You are on page 1of 1

Pagbuo ng Konseptong Papel

Ito ang unang hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat. Gabay ito sa


mga hakbaning nais isagawa mula sa simula hanggang sa katapusan ng
pagsisiyasat. Nagsisilbi itong outline o istruktura ng kabuuang pag-aaral.
Dito nakapaloob ang mga sumusunod:

1. Paksa: Ano ang paksang nais mong gawan ng akademikong papel? Ang
paksa ay maaaring mga suliranin o isyung napapanahon, mga bagay na
kung saan ka interesado, o mga usaping may kinalaman sa kursong
kinukuha mo o mga isyung kasalukuyang pinag-uusapan sa bansa o sa
lipunan kung saan ka kabilang.
2. Tulak o Rasyunal. Ito ay tumutukoy sa kaligiran ng suliranin. Mga
impormasyon ito na may kinalaman sa paksang nais talakayin. Nag-
uumpisa ito sa mga sitwasyon sa pangkalahatan hanggang sa particular
na lokasyon (general to specific). Saan mo nakuha ang inspirasyon
upang piliin ang paksang iyong gustong siyasatin.
3. Layunin. Ano ba ang gusto mong malaman batay sa paksang napili mo?
Ano ang gusto mong mabigyang linaw? Ano ang gusto mong
mapatunayan? Ang layunin ng paksang nais siyasatin ay puwedeng
isulat sa paraang patanong.
4. Panimulang haka. Ito ay panimulang tugon sa nais tunguhin ng
paksang sinisiyasat. Base ito sa mga layunin inilatag.
5. Metodolohiya. Ang mga katanungan sa ibaba ang madalas tinutugunan
ng bahaging ito.
a. Ano ang metodo na karapat-dapat gamitin sa aking pagsisiyasat?
(descriptive o experimental)
b. Sinu-sino ang aking mga respondents (tagatugon) o sinu-sino ang
mga dapat kong pagkuhanan ng mga datos?
c. Kalian ko dapat isagawa ang pagsisiyasat o pangangalap ng datos?
d. Anu-ano ang mga instrumentong aking kakailanganin upang
makalap ang mga kinakailangan kong datos?
e. Ano ang aking gagawin sa mga nakalap na datos. Paano nito
masasagot o matutugunan ang mga layunin ng pagsisiyasat?

You might also like