksplanasyon sa mga pangyayari
sa ika-labing-anim na kabanata, ipinaliwanag niya kung paano nagging si Rizal si Crispin sa tunay na
buhay. Mayroong pangyayari sa kabanatang ito na naaalala daw ni Sisa ang bugtong sakanya ng
kanyang bunso, Naupo si Maitim, sinulot ni Mapula, nang malaoy kumara-kara Sa sinabing
bugtong ni Crispin sa kanyang ina na si Sisa ay mapapatunayan na talagang may nakatagong sikreto
si Rizal sa paraan ng kanyang pagsulat. Tandaan na ang tinatalakay ng bugtong ay ukol sa palayok
at apoy. Naupo si Maitim, inilalarawan dito ni Rizal ang kulay ng mga mamamayan ng Pilipinas.
Sinulot ni Mapula, ditto naman ay sinisimbolo nito ang iniinis o pinag-iinit ng mga Espanyol.
Kumbaga, nais iparating ditto ni Rizal na ang apoy ay ang mga Espanyol at ang mamamayang
Pilipino ay ang palayok. Habang tumatagal, lalong naiinitan ang palayok sa apoy, habang tumatagal
sa pagkakasalang sa apoy ang palayok, unti unting aapaw ang laman nito. Nang malaoy kumara-
kara, pagsubo o pagkulo ng init ng bayan. Dahil sa matagal na pagkakasalang sa mainit na apoy,
dadating sa punto na kukulo ang nilalaman ng palayok, at ito ay ang pagsiklab ng himagsikan sa
ating bansa. Sa bahaging ito ay palihim na nagbabala si Rizal sa posibilidad ng pagbangon ng bayan.
Ito ay higit na nilinaw ni Rizal sa isa pa niyang sikat na nobela, El Filibusterismo. Bilang pruweba dito,
isa-isip na sa pakikipag-usap ni Isagani kay Simoun ay nagbabala ang una ukol sa maaaring pagkulo
ng tubig. Isa pa, inihalintulad ni Rizal ang pakikipaglaban ni Kabesang Tales at ng mga prayle sa
labanan ng palayok at kaldero.

Ngunit sa kabilang dako, sa dokyumentaryo ni Taruc, J. (2014) sa I-Witness na pinamagatang


Ang Simbahan ng San Rafael, nakapaloob sa dokyumentaryong ito na mayroon di umano na mga
Crispin at Basilio sa totong buhay. Ang ilang mahahalagang bahagi ng kanyang dokyumentaryo ay
ito: Sa isang barangay sa San Rafael, Bulacan, ipinagmamalaki ng mga residente ang kanilang
simbahan na tinatawag nilang San Juan de Dios Church dahil na rin sa pinagdaanan nito sa lumipas
na dalawang daang taon. Sa simbahan ng San Rafael naganap ang malagim na pagpatay sa mga
sibilyan at Katipunero na nagtago sa loob nito. May walong daan umano ang nasawi sa kamay ng
mga Kastila. Ibinase rin daw ni Dr. Jose Rizal sa totoong mga tao ang ilang karakter nobela niyang
Noli Me Tangere tulad na lang ng kina Crispin at Basilio. Sa isang lugar sa tabi ng Simbahan nga raw
naganap ang brutal na pagpatay sa tunay na anak ni Sisa. Sa ngayon ginawa nang museo ang lugar
upang pangalagaan ang mismong dugo na galing sa marka ng isang kamay na pag-aari umano ni
Crispin. Isinasaad dito sa kanyang dokyumentaryon na ang magkapatid na lalaking Crisostomo na
naninirahan sa Hagonoy ang nagging inspirasyon ni Rizal sa mga karakter ni Crsipin at Basilio.

You might also like