You are on page 1of 4

TUGMANG DE GULONG

Ang Tugmang de gulong ay mga salita o pangungusap na nagpapa-alala sa atin ito ay nakalagay sa bus,
jeep, tricycle, at iba pa.

Halimbawa:

1.Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan.

2. Kahit ano pa ang ganda mo, Drayber lang ang katapat mo.

3. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.

4. And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.

5. Sitsit ay sa aso, Katok ay sa pinto, sambitin ang "para" sa tabi tayo'y hihinto.

PALAISIPAN

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas
nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama
ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang nililikha ang mga
palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal
at lohistikal na suliranin sa mga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang
mahalagang ambag sa pagsaliksik sa matematika.

Halimbawa:

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.


Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
5. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang
uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning
ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat
na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot
ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Halimbawa:

Isang reynang maraming mata


nasa gitna ang mga espada.
Sagot: PINYA

Nagbibigay na'y
sinasakal pa.
Sagot: BOTE

Hinila ko ang baging


nag-iingay ang matsing.
Sagot: KAMPANA

May puno walang bunga


may dahon walang sanga.
SANDOK

Buto't balat
lumilipad.
Sagot: SARANGGOLA
AWITING PANUDYO

Ang awiting ito aykaraniwang pumapaksa sa pag-ibig,pamimighati, pangamba, kaligayahan,pag-asa, at


kalungkutan o maaaringginawa upang maging panukso sakapuwa.Layunin nito ay mang aliw.

Halimbawa:

Chit chirit chit


cowboy pen pen de sara pen
leron leron

TULANG PANUDYO

Tulang/Awiting Panudyo Isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak (insult),
manukso o mang-uyam (tease). Ito ay kadalasang may himig na nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag
na Pagbibirong Patula. Halimbawa#1: Ako ay isang lalaking matapang Huni ng tuko (geeko) ay
kinatatakutan. Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo. PedroPanduko, matakaw sa tuyo.

You might also like