You are on page 1of 6

ICT LIGTAS AT RESPONSABLENG PAMAMARAAN

ARALIN 7 NG PAMAMAHAGI NG MGA DOKUMENTO AT MEDIA FILES

Nilalaman

Ang pamamahagi ng mga dokumento at media files ay pinakamadaling gawin gamit ang
removable device. Ngunit may mga pagkakataong mas mainam magpamahagi ng mga dokumento gamit
ang ibat-ibang application s internet.

Layunin

1. Natuto na makapamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at responsableng


pamamaraan.
2. Naipaliwanag ang mga panuntunan sa ligtas at responsableng pamamaraan ng pamamahagi ng
mga dokumento at media files.

KAYA MO NA BA?

Bago simulan ang Gawain, subukan mong gawin ang sumusunod. Maglagay ng tsek () sa
hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.

Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan sa


pamamahagi ng dokumento at media files

1. Natitiyak na ligtas sa anumang virus na napapaloob sa


gagamiting removable device.

2. Ang virus na nasa loob ng removable device ay hindi


makaaapekto sa mga files.

3. Aalisin muna ang virus na nakapaloob sa removable


device.

4. Ang mga file na nakuha sa internet ay nararapat na iscan


muna bago buksan ang document.

5. Sa pamamahagi ng mga files at dokumento tiyaking hindi


ito naglalaman ng anumang uri ng detalye na makakasira o
makapagpagalit sa taong nakatangggap nito.
ALAMIN NATIN

1. Ano- ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay, paaralan at mga lugar pasyalan na
produkto ng makabagong teknolohiya?
2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito? Bakit?
3. Paano mo ito gagamitin upang maging kapakipakinabang ito?

Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan , kasangkapan at teknolohiya


na tumutulong sa mga tao upang makakuha ng impormasyon, maproseso ito, maitago at maibahagi.
Kasiya-siyang gawin ang pamamahagi ng dokumento at media files gamit ang computer at
internet.
Ngunit may kalakip na mga salik ang paggamit ng mga ito. Ang ilan sa
mga ito ay:

* Exposure o pagkalantad ng mga mga di naaangkop na materyales.

* Maaari kang makakita ng materyales na tahasang sekswal, marahas at


ipinagbabawal o illegal.

* Virus, Adware at Spyware

* Maaaring makakuha ng mga virus sa pamamahagi ng mga dokumento


at media files.

* Removable device.
Ang paggamit ng removable device ay makatutulong sa
pagtatago at pagkakabahagi ng media files at dokumento
subalit maaari ding may napapaloob na virus na makakaapekto
sa mga files at computer.

Ang ilan sa mga kasiya siya at tamang pamamaraan sa pamamahagi ng dokumento at media files

Tiyakin/itakda kung aling website ang maaaring bisitahin at kung gaano katagal maaaring
gumamit ng kompyuter, internet at email.

Gumamit ng mga application na maaaring gamitin sa pamamahagi ng mga dokumento tulad


ng mga social media sites gaya ng facebook at instagram.
Sa paggamit ng removable device, siguraduhing i-scan muna ang device bagot ito gamitin.

Kung nais makapagpamahagi gamit ang nasabing device, tiyakin na ang gagamiting device ay
ligtas sa anumang virus na nakapaloob ditto.

Ano mang uri ng dokumento o media file na pagmamay-ari ng iba ay dapat munang
ipagpaalam bago ipamahagi.

LINANGIN NATIN

(Unang Araw)

Gawain A: Mag -Skit Tayo

1. Bumuo ng apat na grupo.

2. Ang bawat grupo ay tatalakay tungkol sa responsableng pamamaraan ng pamamahagi ng


media files at dokumento at ang kaakibat na panganib na dulot nito. Tingnan ang
pagkakaayos ng grupo batay sa paksang tatalakayin sa ibaba:

a. Pangkat 1 at 2 : Pamamahagi ng mga dokumento at media files sa ligtas at


responsableng pamamaraan.
b. Pangkat 3 at 4 : Pagsunod sa mga panuntunang dapat tandaan sa ligtas na
pamamaraan ng pamamahagi ng dokumento at media files.

3. Gumawa ng Skit o anumang uri ng presentasyon na tumatalakay sa responsableng


paggamit ng computer at mamahagi ng dokumento o media files. Ipakita ito sa klase.

Gawain B: Mga Gabay para sa Ligtas at Responsableng pamamahagi ng mga


dokumento at media files.

1. Makibahagi sa talakayan tungkol sa mga gabay para sa ligtas at responsableng pamamahagi


ng mga dokumento at media files.
2. Isulat sa graphic organizer sa ibaba ang mahahalagang alalahanin para sa ligtas at
responsableng pamamaraan sa pamamahagi ng mga dokumento at media files.
GAWIN NATIN

Gawain C: Patakaran: Gawin Natin. Dapat Nating Sundin..

Gamit ang dating grupo sa Gawain C, gumawa ng tigtatlong patakaran para sa


sumusunod:

a. Pangkat 1 at 2 : Patakaran sa Paggamit ng Computer


b. Pangkat 3 at 4 : Pamamaraan ng pamamahagi ng dokumento at media files.

Isulat sa strips ng kartolina ang bawat patakarang mabubuo at idikit ang mga ito sa
pader ng computer room.

Patakaran sa Paggamit ng Patakaran sa Pamamahagi ng


Computer mga dokumento at media files

SUBUKIN MO

A. Isulat sa notebook ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.

________ 1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng


mga ICT equipment at gadgets.

________ 2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.

________ 3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo sa internet.

________ 4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naiintindihan.

________ 5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong liliban ka sa
klase.

B. Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang-alang sa paggamit ng computer.
1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
a. Buksan ang computer, at maglaro ng online games.
b. Tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin.
c. Kumain at uminom

2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na online message, ano and dapat mong
gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi
naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.

3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
b. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipag-
ugnayan sa aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang
websites kung may pahintulot ng guro.
4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o
address, dapat mong:
a. Ibigay ang hinihinging impormasyon at galang na gawin ito.
b. I-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng facebook,
upang makita ninuman.
c. Iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung kanino
ka nakikipag-ugnayan.

5. Nakakita ka na impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi


naaangkop, ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag pansinin. Balewalain.
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda.

KAYA MO NA BA?

Maglagay ng tsek () sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon
kung HINDI.

Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan ng


pamamahagi ng mga dokumento at media files

1. Natitiyak na ligtas at maayos ang paggamit ng


removable device.
2. Gumagamit ng scanner bago buksan ang anumang
files o dokumento.
3. Nakahahanap ng impormasyon sa mga safe at
recommended sites sa internet.
4. Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit
ng internet at nakaiiwas dito.
5. Nakapagse-share ng files sa mga kamag-aral upang
makatulong sa paggawa ng takdang-aralin.

Paghambingin ang mga nagging resulta ng sagot mo sa simula at pagkatapos ng araling ito.

MGA SANGGUNIAN

https://www.google.com.ph/search?q=pictures+of+children+reading+a+book&newwindow=1&
client=aff-maxthon-
maxthon4&hs=6At&affdom=maxthon.com&channel=t23&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=y_
gdVcmZFdDSoASy7oC4CA&ved=0CAgQ_AUoAQ

You might also like