You are on page 1of 3

Jasmin Nicole Cristobal

8-Curie

Takda #5

Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng mga Kastila

Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili
rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral.
At ditto nagsimulka ang panitikan ng mjga tao rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang
walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong
dantaon din anhg pananakop na ito ng mga Kastila.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Karagatan at Duplo

Isa sa itunuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo. Tinatawag itong
tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan.
Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran
ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay.

Duplo at Karagatan:

Mga laro na itinatanghal kapag may lamay ng patay.

Nagsimula bilang paraan para bawasan ang sakit at lungkot pag may kaibigan o kamaganak
na namatay.

Magbigay ng 5 halimbawa ng eupemistikong pahayag:

Naghirap ang lagay ng kanilang pamilya, simula nang sumakabilang-buhay ang kanilang
Haligi ng Tahanan.
Dapat nating ingatan an gating mga kagamitan dahil maraming malilikot ang kamay riyan sa
tabi-tabi.
Masakit isipin nakipag-isang dibdib na ang taong minahal ko ng sobra.
Hiniwalayan siya ng kanyang kasintahan dahil matalim ang kanyang dila.
Naniwala siya sa balitang kutsero, kaya namay pinariringgan niya ang mga taong kabilang sa
pahayag na nabalitaan.
Jasmin Nicole Cristobal

8-Curie

Takda #6

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula

Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng
pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga
panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang
umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang
may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang
mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang
tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang
sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi
nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat
sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng
pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog
ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag
maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal.

Talasalitaan:

1. Isinisiwalat Ipinapalabas o ipinapakita.


Hal.
Hindi man natin isawalat ang kasalanan, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan.
2. Sakbibi Kakalungin
Hal.
Sinakbibihan ng kanyang ina ang humahagulgol na bata.
3. Itigis Maipagtanggol
Hal.
Dapat nating itigis ang ating mga sarili laban sa mga mapang-api.
4. Tatalikdan Tatalikuran
Hal.
Hindi dapat talikdan ang ating nakaraan.
5. Lumiyag Lumalim ang pag-ibig
Hal.
Sa kanyang pagpupunyaging manligaw, sinagot ko siyat akoy naliyag.
Gabay na Tanong:

1. Paano inilarawan ang pag-ibig sa bayan?


Inilarawan ni Andres Bonifacio ang kanyang pag-ibig sa bayan gamit ang paggawa niya ng
tula. Tula na nagsasabi ng kanyang karanasan sa pakikipagdigma para sa ating bansa. Tula
na naghihikayat sa atin na dapat nating ipaglaban at ipagtanggol an gating bansa.
2. Sino si Andres Bonifacio?
Si Andres Bonifacio ay isa sa mga kilalang bayani ng Pilipinas. Tinagurian siyang Ama
ng Rebolusyong Pilipino. Itinatag niya ang samahang Kataas-taasang Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 1892 na mas kilala sa tawag na
Katipunan. Ang samahang ito ay naglalayong patalsikin ang pananakop ng mga dayuhang
Espanyol sa bansang Pilipinas gamit ang dahas o pakikipagdigmaan.
3. Paano naimpluwensiyahan ng karanasan ni Andres Bonifacio ang kanyang mga isinulat?
Dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol, naisipan ni Andres Bonifacio na upang
makamit ang hinahangad na kalayaan ay kailangang magkaroon ng rebolusyon. Naging
manunulat si Bonifacio, at ang kanyang mga isinulat ay kanyang ginamit upang imulat ang
mga mata ng mga Pilipino tungkol sa mga Espanyol, at hinihikayat ang mga tagapagbasa na
makipagdigma upang makamit ang matagal na hinahangad na kalayaan.

You might also like