You are on page 1of 2

Tao

Para sa
Kapuwa
Sa Mataas na
Paaralang Ateneo de Manila ay may ibat ibang gawaing upang tiyak na ang mag-aaral doon ay
magkaroon ng malasakit. Ito ay pinamamahalaan ng Christian Service and Involvement Program o CSIP.
Tinitiyak ng CSIP na may mga program ang paaralan na huhubog para sa mga mag-aaral na magkaroon
ng malasakit sa kapuwa.

Sa Unang Taon mayroon silang tinatawag na Dungaw Exposure Program. Sa gawaing ito, ang mga mag-
aaral ay magdaraos ng isang gawian sa isang particular na institusyon na itatakda sa kanila. Dito ay
magkakaroon sila ng pagkakataon na magplano ng isang palatuntunan upang sila ay magkaroon ng
pagkakataong makasalamuha ang mga batang kaedad nila at makaisip kung paano sila matutulungan.

Sa Ikalawang Taon naman ay mayroong silang tinatawag na dama-Christian Service Program. Sa


programang ito ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na regular na maglingkod sa
institusyong na naitakda sa kanila. Maaring maitakda silang sa mga institusyon ng mga batang iniwang
ng mga magulang o napulot sa kalye, matatandang pinabayaan ng mga anak, o mga simple op maliit na
paaralan. Gagawain nila ang inaasahang Gawain sa isang particular na institusyon linggo-linggo.

Sa Ikatlong Taon maman ay may tinatawag silang DamayImmersion Program. Dito ay ititira ang mga
mag-aaral sa isang mahirap at simpleng pamilya mula Biyernes hanggang Linggo. Sa kanilang pagsama sa
pamilyang ito, kakainin nila ang kanilang mga kinakain, matutulong sila kung saan sila natutulog,
gagawin nila ang kanilang mga ginagawa upang maramdaman nila kung paano ang mamuhay sa isang
simpleng pamilya.

Sa Ikaapat na Taon maman ay nariyan ang Tulong Dunong (TD) Program. Sa buong taon ay pupunta ang
mga mag-aaral sa isang pampublikong paaralan at dadanasin nila na nagging guro. Magtuturo sila sa
mga bata, magsusulat ng banghay-aralin, at maghahanda ng visual aids.

Sa pagsasagawa ng mga ito ay nakapaglilingkod sila sa kanilang kapuwa. Ito rin ang pagkakataon na
tuluyan silang magkaroon ng malasakitang maging tao para sa kapuwa.
Ang katotohanan sa Likod ng Pork Barrel Scam
Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawa na Pork Barrel Fund ay ang pondo
ng mga senador at kongresista para sa kanilang taunang paglilingkod sa bayan at sa mga mamamayan.
Ayon sa rebelasyon ni Benhur Luy, may halos sampung bilyong piso ang nakuha ni Janet Lim Napoles, na
nakahihinayang dahil hindi to napunta sa mga mamamayan at hindi nagging matapat ang ating mga
pinuno.

Napakalaking halaga talaga ng sampung bilyon. Sa dami ng mga Pilipinong naghihirap, napakasakit na
hindi ito napunta sa kanila. Ayon sa pananaliksik, narito ang maaring napuntahan ng nasabing halaga
kung nagastos ito sa tamang paraan.

Katumbias ito ng may 61,560 na bahay na ipinatatayo ng Gawad Kalinga kung ang bawat bahay ay
magkakahalaga ng isandaang libong piso (PHP 100,000). Hindi bat napakraming pamilyang walang
tahanan ang sana ay nakinabang dito?

Katumbas din ito ng 25,120 na mga bagong silid-aralan na may lawak at laking 49 sq/m. Kung bibigyan
ito ng pondong limanlibong piso (PHP5,000) bawat kuwadrado parisukat, mayroong mahigit 753,000
mga bata ang magkakaroon ng disenteng paaralan at makapag-aaral.

Katumbas din ito ng isang tawong suweldo ng mahigit 23,310 na mga bagong guro sa mga publikong
paaralan na mayroong sahod na PHP 22,000 bawat buwan.

Sa kabila ng mga katotohanang ito, may isang katotohanan na puwede nating magawa upang maiwasto
ang mga maliang maging mapagmatyag upang lumabas ang katotohanan at ito ang mangibabaw.

You might also like