You are on page 1of 1

SOUTHRIDGE PRIVATE HIGH SCHOOL

ANTIPOLO CITY
ACA-LITMUS 2014-2015

MGA PAKSA PARA SA DAGLIANG TALUMPATI

1. Sa iyong palagay anu-ano ang basehan at sukatan ng tagumpay?


2. Sa iyong palagay, anu-ano ang mabubuti at masasamang epekto ng salapi sa buhay ng
tao?
3. Anu-ano ang mabubuti at masasamang epekto ng pagpapaskil ng mga pang-araw-araw na
gawain at personal na damdamin sa mga social networking sites?
4. Sa iyong palagay, dapat bang ipakita ng mga TV stations ang aktuwal na pangyayaring
krimen mula sa kuha sa CCTV Camera para ibalita? Ano sa palagay mo ang dating nito at
epekto sa manonood?
5. Papaano mo hahatiin ang panahon mo sa mga sumusunod, tungkulin sa tahanan o
pamilya, pag-aaral, pakikipagkaibigan at tungkulin sa komunidad o bayan? Alin ang
dapat mauna at bakit?
6. Naniniwala ka ba sa winika ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan
kahit na maraming kabataan na ang nalululong sa masamang bisyo at sangkot sa mga
krimen? Ipaliwanag.
7. Sa iyong palagay, anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno ng bansa
upang ito ay makaahon sa kahirapan at korupsiyon?
8. Bilang kabataan, paano mo maipapakita na pinahahalagahan mo ang mga katangian at
kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?
9. Bakit hindi dapat husgahan ang tao batay sa panlabas na kaayuan, kasarian at kalagayan
sa buhay?
10.Bakit kailangang igalang ang paniniwala ng iba kahit ito ay naiiba sa paniniwala mo?
11. Bilang anak, paano maipapakita ang iyong pagmamahal at pagsuporta sa iyong pamilya?
12.Nakita mo ang iyong kamag-aral na kumukuha ng pera sa bag ng isa mong kaibigan.
Paano mo patutunayan na ang katapan o honesty ay di pa nawawala sa Southridgians?
13.Ayaw mo nang pumasok sa paaralan sapagkat di ka tinatantanan ng mga bully o
buskador. Pangarap mong magtapos sa Southridge Private High School, ngunit hindi mo
na kaya ang labis nilang pagpuna sa iyong mga kilos at ginagawa. Ano ang iyong
gagawin?
14. Kung ikaw ay bibigyan ng pangalawang pagkakataong mabuhay na muli, sino ang gusto
mong unang makita o makapiling? Bakit siya?

You might also like