You are on page 1of 3

Hudhud ni Aliguyon (Epiko ng mga Ipugaw) ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng

Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang
pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng ibat ibang bagay. Katunayan,
ang napagaralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay
marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga
mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang
pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya. Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si
Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa
kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis
na anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.
Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si
Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang
kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay
Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat.
Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon. Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at
nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil
ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang
paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong
bakbakan, natuto silang igalang ang isat isa. Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at
nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang
nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at
ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani. Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon.
Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni
Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon.
Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga. Ang pilining
asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila
ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.
ANG PINAGKUNAN Hudhud hi Aliguyon, An Ifugao Legend of the Hero, Aliguyon, Introduction to
Philippine Folklore, http://folklore.philsites.net/stories/heroism1.html
Buod ng Epikong Hudhod
ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang
sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon.Siya ay matalino at masipag
matuto ng iba't ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga
kasaysayan at pangaral ng kanyang amaay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan
nang mahusay, at paanoumawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit
nuongbata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.Nang mag-binata si
Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaawayng kanyang ama, sa nayon ng
Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon(reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang
humarap sa kanya ay ang mabangisna anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa
rin sa bakbakan tuladni Aliguyon.Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing
bilis ng kidlat,umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa
hanginang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad niPumbakhayon
ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon atsinalo rin ng isang kamay sa
hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niyaat ipinukol uli kay Pumbakhayon.Pabalik-balik
at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon atPumbakhayon hanggang umabot ng
3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, atwalang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa
bangis at dahas ng kanilangpaghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at
pagkaraan ng 3taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa't isa.Biglang bigla, tumigil sina
Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, angbakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng
payapa (paz, peace) ng kanilang nayonng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon
lahat ng tao sa 2 nayon,at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.Sa paglawak ng
katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik namagkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon.
Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon,pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na
babae ni Pumbakhayon.Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang lumaki itong napaka-gandang
dalaga.Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon.

You might also like