Ang bagyo ay isang malaking unos na mayroong isang pabilog o spiral sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Ang pagdagsa ng maraming bagyo ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima. #DISASTERPREPAREDNESSTIPS IM READY SA BAGYO Bago ang Bagyo 1.Maghanda ng pagkain at malinis na tubig. 2.Maghanda ng mga ilawan ata radyong di baterya. 3.Makinig sa radio o manood sa telebisyon tungkol sa weather update Habang may magyo 1.Manatili sa loob ng bahay 2.Ingatan ang mga kandila o gaserang may sindi 3.Huwag lumusong sa tubig baha upang maiwan ang mga sakit na dala nito Pagkatapos ng bagyo 1.Kung napinsala ang bahay, tiyaking matibay pa ito bago pumasok 2.Mag-ingat sa mga mapanganib na hayop gaya ng ahas na maaaring makapasok sa loob ng bahay. 3.Tiyaking walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig Mga Ahensiya na maaaring tawagan NDRRMC HOTLINE: 911-1406 RED CROSS HOTLINE: 911-1876 PAGASA HOTLINE: 433-8526