You are on page 1of 1

Topic 7: Talinhaga Tungkol sa Manhahasik

Objective: Matutunan ng mga nagmamahal kay Jesus na ang Salita ng Diyos ay dapat maitanim sa tamang puso ng tao
upang sila ay maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus at magreresulta ng malinis at matuwid na
pamumuhay sa harapan ng Diyos.
Lukas 8:5-8, 11-15
5
Isang magsasaka ang pumunta sa bukid upang maghasik. Sa kanyang paghahasik, may
binhing nalaglag sa daan, natapakan ito ng mga tao at tinuka ng mga ibon. 6May binhi
namang nalaglag sa batuhan at tumubo ito, ngunit agad na natuyo dahil sa kakulangan sa
tubig. 7May nalaglag naman sa may damuhang matinik, at nang lumago ang mga damo,
sinakal nito ang mga binhing tumubo roon. 8Mayroon namang binhing nalaglag sa matabang
lupa. Ito'y sumibol, lumago at namunga ng tigsasandaang butil. At pagkatapos ay sinabi niya nang malakas, Makinig
ang may pandinig!
11
Ito ang kahulugan ng talinhaga: ang binhi ay ang Salita ng Diyos. 12Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang
mga taong nakikinig. Dumating ang diyablo at inalis nito ang Salita mula sa puso ng mga nakikinig upang hindi sila
manalig at maligtas. 13Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig ng Salita at tumanggap nito nang
may kagalakan, ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang puso. Sandali lamang silang naniwala (naniwala lang sa isip ngunit
hindi sa puso), kaya't dumating ang pagsubok, sila'y tumiwalag (o lumayo sa pananampalataya). 14Ang mga nahasik
naman sa may matitinik na damuhan ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga
alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan. Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga
bunga (walang pagbabago). 15Ang mga nahasik naman sa matabang lupa ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at
nag-iingat nito sa kanilang pusong tapat at malinis, at sila'y namumunga dahil sa pagtitiyaga.
Ang Salita ng Diyos ay ang Bibliya o Banal na Kasulatan
2 Timoteo 3:15-16 15ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Cristo Jesus. 16Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan (may basbas o may kapangyarihan) ng Diyos,
at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa
pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.
Method (Just considerer your whole class as one group)
A. Reading: Basahin ng sabay ang lahat ng talata. Gumamit ng mga visual aids upang mas lalong maintidihan.
B. Discussions and guide questions:
1. Ipasalaysay sa mga estudyante kung ano ang nangyari ayon sa talinhaga (talata 5-8 only). Hayaan silang magkwento
ayon lang sa kanilang matandaan. Pwede mo rin silang tulungan ng kaunti.
2. Sa talinhagang ito, ang binhi ay simbolo ng ano? (Salita ng Diyos, at bigyan ng emphasis ang 2 Timoteo 3:15-16)
3. Ano ang ibig sabihin ng binhing naihasik at nalaglag sa tabi ng daan?
- May mga taong nakikinig sa Salita ng Diyos ngunit dumating ang diyablo at inalis nito ang Salita mula sa puso ng
mga nakikinig upang hindi sila manalig at maligtas
4. Ano ang ibig sabihin ng binhing naihasik at nalaglag sa batuhan?
- May mga taong nakarinig ng Salita ng Diyos at tinanggap ito nang may kagalakan, ngunit ang Salita ng Diyos ay
hindi nag-ugat sa kanilang puso. Sandali lamang silang naniwala (naniwala lang sa isip ngunit hindi sa puso),
kaya't dumating ang pagsubok at sila'y tumiwalag o lumayo sa pananampalataya
5. Ano ang ibig sabihin ng binhing naihasik at nalaglag sa matitinik na damuhan?
- May mga taong nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay at ng
pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan. Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga bunga o walang
pagbabago ang kanilang buhay sa harapan ng Diyos.
6. Ano ang ibig sabihin ng binhing naihasik at nalaglag sa matabang lupa?
- May mga taong nakikinig ng salita ng Diyos at nag-iingat nito sa kanilang pusong tapat at malinis, dahil dito, sila'y
namumunga dahil sa pagtitiyaga. Ibig sabihin, nakamit nila ang kaligtasan at namumunga sila ng matuwid na
pamumuhay sa harapan ng Diyos.
7. Ano ang gagawin mo ngayon sa Salita ng Diyos sapagkat ito ay may kapangyarihan ng Diyos?
Conclusion
1. Ang Salita ng Diyos ang nagtuturo ng kaligtasan sa pamamamagitan ng pananampalataya kay Jesus
2. Ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihan ng Diyos at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, pagtatama sa maling
katuruan, pagtutuwid sa likong gawain, at pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.
3. Ang Salita ng Diyos ay dapat na itanim o ituro sa lahat ng tao sa anumang pagkakataon, maniwala man sila o hindi,
sapagkat ito ay may kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng tao at pag-aayos ng kanilang buhay.
4. Sa lahat ng tao na mataniman ng Salita ng Diyos sa kanilang tamang puso, sila ay mamumunga ng kaligtasan at
kaayusan sa pamumuhay.
Ibigin mo ang Salita ng Diyos at patuloy mo itong ingatan sa puso mong tapat at malinis. Isabuhay mo ang Salita ng Diyos
at patuloy mo itong ihasik o itanim o ituro sa iba, maging sa iyong mga magulang, mga kapatid, mga kaibigan, mga
kaklase o sa kaninong tao man. Ang tamang pananampalataya kay Jesus ang daan ng kaligtasan at nagbubunga ito ng
matuwid na pamumuhay - ito ang itinuturo ng Salita ng Diyos.

You might also like